XI | The Silent Years
Cesia's POV
"So... ono gogowon nyo ngoyon?" nagtanong si Art kahit punong-puno pa ng pagkain yung bibig niya.
Nasa basement kami ng mall, kung saan matatagpuan ang food court o school canteen, para mag-lunch. Kumakain ako habang pinapakinggan si Kara na ini-explain ang mga dapat kong malaman tungkol sa unique abilities ng isang demigod.
"Hmm..." Nagisip-isip si Ria. "May bibilhin pa ako mamaya. Ikaw Kara?"
"I'm going with Art." sagot naman ni Kara. "We'll be helping the clinic finish some duties."
Kasunod nila akong tinignan. Pinapaikot ni Ria ang straw sa plastic cup niya nang tanungin ako. "How about you, Cesia? Gusto mong sumama sa'kin?"
"Pupunta sana ako sa library eh." Since mamaya pang alas tres yung Biology namin, naisipan kong magtambay nalang sa library. Kailangan ko rin kasi ng karagdagang kaalaman sa Greek Mythology, para at least, ma-familiarize ko nang kaunti ang mga mythological terms na madalas kong naririnig dito.
"That's okay." Tumayo si Ria. "I'll see you later then!"
"Ria!" tinawag siya ni Art kaya napalingon siya. "Pakibili na rin ng ingredients para sa chicken curry na lulutuin ko mamayang gabi! Pwetty pwease?" sabay abot niya ng lista ng mga ingredients.
"Of course." Tinanggap ito ni Ria. "I'll buy everything you need and drop by the dorm before heading to class."
"Hihihi- thank you!" Umusog si Art para ipilipit ang kanyang mga braso sa beywang ni Ria. "Thank you rin sa perfume! Sobrang bango promise!"
Napasimangot ang babaeng nakakulong sa mahigpit niyang yakap. "Art, let go of me-" Tinulak niya ito nang mahina. "Don't embrace me like that. It's gross. Aalis na ako."
"Itong si Ria ih- hindi pa umaamin na love-love niya talaga ako..." malumbay na sabi ni Art pagkatapos makaalis si Ria. "Wala bang may gustong i-hug ako dito?"
Nang mapansing walang nagsalita sa'min ni Kara, madali niyang binawi ang tanong niya. "Hmp! Du'n na nga lang ako kina Bubbles! Sila lang naman ang true friends ko ih." Galit niyang pinulot yung kutsara at pinuno ng kanin ang bunganga niya habang nagbubulong-bulungan sa sarili.
"Slow down, Art." ani Kara.
Huminto si Art, siningkitan kami ng mga mata, at mas binilisan ang paglamon.
Napabuntong-hininga si Kara bago ilipat sa'kin ang kanyang tingin. "Do you know where the library is?"
• • •
Madali kong nahanap yung library dahil sa binigay na direksyon ni Kara. Malaki rin naman ang nakabukas na pinto kaya nasa malayo pa ako nang makita ko ang loob ng library na nasa kabilang panig ng pintuan.
Nadatnan ko ang napakaraming columns ng mga libro. Mayroon ring mga mesa at upuan para sa mga estudyante. Dumaan ako sa isang table kung saan may nag g-group study at pumunta sa 'History' section. Nasa dulo ito ng library, katabi ng naglalakihang mga bintana.
Sinagi ko ang aking mga daliri sa mga libro na nasa estante para maghanap ng pwedeng basahin... tumigil ako sa isang dark green na libro. Binasa ko ang pamagat.
'Graeco'
Kinuha ko ito at umupo sa pinakamalapit na table para umpisahan ang pagbabasa.
Saktong-sakto dahil nakasulat sa libro ang lahat ng nangyari pagkatapos ng Titanomachy. May mga salita akong di gaanong naintindihan pero nasa footnote naman yung mga kahulugan nito.
Para siyang timeline ng kasaysayan...
"Ah-" lalaktawan ko sana yung kasunod na kabanata nang nagkaroon ako ng papercut. Pinisil ko ang aking daliri at lumabas ang kaunting dugo. Hinintay ko munang mawala yung hapdi bago magpatuloy sa pagbabasa.
Napansin ko ang libro na nakabukas sa pahina na mayroong portrait ng isang babae. Wala sa sarili kong tinrace ang kanyang mukha... "Helen of Sparta..." Binasa ko ang nakasulat na pangalan sa itaas ng larawan.
Ang mga kasunod nitong pahina ay naglalaman ng mga pangyayari sa Trojan War. May narinig ata akong sinabi si Madam Viola na isa ito sa topics na ita-tackle namin sa klase kaya nag-skip nalang ako.
'and so... the Gods went silent.' Hanggang sa nabasa ko ang linyang nakasulat sa gitna ng pinakahuling pahina. Hindi ko namalayang tapos na pala ako. Para kasi akong nagbabasa ng storybook kaya inakala kong nakasulat din pati dito yung history ng Academy.
"The Gods went silent?" Sinara ko ang libro nang takang-taka, dahil marami nga akong natutunan, pero nag-iwan din naman ito ng malaking katanungan sa aking isipan.
Ano namang ibig sabihin n'on?
Tumayo na ako at ibinalik yung libro. Kapansin-pansin ang katabi nito na isang leather-bound book at may gold leaf lettering ng mga katagang 'sub silentio' sa gilid. At dahil nakuha nito ang aking atensyon, kinuha ko ito.
Sandali akong napahinto matapos kong buksan ang unang pahina. "Huh?" Binuklat ko pa ang bawat pahina na kasunod nito ngunit wala pa ring nakasulat. Wala akong nakikitang ni isang salita, o kahit isang tuldok man lang.
Pa'no naging libro 'to kung wala namang laman?
• • •
Binuksan ko yung pinto at dali-daling tumungo sa desk ko. Saktong nag-ring yung bell nang makaupo ako. "Phew." Mabuti nalang at nakaabot pa ako. Abalang-abala kasi ako sa pagbabasa ng mga libro sa library, kaya hindi ko namalayan yung oras.
Pumasok ang isang babaeng naka-white coat at nakasuot ng makapal na salamin. "Alphas." Pumunta siya sa gitna. "Sa mga hindi pa nakakakilala sa'kin, I am Doc Liv, your Biology teacher and the head doctor of the Academy."
Habang nagdi-discuss siya sa mga objectives ng subject, di ko napigilang magtanong kay Art tungkol sa librong nadiskubre ko kanina. "Art, anong ibig sabihin ng sub silentio?"
"Nakita mo siguro yung libro no?" bulong niya. Humilig siya ng konti sa'kin habang nakatingin pa rin sa harap para di halatang nag-uusap kami. "Under silence ang translation n'un... o di kaya the silent years, dahil yun daw yung panahon bago itinayo ng Gods ang Academy. During those years, wala dawng nakakaalam kung ano ang ginagawa ng mga Gods."
Nagkasalubong ang aking kilay. "Eh bakit may ginawang libro para d'on?" Kailangan ba talagang mag-dedicate ng libro para sa mga pangyayaring wala naman palang sense? Saan yung point d'un?
"Ayon sa rumors-rumors ng ating friendly neighborhood classes, yung mga Beta at Gamma, during those years, may mga creatures daw na pinapatay ang mga demigods, kaya itinayo yung Academy. Nagkaroon din daw ng saglit na division ang mga deities. Tas yung iba naman, sabi nila may pinaghahandaan daw yung mga gods ang goddesses." Kumisap-kisap siya. "Dun dun dunnn~"
Napakamisteryoso din naman pala ng kasaysayan ng Academy na'to eh...
"Pero alam mo?" umayos siya sa pagkakaupo. "Sabi ng mga teachers, journal daw dapat yun ng demigod na pinagkatiwalaan ng mga gods na mamuno sa contruction ng school. Kaso, bigla daw siyang poof!" may kasamang sound effects at hand gestures ang pagbabahagi niya. "...naglaho na parang bula. Sobrang wewew-weird diba?"
"Mmm... sobrang wew- I mean, sobrang weird nga."
Gusto ko sanang tanungin pa si Art kaso naalala kong nasa kalagitnaan nga pala kami ng klase at baka madisturbo namin si Doc Liv na kasalukuyang nagtuturo.
"Nymphs are the divine spirits of nature. They are classified as either celestial, land, plant, and water. There are also nymphs found in the Underworld."
Nagsimula na akong magtake-down notes para hindi ako madala ng aking pagka-intriga sa sinabi ni Art tungkol sa Academy.
"The Aurai are an example of the celestial beings. The Oreads, or the mountain nymphs belong to the land along with the Anthousai or the flower nymphs. Water nymphs such as Naiads, or freshwater nymphs are known by some mortals as mermaids."
Mermaids?!
Napansin ni Doc Liv ang reaksyon ko. Namuo ang isang ngiti sa kanyang labi, bago ako siguraduhin na tama nga yung narinig ko. "Mermaids. They do exist in this realm."
Nung bata pa ako, gusto kong maging isang mermaid at manirahan sa dagat. Alam ko namang malabong magkatotoo yung childhood ambition ko at tanggap ko na ito, kaya sapat na para sa'kin ang kahit makakita lang ng isa.
Tapos malalaman kong posible ngang mangyari 'yon? Psh!
Makapagpunta nga sa mga naiads na 'yan...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro