X | Her Daughter
Cesia's POV
Kanina ko pa pinaglalaruan yung ballpen ko habang naghihintay sa susunod na subject teacher. Ipinatong ko ito sa gitna ng desk at gamit ang weapon ko, dahan-dahan ko itong pinalutang.
"Mukhang nasasanay kana ah..." sambit ni Art na nakaupo sa katabing upuan at nakahilig sa'kin para panoorin ako.
"Nagsasanay pa nga lang..." hindi ako nakatulog kagabi dahil nag-ensayo ako kung paano gamitin ang weapon ko. Pagkaraan ng ilang oras, nakuha kong kontrolin ang aking mga kagamitan katulad ng unan, suklay at mga libro. Napag-alaman ko ring mas mahirap kontrolin ang mga mabibigat na bagay. Sinubukan ko kasing itulak yung higaan pero nahilo lang ako bilang resulta. So, para na ring direktang nakakonekta yung bracelet sa utak ko dahil naaapektuhan nito ang ilang senses ko, depende kung gaano kahirap yung gawain.
"Welp! Good for you Cesia!" puna niya. "Mabuti na yung madali kang naka-adapt sa weapon mo. Who knows? Baka may nakakatakot pala na monsters na bigla-bigla nalang susulpot. Pero malabo naman sigurong mangyari yun kasi nasa school tayo..."
Monsters?
"I'm sorry I'm late Alphas. I had some business to attend to." Pumasok ang isang lalaking nasa mid-30s na ata, at nakasuot ng maroon na polo at denim jeans. Halatang hindi siya Pinoy base sa hitsura niya.
"Are you new here?" tanong ni Ria.
"I am, actually. I came all the way from Greece... pero marunong naman akong umintindi at magsalita ng Tagalog kaya wag kayong mag-alala." Nginitian niya kami. "My name is Glen Sozon Mavros, and I will be your semideus handler for this year."
Sinulat niya ang salitang Semideus sa blackboard at sinalungguhitan ito. "Semideus." Nagsimula na siyang magdiscuss. "From the latin words: 'semi' which means half and 'deus' meaning god. Half-god, half-immortal, or simply, demigod."
Nag mental note ako sa sinabi niya.
"In this three-hour long subject, I am going to help you enhance your abilities that you inherited from your deities." Napatingin siya kay Chase tapos kay Ria. "As what I've heard from the faculty, some of you are fond of distracting one other."
Itinaas ni Art ang kanyang kamay. "Sina Chase at Ria po ba yun?" At dahil dito, sabay na nag-react yung dalawa.
"Pakiulit nga yung sinabi niyo tungkol sa distracting-"
"What the hell? I don't remember being a distraction-"
Tumahimik sila nang bigyan sila ni Sir ng tingin na nangangahulugang, kasasabi niya lang ng punto. "Let's proceed outside, shall we?" Lumabas kaming lahat at pumunta sa campus grounds o field. Makikita mula dito yung balkonahe ng dorm namin dahil nasa parehong side ito ng Academy.
"Form your line sideways, facing me." Utos niya sa'min habang nagsusulat sa papel na nakaipit sa bitbit niyang clipboard. "One by one, introduce yourself while I check your records here."
"Let's start with..." pumunta siya sa harapan ni Ria na nasa kabilang dulo ng linya. "Ria, right?"
"Yes, sir." Isang beses na humakbang pasulong si Ria. "The daughter of Ares." Panandalian niyang tinignan si Ria bago muling mapatingin sa record niya. "Summoning weapons. What a handy ability."
Pagkatapos ni Ria, nag forward si Dio. "Dio, son of Poseidon."
"Dio..." nakatuon si Sir sa clipboard. "Can seek and control water... of course, no doubt."
Kasunod siyang pumunta sa harap ni Chase. "And I believe you are-" Biglang nawala si Chase sa kinatatayuan niya at bumalik na may suot na cap. "Chase, son of Hermes, sir."
"Speed huh?"
"Pakisali na rin yung taglay na kagwapuhan ni Hermes bilang bonus na ability, sir." Sabay taas-baba ng kilay ni Chase. "Hindi naman sa pinipilit kita. Nagsu-suggest lang. Hehe."
"Hermes nga." Tumango-tango si Sir bago harapin si Cal.
"So, you are Cal? The Son of Hades?" tanong ni Sir sa kanya. Nagkatitigan lang silang dalawa hanggang sa matawa si Sir. "Can summon darkness and detect underground premises. Okay then..."
"Kara." Sumunod si Kara. "Daughter of Athena, Sir."
"Ah... extraordinarily intelligent, strategical in battle..." nginitian siya ni Sir. "Just like your mom."
"Trev." Saka siya napatingin kay Trev na walang ginawa kundi ang tumayo lang na parang isa sa mga istatwa sa ceremonial hall.
"Son of Zeus." Si Sir Glen nalang ang nagsabi ng deity niya. "Summoning electricity and manipulating elements that make the weather. His son indeed."
"Next, we have Ar-" lumundag si Art sa harap bago pa matapos ni Sir na banggitin yung pangalan niya. "Daughter of Apollo. Hi po! Nice to meet you!"
"Hello art." Nakangising bati ni Sir sa kanya. "Collecting sunlight to store tremendous amount of energy, then used to create light and provide healing. I guess that explains your constant giggling and excitement... because you are a living source of energy, right little sunshine?"
"Mmm! Very right!" masiglang sagot ni Art.
Sabi ko na nga ba. May koneksyon yung dugong Apollo niya sa pagiging energetic niya.
"Last but not the least, the new member..." hindi ko namalayang nasa harap ko na pala nakatayo si Sir. "Cesia." Nabigla ako nang tawagin niya ang bago kong pangalan.
"Umm..." di mapakali ang kamay kong nakakuyom. "Wala pa po kasi akong ideya kung ano yung abilities ko. Hindi ko nga alam kung meron ba ako eh."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Judging from your looks..." Sumingkit ang kanyang mga mata. "You are a daughter of Aphrodite, aren't you?"
Tinanguan ko siya. "I am, sir." Tama. Goddess of beauty, love and sexuality ang deity ko.
"And you really have no idea about your abilities?" tanong niya na tinanguan ko ulit.
May dinukot siyang pito mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa'kin. Nagulat nalang ako nang bigla siyang pumito sa harapan ko. Mayamaya, isang owl ang pumatong sa braso niya.
Teka. Sa'n yan galing?
"He is one of the Academy's messenger birds." Hinimas-himas niya ang balahibo nito. "He also responds to the name Mister or Mister Owl."
"O-okay..." Magpapakilala din ba ako kay Mister Owl na 'yan?
"Now..." Naging seryoso ang tono ng kanyang boses. "Command him to get something."
"Po?" Gagawin niya akong owl whisperer? Sinasabi niya bang 'yan yung ability ko? Kaya kong makipag-usap sa mga... ibon?
"Just command him to get something." pag-uulit niya.
Kumurap-kurap ako habang nakatitig sa ibon. "G-get something?" Ano ba kasi 'tong pinapagawa niya? Wala na akong naiintindihan dito...
"Verbally or not, order him to get something. Perhaps, a flower petal will do."
Seryoso nga talaga siya sa pinapagawa niya sa'kin...
Tinignan ko yung owl na walang kamuang-muang kung bakit napasali siya dito. "I- uhh... order you to get something... a flower petal?" Pwede na ba 'yon?
Pa'no ba kasi? Exercise ba 'to or ano? Hindi ko masyadong makuha kung ano talaga yung purpose nito-
"Do it within twenty seconds or I'll kill him right on the spot."
"Pfft-" Tatawa na sana ako, kaso nakita ko yung ekspresyon niya.
"Twenty..." Nagsimula na siyang mag-countdown. "Nineteen..."
"Pero s-sir-"
"Eighteen." Hindi ako maka-angal dahil mas nilakasan niya ang pagbilang. "Seventeen." Naglabas siya ng maliit na kutsilyo kaya nakaramdam na ako ng takot. "Sixteen..."
Pag ako napuno sa school na'to- "Mister Owl..." Hindi ko talaga alam kung para sa'n to eh! "Kumuha ka naman ng petal oh please?" Ayoko pa namang sisihin yung sarili ko pag namatay siya. Wala naman siyang ginawang masama. Naging staff lang siya ng Academy. Nagtatrabaho lang siya dito tapos papatayin lang siya nang ganun-ganon lang?
"Fifteen... Fourteen... Thirteen..."
Teka lang!
"Mister Owl..." nagmamakaawa na ako. "Sundin mo lang ako kung ayaw mong mamatay, kung gusto mo pang balikan yung pamilya at mga kaibigan mo..." Di kaya suicidal ang owl na'to kaya sinasadya niyang magbingi-bingihan? Sa tingin ko, dapat ko pang dagdagan ng motivational lines-Agh! Ano ba 'tong iniisip ko?!
"Ten... Nine..."
H-Hoy! Ba't bumilis?!
"Eight..."
Kung palihim ko kayang gamitin yung weapon ko para itulak siya mula sa braso ni Sir Glen? Pagsisikapin ko lang na huwag ipahalata-
"Seven..."
Verbally or not... Verbally... or... not....
"Six..."
'Mister Owl? Pakinggan mo'ko. May kailangan ako sa'yo. Lilipad ka, at hahanapan mo ako ng flower petal. Hindi ka maaaring bumalik nang wala ito.'
"Three..."
'ngayon na.'
"Two... and-"
'I SAID NOW!'
Halatang nabigla siya dahil daglian siyang napaurong bago pumagaspas papalayo sa'min at lumipad papasok ng gubat.
Sinabihan kami ni Sir na hintayin siyang makabalik.
Hindi niya alam na kontento na ako kung hindi na muling magpakita ang ibon na'yon, para sa ikabubuti ng pakiramdam ko. Okay naman kung hindi na siya babalik diba? Para hindi siya mapatay ni Sir kung sakaling bumalik siya nang walang dala... o ibang bagay yung nakuha niya...
Pagkaraan ng ilang segundo, nahagilap ng mga mata ko si Mister Owl na papalapit nang papalapit sa aming kinaroroonan.
Gusto kong umiyak sa saya nang makita ang nakasipit sa kanyang bibig, isang puting flower petal. I repeat, bumalik siya dala ang isang flower petal dahil yun yung inutos ko! Ewan pero gusto kong magcelebrate!
Napatingin ako sa mga kasamahan kong nakatingala pa rin. Napansin kong may ipinagbago sa reaksyon nila habang nakatingin sa itaas.
"What the-" kumunot ang noo ni Chase.
"Are we being attacked?" tanong ni Ria.
Nagtaka ako kaya muli akong lumingon sa direksyon ni Mister Owl at nalamang hindi siya mag-isa. Bumigat ang aking panga dahil sa sandamakmak na mga ibon na nakasunod sa kanya.
Wala naman akong sinabi na magdala siya ng recruits ah?
Sobrang dami nila na bumaba sa gitna ng field.
"Umm..." napaatras ako dahil sabay-sabay nilang inilagay sa aking paanan ang mga flower petals. Pagkatapos, hindi sila umalis at nanatiling nakatingin sa'kin.
Yumuko ako para malapitan sila. "Thank you..." Nagpasalamat ako sa kanila, kahit di inaasahan yung ginawa nila. "Pwede na kayong bumalik."
Pagkasabi ko n'on, ay nagsiliparan na sila. Tumayo ako at sinundan ng tingin ang isang grupo ng owls na lumilipad pabalik sa gubat. Samantalang, bumalik naman sa pagkakapatong sa braso ni Sir Glen si Mister Owl.
"Your voice must've reached out to other owls within the area, Cesia." sabi ni Sir.
"Siguro nga..." Napasigaw na rin kasi ako eh...
Bumaba ang aking tingin sa lupa at nakita ang hugis na nabuo ng mga petals: isang malaking bulaklak. Hindi uniporme ang kulay nito pero matingkad pa rin namang tignan... katulad ng mga mata ni Aphrodite...
Kailan kaya ulit kami magkikita?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro