VII | First Day
Cesia's POV
Nagising ako dahil sa init na dumapo sa aking balat. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nalamang umaga na.
Kinuha ko ang unan sa tabi ko saka ipinatong ito sa aking ulo. Pumikit ako at ilang sandali pa'y agad napabangon nang maalalang first day of class nga pala ngayon.
Hinablot ko ang digital clock na nakapatong sa night stand.
"Seven thirty?!" tinapik-tapik ko ito. "Agh!" Akala ko automatic din na tumutunog yung alarm clocks nila. Malay ko ba na manual pala 'to? Edi sana naka-set ako ng alarm bago matulog!
Binalik ko ito at dali-daling tumayo. Tumakbo ako papuntang banyo para maligo. Pagkatapos, nagbihis na ako at mabilisang dinampot yung school bag ko. Mabuti nalang talaga at naisipan kong ihanda yung mga gamit ko kagabi.
Lumabas ako ng kwarto nang natataranta.
Siguro wala na talaga akong pag-asa. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kapag may nagtanong sa'kin kung bakit late ako sa first day-
"Good morning, Cesia!" bati sa'kin ni Art. Nakaupo siya sa dining table kasama sina Ria at Kara. Samantalang yung boys naman, nasa sala nanonood ng TV.
Namalayan kong ako pa lang ang nakasuot ng uniform kaya napakurap-kurap ako.
"Advanced..." komento ni Chase matapos akong makita. "Advanced mag-isip."
"Cesia, ibaba mo muna yung bag mo." Tumayo si Ria. "First subject starts at ten, today." Kumuha siya ng plato, kutsara't tinidor at inilapag ito sa harap ng katabi niyang upuan. "Samahan mo kaming mag-breakfast." alok niya.
Binaba ko ang bag ko sa tabi ni Chase at tumungo sa mesa. Umupo ako at nakita ang breakfast na nakahanda: eggs, bacon, vegetable salad at pancakes.
"We still have time. You think we can stop by the mall to shop before heading to class?" Binuksan ni Ria ang ref at kumuha ng isang pitcher ng orange juice. "My perfume bottle is almost empty. Kailangan ko na ng bago." Nilagyan niya ng juice ang baso sa harap ko bago niya ibinaba sa mesa ang pitsel.
"Shopping?" pwede ba 'yon?
"Yeah." Tumango siya. "Natural lang 'yan pag first day."
"Mmm! Pwede!" sumang-ayon si Art. "Para makabili na rin ako ng additional stickers!"
Sumabay nalang ako sa plano nila. Campus mall? Shopping before first period? Ngayon ko lang alam na may ganyan pala. Iniwan nila ako sa dining table para makapagbihis din sila. Pagkatapos, sabay kaming lumabas ng dorm at dumiretso sa mall.
"Wala ba kayong campus mall sa mortal realms?" nagtanong si Art.
Umiling ako. "Ilang taon na ba kayo dito?" Hindi ba nila naranasang mag-aral sa... mortal realms?
"Direct descendants of Gods and Goddesses don't age like normal humans do, Cesia." si Kara ang sumagot. "Immortality is mixed with the blood in our veins. It doesn't make us fully immortal, but it does, however, grants us faster healing and immunity against normal diseases."
"In this realm, we age slower too." dumagdag si Ria. "That's what makes the Academy's system, complicated."
Papuntang mall, nakikinig lang ako sa kanila na pinapaliwanag sa'kin kung ano ang sistema ng Academy at ano ang ibig sabihin ng academic years nila dito. Tumatango-tango din ako paminsan-minsan.
Ayon sa pagkakaintindi ko, na hindi ko rin gaanong naiintindihan, hindi pare-pareho ang curriculum ng tatlong classes. Sa Gamma, Curriculum of Servitude ang binibigay ng Academy sa kanila. Mananatili sila rito for six years. Tinuturuan sila ng basic subjects sa first three years, at sa next three years naman, lahat ng subjects nila ay tungkol na sa service at kung paano mamuhay bilang chosen keepers ng mga deities. Sa class nila, juniors ang tawag sa mga students na nasa first to third year, at seniors naman ang mga students na nasa fourth to sixth year.
Curriculum of Descendancy ang curriculum ng Beta. Since direct descendants sila, required sa kanila, ay at most, twelve academic years. Oo, labindalawang taon. Juniors ang tawag sa mga students na nasa first to sixth year at seniors naman ang nasa seventh to twelfth year nila.
"We may be eighteen, nineteen or twenty in the mortal realm, and we'd look like it, but the mythological realms don't count our age, Cesia." ani Kara. "You are either young or old, and that depends on how much life has already taught you."
"Because in this realm, your life is one of your teachers." dugtong ni Ria. "Every end of the school year, may nagaganap na evaluations. Students have to go through a series of tests given by Athena, the goddess herself, para ma-determine kung ilang taon pa ang kakailanganin nila sa Academy in order to become fully-grown descendants of the Gods."
"Paano kung transferee ka?" tanong ko.
Napag-alaman ko rin na sa cases ng transferees, ang new students ay magiging first years by default. Ito nga lang ay para sa Curriculum of Servitude, dahil sa Curriculum of Descendancy, may nangyayaring bridging. Awtomatikong napupunta sa lowest year level na meron sa class ang mga transferees, hanggang mag-evaluations. Kaya sa Beta, posible kang maging senior this year tapos next year, maging junior. Ito ay kapag sa pagpasok mo, nasa senior level ang youngest batch ng Beta class tapos sa evaluations, makakakuha ka ng mas mababang rating na required para maging senior. Pero malabo naman daw na mangyari 'yon, dahil base sa number of students nila, imposibleng wala silang junior students.
Hindi katulad ng Gamma na may six different schedules at six different sets ng subjects para sa anim na levels, dalawang class schedules at dalawang set ng subjects lang ang meron sa Beta: ang Junior's at ang Senior's.
"So magkakasama sa magkaparehong classroom ang students na magkaiba-iba ang years?" muli akong napatanong. "Paano 'yon?"
"You're either a Junior or a Senior." sagot ni Ria. "And besides, paulit-ulit lang din naman ang subjects ng first-to-six years, and seven-to-twelve years eh. What really makes the difference here is the..." huminto siya saglit para makapag-isip. "the very extracurricular activities..."
Kumunot ang aking noo. Very extracurricular activities?
Dumaan kami sa campus park. May ilang circular benches na nakapalibot sa malaking fountain na nasa gitna. Natatanaw ko na rin ang mall ng Academy. Pangkaraniwan lang ang istraktura nito, katulad ng mga maliliit na malls sa syudad.
Ngayon ko lang nadiskubre na nakatago pala sa likod ng mala-palasyong Academy, ang mini-version ng isang modernong komunidad. May park, mall, at garden. May nakikita rin akong mga puting gusali sa likod ng gardens, na parang mga templo...
Hindi ko inasahan na ganito pala ang depinisyon ng 'complicated' na sinasabi ni Ria. "Ang sakit nga sa ulo..." Pero umaasa naman ako na maiintindihan ko rin ito pag nagtagal na ako dito. "Pero teka. Ano naman yung sa Alphas?"
"The Alpha Curriculum. It's just like the Beta's, but it's the curriculum set for the class na may pinakaleast na population. Like seriously, there are an estimated one-thousand Gammas and four-hundred Betas..." sumimangot si Ria. "-and we're only eight. JUST EIGHT."
Ang sabi niya, nahahati din sa juniors at seniors ang Alphas pero sa ngayon, lahat kami ay seniors kaya iisa yung schedule namin.
Sa evaluations kasi, isang level ng test ay katumbas ng one-year worth of wisdom. Kakailanganin mo munang malampasan ang labindalawang levels bago ka pwedeng makalabas ng Academy. At last school year, nakaabot ng tenth level sina Kara, Trev, at Cal. Ibig sabihin nito, kailangan pa nila ng at most two years sa Academy. Sina Dio, Ria at Chase naman ay nasa ninth.
"Twelve levels ang binigay ni Athena para daw maging fair kay Heracles na isang demigod din. Psh!" Halatang hindi sang-ayon si Art sa standards ni Athena. "Ang hirap-hirap kaya nun. Hanggang eighth nga lang ako simula pa last last year ih! Hmp!"
Naputol ang pag-uusap namin nang makapasok kami sa mall. Bumigat ang panga ko nang makita ang mga stalls na nasa first, second, at third floors. Halos lahat kasi ng mga ito ay may pangalan ng mamahaling brands.
Nilingon ako ni Ria. "Nasa basement ang canteen pero mamaya nalang tayo pumunta do'n. We're here to shop."
Nakasunod lang ako sa kanilang tatlo habang nagmamasid. Maliit nga na mall pero malaki naman ang halaga ng mga binibenta nila.
Pumasok kami sa isa sa mga stalls. Nakakasilaw ang loob nito dahil hindi lang tiles at counter ang kumikintab, pati na rin ang mga alahas na nakadisplay kung saan-saan. Sa dingding, naroon ang glass cabinets kung saan nakapaloob ang mamahaling perfumes.
"I heard there's a new collection of fragrances..." hingin ni Ria sa isa sa mga associates.
"Yes, of course." nginitian niya kami. "Follow me."
Tumalikod ang babae at saka ko lang nakita ang nakatiklop niyang pakpak. Napasinghap ako bago napatingin sa cashier na may puting pakpak din.
"They're the aurai or the breeze nymphs..." napansin ako ni Kara. "They're everywhere, creatures assigned to accommodate the students. The woman you met at the main desk is also one."
Tumango ako.
"Here they are... fresh from New York." Tumigil kami sa harap ng apat na perfumes na nakapatong sa pulang cushion. Nagsuot ng gloves ang aurai bago kumuha ng isa para ipakita kay Ria.
"How about you three?" tinignan niya kami. "Do you have perfumes?"
Umiling si Kara.
"Ubos na rin yung akin..." sagot naman ni Art.
Tapos sabay silang napatingin sa'kin, naghihintay sa sagot ko. Hindi ako makasalita dahil kinutuban akong bibilhin nila ang mga perfumes na naka-display sa harapan namin... at wala akong pambili dahil unang-una, hindi ko dala ang pitaka ko, at pangalawa, isang daan lang ang laman n'on.
Binigyan ko sila ng nag-aalanganing ngiti. "Actually... meron na ako-"
"Kara, is she lying?" tanong ni Ria.
"She is." sagot ni Kara.
"Well then." hinarap ni Ria ang aurai. "We'll take the four of them."
Nanlalaki ang aking mga mata nang tignan ang aurai na ibinalik ang perfume at may tinawag din na kasamahan niya. "T-teka lang po-" Akmang lalapitan ko siya pero nginitian niya lang ako. "Please wait at the counter, miss. We'll prepare these for you, just for a moment."
"Pero wala ho akong pambayad-" biglang kinuha ni Art ang kamay ko at hinatak ako papunta sa counter. "Cesia naman ihh! Ba't nakatayo ka lang d'yan?"
Nakarating na kami sa counter. Pinagpapawisan ako habang pinapanood kung paano nila pinapack ang bawat perfume. Nilagay nila ito sa kahon na may cushion bago ipinasok sa kanilang luxury shopping bags.
"Ria..." kinalabit ko siya. "Ria, wala akong pera..." umiling-iling ako.
Baka ikulong nila ako dito dahil wala akong pambayad. Hindi pwede 'yon dahil wala akong plano na makulong, o di kaya i-detain... ayoko n'on!
"Calm down." nginitian niya ako. "Libre ko'to." Tinanggal niya ang kanyang ID mula sa case nito.
"Talaga?" pagsisigurado ko.
"That would be a total of... two seventy-six thousand, and three hundred fifty-seven point eighty-four pesos."
Lumabas sa aking isipan ang digits na binanggit nung cashier.
P276,357.84?!?!
"And what do you mean na wala kang pera?" tanong ni Ria sabay abot ng kanyang ID sa cashier. May pinindot ang cashier sa monitor bago niya iniswipe ang ID ni Ria sa card machine.
"Wala pa bang nakapagsabi sa'yo tungkol sa yearly allowances natin?" nakapameywang siya. "A part of our grace that we receive every claiming ceremony is our cash allowance."
Umiling ako.
"Give me your ID." aniya.
Tinanggal ko ang ID ko at ibinigay ito sa kanya. Ipinasa niya naman ito sa cashier saka nagtanong, "Excuse me, can you check the balance of this account?"
"Gladly." Tinanggap ito ng aurai nang nakangiti. Isinauli niya muna kay Ria ang ID niya bago i-check yung sa akin.
"Your deity sent you the amount of nine million and a half pesos into your account." nginitian niya ako.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Sure na po ba talaga 'yan? Hindi po ba kayo nagkamali ng basa?" Baka kasi nine hundred fifty pesos talaga 'yon.
Tumingin siya ulit sa monitor. "Oh, you're right. There was a mistake." Ilang segundo niyang tinitigan yung screen. "I meant to say dollars. Nine million and five hundred thousand... dollars."
"Po?!" napasigaw ako dahilan na mapatingin ang lahat sa'kin, pati na rin yung ibang estudyante na nandito.
Kinuha ni Ria ang ID ko at ibinalik ito sa'kin. At dahil hindi ako makagalaw, siya na mismo ang nag-angat ng sling ko at naglagay nito sa case. "Your ID is connected to your Inter-realms Bank Account, meaning, you can also use it to withdraw money in the mortal realms."
"C'mon Cesia, iniwan na tayo ni Art. She's obviously in one of those stores that sell collectibles." Tinapik niya ang balikat ko. "...or in the kids' section."
• • •
"Here..." binigay sa'kin ni Ria ang isa sa apat na perfumes na binili niya kanina. Bumalik muna kami sa dorm dahil may thirty minutes pa kami bago ang first period.
"Thank you..." napangiti ako.
"No worries." kinindatan niya ako bago tumungo sa kanyang kwarto.
Pumasok na rin ako sa kwarto ko para makapag-ayos. Inilabas ko ang perfume at ipinatong ito sa vanity table, katabi ng bulaklak na natanggap ko kahapon bilang welcoming gift. Pagkatapos, napatigil ako nang mapansin ang isang bagay na nasa ilalim ng petals nito.
Pinulot ko ito.
Bracelet... na gawa sa ginto. Sa gitna ay may outline ng swan na nakatagilid at nagmistulang mata nito ang isang maitim na bato.
Isinuot ko ito at kusang nag-adjust yung bracelet para magkasya sa aking kanang kamay. Kasunod na lumiwanag ang mata ng swan at nagbago ang kulay nito. Mula sa black, naging... purple na may halong pink?
'It has such beautiful eyes, doesn't it?' narinig ko ang boses niya. 'Just as beautiful as yours, my love.'
Napangiti ako.
Ilang sandali pa ay natagpuan ko ang aking sarili sa classroom. Kasama na rin namin yung boys na wala sa dorm kanina, pag balik namin. May sarili din ata silang lakad.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na may katandaan na. Nakasuot siya ng eyeglasses na may strap. Dala niya rin ang isang makapal na libro. Dumiretso siya sa teacher's table saka niya kami tinignan. "For those of you who don't know me yet." Tumigil ang kanyang tingin sa'kin. "Call me Madam Viola, and I'll be your history teacher for this year." May pagka-sophisticated ang accent niya. Lalo na nung sabihin niya ang pangalan niya.
"We'll be tackling the usual..." binuksan niya ang kanyang libro. "Greek Mythology."
Nagsimula siyang magdiscuss tungkol sa kasaysayan... ako naman, binuksan ko rin yung libro ko at todo highlights sa mga pangalan na binabanggit niya. Sa unang pagkakataon, hindi ako inaantok sa klase. Siguro dahil madaling nakuha ng topics ang atensyon ko.
Pinag-aralan namin ang pinakaumpisa. Mula kay Chaos na nothingness... hanggang kina Gaia, the Earth at Ouranos, the Sky, na silang mga magulang ng Twelve Titans na namuno sa mundo pagkatapos patayin ni Cronus si Ouranous, na sarili niyang ama. Kasali na rin sa diskusyon namin ang kwento ni Cronus at Rhea, na nagbigay-buhay ng anim ng magiging major gods...
Mabilis na dumaan ang isang oras at narinig na namin ang pagtunog ng bell. "Next meeting, we are going to discuss about the history of Mount Olympus and Athens." habilin sa'min ni Madam Viola bago lumabas ng classroom.
"Yes!" nilapitan ako ni Art na sabik na sabik ata sa susunod na subject. "Tara sa training room para sa PE!"
"Aayusin ko muna yung mga gamit ko-"
"There's no need for that." sambit ni Ria. "You can leave your things here. You'll figure out why, later."
"Tara na kasi!" tumalon-talon si Art. "Gusto kong makita kung anong bago sa training room! Iiiihhhhh!!!" napatili siya.
Nagkibit-balikat nalang ako saka iniwan ang mga gamit ko sa upuan. Sumama na ako sa kanila at papuntang training room, napaisip ako kung anong klaseng PE ang meron sila at kailangan pa talaga ng training room.
Binuksan ni Dio ang pinto at tumambad sa'min ang isang napakalawak na silid. Malawak nga ito pero wala naman akong nakikitang upuan, mesa o kung ano, maliban nalang sa shield, bow at sword na nakalatag sa sahig.
"Who the heck stole my weapon from my room?!" galit na tanong ni Ria.
"You're welcome." ani Chase na nakasandal sa pader. Kinaway-kaway niya sa'min ang kanyang weapon: isang golden feather, na may patalim bilang dulo.
"Nakalimutan mo ata, I can summon this anytime." marahas na dinampot ni Ria ang kanyang espada. "Useless demigod."
Kinuha na rin nina Art at Kara ang mga sandatang natanggap nila bilang grace.
Lumabas mula sa sulok ang isang lalaki. Base sa kanyang hitsura at tindig, mas matanda siya sa'min nang ilang taon. "Each one of you was given something bright. You are either holding it, wearing it or you possess it within you."
Matapos niyang sabihin 'yon, napatingin ako sa bracelet na suot ko.
"One thing that I'm sure of, is that all of those were made by a God." Huminto siya sa gitna, nang nakaharap sa'min. "Every type of gold is unique for each one of you because it is pure gold mixed with ichor, the golden blood of your deity."
"Sinasabi mo bang hawak-hawak ko ngayon ang dugo ni Ares?" nakaangat ang kilay ni Ria.
"Yes." sagot niya. "Which means no other creature can hold it for more than a few seconds. It is only made for you, and you alone."
"Kita niyo 'to?" itinaas ni Chase ang kanyang palad para ipakita sa'min ang gitnang bahagi nito na may paso. "Kakabitbit ko 'yan sa weapons niyo, tapos hindi niyo man lang naisipang magpasalamat."
"Hala..." napasinghap si Art. "Thank you Chase..."
"Eyes here, everyone." Muli kaming napatingin sa lalaking tinawag ang atensyon namin.
"I'm Rio, your trainer for this school year." Ngumiti siya tapos sumeryoso ulit. "Now, show me what you've got with your new weapons."
"I volunteer to be first." sabay taas ni Ria ng kamay. "If you let me kill Chase."
Umayos ng tayo si Chase. "Sinong may sabing nag-volunteer din ako? Huh?"
"The both of you, speed and war, come here." utos ni Sir Rio sa kanila.
Nakangiti si Ria nang makalapit silang dalawa sa gitna. Kabaligtaran naman si Chase na nag-aalinlangang lumapit.
"You're not here to fight each other." Ipinakita ni Sir Rio sa'min ang remote na nasa kamay niya. Saka siya lumingon sa kabilang dulo ng silid. "You're going to fight them."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro