VI | The Alphas
Cesia's POV
Nakasemi-circle kami habang nakatayo sa gitna ng hall.
"Ah, so where were we?" dumako sa harap namin si Jonah. "Oh right." Tumango-tango siya. "Listen, the oracles have told me that you are to receive your graces privately."
Sandali akong sumilip sa likod niya at napag-alamang nawala na rin yung iba na kasama niyang nakaupo sa platform kanina. Bale, siyam nalang kaming natira dito.
Napailing si Chase. "Walang kwenta yung pagpapapogi ko ah. Nagperfume pa ako."
"As if you're handsome to begin with? Saka, gusto mo bang mag amoy putok?" nakaangat ang isang kilay ni Ria.
"Ano ba, Ria..." ani Chase. "Wag mo ngang ipahalata na concerned ka talaga sa'kin. May nakikinig oh. Just keep it to yourself, okay?"
"What the actual f-"
"Stop it, you two." Bago pa matuloy sa bangayan ang pag-uusap ng dalawa, ipinatigil sila ni Jonah. "Kapag wala kayong balak tumigil diyan, baka mabigyan ko kayo ng expulsion bilang grace."
Pagkatapos marinig ang banta ni Jonah, sabay silang napaharap sa direksyon na taliwas sa isa't-isa. Inisnaban pa ni Ria si Chase bago niya kami nilapitan nang naka-ismid.
"Why is this year's ceremony... a bit different?" kasunod na nagtanong si Kara.
"Hindi ko rin alam." sagot ni Jonah. "We are not allowed to question any order given to us. Or else, the Gods will question our obedience."
"Of course. They'll question our obedience." dagdag ni Ria. "We're basically their dogs."
"Ria." matalim ang tingin ni Kara sa kanya. "That's enough."
Napaatras ako nang maramdamang naninikip yung dibdib ko. Huminga ako ng malalim saka bumuga ng hangin. Pinagpatuloy ko lang ito hanggang sa mawala ang sumasagabal na karamdaman.
Normal na sa'kin ang magkaganito. Sinubukan kong magpacheck-up dati dahil akala ko, may sakit ako sa puso. Naka-ilang doktor na ako pero gano'n pa rin ang resulta. Wala naman daw akong deperensya sa puso o sa kung anong bahagi ng katawan ko.
"Cesia..." marahan akong siniko ni Art, na nasa tabi ko. "okay ka lang?" bulong niya.
"Umm... oo." Nahalata niya siguro yung galaw ko.
"Sabihin mo lang kapag 'inde ah?"
"Sige..."
"Okie." binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bago muling tignan si Jonah.
Napabuntong-hininga ako.
"Time is ticking, Alphas." paalala ni Jonah. "We should not waste time. So, each of you, go and remain standing in front of your deity to receive your grace." Utos niya na agad namang sinunod nila.
Samantalang, naiwan akong mag-isa. Wala akong ibang magawa kundi sundan sila ng tingin at isa-isa silang pagmasdan.
ARES
Binasa ko ang pangalan na nakaukit sa kuwadradong pundasyon ng malaking istatwa sa harap ni Ria. Inangat ko ang aking tingin at napatitig sa imahe ng lalaking nakasuot ng pandigma. May bitbit siyang spear at ang isa pa niyang kamay ay nakahawak sa espadang nakasandal nang patindig sa kanyang tabi. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa harap at bahagya siyang nakayuko, tila handang tumakbo para salubungin ang kung ano mang naghihintay sa kanya sa labanan.
Naalala ko si Ria nung nagpakilala siya. Ganyan din ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Pag unang tingin mo, para siyang galit sa'yo.
'Ria, an Alpha, Daughter of Ares, the God of War...'
"God of War..." bulong ko.
Pagkatapos, kay Chase na naman ako nakatuon.
HERMES
"Hermes?"
"Messenger of the Gods." Narinig ata ako ni Jonah kaya siya na mismo ang nagbigay-alam sa'kin. "God of Trade... Speed... and a lot more."
Hindi matanggal ang aking tingin sa kanyang mukha. Mas bata kasi siyang tignan kung ikukumpara kay Ares. Wala siyang saplot pang-itaas, naka-ikot lang sa kanyang beywang ang pantakip na tela, na hanggang kalahati lang ng kanyang hita ang haba. Kapansin-pansin din ang suot niyang helmet at sapatos, na may mga pakpak. Bitbit niya ang isang staff na may maliliit na mga pakpak na napapaligiran ng dalawang magkapulupot na mga ahas.
ATHENA
Nakatayo si Kara sa harap ng istatwa ng babaeng nakasuot ng breastplate, at sa ilalim nito ay kasuotan na pang Ancient Greece. Yung light, medyo loose at flowy na damit. Hawak-hawak niya ang napakahabang spear at may nakasandal na shield sa kanyang paanan. Sa kanyang balikat, nakapatong ang isang owl na para bang nakatingin kay Kara.
"Goddess of War and Wisdom..." ani Jonah. "The wise and courageous."
APOLLO
Si Art naman, tumatalon-talon sa harap ng lalaking may dalang lyre. Nakapatong sa kanyang kulot na buhok ang isang wreath, at nakakapit ang isa pa niyang kamay sa tela na nakatakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
"God of the Light and Healing... As oracles, we live a life of loyalty to this Olympian, as he is also the God of Truth and Prophecies."
"Nakita niyo na ba siya?" usisa ko.
"We do not talk to him. We can only ask for his grace and convey his messages." sagot niya. "Art, however, may have. She is his daughter after all."
"They say, a son or daughter of Apollo absorbs energy directly from the sun and use it as their own..." Kasunod na nagbago ang ekpresyon sa kanyang mukha, na ipinagtaka ko. Naging seryoso kasi siya. "But even the sun can disappear, Cesia. It might set, but never rise again."
Matagal-tagal din akong napaisip sa sinabi niya.
The sun might set, but never rise again...
"Naniniwala pa rin akong may kaunting liwanag ang matitira." Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi. "Kahit isang spark lang, sapat na para makabuo ng apoy."
"You talk about Elpis like you have met her."
"Elpis?"
"Elpis is a young woman, who carries flowers and plants the seeds of hope in people's hearts at their darkest times."
Hindi ko siya naintindihan. Napagtanto kong syempre, hindi ako makakaintindi, dahil kaunti lang ang alam ko sa Greek Mythology at related ata sa mitolohiya yung binanggit niya.
Ibinaling ko nalang ang aking atensyon kay Dio na nakatingala sa kanyang deity.
POSEIDON
Sa harap niya, naroon ang lalaking makapal ang balbas at nakapatong sa alon. May dala siyang... parang malaking tinidor?
Teka. Mukhang alam ko na kung sino siya. Isa lang kasi ang alam kong God na may hawak na malaking tinidor o trident. Si Poseidon, ang God of the Sea and Water.
Sa pagkakatanda ko, isa siya sa big three ng mga Olympians, tatlong magkakapatid na naghahari sa tatlong teritoryong itinuring na pinakamalawak.
HADES
Napadako ang aking mga mata kay Cal na nakayuko ang ulo habang nakatayo sa tapat ng lalaking makapal rin ang balbas at nakakapit sa kanyang dalawang-tulis na sibat. Mas matanda siyang tignan at nakaupo sa paanaan niya ang isang aso na may tatlong ulo. Nakatayo din siya sa mga bungo at buto ng mga tao.
"The God of the Underworld." narinig kong sabi ni Jonah.
Kung si Poseidon ay sa karagatan, tapos si Hades naman ay sa Underworld...
"Zeus." Naalala ko ang pangalan ng God na siyang hari ng Olympus. Ang deity na pinakamakapangyarihan sa kanila at siyang namamahala sa kalangitan.
Hinanap ko ang statue niya.
Mayamaya'y nakita ko nga ito, nakatayo sa dulo.
Siya lang ang deity na nakaupo sa trono. Nakapatong sa dulo ng armrest ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa isang lightning bolt.
Kasama sa natagpuan ko ay ang estudyanteng nakapamulsa sa harap ng istatwa. Nakatitig lang siya sa nakaukit na mga letrang: Z-E-U-S.
Sumayad ang aking tingin sa sahig. Lahat sila naka-settle na. Samantalang ako...
Akmang lalabas na ako ng hall nang tanungin ako ni Jonah.
"Hindi mo ba siya naririnig, Cesia?"
Nilingon ko siya. "Sino?"
"Your mother."
Natawa ako. "Wala siya dito." Dahil sino ba naman ako para balikan niya? Malay ko ba na isang goddess pala siya. Iniwan niya pa rin ako. Ni isang beses hindi siya nagpakita sa'kin. May kapangyarihan siya, edi sana binisita niya ako kahit papano, pero hindi niya nagawa. Lumaki akong hindi siya kasama at kung desisyon niya man 'yon, na iwan ako, hahayaan ko nalang siya sa kagustuhan niyang-
"It was never my decision to leave you."
Napahinto ako dahil sa pamilyar na tinig ng babae.
"and... I was always with you, my love."
Ang boses na 'yon...
"Cesia." tinawag ako ni Jonah. Tinignan ko siya nang naluluha ang mga mata. Naiiyak ako at wala akong ideya kung bakit.
"You decide your fate." Inilahad niya ang kanyang kamay. "You can walk out the door and continue the life you have lived." pinapili niya ako. "Or you can take my hand and I will bring you to your deity."
Napatingin ako sa malaking pinto ng ceremonial hall.
"Which is it, child?" tanong niya.
Kinakabahan ako. Gusto kong bumalik kay Auntie at ipagpatuloy ang buhay na nakasanayan ko na dati. Kung tatanggapin ko ang kamay ni Jonah, magbabago na lahat. Mahihirapan akong mag-adjust dahil malaking pagbabago ito.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ipatong ang aking kamay sa kanyang palad.
Kahit anong deny ko, pipiliin ko pa rin ang katotohanan. Gusto ko ng mga kasagutan at ang lugar na ito lang ang makakabigay sa'kin n'on.
Nakatitig ako sa sahig habang sinusundan si Jonah.
Sobrang lakas ng bawat kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko, kung anong mararamdaman ko.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa harap ng isa sa mga statues. Kinuyom ko ang aking mga palad at pumikit.
Paninindigan ko ang desisyon ko.
Binuksan ko ang aking mata at tumingala.
Isang babae ang nakatingin sa'kin. Nasa ibabaw ng kanyang balikat ang kamay niya, na tila hinihila pataas ang kanyang damit. Bitbit niya ang isang mansanas at nabalot ng bulaklak ang ibabang bahagi ng kasuotan niya.
Napasinghap ako nang dahan-dahang naging totoo ang mga bulaklak. Bawat ito'y nagkaroon ng kulay at sabay na bumukadkad. Sumama ang mga ito sa ihip ng hangin na dumaan sa harap ko.
Napalingon ako sa direksyon kung saan ito patungo at namalayang wala na ako sa ceremonial hall. Nakatayo ako sa napakagandang hardin at pinapalibutan ng kumikinang na mga halaman. Maaliwalas ang langit, wala akong nakikitang mga ulap... kahit yung araw, wala din.
Nakita ko siyang nakaupo sa gitna at nakatingin sa mga bulaklak na tumigil sa paglipad at dumikit sa kanyang damit. Nakabraid ang kanyang buhok na kasingkulay ng ginto at mayroong wreath na nakapatong sa kanyang ulo.
Tumayo siya atsaka ko lang nalaman na sobrang tangkad niya pala. Suot niya ang damit ng mga babae ng Ancient Greece, pero hindi ito yung common na style dahil nasa ibabaw ng puting tela ang isa pang layer ng transparent na gold.
Bigla siyang nawala kaya napakurap-kurap ako.
"What is the matter, Cesia?"
Nagulat ako nang lumitaw siya sa aking harapan. Ngayong kaharap ko na siya, hindi ko maiwasang mamangha sa hitsura niya.
"Ang..." napalunok ako. "A-ang ganda mo..."
Para akong sinampal ng kaligayahan nang mapangiti siya sa sinabi ko.
Naramdaman ko ang malambot niyang palad sa aking pisngi. "Heavenly..." lumapad ang kanyang ngiti. "my daughter..."
Paiba-iba ng kulay ang mga mata niya. Minsan nagiging blue... tapos brown... green... violet... gray... pink... at ang balat niyang lumiliwanag dahil sa kaputian niya. Ang tangos ng kanyang ilong at yung labi niyang nakakurba sa isang ngiti, sobrang... perpekto ng hugis.
"So tell me, Cesia." Binaba niya ang kanyang kamay. "Have you not met me before?"
Umiling ako. Kilala ko siya at ang boses niya. Siya ang babaeng madalas na nagpapakita sa mga panaginip ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" tanong ko.
Naging malungkot ang ngiti niya. Narinig ko pa siyang napabuntong-hininga. "I thought I could protect you on my own... but I was wrong. I deprived you of the truth, of who you are."
"Protect?" nagtaka ako.
"Yes, love." sagot niya. "The world is a cruel place and I, alone, is not enough to keep you safe. You need to stay here, Cesia. Stay with your new friends. I will entrust you to them."
"Paano si Auntie?" nag-aalala kong tugon.
"She knows." sabi niya dahilan na mabigla ako.
"A-ano?" Alam niya pala noon pa?
"She vowed to raise you in behalf of your father and I." tuluyan na ngang nabura ang ngiti sa kanyang labi. "your father... he trusted her."
"Nasaan siya? Yung papa ko?"
"Dead." maiksi niyang sagot na nagdulot ng kalungkutan sa'kin.
"Anong nangyari sa kanya?"
"I..." kumunot ang kanyang noo. "I couldn't protect him-" napayuko siya. "My heart, I couldn't protect my love, a mortal my heart chose to keep-" Nanlalaki ang kanyang mga mata nang tignan ako. "Are you mad at me too? Are you going to leave me because I was not a perfect mother to a child as beautiful as him-"
"Hindi ka naging perpekto." saad ko. "Pero kaya pa rin kitang tanggapin."
Napangiti siya. "and you're as kind as him too..." Niyakap niya ako.
Gumaan ang aking pakiramdam nang yakapin niya ako. Isang araw lang pala ang katapat sa ilang taon ng pangungulila. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan ang mga luhang kanina pa nagbabantang makatakas.
Bumitaw kami sa isa't-isa at sabay na pinunasan ang aming pisngi. Napansin naming magkapareho pati ang galaw ng kamay namin kaya natawa na rin kami nang marahan.
Huminga siya ng malalim. "I should go now." sabi niya.
Tumango ako kahit nasasaktan ako, gusto ko pa kasi siyang makasama ng matagal.
"Don't worry, Cesia." muli niyang hinaplos ang mukha ko dahilan na mapapikit ako. Kung pwede lang na sumama ako sa kanya...
"I am always watching over you."
Pagdilat ko, nakatayo na ako sa harap ng lumiliwanag na istatwa ng deity ko.
Mayamaya, na-realize kong hindi pala yung statue ang lumiliwanag kundi ako.
Nakaramdam ako ng kakaiba at napatingin sa suot kong... gown?
Napanganga ako nang makitang hindi na ako naka-uniform. Pinalitan ito ng long gown na mahigpit na nakayakap sa katawan ko. Paiba-iba rin ang kulay nito, depende sa kung saang angle ito titignan.
Wait. Seryoso ba talaga siya sa ginawa niya sa'kin?
"OH. MY. GODS." Nilapitan ako ni Ria na bitbit ang isang gintong espada.
Inikot ko ang aking tingin at nakita sila na may dalang iba't-ibang kagamitan, ngunit magkaparehong gawa sa ginto ang lahat ng mga ito.
Hawak-hawak ni Kara ang malaking shield na may kakaibang details. Si Art, may pana... pati string nito ay ginto din. Si Cal na nasa tabi niya ay may sinusuring singsing na parang plate ang haba at hugis, at may maitim na bato sa gitna. Nakalutang sa ibabaw ng palad ni Chase ang isang golden feather? Umiikot ito at ang dulo nito'y parang dulo ng kutsilyo. Isinuot naman ni Dio ang pendant. Sa gitna nakasabit ang hugis-diamond na vial, na may lamang parang tinunaw na ginto.
Lahat sila meron... maliban kay Trev na nakatayo sa likod nila.
"You can go back to your dorm, now." sambit ni Jonah.
Bago pa ako makalabas ng ceremonial hall, nilingon ko siya. Tinanguan niya ako at sinenyasan na sumunod na sa iba.
• • •
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Nasa kwarto ako at tapos na rin akong magbihis. Hindi ako makagalaw habang tinititigan ang repleksyon ko sa salamin.
Bumagsak ako sa upuan at hinawakan ang aking mukha, pati na rin yung buhok kong iba na ang kulay. Dati maitim ito tapos ngayon, kasingkulay na ng tsokolate.
Mas diniinan ko pa ang paglapit sa salamin para suriin ang mukha ko.
Nakahilamos na ako pero bakit ganon? Bakit para pa rin akong nakamake-up?
Permanente na ba 'to?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro