LXV | Child of Light
Art's POV
Ba't ang pangit ng mga giants? napatanong ako pagkatapos tamaan ng liwanag ang mukha ng isa.
"Du'n, Blobblebutt!" sabi ko kay Blobblebutt sabay turo sa tatlong estudyante na pinagitnaan ng mga cyclops.
Pinagpatuloy ko ang paghatak at pagbitaw ng tali ng pana ko nang ilipad ako ni Blobblebutt papunta do'n. Napatigil lang ako pagkatapos tumama ang bola ng liwanag sa balikat ko kaya nabitawan ko yung weapon ko at muntik na rin akong mahulog sa maliit na pagsabog nito.
Mula sa gintong pana na nasa lupa, lumipat ang aking tingin sa babaeng nasa likod nina West at Mei.
Lumiliwanag ang magkabilang palad ni Kaye habang nakatutok sa'kin.
Pagkatapos, napayuko ako ng ulo sa nasunog kong balat sa harapan at gilid ng aking balikat. Hininga ko nang malalim ang patinding hapdi na naramdaman ko mula rito, saka muling inabot ang mariing titig ni Kaye.
Huh. Nagalit ko talaga ata siya...
"Blobblebutt," masaya kong sambit, sa halip ng sakit. "Pakibaba nga ako, thank you!"
Bago pa lumapat ang kanyang mga paa sa lupa, tumalon ako pababa mula sa likod niya. Kinuha ko 'yong weapon ko at bitbit ito, ay tumungo kila Kaye.
Hinadlangan ako ng babaeng ahas kaya napasingkit ako.
"Bes..." bulong ko.
Pumalipot ang buntot niya sa lupa at inangat ang katawan niya kaya napatingala ako sa kanya.
"Demigods..." Mahaba siyang sumitsit sa huli ng salita.
Luminga-linga ako para tignan kung may mga kasama ako, at saka nagtaka, kung bakit demigods ang sinabi niya kung mag-isa lang ako.
Nanlaki ang mga mata. May mumu?!
Madahan akong suminghap.
Kaluluwa ng mga namatay na demigods?!
"Aaaah!" Tumili ako paiwas sa kamay ng babaeng ahas na nagtangkang sunggaban ako. "Sabi ko na nga ba!" Tumakbo ako paikot sa kanya kaya napaikot din siya. "Haunted school yung Academy!" Tinili ko ang huling kataga.
Pero mabilis ding nabaling ang pag-alala ko nang bigla akong nadapa.
Nauntog ang mukha ko sa putik pero imbes na mapangiwi sa sakit ay kusa akong napatigil.
Kumurap-kurap ako pagkatapos iangat ang aking ulo, at ilang sandali pa'y nilasap-lasap ang lupa na dumikit sa labi ko.
Yung...
Namilog ang aking mga mata.
Yung...
Gumulong ako at natatarantang tumayo.
Yung first kiss ko!
Hindi pwede. Tumakbo ako palayo sa babaeng ahas bitbit ang pana sa isang kamay, at nakahawak sa labi ang kabila. Hindi pwede!
"Aaah!" Hinampas ko ang weapon ko sa daemon na biglang sumulpot sa harapan ko. Napapadyak ako nang hatakin ang string at pinadalhan ng palaso ang isa pang daemon na patakbong sumugod sa'kin.
Umikot ako upang makailag sa spear ng isa sa mga pulang aliens at pinatama na naman ang pana ko sa ulo nito. Humaltak lang ang noo nito imbes na matumba kaya gamit ang kabila kong kamay, sinapak ko siya.
"Iiiiih!" Muli akong tumakbo, papunta kay Cal.
"Cal!" naiiyak kong tawag sa kanya.
Mabilis ang paglingo'ng ginawa niya sa'kin.
"Cal!" sigaw ko. "Patawarin mo 'ko! Waaah!"
"Why?" aniya nang huminto ako sa harap niya. "What happened?"
"Y-Yung-" Hindi ko maigalaw nang maayos 'yong nguso ko, dahil bukod pa sa nananakit ito, hindi ko rin matanggap 'yong nangyari. "Yung first kiss ko, Cal!"
Halatang ipinagtaka niya ang sinabi ko.
Pati nga siya hindi makapaniwala!
"Eh kasi!" Nagsimula na akong magpaliwanag. "Nadapa ako! Tapos! Tapos!" Pinihit ko ang aking paa paikot saka hinampas ang pana ko sa braso ng pulang alien. "Kasalanan ng babaeng ahas yun, eh!" Malakas kong sinipa ang sikmura nito at pinako ang katawan nito sa lupa gamit ang isang mahabang palaso.
"Cal!" naiiyak kong sambit. "Huhuhu! Sorry talaga."
Muli akong humarap sa kanya.
"Promise! hindi ko yun sinadya-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nandilim ang isang sulok ng aking pananaw at naramdaman ko nalang ang pag-ikot ko habang nakapaloob ako sa bisig niya.
Lumiwanag ang aking mukha.
Pinapatawad na niya ako?
Hindi natuloy ang paggaan ng damdamin ko nang makita si Kaye sa kabilang dako ng field na kabababa lang ng bitbit nitong pana habang nakaharap sa'min.
Hindi ko maialis ang aking mga mata sa namuong ngiti niya nang dahan-dahan akong napahawak sa likuran ng lalaking nakayapos sa'kin at hindi gumagalaw.
"Cal..." bulong ko nang madamang may nakabaon sa likod niya.
Bumigat ang mga braso niya at huli kong narinig ang nangungupas niyang hininga bago siya matumba.
Hindi mapakali ang aking mga mata pagkatapos marinig ang pagbagsak ng katawan niya sa lupa. Pilit kong iniwasang tumingin dito pero sa huli, napaatras ako at naguguluhang tinignan ang kalahati ng makapal na palasong nakaturok sa likod niya.
Nagsimulang manginig ang aking mga mata't labi habang nakatuon sa lalaking nakataob ang katawan sa lupa.
"Cal," sambit ko ulit, gamit ang boses umaasang sasagutin niya ako.
Pero hindi, kaya dali-dali akong yumuko sa tabi niya at nanginginig na hinawakan ang palasong sumaksak sa kanya.
Isang nagtitimping iyak ang kumawala sa aking bibig nang hatakin ko ito at agad itinapat ang mga palad ko sa sugat niya.
Namilipit ang aking mukha nang makita ang liwanag sa ilalim ng mga kamay ko na naglalaho-laho, nahihirapang lumabas, nahihirapang tanggapin kung sino ang sinusubukan nitong galingin.
Kung sino ang sinusubukan nitong buhayin.
Lumabas ang maraming dugo mula sa sugat niya at pilit ko itong binalik, habang umiiling-iling, at naluluha.
"Cal-" Malakas akong napasinghap, pero mahinang napadaing. "Cal..."
Cesia's POV
Dahan-dahan kong hinarap si Art na mangiyak-ngiyak habang pilit pinaghahawakan ang dugo mula sa likuran ng nakahandusay na katawan ni Cal.
Mula sa malayo, narinig ko ang langit na dumagundong. Pero madali ko itong nabalewala dahil kay Art na unti-unting napayuko nang humahagulgol.
Nanatili akong nakatitig sa kanya, at habang tumatagal, naramdaman ko ang pagbaba ng kakaibang bigat sa aking magkabilang balikat.
Kasabay ng malalim na paghugot ng hangin ni Art ay ang pagliwanag ng bawat ilaw at bawat kinang sa aming kapaligiran.
"Cesia!" Narinig ko ang papalapit na sigaw ni Ria.
Umangat ang naluluhang mga mata ni Art at ninakaw ang bawat liwanag na nakapalibot sa'min, kabilang na ang liwanag ng buwan, kaya panandaliang dumilim ang aming kapaligiran, bago sumabog ang nakakabulag na liwanag mula sa kinaroroonan niya.
Biglang may tumulak sa'kin bago tuluyang nabalot ng puting liwanag ang aking paningin. At kasabay ng paggulong namin sa lupa ay ang pagdaan ng nakakabinging ingay ng pagsabog na yumanig ng kinaroroonan namin.
Pagkalipas ng ilang segundo, napangiwi ako sa hapdi nang angatin ko ang sarili ko mula sa lupa, at saka napatigil.
"Fuck-" Napamura si Ria malapit sa'kin.
Tila nagising ako mula sa pagtulog dahil pagkatingin ko sa paligid, maaraw na.
May narinig din akong mahihinang sagitsit kaya napatuon ako sa balat ng braso kong umuusok.
"Agh-" Nabulunan ako sa sakit nang biglang may humatak nito at dali-dali akong pinatayo.
"You can't stay here," sabi ni Kara.
Sumunod kami ni Ria sa kanya at patakbong naglakad patungo sa ibang Alphas na nanliliit ang mga mata habang lumilinga-linga.
"Good morning," namamaos na bati ni Chase sa'min nang makarating kami.
Yumuko si Dio sabay pikit, at minasahe ang pagitan ng kanyang mga mata. "Gods damn." Kumurap-kurap siya. "I thought I was blind for a second."
Sa tabi niya ay si Trev na nakasayad ang paningin sa harapan. Nakahalukipkip ang mga braso niya sa dibdib, tila nanlulumo. Huminga siya nang malalim at saka kami tinignan nang namamagod ang mga mata.
"Whatever you do, don't look up," ani Kara. "Unless you want to turn blind."
"Anong gagawin natin?" tanong ni Chase.
"We need to do something," sabi naman ni Ria. "Before the sun falls and she burns us all, alive."
Nanghahapdi ang aking ilong at nanlalabo ang aking paningin habang nakikinig sa kanila.
"Cesia," sambit ni Ria.
"H-Huh?" Namalayan kong nakatingin silang lahat sa'kin.
Matagal-tagal nila akong tinitigan.
"Can you?" tanong ni Dio, na ipinagtaka ko. "Can you do it again?"
"Ang alin?"
"Can you talk to her?" tugon ni Kara.
Ilang sandali pa ang kinailangan ko para maintindihan ang ibig nilang sabihin. Saka ako napalingon sa babaeng nakaupo sa gitna ng mababaw na butas sa lupa.
Patibok ang paglabas ng liwanag mula sa katawan niya at sa bawat pagpakawala niya ng kapangyarihan, lumalaki ang nagbabagang lupa na nakapalibot sa kanya.
Walang nagtangkang lumapit kay Art, maliban sa alaga niyang hippogriff na hindi nagawang makaapak sa sunog na lupa kaya lumibot-libot lang ito sa kanya nang may distansya.
Narinig kong nagsalita si Trev dahilan na manumbalik ang aking atensyon sa kanila.
"She can't," saad niya.
Nag-abot ang aming tingin.
"She shouldn't."
Dumapo ang kabiguan sa mga mata ng iba nang marinig ang sinabi niya.
"Then what else should we do?" tanong ni Ria. "There's no escaping the fucking sun."
Napakunot ako ng noo pagkatapos marinig 'yon.
Walang makakatakas...
Bigla akong may naalala.
Walang makakaligtas...
"Auntie," mahina kong sambit.
Naglibot-libot ang aking mga mata sa likod nila. Bahagya pa akong napasilip upang hanapin siya, at sa kabutihang palad, nasilayan ko siyang may inalalayang Amazon na nagkapaltos-paltos ang katawan.
Saka ko napansin ang isang sleeve ng damit niyang nasunog, at sa ilalim nito, ang malaking gasgas sa kanyang braso na umuusok.
"Protect the allies," utos ni Trev. "I'll see what I can do."
Napalunok ako bago muling harapin 'yong Alphas.
"Yung auntie ko," tugon ko. "Pakiuna."
Humugot ako ng malalim na hininga at nahirapang ngitian sila. "Mahilig pa naman yung unahin yung iba kesa sarili niya."
"Cesia," ani Kara.
Tumango-tango ako, dahilan na mapatingin sila sa isa't isa.
Sa huli, sabay silang tumuon kay Trev na sinenyasan silang umalis kaya't kaming dalawa nalang ang naiwan.
Sinulyapan niya ako mula ulo hanggang paa, at pagkatapos ay tinitigan ako, mata sa mata, tila naghihintay na babawiin ko yung desisyon ko.
Umiling ako.
Gumilid ang kanyang ulo kaya nasilayan ko ang paghigpit ng kanyang panga.
Bumaba ang kanyang noo. "Cesia." Muli niya akong tinignan. "A person can't change entirely in one night. What are you trying to prove?"
Na hindi totoo yung sinabi ni Athena.
"Na makikinig sa'kin si Art?"
Umawang ang kanyang bibig at mula rito, narinig ko ang mahina niyang tawa, halatang di naniniwala.
"Di ako nagbibiro," sabi ko.
At saka siya napasimangot. "And you think I was?"
Napabuntong-hininga ako. "Trev-"
Buong akala ko'y pipigilan niya ako kaya laking gulat ko nang senyasan niya rin akong umalis.
"Go before I change my mind."
Dali-dali akong naglakad palayo sa kanya at habang papalapit kay Art, nilingon ko siya na sinusundan ako ng tingin.
Bakas ang dismaya sa mukha, binigyan ako ni Trev ng isang huling sulyap bago ibaba ang kanyang mga braso at tinalikuran ako upang sundan yung iba.
Humarap ako kay Art.
Nagawa mo na 'to dati, Cesia...
Tumuwid ang aking likod, at bumagal ang aking paglalakad bilang paghahanda.
Kailangan mo lang makiusap nang maayos, patahanin si Art...
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Pero iwasan mo munang mamatay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro