Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LXII | Captured

Cesia's POV

Art...

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Art," bulong ko nang nakakunot ang aking noo. Sumasakit kasi 'yong ulo ko at ang huli kong naalala ay si Art na nilipad ng nilalang na 'yon.

Sinubukan kong gumalaw pero napatigil ako pagkatapos naramdamang nakatali ang mga paa't mga kamay ko.

"Can't believe it's this easy to capture them." Narinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki. "Nasaan na ba si Kaye at bakit ang tagal niya?"

"Just shut up, West, will you?" Pamilyar din ang tinig ng babaeng sumagot. "Kaye's still in the other room interrogating the faculty."

"What's taking her so long?"

"I said shut up, at wala akong pakialam kung anong ipinagtagal niya. Ang mahalaga andito na sila."

Nahihirapan man, pilit kong itinuwid ang namimigat kong ulo upang tignan ang dalawang estudyante na nasa gitna ng silid.

Si West, at kasama niya ang babaeng sinigawan ako no'ng unang araw ko sa Academy. Sa pagkakatanda ko, isa rin siyang Beta, na nagngangalang Mei.

Inilibot ko ang aking paningin at natagpuan ang ibang Alphas na katulad ko ay nakagapos din. Nakasandal sa pader sina Kara at Ria habang nakahilig naman sa haligi sina Dio at Cal. Si Chase, ay patagilid na nakahiga sa sahig, at panghuli kong tinignan si Trev na nakayuko sa pader na pinakamalapit sa kanya.

"Oh, good, one of them's up." Narinig kong sabi ni Mei nang mapansin ako.

Tinignan ko sila.

"It's the new one," aniya.

"The daughter of Aphrodite," dagdag ni West.

Sabay silang lumapit sa'kin, at nahagilap ko ang namumuong panganib sa likod ng nangungusisa nilang mga tingin.

"Surprise." Nakangising sabi ni Mei. "Are you? Surprised?"

Hindi ako makasagot.

"Judging by the confused look on your face..." Pinagtawanan niya ako. "You are."

Binigyan ko rin si West ng tinging hindi makapaniwala, at nginitian niya lang ako.

"Did you like the flowers?" Yumuko siya sa tabi ko nang nakapatong ang isang braso sa nakatupi niyang tuhod. "I personally picked them for you."

Umiling-iling ako. "Ano ba talagang gusto niyo?"

Iniwasan ko ang kamay niyang nagtangkang hawakan ang aking mukha. Pero nagawa niya rin naman at pilit akong pinaharap sa kanya.

"If only you knew..."

Napaurong ako nang ilapit niya pa ako sa kanya.

"How much we've been dreading for the day..." Hindi niya pa rin binibitawan ang aking panga. "Where we can put you in your place."

"But you're new, aren't you? Poor you." Lumalim ang kanyang boses. "Are you starting to regret it? Signing the letter? Joining the class?"

"Dahil kung hindi pa, ako na ang magsasabi sa'yo, Cesia, na isa ako sa naniniwalang hindi karapat-dapat na mabuhay ang mga katulad mo," saad niya.

"The Alphas are too overrated, don't you agree, Mei?" Nginitian niya ako. "You were born to become an Alpha. You're one of the lucky few and you don't even know it."

"And I hate it." Sa wakas ay binitawan na niya ako. "I hate how you hold greater power without earning it." Tumayo siya. "And I hate how you're taking it for granted, being descendants of the ruling gods."

"Demigods like you don't belong anywhere, Cesia." Namumuhi ang kanyang mga matang sumayad sa'kin. "Most especially not at the top."

"You just don't deserve it," sabi niya.

Mula kay West, dahan-dahang lumipat ang aking atensyon sa lalaking nalaman kong kanina pa masamang nakatitig sa kanya ngunit hindi lang nagpaparamdam.

Sa sandaling nagkasalubong ang aming tingin ni Trev, biglang bumukas ang pinto at binungad si Kaye na napatigil nang makita kami.

"Kulang sila." Dali-dali siyang dumako sa gitna ng silid. "Nasaan yung isa?!"

"Amp*ta, ang ingay-ingay, may nagpapahinga!" sigaw ni Chase na humiga pahilata.

"Shut the fuck up, Chase!" sigaw pabalik ni Ria sa kanya.

"Tumahimik kayong dalawa!" galit na tugon ni Kaye. "One more word and I will kill you right on the spot."

"Why not try?" mahinahong panghahamon ni Dio.

Humarap si Kaye sa kanya. "Because I'd rather see you suffer first." Isa-isa niya kaming tinignan pagkatapos.

"Why not?" Binalik niya ang katanungan kay Dio. "Bago pa man ako dumating sa lugar na'to, nagdusa na ako, at mas lalo akong nagpakahirap para lang maging Elite at makapasok dito."

"You must have lost your mind somewhere on the way here," ani Ria. "Should we go look for it?"

"Funny," sarkastikong puna ni Kaye. "Do you want to lose your breath?" suhestyon niya. "Or one of your friends'?"

Pinadalhan siya ni Ria ng isang pilit na ngiti. "Not if you lose yours' first."

"Do you even know what I went through, Alpha?" Pinaningkitan siya ni Kaye. "I killed an oracle to become the Elite, and I had to learn how to disguise it. I had to teach myself how to hide my power under the school's radar, and most especially yours'. I also had to figure out how to break the barrier just so I can go in and out of the Academy."

"Fortunately, I have back up," pagpapatuloy niya. "I was advised to sacrifice Athena's sacred animals to break the barrier, and I did..." Nginitian niya ako. "And I even gave you a taste of my power, didn't I?"

"A mistake on your part," sambit ni Kara.

Nilingon siya ni Kaye.

"Because of your little show, we started to suspect your presence in the Academy."

Dahan-dahan siyang hinarap ni Kaye. "Sinadya ko 'yon," giit niya. "I wanted to give you a chance to leave, but you didn't, and so I had to bring all this mess to the Academy."

"There's really no one here to blame but you." Tinignan niya kaming lahat. "All of you, for making things worse."

"What do you really want from us, Kaye?" tanong ni Ria. "Say it already."

"Simple lang naman ang gusto ko," sagot ni Kaye. "Kailangan ko ang isa sa inyo."

Nagkasalubong ang aking kilay. Para saan?

Tila para sagutin ang katanungan ko, muling nagsalita si Kaye. "Well, according to Theosese who properly hid the blueprints of his machines inside the Academy, there's a way to become the Elite, and another to become Seht."

"I should've known about it way back then, kung hindi niyo lang ninakaw ang libro mula sa kwarto ko." Sinenyasan niya si Mei na may inilabas na libro at agad itong inabot sa kanya.

"Should I tell you?" Binuksan ni Kaye 'yong libro. "It says here..." May dinuro siya sa isa sa mga pahina nito. "I have to call upon death and draw the blood of someone who has the ability to manipulate, or control."

"Because there are still things the Elite can't do, like manipulate the weather..." Sinulyapan niya si Trev, kasunod si Cal. "Control the shadows..."

Sinarado niya ang libro, bago ako tinignan. "Or control everyone's will."

"You," sambit ni Kaye sa'kin. "I want your power, Cesia."

Huminga ako nang malalim at tahimik itong ibinuga.

"Once I become Seht, I will have the power of more than just one god," sabi niya. "And you could only imagine the many things I could do."

At saka ko napagtanto kung bakit ako lang ang pinakamalayo sa iba, kung bakit ako lang mag-isa ang nasa dakong 'to ng silid.

Inabot ni Kaye ang kanyang kamay kay West na pinalitan ang libro ng isang dagger, at bitbit ito, dahan-dahan akong nilapitan ni Kaye, tila binibigyan ako ng oras na makatakas, pero ilang segundo lang ang binigay niya sa'kin kaya hindi ko ito nagawa.

Lumihis ang aking paningin mula sa kanya nang angatin niya ang aking panga gamit ang dulo ng dagger.

"The voice that you use to command comes from your throat..." Tinuon niya ang blade sa aking leeg. "It is only fit that I draw your blood..." Huminto ang dulo nito sa gitna ng aking lalamunan. "Right here."

Napalunok ako. "K-Kaye..."

"You're going to drown in your own blood if you speak again."

Napasinghap ako nang idiin niya ang blade at kasunod akong nakaramdam ng hapdi na parang may mahigpit na pumipisil sa lalamunan ko.

Hindi ko alam kung sasaksakin niya ako o gigilitan, dahil ang tanging alam ko lang, masasaktan ako, at madugo ang kahahantungan ko.

Bumilis ang pagtibok ng ng aking puso, pati na ang aking paghinga, nang madama ang kaunting init ng dugo na dumaloy pababa sa aking dibdib.

Hindi na rin ako makalunok dahil napangiwi lang ako sa hapdi nang subukan ito.

Pumikit ako upang pigilan ang mga luha kong nagtangkang magsilabasan.

Naramdaman ko ang kaunting kapal ng blade na nagawang bumaon sa aking balat bago biglang may sumabog.

Naglaho ang dagger. Narinig ko itong natapon.

Dumilat ako at walang ibang nakita kundi usok lang, ngunit pagkaraan ng ilang segundo, agad kong namukhaan ang babaeng nakasakay sa likod ng malaking ibon.

Patuloy pa rin akong humihinga nang malalim nang tignan si Art na siyang may kapakana ng malaking butas sa pader.

"Charan!" Itinaas niya ang gintong pana sa kamay niya. "Art to the rescue!"

Hindi ko maialis ang aking tingin mula sa kanya nang may marahang humatak ng mga braso ko at pinakawalan ito.

Nilingon ko si Ria nang namamasa ang mga mata.

"I told you." Binigyan niya ako ng isang maginhawang ngiti. "You'll be okay."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro