Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LXI | Pricked

Cesia's POV

Ang mahalaga sinusubukan mo, sabi ko sa sarili pagkatapos muntik nang mahulog mula sa likod ng centaur na hindi pa nakuntento sa bilis niya at tumakbo pa lalo.

"A very cold breeze, tonight, don't you think?!" nananabik niyang tanong.

"Ah-haha..." Pilit kong itinago ang aking kaba. "O-Oo nga..."

Ang mahalaga, sinubukan ko pa ring lumaban kahit ilang beses na akong muntik na mahulog.

Ba't naman ako hindi susubok, eh, lahat sila may ginagawa habang nakasakay. Hindi katulad ko na pinoproblema kung paano ako kakapit sa centaur.

Napalunok ako.

First time ko pa kasing sumakay sa kabayo!

"U-Umm..." Pakiramdam ko mawawalan na ako ng balanse. "Pwede bang ano..." Hindi ko na nakayanan ang bilis. "Pwede bang-"

"Dinig kita!" sigaw niya sa likod ng ingay ng humahagibis na hangin. "Huwag kang mag-alala!"

Nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang bumuwelo kaya napatukod ako ng mga kamay sa likod. "Teka-" Mahina akong napatili.

"Watch out for the branch!" babala niya.

Pero huli na dahil nauntog pa rin ang noo ko rito. "Aray!"

"Slow down, Kahlo!" sigaw ng centaur na sinasakyan ni Kara. "You are going too fast!"

Mabuti nalang at narinig niya ito kaya bumagal ang takbo namin. "Signómi, Pa!" natatawa niyang sagot. "It's not everyday you get a pretty girl to ride you!"

"That didn't come off as strange to you, did it?" tanong ni Kahlo. "You see, we centaurs love pretty women!"

Napakurap-kurap ako.

"The lovers of the wild, they call us!" pagmamalaki niya. "And we are! Very wild lovers!"

Nilingon ko si Kara na hinahagis-hagis ang shield niya. Si Art naman, hatak nang hatak ng tali ng kanyang pana, habang si Ria, mahigpit na nakakapit sa espada niyang nakahilig patagilid, sa paraang nahihiwa niya ang mga kalabang lumalapit sa kanya pati na 'yong mga nadadaanan niya.

"This is fun!" sigaw pa niya. "Hahaha!"

Biglang may pumasok sa aking isipan.

"Kahlo?" sambit ko.

"Dinig pa rin kita!"

"Paano ba sumakay sa kabayo?" tanong ko.

"Oh! It's easy!" aniya. "Just sit up straight and keep your heels down!"

Sinunod ko ang sinabi niya. Tinuwid ko ang aking likod at siniguradong maayos na nakababa ang aking mga paa.

"Tapos?"

"Try to hold your balance!" dagdag niya. "And that's it! The horse can take care of the running and-" 

Napasinghap ako nang bigla siyang lumundag. 

"Galloping!"

Nilunok ko ang kaba na namuo sa lalamunan ko saka tumango-tango.

"You're a demigod! I'm sure you'll get used to it!" Humalakhak siya. "The last mortal who rode me? He fell and broke his neck while we looked for a treasure!"

Humabol ang pintig ng aking puso sa bilis ng takbo niya. "H-Huh?"

Muli siyang tumawa. "I am not kidding!"

Napaurong ako nang kaunti.

Di ko kailangang malaman 'yon!

Umunat pagilid ang magkabilang sulok ng nakatikom kong labi dala ng nanumbalik kong takot na mahulog mula sa likod niya at mabalian.

"But don't worry!" sabi niya. "I am a very handsome ride!"

Lumuwag ang pakiramdam ko, hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil natatanaw ko na ang Academy. Mabilis ding nabaling ang aking atensyon sa mga estudyanteng pinipigilan ang mga kalaban na makapasok sa Academy.

Isang lalaki ang nakita kong nakapatong sa balikat ng giant. Tumalon siya mula rito ngunit nagawa siyang itabig ng giant habang nahuhulog.

Mabilis na tumapat ang aking kamay sa kanya bago pa tumama ang kanyang likod sa makapal na puno. Maingat ko siyang ibinaba sa lupa at mabilis na napatuon sa isa pang estudyante na sumisigaw, may tinatawag na pangalan.

Tinignan ko ang babaeng nakatingala sa kaibigan niyang nasa kamay ng isang giant.

Napasinghap ako nang muntik akong madaplisan ng gintong shield ni Kara. Matulin itong lumipad sa kamay ng halimaw at hiniwa ito. Umikot ang shield at lumipad pabalik sa landas nito, kaya muli nitong dinaanan ang kamay ng giant at tuluyan na nga itong pinutol.

Mabilis kong inilihis ang ang aking paningin mula sa danak ng dugo na lumabas mula sa kamay ng higante.

"Guys! Guys!" ani Art. "Sa taas! Ano yan?"

Tumigil kami bigla.

May itinuro si Art sa langit kaya napatingin kaming lahat dito.

Pinaningkitan ko ang ibong papalaki nang papalakit sa aking pananaw. Noong una, akala ko isa itong malaking agila, kaso, habang papalapit ito sa'min, nasilayan ko ang kabuuan ng katawan nitong katawan ng kabayo.

Nagtaka ako sa nakita ko, dahil katawan ng malaking ibon ang harapan nito pero yung likuran ay may mga paa at buntot ng kabayo.

"Ano 'yan?" pag-uulit ko. At bakit ang dami atang kalahating kabayo sa mundong 'to?

Kumibot-kibot ang isa kong mata.

May kalahating isda at kalahating kabayo din ba?

Sabay na itinaas ng centaurs ang mga sandata nila at itinuon ito sa kakaibang nilalang.

"Teka..." Hindi ako sigurado kung kalaban ba namin ito, o hindi. Wala naman kasi akong nakikitang bagsik sa mga mata nito. Mabilis nga ito pero determinado lang itong lumipad sa'min, hindi parang namamahamak.

"Fire!" sigaw ng isang centaur.

Sunod-sunod silang nagpakawala ng mga palaso na nagawang iwasan ng ibon. Pumihit ito habang nasa ere at sandaling sumarado ang mga pakpak nito upang makailag sa mga sibat na hinagis ng centaurs sa direksyon nito.

Napansin kong nakatitig ito sa isa sa'min kaya napalingon ako kay Art.

"Art-" sambit ko. "Art!" sigaw ko sa sandaling bumaba ang ibon at bigla siyang dinampot gamit ang mahahabang kuko nito.

Malakas na tumili si Art. "Cesia!"

Hinagis ni Kara ang shield niya pero nagawa pa rin itong iwasan ng nilalang kahit nakatalikod ito sa'min.

"Art!" hiyaw ni Ria.

"Bitawan mo'ko- ay hindi!" Nakaipit ang mga braso ni Art sa mga kuko ng ibon habang nililipad siya nito palayo sa'min. "Ibaba mo pala ako!"

Patuloy na umalingawngaw ang kanyang tili hanggang sa maglaho sila sa dilim ng kalangitan.

"What the f*ck was that?" galit na bumaba si Ria mula sa centaur.

"That was a hippogriff," sagot ni Kara.

"I don't give a f*ck about what that was, Kara," giit ni Ria. "Gusto kong malaman kung anong nangyari." Sumenyas siya sa itaas. "We need to go after her!"

Nagtaka ako dahil biglang dumoble ang nakikita ko. Nanliit ang aking mga mata pagkatapos magsimulang umikot ang aking kapaligiran.

Anong nangyayari?

Dinapuan ako ng matinding antok na sinubukan kong labanan. Umugoy-ugoy ang aking katawan, at napahawak ako sa aking leeg kung saan nadama ko ang isang matulis na bagay na nakatusok dito.

Narinig kong may bumagsak na katawan sa lupa.

"Ria..." mahina kong sambit. "Kara-"

Sinubukan kong linguninsi Kara pero napahilig lang ako at tuluyang nahulog mula sa likod ng centaur.




Chase's POV

Nginitian ko ang babaeng Terrarian, saka pinihit ang braso nito. Bahagya akong umikot at marahas itong hinatak sabay hampas ng kanyang balikat gamit ang gilid ng nakabukas kong palad.

Napasimangot ako bago siya bitawan at sinipa patungo sa isa pang Terrarian.

Mula sa sulok ng aking paningin, nahagilap ko ang kamaong papalapit sa'kin kaya umilag ako nito at tinulak palayo ang braso ng lalaking akmang susuntukin ako. Umikot ako at malakas siyang binatukan.

"Huwag yung mukha, bro." Marahas kong tinadyakan ang tagiliran niya.

Kasunod kong pinulot ang sibat na nasa paanan ko at binato ito sa direksyon niya. Nagawa niya itong iwasan pero hindi naman kasi siya 'yong sinadya ko kundi 'yong Terrarian na nakatuon ang pana kay Trev.

Tinignan ko ang Terrarian na huli kong sinipa. Nagtangka itong sumugod ngunit bago pa ito makaabot sa'kin, matuling lumipad ang weapon ko sa templo ng kanyang ulo at lumabas sa kabila.

Naglaho ako sa kinatatayuan ko saka lumitaw sa likod ng isang Terrarian. Malakas kong siniko ang ulo nito at bago pa nito mabawi ang kanyang balanse, lumabas sa likod ng kanyang ulo ang dati'y gintong balahabibo na ngayo'y nabalot sa berdeng dugo.

Bahagya kong piniling ang aking ulo upang iwasan ang talim ng kutsilyong nagawang daplisan ang pisngi ko. Nanggaling ito sa likod ko, at gamit ang aking dalawang kamay, hinawakan ko ang braso ng may-ari ng dagger at saka marahas itong hinatak paharap.

Panandalian kong pinasan ang bigat ng katawan ng Terrarian na bumaligtad sa balikat ko bago bumagsak sa aking harapan.

Inagaw ko ang dagger mula sa kamay niya at hinagis ito sa lalamunan ng isa pang kalaban na tumakbo papalapit sa'min.

Sinubukang umangat ng Terrarian na nakahilata sa harapan ko kaso naunahan siya ng mga aninong gumapos sa kanyang paa at hinila ito patungo sa ilog.

Bumaba nang kaunti ang aking noo nang padaganan ko ng mga palad ang buhok kong kanina ko pa nangangating ayusin. Pagkatapos, ginulo ko ulit ito, this time, nang mas maayos na.

Kinutuban kasi akong pinapanood ako ngayon ng ama ko, at baka padalhan niya ako ng konting inspirasyon sa anyo ng isang magandang dilag.

Tumakbo ang dila ko sa loob ng aking pisngi, at ilang sandali pa'y marahan akong natawa sa iniisip ko.

Baka nga naman.

"Chase," tawag sa'kin ni Trev. "Alert the others."

Binigyan ko siya ng isang nagagalak na saludo at aalis na sana nang biglang may sumuntok sa mismong gitna ng aking mukha dahilan na matumba ako.

Itinukod ko ang aking mga siko sa lupa. "Pucha-" Sinamaan ko ng tingin ang Terrarian na malaki ang katawan kung ikukumpara sa iba.

Mabilis na napalitan ng sakit ang naiirita kong ekspresyon sa mukha pagkatapos nitong apakan ang aking paa. Idiniin niya ito sa lupa at tuluyan na nga akong napagiling ng ngipin nang maramdaman ko itong nabali.

Napayuko ako ng ulo. Kumuyom ang aking magkabilang palad at mahigpit na pumikit ang aking mga mata bago kumawala ang isang nagmamaktol na daing mula sa aking bibig.

Muli kong tinignan ang Terrarian habang humihingal, tinitiis ang matinding sakit na pilit dinidemanda ng katawan ko na isigaw ko at iiyak.

Dagliang kumirot ang gilid ng aking leeg, ilang segundo bago nagsimulang manlabo ang aking paningin.

"Tangina, mga 'tol!" reklamo ko. "Pangalawang beses na 'to!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro