LIX | Reinforcements
Ria's POV
"Where the hell are they?" I blurted out while running along the woods.
Being chased by giants didn't bother me at all. The fact that I still couldn't sense the other Alphas' presence did.
So, again, where the hell are they?
Naiinis kong hinatak ang espada na binaon ko sa hita ng cyclops na dinaanan ko. Bahagyang sumubsob sa putik ang aking paa nang pumihit ako paikot sabay hagis nito paangat sa tagiliran ng halimaw.
Napaatras ito at nagpakawala ng iyak pagkatapos masaksak, at tila hindi pa kuntento, tumakbo ako patungo rito. Tumalon ako sa binti nito at mula rito, ay lumundag patungo sa balikat nito.
His strength was twice than that of the giants' we fought for training. Binilisan ko ang aking mga galaw, pero mas naging maingat din ako.
Before the creature could shove me off from its shoulder, I pulled my hand back and summoned a long silver sword that I quickly plunged on its neck.
Tumalon ako pababa mula sa balikat ng cyclops na agarang napahawak sa leeg nito.
I fell on the ground the same time the monster shook the earth with a loud thud.
Lumingon ako pataliwas sa cyclops dahil sa amoy ng usok na bumuga mula sa ilalim ng nahulog nitong katawan.
Gods. Their clothes smell like dried skin. Or is it really?
Muling gumalaw ang lupa dahil sa mabibigat na mga yapak ng isa pang cyclops na tumatakbo patungo sa'kin, at nakita kong may dala itong puno ng kahoy bilang pamalo.
I quickly summoned a sword in my right hand, and a spear in my left.
Naglakad ako upang salubungin ito. Pinihit-pihit ko ang espada na bitbit ko at nang humilig ang dalang kahoy ng cyclops sa kinaroroonan ko ay sinaksak ko ang espada rito at saka kumapit nang makasabay ako sa pag-ugoy nito.
Fortunately, the cyclops swung it high enough that after letting go of my sword, I flew upwards where I was able to aim the spear at its' eye and throw it.
Nagpakawala ito ng dumadagundong na ungol nang bitawan ang kahoy at napahawak sa sibat na nakasaksak sa gitna ng noo nito.
Hinatak ko palikod ang aking mga kamay at nag-summon ng dalawang espada.
Napaatras ng isang hakbang ang cyclops bago matumba. Lalapit na sana ako rito upang pugutan ito ng ulo nang bigla kong narinig ang tinig ni Chase.
"Nadaanan ko sina Kara!" Lumabas siya mula sa likod ng mga puno. "Papunta na sila rito-" Mabilis siyang naglaho at lumipat sa ibang pwesto isang segundo bago tumama ang pamalo ng cyclops sa dating kinatatayuan niya.
"Tsk." Sayang.
"Oh?" Luminga-linga si Chase. "Sa'n na yung mga bro ko?"
Nilagpasan ko siya at dumako sa cyclops na nagtangkang maupo. Hindi ko ito binigyan ng pagkakataon na tuluyang makatayo at pinako ang isang kamay nito sa lupa. Napaiyak ito sa sakit ngunit agad itong napalitan ng isang laguklok pagkatapos kong itulak ang buong blade ng isa ko pang espada paangat sa lalamunan nito.
"Where the hell did you come from?" tanong ko kay Chase na kumawag-kawag ang labi nang lingunin ko, sabay hatak ng aking espada mula sa leeg ng cyclops.
I could feel my power starting to drain after summoning a lot of weapons, kaya naisipan kong kunin ang espada.
"Kanina pa namin sila hinihintay dito," sabi ko kay Chase.
At sa ikinainis ko, mahina lang siyang sumipol bilang sagot, tila namamangha pa sa eksena.
For a moment, I felt something cold rush towards my back. At this point, I'm not even annoyed anymore. Galit na ako dahil kakadesisyon ko pa lang na hindi na ako mag-aaksaya ng mga sandata tapos ngayon-
Umikot ako at malakas na binato ang aking espada sa isang daemon na tumatakbo.
Muli akong humarap kay Chase at nakitang naglaho siya.
"Sa'yo ata 'to."
Nilingon ko ang kamay niyang nag-abot sa'kin ng espada at mula rito, inangat ko ang aking tingin sa kanya.
Gumuhit ang isang nagagalak na ngiti sa kanyang mukha. Sinenyasan niya akong kunin ang espada kaya marahas ko itong hinablot nang hindi inaalis ang namamahamak kong tingin sa kanya.
"What's taking Dio so long?" tanong ko.
"Natagalan siguro sa paghati ng lupa?" he guessed, when it was him who asked about it first when he showed up.
"Si Art?" aniya.
As if to answer his question, Art fell from the sky, with the bow in her hand glowing but not as bright as the proud grin she was wearing.
"Hi!" bati niya sa'min. "Nakita niyo 'yun? Galing ko, 'no? Hmm?"
"Tinapon ako ng giant- boogsh!" Umaksyon ang kanyang mga kamay na may sumabog. "Natamaan ako dito." Dinuro niya ang kanyang tagiliran. "Pero bago pa ako mahulog- dun dun dun!" Dumilat ang kanyang mga mata. "Nagawa ko siyang panain!" sigaw niya sabay taas ng kanyang pana. "Amazing with a zee!"
Samantalang, napahugot ako nang malalim na hininga.
Art...
"We don't have time for storytelling," saad ko. "Anong nabalitaan niyo?"
"May nakapasok na sa loob ng campus." Dalawang beses na tinapik ni Chase ang kanyang tenga kaya sabay naming pinindot ni Art ang suot naming earpiece.
"The plan has changed." Narinig kong sabi ni Sir Rio mula sa kabilang linya. "I repeat..." He emphasized, "The plan has changed."
Wala sa sarili akong napangisi dahil sa tunog ng gulo na nangyayari sa kinaroroonan ni Sir, kung nasaan man siya.
Trying not to laugh, I asked, "So, what's the new plan?"
You know, Trev already told him about Kaye being a possible traitor, pero hindi siya naniwala dahil ayon sa kanya, kulang ang mga ebidensyang inilapag ni Trev para sa mabigat na akusa nito.
He said Trev's accusation was unjustifiable with the little amount of evidence we had.
He forgot his father was the Lord of Justice.
And sometimes, our gut feeling is a good enough reason to take action. It was only right that we took matters on our own, imbes na hayaang magkatotoo ang masama naming kutob.
"Defend the school." Sir Rio's voice slightly trembled. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa matinding determinasyon o dahil nabigo niya kami at kami lang ang nakakaalam.
"Defend the school and everyone in it," he ordered.
Mabilis na naglaho ang aking ngiti nang mahinuhang kaya nanginginig nang konti ang kanyang tinig ay dahil sa kaba at alala.
He sounded desperate. Too desperate to be true.
"Kailangan nating bumalik sa campus para tulungan sila," tugon ko kila Chase at Art.
I turned off my earpiece. Pinanunganahan ko sila sa paglalakad pabalik sa Academy.
"This is getting out of hand," puna ko.
"Mmm." Lumundag-lundag si Art sa aking tabi. "Sana di nasira yung dorm natin. Malapit pa naman yun sa field."
"Sana buhay pa yung mga bro ko..." dagdag naman ni Chase.
Sa kalagitnaan ng pagwawari-wari kung ano na ang kondisyon ngayon ng Academy at ng ibang Alphas, nakasalubong namin sina Cesia at Kara.
Huminto sila sa harap namin, humahangos.
"Anong nangyari sa inyo?" usisa ni Art.
"The creatures..." Kara's chest aggressively heaved up and down. Tumingin siya sa magkabilang gilid niya. "They-"
"-can't be killed?" pagpapatuloy ko sa sasabihin niya. Naawa na rin kasi ako dahil halatang pilit lang ang kanyang pananalita, dala siguro ng matinding pagod. "Yeah, alam na namin 'yan. Dapat mo pa silang pugutan ng ulo, o di kaya sunugin yung buong katawan-"
"No." Umiling si Kara. "We just saw one rise from the ashes after getting its head cut off."
Nilingon ko si Art na alam ko'y siyang makakapagpaliwanag dito.
"Karamihan ng mga sundalo ni Kaye ay nakakonekta sa kanya, sa kapangyarihan niya, kasali na yung healing, regeneration, 'lam niyo 'yun?" She blinked innocently. "Parang nakakonekta yung buhay nila sa energy niyang-" Suminghap siya. "Sobrang lakas!"
"Then the creatures are immortal while she is still alive," sabi ni Kara. "She's their source. We need to look for her first."
"Isn't that too much of a bold move?" Nagtaka ako. "Alam niyang magiging target natin siya sa sandaling malalaman natin kung bakit hindi namamatay ang mga tauhan niya."
"She has either underestimated our abilities or overestimating hers'," ani Kara. "Either way, she seems prepared to face us."
"Good," puna ko. "Because I'm prepared to drill a hole on her face."
Kaye knows she acquired power so much greater than that of an average demigod's. Nagawa niyang lamangan ang kapangyarihan ni Art na anak ng God of Light. Art has to touch whatever she wants to heal but the Elite can heal from afar and even grant others immunity and temporary immortality without touching them.
The Elite is not just a machine. It was a curse.
And the book that contained its blueprints was the spellbook.
Hindi na rin nakapagtataka na gawa ito ni Hephaestus. He was the god who made the first woman, afterall. Kung mayroon mang listahan ng deities na may kakayahang gawing imitator ang isang tao, paniguradong siya 'yong nangunguna.
Huli kong nahagilap ang gulat na reaksyon ni Cesia bago ko natagpuan ang aking sarili sa kamay ng isang cyclops.
Nabitawan ko ang aking espada at hindi ko magawang mag-summon ng iba dahil sa mga braso kong mahigpit na nakaipit.
"Seriously?!" Napahiyaw ako. "They've gotten bigger too?!"
Nakita ko yung iba na abala sa mga kalabang natunton kami at nagsidatingan. Sinubukan kong hatak-hatakin ang aking magkabilang balikat upang makawala pero humigpit lang ang kamay ng cyclops sa'kin kaya napasigaw ako sa sakit na parang unti-unti akong pinipiga.
"Ria!" Sumunod sa tawag ni Art ang palaso niyang tumama sa likod ng kamay ng cyclops.
Lumuwag ang pagkakapalipot ng mga daliri nito sa katawan ko at hindi ako nag-aksaya ng segundo na ilabas ang braso kong panandaliang nagliyab bago mamuo ang apoy ng isang mahabang espada.
Galit ko itong sinaksak sa kamay ng cyclops dahilan na mabitawan ako nito.
Nangangalay pa 'yong buong katawan ko pagkatapos muntik madurog, at inasahan kong hindi ako makakatukod pagbagsak ko.
Umurong ang aking ulo bilang paghahanda pero laking gulat ko nang maramdamang hindi ako sumalpok sa lupa at sa halip ay nahulog sa bisig na maingat na sumalo ng likod ko.
Embarrassed, my lips pursed tight and my heart pounded, screaming the word 'shame' when I looked back at Chase who caught me in his arms.
"May utang na loob ka na sa'kin," seryoso niyang sabi.
"Put me down," pagbabanta ko. "Now."
He chuckled as he lowered my feet first on the ground and attempted to help me gain my balance, kung hindi ko lang tinabig 'yong kamay niya.
Kukunin ko na sana yung nag-aapoy kong espada na natapon nang biglang kumirot ang kanang binti ko. Bahagyang yumuko ang ulo ko rito at saka nakita ang nasunog na tagiliran ng aking hita.
"Fuck," bulong ko.
The flame of my own sword burnt a part of my jeans off and left blisters on my skin.
To think that I got hurt by my favorite weapon, the sword given to me by my Dad who had it made with fire from Tartarus, the deepest place in the Underworld.
Immune lang naman kasi ako sa apoy ng espada kapag hawak ko ang puluhan nito.
This isn't the first time that my own weapon was used against me but this is the first incident in between me and my favorite weapon.
Dumako ako sa espada ko at matamlay na dinampot ito.
"Ria, okay ka lang?" tanong ni Art.
"I just got betrayed by my favorite sword, what do you think?" malamig kong sabi.
"Ria naman, ih!" Dinuro niya ang binti ko. "Yung sugat mo yung tinutukoy ko!"
Naglaho ang nagliliyab kong espada sa kamay at pinalitan ng isa na gawa na sa bakal.
"What about it?" Kumirot ang aking sariwang sugat nang bahagya ko itong inangat upang matignan nang mas maayos. "Is it bad?"
"First-degree burns lang naman," ani Art. "Mahapdi ba?"
Tinignan ko siya. "Nothing I can't take."
Narinig ko mula sa unahan ang umuugong na tunog ng bakal na papalapit sa'min. Yumuko ako para iwasan ang gintong shield na dumaan sa ibabaw ng aking ulo at lumiko paangat sa leeg ng cyclops.
Spikes emerged from borders of the shield and cleanly sliced through the cyclops' neck. Napapiling pa ako ng ulo dahil sa dugong tumalsik sa kinatatayuan ko at saka narinig ang pagbagsak ng ulo't katawan ng halimaw.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang shield na umiikot papalapit sa'kin kaya muli na naman akong napayuko. At nang makatayo, nilingon ko si Kara na siyang binalikan ng shield na nakakabit na ngayon sa kanyang braso.
Silently, I made a mental note never to mess with that shield of hers'. I won't even step a foot in between it and its target. Baka kasi huli na kapag namalayan kong lumilipad na pala ang ulo ko dahil lang nasa landas ako nito.
Isang katawan ang naramdaman kong tumulak sa likod ko. Umikot ako at nakita si Cesia na umikot din paharap sa'kin.
Ngayong harap-harapan ko na siya, saka ko lang napansin ang mga sugat niya, pati na ang natuyong dugo malapit sa templo ng kanyang ulo. Nanliit ang aking mga mata rito at nakita ang maliliit na mga batong sumubsob sa gilid ng kanyang ulo. Kaya hindi tumitigil ang daloy ng dugo mula rito ay dahil hindi sumasara ang mga sugat niyang ito.
"Art," sambit ko. "Cesia needs help."
Dali-dali naman akong nilagpasan ni Art na dumiretso ang mga kamay sa mukha ni Cesia. Pagkatapos, sumayad ang aking paningin sa sugatan pa niyang mga tuhod.
My brows furrowed out of worry but I managed to give Cesia an encouraging nod. "You're okay," I didn't ask, but promised. "You'll be okay."
Ginantihan niya ako ng isang umiintinding ngiti.
Kasunod namin narinig ang papalakas na yabag ng mga paa. It was too loud and too many for human footsteps... and too fast for a giant's or a cyclops'.
Sabay kaming napatuon sa direksyon nito.
Dahan-dahan kaming napaharap dito, determinadong salubungin ang kung sinong may kapakana ng ingay na nagsimulang umikot sa aking pandinig.
Luminga-linga ako at tinunton ang mga paang iniikutan kami.
Nasulyapan ko ang puting balahibo na dumaan sa harap ko at ilang sandali pa'y sumulpot ang napakaraming mga kabayo- hindi.
Isang dosenang centaurs.
Inikot ko ang aking paningin nang palibutan kami ng labindalawang centaurs, mga nilalang na kalahati ng katawan ay tao habang ang kalahati ay kabayo.
May dala rin silang kani-kanilang mga sandata, mga sibat at pana.
Reinforcements, I realized.
Tumingala kami sa lalaking centaur na tumigil sa harapan namin. Puti ang balahibo ng katawan niya, pati na ang kanyang mahabang buhok na nagagayakan ng isang koronang gawa sa mga tuyong baging.
He had in his hand a silver spear and behind him, another centaur with brown fur appeared, carrying a wooden bow.
"Paumanhin at natagalan kami." The one with the brown fur spoke kindly. "May sumalubong din kasi sa aming mga kalaban papunta rito."
Lumiwanag ang aking mga mata.
Centaurs... at nagsasalita sila!
"Yes! Buti nalang andito na po kayo!" nananabik na sigaw ni Art. "Kailangan din kasi namin ng masasakyan pabalik sa Academy, eh!"
Pinandilatan ko siya. "Art."
Art seemed relieved as one of the centaurs lowered his back and let her climb.
"Art!" naiinis kong sambit. "I'm sorry-" I gave the two centaurs in front of me an apologetic look. "Ang ibig niyang sabihin-"
"You mean to use us for transportation?" the white centaur clarified. The tone and depth of his voice confirmed my hunch that he was their leader.
Umawang ang aking bibig pero walang salita ang lumabas. Napailing ako, hindi alam kung paano mababawi ang kawalang-hiyan minsan ng mga kasama ko.
"A daughter of war?" he asked, to which I nodded.
"It would be my honor to bring you to your destination," sabi niya, na ikinatikom ng aking bibig. "But for one conditon."
"What is it?" tanong ko.
He firmly held his spear beside him. "Allow me to fight alongside you."
Nilingon ko si Kara na tinanguan ako.
Muli akong humarap sa centaur at tumingala upang abutin ang kanyang tingin. "Can't say 'no' to that."
He first lowered his head to bow before lowering his knees to let me mount his back.
Tinignan ko si Chase na inalalayan si Cesia pasakay sa isa pang puting centaur. "Aren't you coming?"
He snickered. "Unahan ko pa kayo, eh."
"Kéntavroi!" The brown centaur who supported Kara on his back signaled the rest to move. "Kounísou!"
"Aye!" sigaw ng mga kasama nila.
"Hit and run, men!" Their leader took the first steps towards the Academy. "Hit and run!" And he began to run, bringing me along with him.
My senses were immediately overwhelmed while we rummaged through the forest. Ramdam ko kasi ang paglapit ng ibang presensya sa'min.
Mula sa isang sulok ng aking pananaw, lumitaw ang isang grupo ng Amazons sakay-sakay din sa kanilang mga kabayo. At nang daanan namin ang bahagi ng kagubatan kung saan mas matayog ang mga puno, isa-isang bumaba mula sa mga sanga ang iilang huntres at magaang bumagsak sa likuran ng mga centaurs habang tumatakbo ang mga ito.
I turned around to see Heather landing swiftly behind me. She was crouched down one knee while she used both her hands to grip the top of the centaur's back and maintain balance.
Her gray eyes glowed during the short moment that a ray of moonlight hit her face.
"Cool ride," puna niya. "Papuntang Academy 'to, hindi ba? Kasi kung hindi, eh di nasa maling sasakyan ako." Mahina siyang natawa at sumilip sa harapan. "Kalispéra, Yiren! Ti léei?"
"Mia chará, Heather!" The leader of the centaurs happily replied amidst the loud and neverending gush of wind. "Efharistó!"
"How about you, Ria?" tanong ni Heather. "How have you been?"
"Please," sagot ko. "I'm dying to kill."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro