LIV | Silence
Cesia's POV
Bahagya akong umikot sa harap ng salamin para tignan kung may adjustments pa ba akong dapat gawin sa gown ko. Parehong midnight blue ang halter top nito at satin skirt. Sa bandang dulo ng skirt mayroong maliliit na diamonds kaya ito lang ang bahagi ng gown ko na kumikinang, dahil rin dito, nagsuot ako ng diamond bracelet at earrings para balanseng tignan.
Tinali ko ang buhok ko sa isang maluwag na bun kung saan may iilang hibla na nakababa. Hindi ko na naman kailangan gumamit ng curler para dito kasi natural na naman ang pagka-wavy ng buhok ko.
"Okay na siguro 'to..." bulong ko.
Pagkatapos, nilingon ko ang heels na naghihintay sa'kin sa paanan ng higaan.
Ito na. Ito na ang totoong challenge.
Umupo ako sa tabi nito at inangat ang aking mga paa. Ayon kay Ria, hatinggabi pa matatapos ang selebrasyon kaya siniguro kong maayos na nakakapit ang straps ng heels sa magkabilang paa ko habang nagdadasal kay Aphrodite na huwag niya akong hayaang magkapaltos-paltos dahil sa oras na makaramdam ako ng hapdi sa likuran ng paa, wala na akong pakialam makipaghalubilo sa iba nang nakapaa na lang.
Tumayo ako at sa laking gulat ko, wala akong nararamdamang bigat sa mga paa ko. Hindi kagaya ng dati, walang kahirap-hirap ang paglalakad ko. Tanging tunog lang ng pagtama ng takong sa sahig ang nagpapaalala sa'kin na nakasuot nga pala ako ng heels.
Napangiti ako at dumako na sa pinto para buksan ito.
"See? Bagay sa'kin! Si Cesia pumili! Wieee!" Matinis na boses ni Art ang sumalubong sa'kin paglabas ko ng kwarto. Umiikot-ikot siya sa harap ni Cal na nakahilig sa sandalan ng sofa at umiinom ng tubig. Kung gaano ka-colorful ang pastel gown ni Art, gano'n din ka-colorless ang suit ni Cal. Wala naman kasing ibang kulay ang suot niya maliban sa black. Mula sa kanyang sapatos, pantalon, at coat hanggang sa vest, tie, at collared shirt na nasa ilalim nito.
Kasunod akong napatingin kay Dio na kapapasok lang mula sa balcony. Nakakunot ang kanyang noo habang inaayos ang dulo ng magkabilang sleeves niya. "I never liked wearing these." Hinatak niya pagitna ang lapel ng maroon coat niya. "Tsk."
Nasa kusina naman si Ria, tila may hinahanap sa loob ng freezer. May inilabas siya mula dito at saka ko lang nalaman kung ano ito nang umikot siya suot ang isang matagumpay na ngiti. "I knew it." Narinig kong sabi niya. "May isa pa akong hindi naubos."
Bitbit ang isang container ng ice cream, kumuha siya ng kutsara at sinimulang ubusin ito. Tumigil lang siya nang mapansin akong papalapit sa kanya.
Suot niya ang pulang long gown na pinakahuli niyang nabili noong naghahanap pa kami ng masusuot. Sleeveless ito na may kasamang malalim na neckline. Mahigpit na nakakapit ang gitnang bahagi ng gown sa baywang niya at mayroon ding slit na tumatakbo sa gilid ng skirt, binubunyag ang makinis niyang binti.
"I can crush a skull with my legs." aniya. "Want to see?"
Natawa ako nang marahan saka umiling.
"Ria?" Narinig ko ang boses ni Kara kaya napalingon ako at nakita siyang patungo sa kinaroroonan namin. "The lanterns?"
Bumaba ang aking mga mata sa suot niyang lace dress. Emerald green ang kulay nito at off shoulders ang pang-itaas na may mahabang sleeves. Higit pa sa talampakan ang haba ng skirt nito kaya nagmistulang pudla na nakapalibot sa paanan ni Kara ang pinakadulong bahagi ng dress at gumagalaw ito sa bawat hakbang niya.
"Don't worry, hindi ko nakalimutan." sagot ni Ria. "I'll have Chase prepare them."
Kumunot ang aking noo.
Lanterns? Para saan?
"Oh my Greeks!" Tumakbo si Art at huminto sa tapat namin. "Bubbles!" sigaw niya sabay turo sa'kin. "Blossom!" Tinuro niya rin si Ria at panghuli, si Kara. "Buttercup!"
Napayuko kaming tatlo at magkasabay na napatingin sa mga damit namin.
"Art and the Powerpuff Girls!" Pumalakpak si Art. "Huwaaah!" Tumatakbo-takbo siya sa loob ng dorm nang nakataas ang mga braso. "Amazing with a zeee!"
Di nagtagal, nagawa ngang ubusin ni Ria yung ice cream niya kaya tinapon na niya ito at dumako sa sala. Nakasunod lang ako sa kanila ni Kara nang maramdaman ko ang mahinang tulak ng hangin mula sa'ming harapan kung saan biglang lumitaw si Chase na nakasuot ng black and white tuxedo.
Ginulo niya ang kanyang buhok. "Inaantok pa rin ako." Walang necktie o bowtie na nakasabit sa leeg niya. Sa halip, nakatanggal ang mga butones ng shirt niya mula sa kuwelyo pababa sa bandang dibdib nito.
"Alphas." tawag sa'min ni Kara na papalabas na pala ng dorm. "We can't be late."
Sumunod sa kanya si Dio na siyang nagbukas ng pinto.
Hinatak naman ni Art si Cal. "Let's go!"
"Ladies first." Sinenyasan ni Chase si Ria na mauna.
"Subukan mo lang apakan 'tong dress ko." pagbabanta ni Ria sa kanya. "Kung gusto mong mabahiran ng dugo 'yang puting suit mo."
"Huh? Ba't ngayon mo lang sinabi na mahilig ka pala sa matching outfits?" ani Chase. "Gusto mo magpalit na lang ako ng pulang tuxedo para di ka na mag-effort?"
"Shut the fuck up, Chase."
"Make me."
Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko pagkatapos maglaho nung dalawa. Nahagilap ko pa ang nag-aapoy na espada sa kamay ni Ria bago niya habulin si Chase. "Bumalik ka rito! You weak piece of-"
"There are no stars tonight."
Halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ng boses mula sa likod.
Huminga ako ng malalim at nagpakawala ng hangin bago lingunin si Trev na buong akala ko'y inunahan na kaming lahat sa ceremonial hall.
"So why are you wearing that dress?" Hindi niya ako pinalampas sa titig niya habang kinakabit ang mga butones ng kanyang suot na silver coat.
"Uhh..." Yumuko ako para matignan ang tinutukoy niya. "Kasi nagandahan ako?" Kagaya ng sinabi niya, nagmistula ngang mga bituin sa makulimlim na langit ang mga diamante na nakadikit sa gown ko.
"Don't mind me staring at you, then."
Hindi ko pa nga naangat ang ulo ko at napakurap-kurap na ako.
Ewan ko kung gaano ako katagal nagduda sa pandinig ko dahil namalayan kong mag-isa na lang ako sa dorm.
Nagmamadali akong lumabas at tumakbo patungo sa lalaking nakatalikod sa'kin at nasa kabilang dulo na ng pasilyo.
Hindi niya naman ako kinibo kahit nang makarating ako sa tabi niya at sinabayan siya sa paglalakad.
Pagkaraan ng isang minuto ng nakakabinging katahimikan, napagdesisyunan kong basagin ito. "Trev, sa tingin mo mananalo tayo?"
Matagal-tagal siyang nakasagot. "It depends on the Fates." aniya, nang hindi ako binabalingan ng tingin.
"Fates?" Kumunot ang aking noo. "So naniniwala ka sa destiny?"
Sa Greek mythology kasi, ang Fates ay ang tatlong goddesses na incarnations ng destiny.
"No, I don't."
Nagtaka ako. "Huh? Eh kasasabi mo lang-"
Bigla siyang huminto. "Just because I'm answering your questions doesn't mean you can talk to me comfortably, daughter of Aphrodite."
Otomatikong humibi ang mga labi ko. "S-Sorry."
Sinulyapan niya ako mula sa sulok ng kanyang mga mata bago nagpatuloy sa paglalakad.
Natagpuan ko na naman ang sarili ko na pinapalibutan ng di-pamilyar na katahimikan. Panahon na siguro na masanay ako sa ganito kapag siya ang kasama ko. Sinubukan ko lang namang makipag-usap sa kanya kasi hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung anong meron sa kanya bukod pa sa taglay niyang kapangyarihan... at kasungitan.
"Thank you..." bulong ko nang maalala ko ang sinabi ni Dio sa'kin sa balcony.
"For what?"
"For thinking of protecting me." Humugot ako ng hangin. "Kahit hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong protektahan."
"Who told you?"
"Dio." sagot ko.
"What else did he-"
"Just because I'm answering your questions doesn't mean you can talk to me comfortably, son of Zeus."
Napansin ko kung paano tumiim ang kanyang bagang kaya marahan akong tumawa para ipaalam sa kanya na joke lang 'yon. "Wag kang mag-alala, wala nang ibang sinabi si Dio sa'kin."
Kasunod kong pinagsisihan ang ginawa kong pambibiro sa kanya dahil hindi na siya nagsalita pa at nagdulot ito ng kakaibang tensyon sa pagitan namin.
Ngumuso ako.
Bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan dito eh siya naman yung nag-umpisa? Psh.
"You and Art..." Narinig ko ulit ang boses niya nang matanaw na namin ang nakabukas na entrance ng ceremonial hall. "You're the only ones left."
Kung sa kanya ay 'the only ones left', kay Dio naman, 'you two are different.'
Posible kayang iisa lang ang ibig sabihin nila?
"Hmm." Dagliang sumingkit ang aking mga mata. "Hindi ko pa rin maintindihan."
"You don't and you shouldn't."
Tumigil kami sa tapat ng malaking archway.
"There are certain things in a battlefield that we don't want you to know and see." Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo na para bang may pinaghahandaan. "At least not yet." Sumeryoso ang kanyang tingin sa aming harapan.
Nalaman ko kaagad kung bakit naging gano'n ang inasta niya dahil sa biglaang paghinto ng ingay na nanggagaling sa loob ng ceremonial hall. Bumungad sa'min ang katahimikan, at kasabay nito ang sunod-sunod na paglingon ng mga estudyante't guro sa direksyon namin.
"Umm-" Dahan-dahan akong napaatras dahil sa hiya. "M-May naiwan ata ako sa dorm-"
"Cesia..." Naramdaman ko ang isang kamay sa aking likuran, pinipigilan akong makatakas mula sa mga matang nakaabang sa'min.
"My father is the lord of justice." paalala ni Trev sa'kin na may kasamang nakakamatay na tingin. "What makes you think you can lie to me?"
• • •
Halos magkandarapa na ako sa malakas na panghahatak ni Art sa kamay ko.
"Pero di ko pa naubos yung pagkain ko-" Kinuyom ko ang aking palad na nakakapit sa palda ng gown ko. "Sa'n ba kasi tayo pupunta?"
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa'kin. "Sa dorm!"
Nadatnan namin sina Ria at Kara sa labas ng hall.
"Seriously, naunahan na tayo ng boys." ani Ria at sinenyasan kaming magmadali. "It's almost time kaya tara na!"
Pagkarating namin sa dorm, dumiretso ang aking atensyon sa mga lalaking nakatayo sa labas ng balcony kung saan nakalatag ang makakapal na kumot sa sahig at nakakalat ang mga unan. Sa gitna ay mayroong maliit na foldable table at nakapatong dito ang iilang mangkok na naglalaman ng snacks katulad ng popcorn, fries, at tortilla chips. Sa tabi nito, may isang tray ng canned soft drinks.
Bago pa kami makalabas ng balcony, hinarangan kami ni Chase. Ngumuso siya sa direksyon ng mga sapatos sa paanan ng sofa.
Naintindihan kaagad namin ang ibig niyang iparating kaya isa-isa naming tinanggal ang heels namin at itinabi ang mga ito sa mga sapatos nila.
Nang makalabas na kami, sabay kaming nagsiupuan sa sahig. Nagsimula na ring magpasa ng soft drinks si Chase.
"Wah! Ang lamig! Nilagay mo ba 'to sa freezer?" namamanghang tanong ni Art nang tanggapin yung kanya.
"Hindi." sagot naman ni Chase. "Pinagulong ko lang sa katawan ni Cal."
"Wala ba talagang nakaisip sa inyo na bumili ng ice cream?" reklamo ni Ria. "My Gods!" Saka siya humilata sa sahig.
Marahas na ibinato ni Chase sa kanya ang isang can ngunit mabilis na gumalaw ang kamay niya para saluhin ito. Napangisi pa siya bago padalhan si Chase ng nanghahamong tingin.
Mayamaya pa'y nasa tabi na ako ni Art, nakahiga at nakatingin sa kalangitan dahil 'yon din naman ang ginagawa nila. Sobrang tahimik lang nila, tila may hinihintay.
"Art..." bulong ko. "Ano bang hinihintay natin?" Kumuha ako ng popcorn mula sa bowl na nakapatong sa tiyan ko at kinain ito.
"Alphas, the academy's illuminating control system has been switched off."
Nagkasalubong ang aking kilay pagkatapos marinig ang automated voice ng dormitory.
"Ano nga pala yung dapat sabihin-ay wait! Naalala ko na! Hehehe!" Bakas sa tinig ni Art ang excitement. "Let's go, dorm! Wieee!"
"Grant Access." ani Kara.
"Access Granted." Isa-isang namatay ang mga ilaw sa dorm. "Switching off."
Pinagmasdan ko kung paano tumakbo mula silangan patungong kanluran ang isang linya ng liwanag sa gitna ng kalangitan. Unti-unti itong kumalat at nag-anyong mga alon ng liwanag na paiba-iba ang kulay.
Nagsimula itong sumayaw, inaakit at binibihag ang kung sino man ang nanonood.
At sa kauna-unahang pagkakataon, may naririnig akong ritmo sa katahimikan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro