Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LII | Reunited

Cesia's POV

"Sex!"

Tuluyan na nga akong nasamid sa iniinom kong juice. Napatigil naman sa pag-kain yung iba at sabay-sabay kaming napatingin kay Art na siyang biglaang sumigaw n'on.

"What the- Art! You can't just blurt that out!" ani Ria.

"Naalala ko kasi na nagtanong si Kara kung paano nagawa ni Thoesese yung microscopic components." pagdedepensa naman ni Art sa sarili. "Eh paano ba makagawa ng human being? Through sex diba? Hihi."

Matagal-tagal kaming napatitig sa kanya. Nakaka-frustrate lang kasi walang halong malisya ang pagkasabi niya. Kinisap-kisap niya ang kanyang mga mata, naghihintay na may magsalita sa'min.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kara. "We're eating, Art."

"Huh? Ano namang meron du'n?" Nakakunot ang noo ni Art habang lumilinga-linga sa'ming nakapalibot sa dining table.

"You don't shout in the middle of eating."

Tumahimik siya saglit para makapag-isip. Huminga siya nang malalim at saka bahagyang binuksan ang kanyang bibig.

"sseexxx..."

This time, binulong na niya ito. Magkatabi kami ng upuan kaya rinig na rinig ko ito at dalawang beses, dalawang beses niyang ibinulong ang salitang 'yon.

Napapikit pa nga ako dahil kamuntikan ko nang mabitawan ang kutsara't tinidor ko no'ng inilapit niya ang kanyang mukha sa'kin para idiin ang matagal na duration ng pagbigkas niya ng letrang x sa bandang huli.

Tumikhim si Dio. "The council was pissed." Tinitignan niya ang maliit na slice ng grilled steak na nakatuhog sa tinidor niya. "Because we surrendered the book late." Sinulyapan niya kami bago kainin ito.

Kumibit-balikat si Ria. "What did they expect? Mabuti na nga lang at binigay natin sa kanila yung libro, eh. We could've kept it for ourselves."

Nilunok muna ni Dio ang nginunguya niya bago sagutin si Ria. "They expected us to be responsible and give it to them on time." Seryoso niyang sabi at saka nilingon si Trev. "And uhh, what's with Kaye, Trev?"

"She has the ability to foresee the future." sagot nito nang hindi inaangat ang kanyang tingin kay Dio. "Something we don't have, but need."

"Ngayong alam na nating maaaring tao ang Elite, ano na ang susunod nating gagawin?" tanong ni Chase.

Pinulot ni Trev ang table napkin at mahinahong pinunasan ang magkabilang sulok ng kanyang labi. Binaba niya ito sa mesa at komportableng isinandal ang kanyang likod sa upuan nang nakapatong ang magkabilang braso sa mga patungan nito. "Art, list down all the students who possess the same abilities' as the Elite's. Include the staff as well." Lumipat ang kanyang tingin kay Kara. "I trust you to make a deduction out of that list. See which of them fits more of the machine's descriptions written in the book."

Tumango si Kara.

"Chase, you and Dio will go through all the medical records of every creature present in the Academy. Immortal or not, leave no soul behind." ani Trev. "Files containing information about the incoming troops will be handed immediately to Ria and Cesia."

"Why do we have to investigate our allies?" usisa ni Ria. "Andito nga sila para tumulong at-"

"Like I said, Ria, investigate every mortal and immortal who will step foot on campus grounds." Tumayo si Trev. "Every one of them."

"Eh kayo ni Cal? Ano namang gagawin niyo?" nakakunot-noong tanong ni Art.

Ipinagdaop ni Chase ang kanyang mga palad. "Kung ano man ang trip nila, tama ba ako Art?" May kasamang kindat sa bandang hulihan yung pangungusap niya.

Nagkasalubong naman ang kilay ni Art. "Huh? Ba't mo'ko kinindatan?"

Sumimangot si Chase. "Nevermind."

"We have to talk our way out of a pending punishment from the council." pagbibigay-alam ni Trev. "Just do what I asked you to do and we'll handle the rest." Akmang aalis na sana siya nang bigla siyang may naalala. "Tomorrow's the meeting with the school leaders and all the people concerned of the preparation. Do not be late." Ito ang huling tagubilin niya sa amin bago lumabas ng dorm kasama si Cal.

Mayamaya, bumalik kami sa pag-uusap, ngunit hindi na ito tungkol sa mga gawain namin, kundi tungkol sa'kin. Tinukso-tukso kasi ako ni Chase kung nagdadalawang-isip na ba raw ako na manatili rito sa Academy ngayong may paparating na digmaan.

"Okie lang naman kasi kung ayaw mo, Cesia ih." dagdag pa ni Art. "Voluntary naman yun."

Sa totoo lang, noon pa ako nagdadalawang-isip kung sasali ba ako sa kanila kasi alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa. Baguhan pa ako sa mga ganito at wala akong ideya sa kung ano ang aasahan ko, ang masasaksihan ko. Kung magtatagal nga ba ako o sa unang apak ko pa lang sa field, eh tapos na kaagad ako.

"We're talking about inevitable death here." saad ni Kara. "Are you sure you're ready for that?"

Binigyan ko sila ng isang nag-aalanganing ngiti.

Para sa'kin, sobrang ikli pa ng panahon simula nang napadpad ako dito. Si Kara na mismo ang nakapagsabi na kamatayan ang mag-aabang sa'kin kapag sumama ako sa kanila, at hindi pa sapat ang panahon ng pananatili ko rito sa Academy para masabi kong kuntento na ako. Gusto ko pang mabuhay nang matagal, at dahil tao lang din naman ako na namamatay, hangga't maaari, iiwasan kong may mangyaring masama sa'kin. Lalo na't may bahagi sa'kin na nagsasabing may paparating pa para sa'kin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Pero paano kung ang hinihintay ko ay kamatayan din lang pala? Ibig sabihin, kahit anong magiging desisyon ko, sasali man ako sa digmaan, o hindi, iisa lang ang ending: mamamatay ako.

Oh no.

Nasa kalagitnaan ako ng tahimik na pagpapanic nang marinig namin ang sunod-sunod na mga katok mula sa labas ng dorm.

"Cesia, will you go get that for us?" Nginitian ako ni Ria.

Tumango ako saka tumayo. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

"Abigail..."

Mula sa pagkakapit sa pihitan, bumagsak ang aking kamay sa gilid ko. Napatulala ako, naghihinuha kung totoo ba itong nakikita ko o imahinasyon ko lang.

"Auntie?"

"Abby-"

"Auntie!" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at niyakap siya nang mahigpit. Gusto kong tumalon-talon sa saya ngayong nandito siya, nahahawakan, at kayakap ko. "A-Auntie..." Huli na nang namalayan kong higit pa sa tuwa ang nararamdamdan ko dahil sunod-sunod na nagsilabasan ang aking mga luha. Binaon ko ang aking mukha sa balikat niya at tahimik na napaiyak.

"Shh... Andito na ako, Abby," pagpapatahan niya habang hinahagod ang aking likod.

Naalala ko ang mga sandaling umiiyak ako sa balikat niya, simula sa aking pagkabata hanggang pagtanda, at ngayon, nalaman kong sapat na ito bilang katuwang sa mga taong itinago niya mula sa'kin ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko.

"Tapos ka na?" natatawa niyang tanong pagkaraan ng isang minuto.

Tumango ako bago bumitaw mula sa pagkakayapos sa kanya. "Auntie naman eh!" Nakangiti ako habang tinutuyo ang mga luha ko.

Matagal-tagal niya akong tinitigan bago hawakan ang aking pisngi. "Kumusta na ang Abby ko?" aniya. Lumapad ang kanyang ngiti, at malaya niyang pinatakbo ang kanyang tingin sa kabuuan ng aking mukha, tila naghahanap ng mga pagbabago. "Cesia..." bulong niya. "Ang ganda ng pangalang pinili mo."

"Auntie..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, pinipigilan ang sarili na muling maiyak. "Bakit?"

Binaba niya ang kanyang kamay. "Kasi naniniwala ako sa tamang panahon, Abby." Naging malungkot ang kanyang ngiti. "Naniniwala ako na kung hindi ikaw ang maghahanap ng katotohanan, ito ang maghahanap sa'yo."

Sumayad ang aking tingin sa paanan niya.

"Kaya patawarin mo ako kung sakaling nasaktan kita." dugtong niya. "Alam mo naman siguro na lahat ng mga naging desisyon ko ay para sa'yo diba?"

Inangat ko ang aking ulo. "Auntie, nakita ko na siya." pagbibigay-alam ko. "Nakausap ko pa nga." Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Aphrodite. Noon kasi, sa tuwing nagtatanong ako kay Auntie tungkol sa mama ko, ang palagi niyang sagot ay pang-dyosa ang angking kagandahan nito, at sa unang pagkakataon na makikita mo ang kanyang hitsura, pakiramdam mo'y isang malaking kasalanan kapag tinanggal mo ang iyong tingin mula sa kanya.

"Talaga?"

"Mmm!" Tumatango-tango ako. "Maganda nga siya, kagaya ng kinukwento mo sa'kin dati." Daglian akong napatigil dahil may naisip ako. "Actually, mas maganda."

"Mabuti naman..." puna niya, na sinundan ng ilang segundo ng katahimikan.

Napansin ko ang ginawa niyang pagsilip sa loob ng dorm. "Mabait ba sila sa'yo?"

Ipiniling ko ang aking ulo sa kanyang tenga sabay bulong, "May pagka-weird sila, bawat isa ata sa kanila may sariling uri ng pagiging weirdo eh, pero mababait naman silang lahat."

"Paano mo naman nasabi 'yon?"

"May isa sa kanila na tinutukan ako ng dalawang espada, tapos may isa din na pinaulanan ako ng mga kutsilyo." Nagsimula na akong magsumbong sa kanya sa nasaksihan ko simula nang makilala ko ang Alphas. "Pero kahit gano'n nga ang nangyari, alam kong mabubuting tao sila."

"Oh siya, pupunta muna ako sa office." paalam niya. "May aasikasuhin pa ako doon."

"Pero Auntie! Ang dami ko pang gustong ikuwento sa'yo-"

"Nandito lang ako." Hinaplos niya ang buhok ko. "Wala nang makapaghihiwalay sa'tin. Isang tawag mo lang at nasa tabi mo na kaagad ako. Marami pang oras ang nakalaan para magkasama tayo at doon mo ikuwento lahat sa'kin." Muli kong nasilayan ang kanyang ngiti. "Doon mo ikuwento lahat sa'kin, at pangakong hindi ako magsasawa."

Ibinaba niya ang kanyang kamay at inayos ang sarili niya. "Pero Abby, kailangan ko na talagang pumunta sa opisina. Pinatawag kasi kami ng Academy para tumulong."

Napatigil ako sa sinabi niya. "Ka... Kasali ka?"

"Oo naman, bakit?"

At sa sandaling iyon, nakapagdesisyon na ako.

Inayos niya ang kanyang sarili. "Baka ako nalang ang hinihintay nila sa office." Yumuko siya para tignan ang suot niyang relo. "Mabuti na lang talaga at hindi ako katulad mo na palaging late."

Napangiti ako. "Kailan ulit tayo magkikita?"

Gusto ko pa siyang makausap... gusto ko pa siyang makasama...

"Tawagin mo lang ako." sagot niya bago ako talikuran at nagsimulang maglakad papuntang office.

Nanatili akong nakatitig sa kanyang likod, binibilang ang bawat hakbang niya papalayo sa'kin. Minasdan ko lang siya at kasabay nito ay ang dahan-dahang paglaho ng aking ngiti.

"Andalusia, Spain..." Ibinulong ko ang sana'y sasabihin ko sa kanya kung hindi lang siya nagmamadaling umalis. "Nakapunta na ako sa Spain, Auntie..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro