L | Sensed
Art's POV
Ipinakita ko sa kanila ang isang blue cocktail dress. "Kung ito kaya? Hihi!"
Super cute nga kasi may maitim na belt, parang dress ni Bubbles. So far, ito lang yung dress na nagustuhan ko, sa dinami-raming dresses na nakapalibot sa'min dito sa boutique.
Kaya kami naparito para bumili ng susuotin namin sa celebration ng three lunar goddesses.
Hinablot ni Ria yung dress mula sa kamay ko para tignan ito. "This looks great."
Napangiti ako sa sinabi niya. Hihihi. Sabi ko na nga ba na bagay sa'kin 'to ih! Naiimagine ko na yung sarili ko na suot yung dress tapos kulay blonde yung buhok at nakapigtails.
Kung magpapadye kaya ako pagkatapos nito?
"Kapag costume party ang pupuntahan mo." dugtong ni Ria. "We're going to a ball, Art. You need to look as formal as possible."
"Ih... Gusto ko n'yan ih..." malumbay kong sabi at sinundan ng tingin ang dress na ibinalik niya sa clothing rack. "Ayoko nung mga dress na type niyo... ang wewew-weird."
Sinilip ko ang aurai na nakasunod kay Ria at may tinutulak na isang rack ng mga eleganteng gowns. "Susuotin mo ba lahat 'yan?"
Natawa si Ria. "Oh no. I just requested for someone to follow me around with their most expensive gowns so I can compare them with the others." Nilingon niya yung aurai. "You're okay with that, right?" tanong niya dito, na tinanguan naman nito.
"Hay! Sige na nga. Maghahanap nalang ako ng iba. Yung magugustuhan mo kahit na ako naman yung magsusuot!" Binelatan ko siya bago bumalik sa pag-iikot sa boutique.
Bumubulong-bulong ako sa sarili ko habang naghahanap ng damit. Bakit ba kasi sobrang sexy nung dresses nila? Wala ba silang cute pero at the same time sophisticated tignan?
Katulad nito oh!
Hinawi ko ang isang black gown na may mahabang punit na nag-eextend mula sa waistline hanggang sa dulo ng skirt like- sinadya ba 'to? Ang revealing naman kasi sa legs ih! Pati na rin yung upper niya, sobrang lalim ng neckline. Mas malalim pa sa pag-iisip ni Chase. Tsk!
Umiling-iling ako at binitawan ito.
Wala naman akong grudge sa mga babae na mahilig magsuot ng mga ganitong uri ng damit. Pero may grudge ako sa boutique na'to kasi wala pa rin akong nahahanap na masusuot sa sobrang dami ng nandito! Aaaahh!
"Art-"
Mabilisan ang pag-ikot na ginawa ko. "Ano?!"
Halatang nagulat ko si Cesia kaya agad akong napatakip ng bibig. "Omg! Huhuhu! Sorry Cesia. Wala pa kasi akong masusuot ih. Kanina pa ako nape-pressure..."
"Okay lang." Inipit ni Cesia ang kumawalang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga. "Actually, may nakita akong gown na sa tingin ko'y bagay sa'yo-"
Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos makita ang gown na nakasampay sa braso ng aurai na nasa likuran niya. Dali-dali akong lumapit dito at inangat ito.
"Iiihhh!!" Napatili ako. "Ang ganda!"
Off shoulder yung top niya na pastel pink. May kaunting gold swirls na makikita lang pag tinitigan mo pero dahil dito, kumikinang yung tela sa bawat bahagi nito na nadadapuan ng liwanag. Tapos yung skirt, hindi gaanong malaki kaya hindi ito mabigat tignan. Pero yung favorite ko talaga ay ang maninipis na layers nito na pastel colors! May pink... blue... violet... orange... yellow...
Niyakap ko ito. "May gown na rin ako, sa wakas!"
"Mabuti naman at nagustuhan mo." ani Cesia. "Halika na. Hinihintay na nila tayo sa counter."
Maingat kong inabot sa aurai yung gown bago lumukso-lukso papunta kina Kara at Ria na naghihintay sa'min. Suot ang isang malapad na ngiti, kinawayan ko sila. "Hello! So ayun na nga, may nakita na ako! Hihi!"
"That's good news." sagot ni Ria. "Akala ko talaga hindi ka tutuloy sa celebration."
"Para ano? Para mapagalitan ako ni papa?" Ngumuso ako saka umiling. "No way!"
Kahit wala akong masusuot eh sasama pa rin naman ako. Kung hindi, baka bababa si Apollo mula sa kalangitan sakay sa chariot niya para lang paluin ako sa ulo gamit yung pana niya. Isa kasi sa deities na ice-celebrate namin ay si Artemis, Goddess of the hunt, the moon, wild animals, forest and chastity. At saka, twin sister din ni papa.
Napangiti ako nang maalalang hindi nga pala kami close ni Artemis kahit sa kanya galing yung pangalan ko. Galit nga ata yun sa offsprings ni Apollo ih. Kasi sa pagkakaalam ko, medyo protective siya sa mga nilalang na mahalaga para sa kanya, at isa na do'n si papa. Ayaw niyang magkaroon ng kahinaan yung kambal niya kaya hindi ko siya masisisi kung ayaw niya akong pansinin o di kaya'y lagyan niya ako ng sumpa, dahil deities sila at bawal sa kanila ang maging mahina.
"Art!"
Bumalik ang aking diwa dahil kay Ria na tumatawag sa'kin. Nakita ko siya sa labas ng entrance ng boutique, kasama sina Cesia at Kara.
"Wuy! Ba't andiyan kayo?" pabalik kong sigaw sa kanya.
"Eh ikaw? Bakit ka pa nandiyan? You've been standing there for a goddamn eternity!"
"Ooh..." Kumisap-kisap ako saka nag-bow sa aurai na nasa likod ng counter. Pagkatapos magpasalamat sa kanya, tumakbo ako papunta kina Ria na kanina pa pala ako hinihintay. "Sorry. Ang ganda kasi ng daydream ko ih. Ehehehe..."
• • •
"Please deliver these to our dorm." Inabot ni Ria sa tatlong aurai ang anim na paper bags na naglalaman ng mga damit at anim na boxes ng bagong footwear.
Kung bakit ang dami ng pinamili niya? Si Ria 'yan ih. Naguguluhan na nga ako kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ni Cesia ang totoong anak ni Aphrodite.
"Guys! Yoohoo!" Tinawag ko sila. "Pwede na ba tayong kumain? Nagugutom na ako!"
Tumungo kami sa basement ng mall at nag-order ng pagkain mula sa napili naming food stalls. Napansin ko na mas lalong tumindi yung tingin ng mga estudyante sa'min, siguro dahil may alam na sila sa paparating na digmaan.
"Hindi ba talaga natin maiiwasan yung mangyayari?"
"It should be their mission to prevent it from happening, sa totoo lang."
"Maybe they're like their deities that want blood spilled for them? Why aren't they doing anything?"
Nagpanggap ako na hindi ko narinig yung pinag-uusapan ng tatlong Beta students at nilagpasan sila.
Inilapag ko sa mesa ang food tray na dala-dala ko saka umupo sa tabi ni Cesia. "Wala daw tayong ginagawa para iwasan yung digmaan. Pft! Baka gusto nilang magpalit tayo ng sitwasyon? Sila na maghanap ng Elite Imitator tas tayo yung magreklamo nang reklamo."
"Don't let their words get into you, Art." payo ni Kara na nakaupo sa tapat ko. "They don't know the things we've been through."
"Kaya nga ih!" Bumagsak ang aking kamao sa mesa. "Hindi nila alam kung ano yung pinagdaanan natin para lang maprotektahan ang realm na'to tapos gaganyanin lang nila tayo?"
"Hey." Umupo si Ria sa tabi ni Kara. "Huwag ka ngang magalit diyan. Trabaho ko ang mag-react ng ganyan, and besides..." Kinikiskis niya ang kanyang mga palad habang nakatingin sa pagkain sa kanyang harapan. "We're a class higher than them. Why do you think we're called Alphas? Isang tingin lang at magmimistulang tuta rin 'yang mga 'yan."
"Ria, don't underestimate the other classes." ani Kara. "They're still descendants of beings higher than us."
"I don't even look up to my own deity." sagot ni Ria. "What makes you think I'd be looking up to them as well?"
Napailing nalang ako.
"Umm... saan ba tayo magsisimula sa paghahanap ng Elite?" tanong ni Cesia.
The Elite Imitator... isang machine na kayang maglabas ng kapangyarihan na energy-related. Kung totoo ngang nandito 'yan sa Academy, eh di dapat noon ko pa nararamdaman ang presensya nito, dahil taglay nito ang magkaparehong elemento ng kapangyarihan ko.
"Good question." sambit ni Ria. "Unless may hidden office si Theosese dito, then we'll start looking at the library, the same place where the blueprints used to be in."
Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain nang may maalala ako.
Bahagya akong humilig kay Cesia at bumulong, "Cesia, naaalala mo pa ba nung ni-raid ko yung dorm kasi akala ko gumagamit ng drugs yung ibang Alphas?"
Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Oo naman, bakit?"
"Nagpasama ako nu'n, diba? Para bumili ng ingredients?"
Tumango siya.
"Natatandaan mo pa rin ba kung saan tayo dumaan?"
"Hmm..." Saglit siyang napaisip."Sa exit ng Academy na pinakamalapit sa mall ata 'yon..."
Alam ko kung ano yung naramdaman ko nu'n kaya... "Guys?" Kinuha ko ang atensyon nila. "Mukhang alam ko na kung saan natin sisimulan yung paghahanap ng Elite."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro