Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IV | First Meet

Cesia's POV

Isang minuto rin akong katok nang katok sa pinto, nagbabasakaling marinig ako ng mga tao sa loob, kung meron man. Ilang sandali lang ay napansin kong lumiwanag yung pin ko kaya napatingin ako dito. Kasunod na tumunog ang pinto at otomatikong bumukas.

"Registered. Cesia of the Alpha Class." boses ng babae ang bumati sa'kin.

Aaminin ko, hindi ko inasahang may automated systems din pala sila. Ngunit mas hindi ko inasahan ang bubungad sa'kin pagbukas ng pinto.

Pumasok ako sa loob at napailing, hindi na naman makapaniwala.

Anong klaseng paaralan ba ang nago-offer ng libreng dorm na parang... hotel?

Naihahantulad ko ito sa hotel dahil napakurap-kurap ako sa engrande ng sala na unang lumantad pagpasok ko. Pinapaligiran ako ng pader na kasingkulay ang maputing buhangin sa dagat sapagkat may halong grayish at yellow ito. Nagmistulang marhen sa kisame ang ginintuang crown molding sa pader na nakaikot sa bawat sulok ng silid. May paintings, floating shelves, wall lamps at kung anu-ano pang mga kagamitan sa sala na nakikita ko lang dati sa mga magasin ng five-star hotels.

Makintab ang marble flooring. Dark brown ito at bilang disenyo, sumasayaw sa sahig ang maninipis na alon ng ginto.

Sa gitna ng sala, naroon ang mahabang gray sofa, na kasya ata ang pitong katao. Nakakurba ang hugis nito at sa magkabilang gilid, ay may dalawang pulang silyon. Nakaharap ang sofa sa wooden media cabinet kung saan nakapatong ang malapad na TV at mga speakers. Pumagitna sa sofa at media cabinet ang rectangular at glass coffee table. Lahat ng mga ito'y napalagay sa ibabaw ng pulang carpet.

Sa bandang kanan naman ng silid, mayroong rectangular opening sa pader, isang archway kumbaga para sa kusina... at sa gitna ng pader na nasa kaliwang bahagi ng dorm, ay may hallway na naghahati nito. Hindi naman ganoon ka kitid ang espasyo sa gitna, sapat lang ito bilang daanan sa pagitan ng walong pinto na nakahati't nakatapat sa isa't-isa.

Panghuli, hindi lang yung sala ang sumalubong pagkapasok ko, pagka't bumulagta din sa'kin ang napakalaking balcony na may white marble railings. Nakasarado ang glass panels nito pero dahil gawa nga sa salamin ang panels, natatanaw mula sa kinatatayuan ko ang landscape view ng kagubatan na nakapalibot sa Academy at sa likod ng nagkukumpulang korona ng mga puno, nakatumbad ang napakagandang tanawin ng bulubundukin.

Umupo ako sa sofa saka inilapag sa mesa ang dala-dala kong schedule at invitation letter. Sumandal ako at napatingala sa kisame habang inaalala yung bahay namin...

yung kwarto ko...

pati na rin si Auntie...

lalong-lalo na si Auntie.

Mayamaya, umayos ako sa pagkakaupo. Unang araw ko palang dito at naho-homesick na ako. Hindi pwedeng maabutan ako ng ka-dormmates ko na nage-emote dito. As much as possible, gusto kong maganda ang first impression ko sa kanila... although...

Gumuhit ng pait ang mukha ko nang maalala ko ang unang estudyanteng nakasalubong ko.

Nakita kaya ng dormmates ko yun? Or worse. Yung babaeng tinarayan ako kanina, isa ba siya sa magiging dormmates ko?!

Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko. Niyakap ko ito saka sinubsob ang mukha ko bago sumigaw, na may kasama pang pagpapadyak-padyak ng paa.

Pagkaraan ng ilang segundo, kumalma na ako. Ibinalik ko ang unan at muling napatingin sa hallway na may tig-aapat na pinto sa magkabilang dako ng dingding.

Ibig sabihin, pitong estudyante ang makakasama ko.

Humiga ako sa sofa nang nakatagilid at pinikit ang mga mata ko. Nakaramdam kasi ako ng pagod ngayong nakarating na ako. Dumagdag pa yung pananakit ng likod at leeg ko dahil sa pitong oras na nakaupo lang ako sa byahe. Mag-isa lang din naman ako dito kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na maging komportable.

Pinakikinggan ko ang bawat pagtibok ng sarili kong puso... at binilang ko ito, hanggang sa madala ako ng antok.

Nagising ako sa gitna ng playground na ilang metro lang ang layo mula sa bahay namin. Dito ako napapadalas kapag gusto kong mapag-isa. Yun nga lang, naramdaman kong may nagbago sa atmospera ng kapaligiran... ibang-iba ito sa nakasanayan ko.

'Cesia...' boses ng babae ang tumawag sa'kin.

Dumaan sa harap ko ang simoy ng hangin, papunta sa direksyon na pinagmumulan ng tinig na 'yon kaya napalingon ako.

'I'm here, my love'

Nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga circular benches. Kaso, hindi ko gaanong maaninag ang hitsura niya...

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. 'Sino ka?' tanong ko.

'Shush child, do not make any noise. They can hear you.'

Napahinto ako nang unti-unti siyang naglaho sa aking paningin.

'Teka!'

• • •

"Shh. Uy, wag niyong gisingin si Sleeping Beauty."

"Everyone shut up."

"Bro, chix..."

"I already met her at the Admission Room earlier."

"Bro naman! di mo'ko nainform!"

"hmm?" Naalimpungatan ako sa mga boses na nagbubulong-bulungan.

"Chase! Ang ingay-ingay mo kasi!"

"Weh? Eh ikaw na nga 'tong sumisigaw-"

"I think she's awake."

"Shhhhh!!"

Binuksan ko ang aking mata at bumungad ang pagmumukha ng tatlong babae na napasobra ng lapit sa'kin.

"Aaaahhh!" Napasigaw ako dahilan na mapaatras din sila sa gulat.

"Hey! My name's Ria." Hindi nag-aksaya ng oras ang babaeng nakatayo sa gitna at agarang ipinakilala ang sarili niya pagkatapos iabot ang kanyang kamay.

Matapang yung dating niya na may halong katarayan... at yung tingin na binibigay niya sa'kin ay may bakas ng determinasyon, pati na rin sa boses niya.

Napatitig ako sa kanya bago makipag-kamayan.

"I'm... Ce-"

"Cesia. Nakita na namin yung ID mo. Ako nga pala si Art!" kasunod na nagpakilala ang babaeng nasa kaliwa. Naka loose pigtails ang kanyang buhok at nakatali sa maroon na ribbons.

"Kara." Huling nagpakilala ang babaeng nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Nakataas ang kanyang noo at bahagya lang niyang ibinaba ang kanyang tingin para salubungin ang mga mata ko.

Nakasuot din sila ng uniform kaya napag-alaman kong sila nga ang makakasama ko sa dorm. Tumayo ako saka inayos yung sarili ko.

"And we are... the Powerpuff Girls!" biglang sumigaw yung Art sabay fist bump sa ere.

Sinundan ito ng katahimikan.

Powerpuff Girls? katulad nung cartoons?

"Art, it is not the right time for that." seryosong tugon ni Kara.

"I'm telling you Art, nakarami ka na ng PPG." dagdag ni Ria.

"Eeehhh?? Ayaw niyo yun? Para mas energetic yung introduction natin-" hindi tinapos ni Art ang kanyang pangungusap nang makatanggap siya ng nagbabalang tingin mula sa dalawa. Ngumuso siya saka tumungo sa isa pang lalaki na nasa kusina.

Gumuhit sa labi ko ang isang ngiti. Ang cute niya kasing tignan magtampo.

Pagkatapos, lumipat ang aking tingin sa taong nilapitan niya at saka ko lang nalaman na meron pa pala kaming kasamang apat pang mga lalaki. Kinutuban akong mga estudyante rin sila kahit di sila naka-uniform dahil sa gold pins na nakasabit sa damit nila.

"Attention to all students, you are requested to proceed to the Ceremonial Hall at exactly six in the evening. The proper school attire and behavior should be observed." Dalawang beses naming narinig mula sa built-in speakers ng dorm ang announcement na 'yon.

Napansin ko ang tingin na binigay nila sa isa't-isa kaya nagtaka ako.

"Dapat bukas pa yung ceremony diba?" tanong ni Art.

"It's okay, we still have half an hour to spare." ani Kara.

"Hmm. Kung gano'n-" Nagsalita ang lalaking nakatayo sa tabi ng TV. "Makakaligo pa pala ako!"

Napasinghap ako nang bigla siyang nawala sa kinatatayuan niya.

Seryoso.

Wala pang ni isang segundo at narinig ko na ang pagsarado ng isa sa mga kwarto. Sa sobrang bilis niya, ihip lang ng hangin at tunog ng pinto ang napuna kong pruweba na gumalaw siya sa pwesto niya at hindi nag-teleport, kahit mukha talaga siyang nag-teleport.

"...and that was Chase." Pinatong ni Ria ang kanyang kamay sa balikat ko. "Mabilis din ang kamay n'yan kaya mag-ingat ka. Kawatan 'yan, bolero, mahilig gumala, maingay, annoying as hell, not sometimes, BUT ALWAYS."

"Ahh..." dahan-dahan ang aking pagtango. Wala kasi akong ideya kung ano dapat ang ire-respond ko sa napakaspecific na description niya sa Chase na 'yon.

"That guy over there na kasama ni Art." sabay turo niya sa lalaking kasama ni Art sa kusina. "That's Cal. Mukhang patay no? Humihinga pa yan don't worry. HAHA!" natawa siya sa huli.

Kusa akong napangiti nang muling tignan yung dalawa. Nagsusumbong ata si Art sa kanya samantalang siya, walang bakas ng emosyon sa mukha.

"I guess nakilala mo na si Dio." Tinapik niya ang balikat ko.

Tinignan ko si Dio na nasa gitna ng pag-uusap kasama ang isa pang lalaki. Hindi ko alam kung bakit, pero pamilyar yung kausap niya... nagkita na ba kami dati?

Mayamaya, naliwanagan na rin ako. Tama! Siya yung lumabas mula sa kotse na kasabay kong dumating sa may entrance ng Academy.

"And that..." panandaliang huminto si Ria para ituro sa'kin ang lalaking hindi niya alam na kanina ko pa tinititigan. "...is Trev."

"So, Cesia right?" narinig kong tanong ni Ria dahilan na mabalik ang atensyon ko sa kanila ni Kara. "Who is it? Who is your deity? Which one of the Olympians?"

"Deity?" Wala akong kamuang-muang sa pinagsasabi niya. Anong deity? atsaka Olympians?

"You know. Yung parent mo na God or Goddess from Greece." sagot niya. "Specifically, from Mount Olympus... That's why they're called Olympians?"

Olympians. Naaalala ko ang term na'yan. Greek Mythology ata yung tinutukoy niya.

Sa pagkakaalam ko, kino-compose ito ng maraming gods or goddesses na nagre-represent ng iba't-ibang aspects of nature mula sa panahon ng Ancient Greece, tapos yung Olympians ang superior gods nila. Tama ba?

Pero teka lang. Reality check muna. "Sorry pero... anong ibig mong sabihin?"

Halatang ipinagtaka niya ang katanungan ko. Saka siya nakipagpalitan ng tingin kay Kara. Napansin ko rin ang sabay-sabay na pagtingin nung iba sa'kin, na para bang ang laking kasalanan ng itinanong ko.

"What do you know about your parents?" nakakunot ang noo ni Kara.

"Actually, wala na sila." saad ko. "Si Auntie ko lang ang nagpalaki sa'kin."

"How did they die?" karagdagan niyang tanong.

Bahagya kong binuksan ang aking bibig pero napatigil ako nang may na-realize ako.

"H-hindi ko alam..." Hindi ko na alam.

Ang kuwento sa'kin ni Auntie, naaksidente silang dalawa nung sanggol palang ako. 'Yan ang parati niyang sinasabi sa'kin sa tuwing tinatanong ko siya. Madali ko naman itong tinanggap bilang katotohanan.

Pero habang tumatanda ako, unti-unti akong nawawalan ng tiwala sa sinabi niya.

Pakiramdam ko kasi sinasabi lang niya 'yon para manahimik ako. Sa huli, iniiwasan kong itanong sa kanya kung anong totoong nangyari sa mga magulang ko. At ayoko ring makita siyang nalulungkot... kaya napagdesisyunan kong di ko na siya aabalahin patungkol dito.

Sinenyasan ako ni Ria. "Maupo ka muna."

Umupo ako sa sofa at nag-antay sa susunod niyang sasabihin.

"Cesia, lahat ng students dito ay descendants ng mga gods, and you're here because you're one of us too." pagpapaliwanag niya. "Everyone here in this room is an offspring of a mortal and an immortal being. So, we're sort of like... demi-gods."

Nanatili akong nakaupo, at ang naging reaksyon ko lang sa sinabi niya ay ang pag-angat ng kilay ko.

Hindi ako tumango o nagsalita. Nagpapanic ang utak ko dahil wala na. Walang-wala na talaga ako. Utas na ako sa eskwelahang 'to at ang mga tao dito.

Kung panaginip man ito, gusto ko nang magising kasi dati pa akong kinutuban na hindi Academy ang pinasukan ko kundi institution para sa mga... mentally disturbed.

Tumayo ako at akmang aalis nang itulak ako ni Ria pabalik sa sofa.

"I like you." puna niya. "Nakakatuwa ka."

Tuluyan na ngang na-alarma ang buo kong sistema dahil sa ginawa niya.

"Ria, you're scaring her." sambit ni Dio.

Inirapan siya ni Ria bilang sagot at nang muli niya akong tinignan, namuo ang isang nakakakilabot na ngiti sa labi niya. "I'm really sorry, pero kailangan muna kitang takutin para maniwala ka sa'kin." Kasunod niyang itinupi ang sleeves ng uniform niya hanggang siko.

Habang ginagawa niya 'yon, nag f-formulate na ako sa utak ko ng escape plan: kakaripas ako ng takbo. Kapag hindi ako makalabas sa pamamagitan ng pinto, pwes, lalabas ako sa balcony at do'n ako tatalon...

Okay. Okay. Magiging masakit yung bagsak ko pero ang mahalaga, diretso na ako sa lupa at di ko na kailangang dumaan sa mga corridors ng Academy, kung saan maraming tao ang maaaring naka-abang sa'kin.

"I wonder why you've been hiding in the mortal realms all these years..." ibinukas-sara niya ang kanyang palad at iniunat ang mga daliri niya. "You should-"

Daig ko pa ang taong hinabol ng aso sa may kanto kung makatakbo. Dumiretso ako sa glass panels ng balcony at sapilitang binuksan ito. Narinig ko na ang pag-unlock nito nang hindi ako nakapagpatuloy dahil isang matulis na bagay ang dumapo sa likod ng leeg ko.

"Turn around." utos niya.

Dahan-dahan akong umikot at hinarap sila.

"Now that you know I can summon weapons, let me introduce myself again."

Laking gulat ko nang makita si Ria na hawak-hawak ang dalawang espada. Bumaba ang aking tingin at napalunok ako nang makitang nakatutok sa'kin ang tigdudulo nito.

Napasandal ako sa panel ng balcony.

"Ria, an Alpha, Daughter of Ares, the God of War..." bahagya niyang ibinaba ang kanyang kamay. "...at your service."

Binaliktad niya ang kanyang mga kamay at nakita ko kung paano unti-unting naging transparent ang mga espada hanggang sa tuluyan na ngang maglaho ang mga ito.

Tinitigan ko siya at isa-isang sinulyapan yung iba.

Jusko. Hindi ako nakapaghanda sa mangyayari sa'kin dito.

Enrollment day ko palang!

"Umm... we're still going to be friends, right?" kumisap-kisap siya.

Nagsimula na akong magcontemplate sa mga naging desisyon ko, mga dahilan kung bakit ako napadpad dito, at paano ako nakarating sa punto ng buhay kung saan lahat ng nasaksihan ko sa loob lamang ng isang araw ay makakapagbago ng pagtingin ko sa mundo... dahil alam kong gising na gising ako at hindi ito panaginip.

"Halika na Cesia..." nilapitan ako ni Art. "Magpahinga ka muna sa kwarto mo."

Tumango ako at sumama sa kanya. Dinala niya ako sa harap ng pintong pinakadulo ng hallway.

"Itong side na'to yung sa girls tapos yung katapat na side naman ay sa boys. Okie?" nakangiti niyang sabi. "Ang swerte mo kasi dalawa yung bintana ng kwarto mo." Saka siya bumulong sa'kin, "sabihin mo lang kapag may mumu d'yan ah? Matagal-tagal na rin kasi 'yang bakante. Hehehe."

Pumasok ako nang pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Tatawagin ka lang namin 'pag time na." paalala niya bago isarado ito.

Nadatnan ko ang mga gamit ko na nakalagay sa paanan ng puting king size bed, pati na yung malaking kahon na ipinadala ng Academy at may lamang school supplies.

Inikot ko ang aking tingin sa kabuuan ng kwarto. Mas malaki ito kung ikukumpara sa dating kwarto ko. Gray, light pink at white rin ang theme nito. May nightstand, vanity area at closet. Gaya ng sinabi ni Art, may dalawang bintana yung kwarto, pero hindi lang 'yon, dahil may sariling comfort room din ito.

Bumagsak ako sa higaan.

Out of place. Na o-out of place ako dito.

Balak ko lang namang mag-aral at grumaduate. Ngayong nandito na ako, hindi ko na alam kung saan ako patungo.

Narinig kong tumunog yung tiyan ko.

Hindi ko rin alam kung saan ako makakakain dahil nakalimutan kong hindi nga pala ako nakapananghalian.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro