III | Officially A Student
Kanina pa binuksan ni mamang driver ang kotse pero nanatili pa rin akong nakaupo sa loob. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa harap, pinag-iisipan kung totoo ba 'tong mga nakikita ko.
"I will deliver your luggage and once you are ready to get out of the car, please head to the main desk in the middle of the entrance hall." huling sambit nung mamang driver bago ako iwan.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Para kay Auntie." Saka, wala na akong magagawa dahil nandito na ako.
Pagbukas ko ng aking mga mata, nakita ko ang isa pang sasakyan na huminto sa harap ng kotse. Lumabas mula sa driver's seat ang lalaking nakasuot ng puting t-shirt at plain jeans. Nakakuyom ang kanyang palad at mabigat ang bawat hakbang niya papasok ng Academy.
Galit siguro dahil pasukan na naman?
Lumabas na ako ng kotse nang mapansing nakapasok na ang ibang estudyante at ako nalang yung natira.
Bumaba ang mga mata ko sa carpet na kulay maroon sa entrance. Pagpasok ko, binati ako ng ingay sa loob at mas marami pang katao. Dumiretso ang aking tingin sa desk na nasa dulo ng carpet kaya't dumiretso na ako do'n, gaya ng tagubilin ni mamang driver...
...na nakalimutan kong pasalamatan.
Di bale, sigurado naman akong makikilala ko siya kapag nagkita ulit kami.
Palinga-linga ako habang naglalakad tungo sa gitna ng hall dahil nakuha kaagad ng pinaghalong modern at traditional internior design ang buong atensyon ko.
Gawa sa kumikintab na puting marmol ang sahig.
Nakapinta sa matayog na kisame ang mga ulap at dito nakasabit ang naglalakihang chandeliers na tila sinawsaw sa nilusaw na ginto.
"Hindi kaya sila nagkamali sa pag send ng invitation?" medyo naa-aware na ako sa presensya ko sa lugar na'to dahil malaki talaga ang posibilidad na hindi pala ako yung Abigail na gusto nilang maparito. Hindi lang naman siguro ako ang nagngangalang Abigail Young sa lugar namin diba?
"Oof-" nabalik ang aking diwa nang mabangga ko ang dulo ng desk. Pagkatapos makita ang babaeng nakatayo sa likod nito, umatras ako at agarang umayos ng tayo.
"Your name please?" aniya nang hindi ako tinitignan dahil nakatuon lamang siya sa pag s-scan ng records na nasa harapan niya.
"Abigail Young po..." pinagpag ko ang suot kong skirt at muling napatingin sa kanya.
"Say, are you new here?" tanong niya.
"Opo." sagot ko.
"May I see one of the letters sent to you and your pin please?" inilahad niya ang kanyang kamay.
Kinuha ko ang nakatiklop na papel mula sa bag ko. Isa ito sa ipinadala nila sa'kin.
Saka... anong pin?
Magtatanong na sana ako kung ano yung tinutukoy niya nang maalala ko ang pin na ibinulsa ko bago makaalis ng bahay. Kinuha ko ito at inabot sa kanya kasama yung letter.
Una niyang binasa ang sulat. Binaba niya ito sa desk at kasunod na chineck ang pin.
Napansin kong napatigil siya pagkatapos makita 'yon.
Tinignan niya ako nang nagtataka. "Are you sure you're new here?"
"Opo." Tumango ako. "Bakit ho? nagkamali po ba ng pangalan? Sabi ko na nga ba-"
May inilabas siyang card na kasinglaki ng isang buong papel mula sa ilalim ng desk at inilapag ito sa harap ko.
"This is your schedule." aniya kaya't napatingin din ako para malaman kung anu-ano yung tinuturo niya. "The day, time of the day, name of subject and the corresponding teacher." Binaliktad niya ito at naroon nakaprinta ang mapa ng school. Kumuha siya ng red marker. "And this..." Binilugan niya ang isang partikular na parte ng mapa. "this is your dormitory, where you will be living along with the other Alphas."
"Alphas?"
Tiniklop niya yung card at diretsaang inabot ito sa'kin. Pinulot niya rin ang pin at invitation letter sa desk at ibinalik sa'kin.
"Te-teka-" ang bilis naman!
"Please stop by the admission hall to get your valid ID and secure your secondary name or the name for the realms." sambit niya.
"Umm. Pwede po bang manghingi ng direction kung saan-"
"Just follow the light, Miss."
"Po?" Nagkasalubong ang aking kilay. Tama ba yung pagkarinig ko? Just follow the light?
"Your odigos, Miss Young." aniya. "Just follow it and it will lead you to wherever you are supposed to go."
Napalitan ng pagkabigla ang pagtataka ko nang lumitaw sa harap ko ang isang maliit na bola na tila... gawa sa liwanag? Sinubukan ko itong hawakan pero iniwasan nito ang kamay ko.
Pabalik-balik ang aking tingin sa liwanag at sa babaeng nasa likod ng desk. Nginitian niya ako bago nagpatuloy sa ginagawa niyang pagche-check ng records.
Umalis na ako sa kinatatayuan ko at hinanap yung bola ng liwanag na nawala na sa paningin ko.
Lumitaw ulit ito, ilang metro ang layo mula sa'kin kaya't lumapit ako dito. Gumalaw ito patungo sa isa sa mga hallways ng Academy. Nagdadalawang-isip man, sa huli, nagawa kong sundan ito.
Naalala ko na naman ang invitation letter na pinirmahan ko nung araw na natanggap ko ito.
Medyo kinakabahan na ako dahil first time kong makakita ng sulat na otomatikong nasusunog at naglalaho. Tapos ngayon, may sinusundan akong lumulutang na bolang gawa sa liwanag na ayon sa babae, ay tinatawag na odigos.
Ang dami ko na ngang mga katanungan sa buhay ko, dumagdag pa ang kababalaghan ng eskwelahang 'to.
Naglaho ang odigos at natagpuan ko ang aking sarili sa likod ng mga estudyante na nakalinya sa harap ng malaking pintuan.
Ito na siguro yung admission room.
Habang naghihintay, napagdesisyunan kong basahin muna yung schedule ko para naman magkaroon ako ng ideya kung anu-ano ang pag-aaralan namin. Pero bago man 'yon, sinunod ko ang ibang students at sinuot yung pin sa ibaba ng Academy crest sa vest ko.
'Classes start tomorrow'
Yan ang nakalagay sa pinakaitaas na bahagi ng schedule at medyo dismayado ako pagkabasa no'n kasi balak ko sanang mag ikot-ikot muna sa school campus bago magstart yung klase.
'Biology'
'Language & Communication'
'History'
'Physical Education'
Mukhang okay naman yung mga subjects ah...
'Semideus'
"Semideus?" binasa ko ang kakaibang subject na nakaprinta sa schedule.
Ano na naman 'to?
"Excuse me miss? Kasali ka ba sa linya?"
Inangat ko ang aking ulo at napatingin sa matangkad na babaeng nakatayo sa harap ko. Hindi lang uniform ang suot niya dahil nakasuot din siya ng mapait na ekspresyon sa mukha niya.
"Po?" May pakiramdam talaga akong hindi siya ang hinihintay kong magiging kauna-unahang kaibigan ko dito.
"You have been here for a whole goddamn eternity! What do you think?!"
Nagulat ako nang bigla niya akong sinigawan dahilan na mapatingin ang ibang estudyante sa'min at manliit ako sa harap niya.
"I'm... I'm sorry-"
"You." mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero bigla ko nalang nakita ang sarili ko na duguan at walang malay sa sahig ng admission room. Napasinghap ako at marahas na napabitaw mula sa kanya at kasabay nito ay ang pagkawala ng nakita ko.
"Move!" utos niya na agaran ko namang sinunod. "To the studio! Now!"
Nanginginig ang kamay ko nang hawiin ang kurtina at pumasok sa studio. Hindi sapat ang hangin sa sistema ko at sobrang bilis ng takbo ng dibdib ko.
"For you to get frightened that easily, you must be new."
Boses ng lalaki ang bumati sa'kin sa loob. Napatingin ako sa kanya na nakaupo sa likod ng tripod at inaayos ang camera. Hindi siya nakasuot ng uniform pero mukha naman siyang ka-age ko lang kaya nagdalawang-isip ako kung staff ba siya o student o both?
"Don't worry about her. Nandito lang siya para sa'kin." tumayo siya pagkatapos ayusin ang camera at lumapit sa'kin.
"I'm Dio of the Alpha Class." sabay abot niya ng kamay.
"Abigail..." tinanggap ko ito. "Abigail Young." Mas lumakas ang kutob ko na isa nga siyang estudyante dito kahit hindi siya naka-uniform dahil sa pin na nasa upper left ng suot niyang itim na v-neck.
Magkapareho kami.
Napansin niya akong nakatitig sa pin niya kaya't napatingin din siya dito saka sa pin ko.
"Good news. You're an Alpha too." nginitian niya ako. "I'll be hanging out with you then."
Nang sabihin niya 'yon, napagtanto kong ito ang tinutukoy nung babae nang sabihan niya ako tungkol sa mga estudyante na makakasama ko.
"Without further due, miss. Pwede ka bang umupo sa harap ng camera para makunan na kita ng ID? Baka kasi may magreklamo sa LIBRENG SERVICE ko sa faculty at tanggalin ako dito." sinigaw niya ang mga katagang 'libreng service' na para bang may pinaparinggan siya sa labas. "Forcing me to take pictures to embarrass the hell out of me. Like heck, I don't even know how to fully manipulate these pieces of technology they gave me." bumubulong-bulong siya. "They forget I can erase this place off the realm with just a couple of waves."
Binalewala ko nalang ang pinagsasabi niya dahil na-realize kong medyo moody talaga ang mga estudyante dito. Umupo ako sa harap ng camera at bahagyang ngumiti. Mabilis lang naman ang proseso at sinabihan niya rin ako na antayin yung ID na lumabas ng printer.
"Since you're new here, can you give me a name that we can call you?" Nakaupo siya sa puting swivel chair sa harap ng laptop nang sabihin 'yon.
"Hindi pa ba sapat yung pangalan ko?" tanong ko.
Pinaikot niya ang upuan para harapin ako. "Let's just say that the world is not what you think it is..." Sumingkit ang kanyang mga mata. "and that it is divided into more than one realm."
"Anong ibig mong sabihin?"
"How about this." aniya. "If you were given a chance to be reborn, what would your name be?"
'Cesia'
"Cesia."
Cesia?
Muli siyang humarap sa laptop at mabilis na tinype ang pangalan. "Registered." Kasunod na lumabas mula sa printer ang ID. Kumuha siya ng isa sa mga sling na nakalapag sa mesa katabi ang laptop at dito inilagay ang ID ko bago ito ibigay sa'kin. "Nice to meet you, Cesia."
Sinuot ko ang ID at lumabas ng studio nang walang ideya kung ano ang nangyari.
Anong Cesia? Sa'n naman galing 'yon?
Nasa gitna ako ng malalim na pag-iisip nang marinig ko na naman ang boses ng estudyanteng sinigawan ako kanina. Maikukumpara ko na siya sa mga schoolmates ko dati na galit sa'kin kahit wala akong atraso sa kanila.
"Took you long enough, didn't you?" nakapameywang siya sa harap ko.
Umiwas ako ng tingin dahil sa tono niya na animo'y nanghahamon ng away. Confirmed ko na, na walang patawad ang mga estudyante dito, kahit sa mga baguhan pa lang. First day na first day at hindi sila takot gumawa ng eksena.
"You better not stand between me and him... or there will be blood on the floor." sinadya niyang banggain ang balikat ko. "and you know whose blood you saw." huli niyang sambit bago ako lagpasan. Bahagya akong napalingon kasunod ay napayuko nang nakakunot ang noo dahil sa huli niyang sinabi.
'and you know whose blood you saw...'
Yung... yung nakita ko kanina, bago ako makapasok sa studio... ibig sabihin, nakita niya rin?
Bumalik ako sa realidad dahil napansin ko ang mga titig at bulung-bulungan ng mga estudyanteng nakapaligid sa'kin. Isang babae ang lumapit at inilahad ang kamay niya.
"Hi! I'm Ira of the Beta Class." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Ilang segundong nakataas ang kanyang kamay at nang mapagtantong hindi pa gaanong matuwid ang pag-iisip ko, ay binaba niya ito at marahan na natawa. "I'm really sorry about my sister." saad niya. "She gets aggressive sometimes... well.. more often, actually."
Hindi ako umimik.
Kapatid niya ang babaeng 'yon?
"You're new, right? So what's your name?" sunod-sunod ang kanyang mga katanungan. "Which class are you from?"
"I'm..." napatingin ako sa ID na suot ko. "I'm Cesia." sagot ko. "of... the... Alpha Class?"
Napatanong ako sa sarili ko kung tama ba yung pinagsasabi ko o namali ba ako ng pag-recite kasi bigla nalang naglaho ang ngiti niya nang masabi ko 'yon. Napatingin din siya sa ID ko at tinitigan ito nang matagal-tagal. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa'kin at binigyan ako ng kabadong ngiti. "I'm terribly sorry, Cesia. I really am, in behalf of my sister, my sister's mother, and the sisters of her mother."
Naguluhan ako sa sinabi niya. "A-ahh?"
"If you want, pwede kaming mag-offer ng kapatid ko sa deity mo-"
"IRA!" umalingawngaw ang boses ng kapatid niya.
"Oh my Gods! Do you always have to be like that?!" pasigaw niyang sagot. Imbes na umalis at tumungo sa kapatid niya, bigla niyang kinuha ang kamay ko. "Here, consider this as a welcoming gift." Pinatong niya ang kanyang kamay sa palad ko at sa pagtanggal niya'y lumitaw ang isang rosas.
"I figured out you'd like it... since you're as beautiful as a rose." sabi niya. "I'll be seeing your pretty face around then?"
Napangiti ako sa sinabi niya. "S-sure."
"Okay. I'll be going now." Tinapik niya ang balikat ko saka umalis. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa studio saka ko sinuri ang bulaklak na ibinigay niya sa'kin.
"welcoming gift..." tinapat ko ito sa aking dibdib at muling napangiti.
Medyo kakaiba din ang estudyanteng 'yon pero di gaya ng kapatid niya, na sa kasamaang palad ay ang una kong nakilala, mabait naman siya at binigyan niya pa ako ng welcoming gift.
Bago pa ako mapagkamalang baliw ng iba pang mga estudyante dahil pangiti-ngiti ako dito nang wala sa sarili, umalis na ako sa kinatatayuan ko para hanapin yung odigos na 'yon. Hindi na ito ulit nagpakita sa'kin kaya lumabas na ako ng admission room. Magtatanong sana ako sa estudyante na nasa huli ng linya nang may naalala ako.
Yung mapa!
Dali-dali kong binuklat yung schedule at binaliktad ito.
Nagsimula na akong maglakad para sundan ang daanan papuntang dormitory. Paminsan-minsan din akong humihinto para i-double check kung tama ba yung lilikuan ko o di kaya'y napapatigil ako dahil may mga bagay na nakakakuha ng atensyon ko kagaya nung malaking painting na sumalubong sa'kin pag-akyat ko ng hagdan. Imahe ito ng isang lalaking nilalabanan ang nilalang na mayroong napakaraming ulo na nakadikit sa iisang katawan nitong parang katawan ng ahas.
Habang naglalakad, hindi ko naiwasang ma-imagine na nasa eskwelahan akong nababasa ko lang sa mga libro. Sapat na ang nasaksihan ko kanina para masabi kong walang katulad ang lugar na'to at ang mga taong nandito.
"Sana nga lang hindi school of witchcraft and wizardry 'tong pinasukan ko." Tapos malalaman kong may dark wizard pala na habol nang habol sa'kin dahil gusto niya akong patayin...
Napahinto ako at tinignan ang huling hallway na dadaanin ko ayon sa mapa. Ibinaba ko ang mapa at tumambad sa'kin ang hallway na nagmistulang tulay dahil nakakonekta ito sa isa pang nakahiwalay na gusali. Hindi katulad ng Academy, may pagkamoderno ang gusali at kuwadrado ang hugis nito.
Napadako ang aking mga mata sa nakasaradong pinto na nasa kabilang dulo ng pasilyo.
Sa itaas na bahagi ng pinto ay mayroong nakadikit na plakang gawa sa ginto, kung saan nakaukit ang katagang:
'Alpha'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro