Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

II | Break Of Day

'Go home Cesia... you're not safe here'

Cesia

Cesia!

"Ayy Cesia!" Napabalikwas ako at napalingon sa alarm clock nang tumunog ito.

Alarm.

Ba't nga ulit ako nag alarm? Diba kakaexpell ko lang?

Ilang segundo rin akong nakatitig sa blankong pader sa aking harapan atsaka naalalang, lumipas na pala ang tatlong araw at lilipat na ako sa kakaibang school na'yon.

Ang bilis naman.

Napahikab ako at sinilip ang orasan. Nalaman kong 5 am pa at mamayang 7 darating ang service... ibig sabihin...

Humiga ako para matulog ulit.

Yun nga lang, ayaw nang matulog ng sistema ko. Imbes na bumalik sa pagpahinga, pinili ng utak kong pag-isipan ang pangalang parati kong naririnig sa panaginip ko.

Cesia.

Ano bang meron sa pangalan na'yan?

Di nagtagal, napagdesisyunan ko nang bumangon at mag almusal, saktong isang oras bago ako susunduin.

Inaayos ko ang higaan nang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa sulat na pinirmahan ko. "Sana nga lang scam lahat ng 'to at wala talagang susundo sa'kin." sabi ko sa aking sarili habang pinapagpag ang unan.

Kinikilabutan talaga ako sa tuwing naaalala ko 'yon.

Ano bang klaseng invitation ang bigla-bigla nalang nasusunog pagkatapos mapirmahan? Hindi kaya mga smokers ang mga tao do'n? O mga scientists na maraming pinag-eeksperimentohan... kasali na ang mga estudyante nila?

Umiling-iling ako. Tinatakot ko na naman kasi ang sarili ko.

Lumabas ako ng kwarto. Pababa pa lang ng hagdan, naaamoy ko na ang amoy ng sinigang, ang paborito kong luto ni Auntie.

Dumiretso ako sa kusina. Umupo ako at tahimik na minamasdan si Auntie na isa-isang inilapag ang kanin at ulam sa hapagkainan.

"Ang aga mo ata ngayon Abby. excited?" nginitian niya ako... at ngayon ko lang napansin ang kulubot sa gilid ng kanyang mga mata.

Alam kong matatagalan pa ang susunod naming pagkikita kaya heto ako ngayon, pinapahalagahan ang bawat sandali na kasama ko siya. Siya lang naman ang pamilya na meron ako. Buong buhay ko, siya lang din ang naging tunay sa'kin. Hindi naman kasi ako nakikipagkaibigan sa dati kong school kasi lahat ng mga babae do'n, ewan ko ba kung bakit, pero lahat ata sila may galit sa'kin kahit wala naman akong ginagawa sa kanila. Kaya siguro palagi akong late dahil nawalan na ako ng gana. Pinipilit ko lang yung sarili ko na gumising at pumunta sa eskwelahan para mag-aral tapos uuwi. Paulit-ulit nalang. Sa huli, pag nakauwi na ako, nare-realize kong sobrang out of place ako sa kanila. Sobrang layo ko sa mundo nila at hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakukuha ang sagot kung bakit gano'n.

Si Auntie lang ang natatanging tao na nakakaintindi sa'kin.

Sinasabi niya sa'kin parati na darating ang araw na magkakahiwalay din kami. Ito na siguro 'yon. Ang araw na hindi ko aakalaing darating pala nang ganito kaaga. Hindi man lang ako nakahanda dahil sa totoo lang, ayaw ko talagang pumunta lalo na't mag-isa lang ako.

Kaso, mas mahalaga para sa'kin ang kasiyahan niya.

"Niluto ko yung paborito mo kasi alam mo na... baka di ka na makakakain nito.. sosyalin pa naman ang mga pagkain do'n." Sinubukan niyang pagaanin ang hangin na nakapalibot sa'min.

Pero hindi ako nagpatinag. "Mami-miss din kita Auntie.." mahina kong tugon.

Hindi naman ako takot maglabas ng nararamdaman ko. Minsan nga, sinasabihan niya ako na wag masyadong maglabas ng damdamin kasi nakakasama ito. Malay ko ba kung ano ang nakakasama do'n. Ayon sa kanya, kapag matindi daw yung emosyon na nararamdaman ko, huwag ko daw itong ipakita dahil malaki ang posibilidad na magiging gano'n din ang mararamdaman ng iba. Hindi ko gaanong naiintindihan pero siguro sinasabi niya 'yon kasi napakasensitive ko. Ang dali ko ring mahawa sa pakiramdam ng mga tao kahit boses palang nila ang naririnig ko.

Ito ang dahilan kung ba't hindi ko tinatago yung nararamdaman ko.

Kasi madali ko namang nababasa ang damdamin ng iba.

"Pagkatapos mong kumain, dapat magbihis ka na." Umupo siya sa tapat ko.

Tumango ako at nagsimula nang kumain. Tahimik pa rin ako kahit nararamdaman ko ang panay na tingin niya sa'kin.

"Abby-" sinira niya ang katahimikan pero agad ko namang pinutol ang sasabihin niya. "Hindi ako okay ngayon.." pagbibigay-alam ko sa kanya. "pero magiging okay ako kapag naka-adjust na ako kaya wag ka nang mag-alala Auntie. Sarili mo lang yung alalahanin mo. Magiging okay din ako."

Humugot siya ng hangin. "Huwag mo akong sabihan ng ganyan, Abigail. Alam mong iyakin ako pagdating sa'yo."

"Hmm." Binigyan ko siya ng nanunuksong tingin. "sino nga ulit yung mas OA sa'tin?"

"Ikaw pa rin no." Sagot niya.

Mabuti nalang at nasundan ito ng kaswal na pag-uusap at hindi na bumalik ang dating napaka-awkward na katahimikan.

Pagkaraan ng ilang minuto, tumayo na ako at tumungo sa kwarto para maligo at magbihis.

Pagkatapos, na stuck-up ako sa harap ng salamin. Nakakapanibagong tignan yung sarili ko suot ang uniform nila.

Aaminin ko, ang cool tignan. Mayroon silang maroon vest na may school crest sa upper right, kung nakaharap ito sa'yo. Sa ilalim ng vest ay puting blouse na long sleeves at necktie na gray. Sa pang-ibaba naman, ay maikling skirt na may plaid pattern ng maroon at gold, at panghuli ay parehong black na knee socks at school shoes.

Paano nila nalaman ang size ng paa ko? Wala rin akong ideya. Basta, lahat ng 'to kasama sa package na ipinadala nila.

Bigla ko na namang naalala ang nangyari sa sulat.

Napailing ako.

Wag na nga. Di kayang tanggapin ng utak ko ang pangyayaring 'yon. Baka mabaliw pa ako kakaisip.

Tumalikod ako at pinuntahan ang box na katabi ng backpack kong may lamang mga damit. Tinignan ko ulit yung maliit na gold box sa loob na may label:

'Uniforms and necessities'

Yumuko ako at binuksan ito para i-check kung may nakalimutan ba akong suotin.

Pagtingin ko, bahagya akong napapikit dahil nasilawan ako sa bagay na hindi ko napansin nung una.

Kinuha ko ito.

Isang gold pin?

Nakakunot ang aking noo habang sinusuri ito. May hugis bilog sa pagitan ng dalawang pakpak na nakaunat nang paitaas at sa loob ng bilog ay ang letrang 'A'.

"Abby! nandito na yung sundo mo!" narinig kong sigaw ni Auntie.

Tinignan ko ang orasan.

6:59 am...

"Shoot." Ibinulsa ko ang pin bago tumayo. "Hindi na ako pwedeng ma-late." Dali-dali kong sinuot ang backpack ko at inangat ang malaking kahon. May butas naman sa magkabilang gilid ng box kung saan pwedeng ma-insert yung kamay para madali itong mabuhat.

Paglabas ko ng kwarto, panandalian akong napahinto at bahagyang napalingon sa likod.

"Babalik din ako."

Bumaba ako at nakita si Auntie na may kausap na lalaking nakasuot ng maitim na suit. Matangkad ito at may edad na base sa kanyang hitsura at kaunting puting buhok na meron siya.

"Meron... nga." Nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil akala ko hindi totoong may eskwelahan na nagpapadala ng service car para kunin at ihatid ang mga estudyante nila.

Tumigil sa pagsasalita yung lalaki at napatingin sa direksyon ko nang mapansin ako. Humakbang siya papalapit sa'kin para kunin ang malaking kahon na bitbit ko. "Let me help you with that, Ms. Young." aniya.

"T-Thank You.."

Tinanguan niya ako at si Auntie bago lumabas ng bahay.

Nanatili akong nakatayo at nakatulala dahil tila binagsakan ako ng samu't saring emosyon sa kinatatayuan ko. Kung kanina kalmado ako, ngayon, kinakabahan na may halong lungkot at pagsisisi.

Gusto ko na talagang mag back-out!

"Abby, dito ka nga." Tinawag ako ni Auntie.

Lumapit ako sa kanya.

"Mukhang mababait naman ang mga tao do'n Abby, kaya dapat maging mabait ka rin sa kanila. Pag nalaman kong late ka pa rin, talagang susugurin na kita sa school mo." paalala niya.

Yumuko ako at umiwas ng tingin. "Auntie, pwede naman akong di tumuloy.. basta sabihin mo lang. Babalik ako sa kwarto at magbibihis. Tapos maghahanap ako ng bagong school na tatanggap sa'kin. Yung malapit lang dito."

"Abby naman.."

Namamasa ang mga mata ko nang harapin siya. "Sabihin mo lang. Sige na... Please?" pagmamakaawa ko. "Huwag mo'kong hayaan na umalis kasi ayoko. Ayokong mahiwalay sa'yo."

Umiling-iling ako. "Ayoko po..."

Huli na nang namalayan kong nakawala na pala ang mga luha sa mga mata ko. "Sorry na.." kinuha ko ang kamay niya. "Patawarin mo na ako. Kasalanan ko nga kung bakit ako natanggal pero babawi ako-"

"Abigail." matigas niyang pagkasabi.

Binitawan ko siya at pinunasan ang pisngi ko.

"Nakapirma ka na." saad niya.

"Pwede naman si-sigurong ipaalam sa kanila na nagback-out ako d-diba?"

"Makinig ka nga sa'kin." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Mahirap din para sa'kin na pakawalan ka. Napagsabihan na kita, dapat matuto ka ng mabuhay nang wala ako. Hindi ka pwedeng manatiling nakamukmok dito, nakatago sa mundong naghihintay sa'yo."

"Pagod ka na ba sa pag-aalaga sa'kin?" tanong ko.

Umiling siya at hinaplos ang buhok ko. "Abby, ikaw ang pinakamabait at pinakamapagmahal na taong kilala ko... kaya kahit kaila'y hindi ako napagod sa'yo."

"Kapag pupunta ako... magiging masaya ka ba?" muli akong nagtanong.

"Syempre hindi gaanong kasaya kasi aalis na yung nag-iisang Abigail ng buhay ko." Nginitian niya ako at saglit na napaisip ng karagdagang sagot. "Pero oo... magiging mas masaya ako kapag alam kong nandoon ka sa bagong school mo."

"Hindi na ako male-late." Pangako ko. "Hindi na ako tatamarin pumasok."

Tinawanan niya ako. "Aba. Dapat lang. Pag in-expell ka nila, ipapadeport na kita sa ibang bansa para do'n mag-aral."

"Auntie naman!" ngumuso ako. "Hindi magandang biro 'yan."

Pag ililipat niya ako sa ibang bansa, magiging maramot na talaga ako. Wala na akong pakialam kahit anong pilit niya. Hinding-hindi ako aalis sa tabi niya.

"Oh siya, baka naiinip na yung driver. Halika na." sinenyasan niya akong sumama sa kanya.

Sabay kaming tumungo sa maitim na sasakyan na naghihintay sa labas ng bahay. Binuksan ng driver ang likurang pinto para sa'kin.

"Pasok ka na." ani Auntie.

Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin bago pumasok.

Nang nakapasok na ako, yumuko siya at sinilip ako sa loob ng kotse. "Okay ka na?"

Tumango ako.

Sinara ni Auntie ang pinto at nagsimula na naman akong kabahan.

Pumasok na rin ang driver at ini-andar ang makina.

"Would you like to open the window, miss?" narinig kong tanong niya.

Nakita ko si Auntie na nakatayo sa labas, nakasuot ng malungkot na ngiti. Binigyan niya ako ng thumbs-up.

"Hindi na po kailangan." sagot ko.

Kumaway ako sa kanya nang gumalaw na ang sasakyan. Tumango siya at hinatid ako ng tingin. Humarap ako at inayos ang aking pagkakaupo. Tinignan ko ulit yung driver para masigurong hindi nga siya kidnapper o takas sa bilangguan.

"Di naman siguro.." bulong ko sa sarili.

Halos isang oras na kami sa sasakyan at wala pa akong nakikitang eskwelahan. Nag-iisip na ako ng pwedeng gawin para makatakas sa oras na magkakatotoo ang kutob kong scam 'to.

Narinig ko ang dahan-dahang pagpatak ng ulan. Ewan pero pakiramdam ko biglang lumamig ang hangin kahit di naman nakabukas ang bintana at di rin nakatapat sa'kin yung aircon.

"You can close your eyes and sleep, miss." suhestyon nung mamang driver. "It will take a while to arrive."

Pinikit ko ang aking mga mata at di katulad ng mga nakaraang gabi, madali akong nadala ng antok.

Hmm.

Kung alam ko lang na ulan lang pala ang makakapatulog sa'kin.

• • •

"We're almost there, Miss Young."

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. "Ilang oras po ba akong natulog?" tanong ko.

"about 7 hours... and 5 minutes."

Seven hours and five minutes?!

"Ah... mamang driver, ilang oras po ba ang layo ng Olympus Academy?"

Narinig ko ang mahina niyang tawa bago sumagot. "7 Hours and 10 minutes... miss."

Takang-taka man, ay tumango nalang ako at pinagmasdan ang mga kahoy na dinadaanan namin. Saka kumunot ang aking noo nang may napansin ako.

Bakit parang nasa gitna na ata kami ng kagubatan?

"We're already here, Miss." anunsyo niya bago pa man magsimulang umandar ang panic mode ng sistema ko.

Inilipat ko ang aking tingin sa harap at napanganga.

Bumukas ang naglalakihang gate na kulay ginto. Ito na siguro ang bagong shade ng gold dahil may halo itong nakakabulag na yellow at pwedeng maikukumpara sa sinag ng araw.

Tila sinampal din ako ng pagkamangha sa malaking istraktura na tumambad sa'kin.

Isang palasyo.

Napakurap-kurap ako.

Paano?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro