Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Cesia's POV

Dali-dali kong dinampot ang ID mula sa mesa at patakbong tumungo sa pinto, pero bumalik din ako sa mesa para ayusin ang picture frame na natumba.

"Alis na kami, Auntie!" paalam ko rito saka nagmamadaling lumabas ng kwarto, hatak-hatak ang maleta ko.

Nadatnan ko sa sala yung iba na bitbit din ang kanilang mga bagahe.

"Have you checked your things?" tanong ni Ria.

"Kagabi pa," kampante kong sagot.

"Sigurado ka?" karagdagan niyang tanong. "Wala ka nang nakalimutan?"

Hindi ko alam kung tatanguan o iilingan ko ba 'yong dalawang tanong niya kaya masaya ko nalang na kinisap-kisap ang aking mga mata.

Mahina siyang natawa. "Okay then." Nilingon niya si Chase. "Chase."

"Teka-" Tumalon-talon si Art habang nakayakap sa tatlong stuffed toys niya. "Sabi ni Chase, pwede raw ako!"

Kumibit-balikat si Ria.

"Dorm!"

Pinigilan kong mapangiti nang mapaiwas ang mga ulo nung iba dahil sa matinis na boses ni Art.

"Activate! Vacation Mode!"

Dumilim ang loob ng buong dorm, at narinig namin ang pagbaba ng protective panels ng bawat bintana, at ng balcony.

"Ang cool pa rin," pabulong kong puna.

"Galing, ah," ani Chase.

"Thank you, Chase!" nagagalak naman na sabi ni Art.

Tumikhim si Trev at pinangunahan kami sa paglabas ng dorm.

Nasa hallway kami, at nakasunod lang ako kay Ria nang may mapansin ako.

Huminto ako at nilingon si Art na naiwan dahil sa laruan niyang nahulog at kapupulot niya lang mula sa sahig. Pinagpag niya ang damit nito at nang makita ako, dali-dali niyang hinila ang maleta niya at sinabayan ako sa muli kong paglakad.

Naamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak mula sa kanya kaya hindi ko naiwasang mapangiti.

"Binisita mo si Auntie?" tanong ko.

"Mmm!" Malapad siyang ngumiti. "Ikaw ba yung naglagay ng take-out?"

"Sinigang 'yon," pagbibigay-alam ko sa kanya. "Na ako ang nagluto."

"Alam ko," aniya. "Binuksan ni Blobblebutt, ih."

Napakurap-kurap ako. "Kinain niya?"

Mabilis na naglaho ang kanyang ngiti, kaya mahina akong natawa.

"Nagustuhan niya ba?" dagdag ko pa, na ikinaliwanag ng kanyang mga mata.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa tatlong laruan na nasa bisig niya at agresibong tumango-tango.

"Cesia," sambit niya, habang papalabas kami ng Academy.

"Art?"

"Anong favorite color mo?"

"Hmm..." Napaisip ako sa tanong niya. "Kahit ano."

"Di nga?"

"Kahit anong kulay na bagay sa'kin," pagpapatuloy ko.

"Woah..." Kuminang-kinang ang kanyang mga mata. "Pwede pala yun?"

"Bakit naman hindi?"

"Eh kasi, alam mo..." Humilig siya sa'kin para bumulong, "Huwag mong sabihin sa iba, ah? Pero kasi, favorite color ko din yung black, maliban sa yellow. Hehehe."

Napatango-tango ako. "Ah..."

"Bagay din ba sa'kin yun?"

"Yung alin?"

"Yung black."

Humugot ako ng hangin at napangiti nang ibuga ito.

"Bagay na bagay, Art."

• • •

Dahan-dahan akong namulat sa magandang tanawin na nasa labas ng bintanang katabi ko. Umayos ako sa pagkakaupo at dumungaw mula sa eroplano.

Nasa Brazil na ba kami?

"Cesia, do you want something to eat?" tanong ni Dio, tulak-tulak ang isang trolley sa aisle. "Ria ate all the ice cream, unfortunately, and Chase stole the tuna sandwiches."

"Ano pa bang meron?" Hininaan ko ang boses ko nang maiwasang maistorbo si Art na natutulog sa tabi ko.

"There's meat buns, ham and cheese- actually, you know what?" Nilingon niya ako. "May gusto ka bang kainin? Kara requested for pasta, and I thought I might just make you something, as well."

"Pancakes?" suhestyon ko. "Hindi kasi ako nakapag-almusal, eh."

"You think I should also make some for Art?"

"Mmm," ani Art nang nakapikit pa rin. "Gatas din."

"Just fresh milk?"

Binuksan ni Art ang kanyang mga mata. "Na may chocolate!"

Nginitian siya ni Dio bago ito nagpaalam para ihanda ang mga pagkain namin.

"Mahilig ding magluto si Dio, diba?" tanong ko kay Art nang maalala ang ilang beses na nadatnan ko itong abala sa kusina.

"Mmm!" ani Art. "Subukan mo tikman yung braised squid niya! Yan ata yung pinakanagustuhan ni Cal, ih, sa pagkakatanda ko..."

"Tapos favorite din ni Cal yung..." Sinimulang ilista ni Art ang lahat ng mga paboritong pagkain ni Cal.

Magaan akong napasandal sa upuan habang nakikinig sa kanya.

"Pero minsan kasi, mas gusto niya yung cauliflower kesa kanin, depende kung ano yung ulam..."

Napangiti ako.

"Hindi ko alam kung paano pero kaya niya ring ubusin ang isang buong platter ng black noodles?"

Umangat ang aking magkabilang kilay. "Talaga?"

Patuloy na nagkuwento si Art tungkol sa huling beses na kumain si Cal ng black noodles at palihim siyang nag-set ng timer.

"Art..." Kinuha ko ang atensyon niya bago pa man siya makapagpaliwanag kung bakit sa tingin niya ay magugustuhan ni Cal ang lasa ng Chemical X.

"Hmm?"

"Nami-miss mo siya?" tanong ko.

Isang nahihiyang ngiti ang namuo sa labi niya.

"Nga pala." Bigla akong may naalala. "Ba't hindi mo sinabi sa'kin na mag-asawa pala kayo?"

"Cesia..." Namimilog ang kanyang mga mata. "Hindi mo ba talaga napansin?"

Kumunot ang aking noo.

Itinaas niya ang kamay niya at itinapat sa aking mukha ang suot niyang gintong singsing.

"Yung singsing ko!" aniya. "Na palagi kong suot!"

Ibinaba niya ang kamay niya. "Meron din kaya si Cal!"

Nanliit ang aking mga mata.

"Pero minsan kasi sinasabit lang ni Cal yung singsing sa kwintas niya, lalo na kapag training, kaya..." Kumibit-balikat siya.

"Teka-" Kasunod siyang napatigil. "Pa'no mo naman nalaman na kasal na kami?"

Dahil dito, napahikab ako.

"Cesia!"

• • •

Tumingala ako sa beach house na tumambad sa'min pagkalabas namin ng kotse.

"Nice," namamanghang puna ni Chase. "Ganda nga ng pagka-renovate, bro."

Nasa Rio de Janeiro kami, at walang ibang nagmamay-ari ng beach house na nasa harap namin ngayon kundi si Dio.

Isa itong modern villa na mayroong dalawang floors. Bukas na bukas ang first floor. Pinalibutan ito ng glass panels at kaunti lang ang mga pader sa loob, kaya hindi nakahiwalay sa mga silid 'yong sala, kusina...

Maaliwalas sa labas, pero sa hindi malamang dahilan, mas maaliwalas 'yong loob ng beach house.

"Now." Hinarap kami ni Dio. "There are exactly eight rooms. Paunahan nalang kung sinong-"

Biglang naglaho si Chase, at kumaripas kami ng takbo nina Art at Ria.

"Tigil!" Utos ko sa kanila nang makarating kami sa second floor.

Tumigil sa paggalaw yung dalawa habang nadapa naman si Chase sa gitna ng corridor.

Suot ang isang matagumpay na ngiti, mahinahon akong tumungo sa nag-iisang pinto na nasa pinakadulo.

Hinawakan ko ang pihitan nito, saka nilingon yung tatlo.

"Pwede na kayong gumalaw."

Umangat si Chase mula sa sahig. "Cesia naman!"

Humagikgik si Art at lumundag-lundag patungo sa pintong pinakamalapit nung akin.

"Fine," ani Ria. "As long as I have a good view."

Pumasok ako ng kwarto, at agad lumapad ang aking ngiti nang malamang hindi ko pagsisisihan ang paggamit ko ng kapangyarihan.

Inayos ko muna 'yong mga gamit ko bago tumalon sa malaking higaan nang nakadipa.

"Come down for dinner!" sigaw ni Dio mula sa labas.

Gumulong ako patagilid sabay kuha ng unan para yakapin ito. Isinubsob ko ang mukha ko rito at ilang minutong pinikit ang aking mga mata.

Tinawag ulit kami ni Dio kaya napatayo na ako at lumabas ng kwarto. Kasabay ko si Kara pababa ng hagdan at sabay din kaming napahinto nang makita ang lalaking kausap nina Dio at Trev.

"Uy, bro!"

Lumitaw si Chase sa tabi niya.

"Cal?" Lumapit ako sa kanila.

Akala ko next week pa siya makakabalik galing sa misyon niya?

Di na ako nagtaka nang sulyapan lang ako ni Cal kaya si Dio ang nagsalita para sa kanya.

"Finished it early."

"One week early?" ani Ria na kabababa lang.

"Payag ka n'on, 'tol?" Mahinang siniko ni Chase si Cal. "Minamaliit lang yung kakayahan mo, oh."

Lumayo kami kay Cal pagkatapos marinig ang tili ni Art na tumakbo at tumalon papasok sa bisig na mabilis na bumukas para salubungin siya.

Pagkatapos ng digmaan, nagkagulo ulit sa Academy dahil kakadiskubre lang nila na may kapangyarihan din pala ang mga anak ni Apollo na mag-resurrect, pero sa mga bihirang sitwasyon lang.

Usap-usapan lang kasi ito dati, na ngayon ay nagkatotoo.

Sa kaso ni Art, simula nang magbago ang kanyang mga mata, nakatuon lang ang kanyang kapangyarihan kay Cal hanggang sa matapos ang digmaan, kaya hindi niya lang nagawang pagalingin ang sugat nito.

Iba naman ang kuwento ni Cal dahil ayon sa kanya, hindi lang siya pinapapasok ng ama niya sa palasyo nila sa Underworld.

Kinutuban nga naman kaming sinabi lang niya ito para tumigil ang pangungulit ni Doc Liv kay Art.

Humagikgik si Art nang makababa mula sa pagkakakapit kay Cal.

"Cal! May nadaanan kaming nagbebenta ng stickers!" nakangisi niyang sabi. "Punta tayo do'n! Mamaya!"

"You can go out whenever you want after dinner," tugon ni Dio.

"Yes!" Napa-fist pump si Art sa ere.

Nakapameywang naman si Ria. "What's for dinner anyway?"

• • •

Sa ilalim ng malinaw na pagkisap ng mga bituin, nakaupo kaming lahat sa wooden benches na sinet-up ng boys sa dalampasigan, at nakapalibot sa mga pagkaing nakahanda sa bilog na mesang gawa rin sa marmol.

Pagkatapos kumain, napatitig ako sa apoy sa gitna ng mesa, binibilang ang mga bagang lumilipad mula rito, at tila naglalaho sa kawalan.

Nakarinig ako ng tugtog kaya napalingon ako kay Dio na nakaupong may dalang gitara.

"Huwag mo namang pasobrahan, 'tol," tugon ni Chase. "Maracas lang yung alam kong patugtugin."

"Kara?" sambit ni Dio. "You know how to play the guitar, right?"

Sinimangutan lang siya ni Kara, tila alam na kung anong susunod nitong gagawin.

Marahang natawa si Dio at inabot 'yong gitara sa kanya.

"Oh..." Mahinang tinulak ni Ria si Kara. "Kunin mo na."

Napabuntong-hininga si Kara at labag sa loob itong tinanggap.

"Magkano ba 'yong song request?" natatawa kong tanong.

Sinulyapan ako ni Kara na napaangat ang isang sulok ng labi, at mahinang kinalabit ang iilang mga kwerdas para simulan ang isang magaang himig.

Mula kay Kara na nakatuon sa paggigitara, mabagal na lumipat ang aking paningin kay Dio na bahagyang nakaawang ang bibig habang nakangiti sa kanya.

Katabi ni Dio si Chase na umilag sa isang lata ng root beer na malakas na ibinato ni Ria sa kanya.

"You're ruining the song, Chase!" naiiritang sabi nito.

"Di ako naniniwala. Hermes-approved 'tong boses ko."

Pagkatapos, tinignan ko si Art na nakaunan sa hita ni Cal. Masaya siyang nagtuturo-turo sa langit, sa mga bituin siguro, dahil kahit malayo ito sa kanya, kitang-kita ko ang pagkinang ng mga ito sa kanyang mga mata.

Humilig ng kaunti ang ulo ni Cal kay Art bago ako lingunin.

Malumanay akong napangiti nang makita ang mahinang pag-anga't baba ng kanyang dibdib, at habang tumatagal, bumabagal ito, tumatatag, nagiging mas kampante.

Komportableng sumandal si Cal saka mahinahong hinawakan ang buhok ni Art.

Sa pangalawang pagkakataon, natagpuan ko ang aking sarili na nakatitig sa apoy na higit pa sa init at liwanag ang dala sa gabing ito.

Yung totoo... nasasaktan pa rin ako, at nangungulila pa rin ang bahagi sa'kin na iniwang bakante ng pagkawala ni Auntie. Wala itong ibang laman kundi 'yong mga pangako ko sa kanya na kailanma'y hindi ko matutupad, 'yong mga pangarap ko para sa'min na sa isang iglap, ay bigla-bigla nalang naglaho...

No'ng pakawalan ko yung lantern ko, sa gabi bago ang digmaan, isang simpleng hiling lang naman ang binitawan ko, at yun ay ang maging masaya ang lahat ng minamahal ko sa buhay.

Kaya sana masaya ka, Auntie... kung nasaan ka man. Natutulala akong ngumiti. Hindi ko man inasahan 'yong pagkawala mo, umaasa naman akong may saysay ito.

Nagsimulang mamasa ang aking mga mata. Kinisap-kisap ko ang nagbabanta kong mga luha, at nagpaalam sa iba na magpapahangin lang.

Tumungo ako sa dagat, hanggang sa maramdaman ko ito sa aking mga paa.

At naalala ko na naman siya, dahil sa panahong pakiramdam ko mag-isa lang ako, siya 'yong palaging tumatabi sa'kin, at hawak niya ang nagsilbi kong kanlungan.

Napayakap ako sa sarili habang pinipigilang maluha sa lamig.

'Paano ako? Anong mangyayari sa'kin ngayong wala na siya?'

Yumuko ako sa tubig at napahagod ng aking mga braso.

Paano ako hindi maliligaw nito?

Bumigat ang aking mga balikat nang biglang may pumatong dito.

Isang jacket.

Tumingala ako kay Trev na nakatayo sa tabi ko, nakapamulsa at nakaharap sa lawak ng karagatan.

Inayos ko ang jacket at saka tumayo, nang nakaharap din sa dagat.

Sinundan ito ng isang buong minuto ng magaang katahimikan, habang pareho kaming nakamasid sa malayo.

"You wanted to wake up from a dream, didn't you?"

Sumayad ang aking paningin sa tubig. "Masama ba kung sinabi kong oo?"

"Do you still regret it?" tanong niya. "Entering the Academy?"

Matagal-tagal pa bago ako nakasagot.

"Kailangan, eh."

Mula sa sulok ng aking pananaw, nakita ko siyang nilingon ako. Ilang sandali niya akong tinignan at muling tumuon sa karagatan.

"You can always go back."

Napangiti ako. "Ano pa bang babalikan ko, Trev?"

"People leave, sometimes, because it's just what they want. You don't need to have a reason to go back, and no one's going to stop you."

"Pinapauwi mo ba ako?" nanghihinala kong tanong.

"If that's what you want."

"Ayoko," giit ko. "Dito lang ako."

"Then I suppose I haven't really introduced myself properly."

Napaharap ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.

Kampante niyang inilabas ang kanyang palad mula sa kanyang bulsa at inilahad ito sa'kin.

"Trev, an Alpha, and a son of Zeus, king of the gods."

Tinanggap ko ito.

"Cesia, of the Alpha Class." Umangat ang aking tingin sa kanya. "Daughter of Aphrodite, the goddess of love."

Pumiling pababa ang kanyang ulo upang tumbasan ang kaibahan ng pagkakatangkad namin.

"And beauty..." mahina niyang dugtong.

"And beauty," sang-ayon ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro