Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

una

una

April 01, 20XA

Unang araw ng bakasyon.

Dahil unang araw na walang klase, naisipan naming gumala sa plaza ng mga kaibigan ko.

“Alya? Sa’n ka pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ni Mama habang pababa ako ng hagdan.

Masaya akong ngumiti at patalon na lumapit sa kanya para humalik sa pisngi. “Mamasyal kami sa plaza nila Joaquin at Drea.”

“Ah... mag-ingat, ha? At dapat nasa bahay ka na ng—”

“Alas sais. Gets ko na ‘yan, Ma. Don’t worry.” pabiro kong pagtutuloy sa sinasabi ni Mama. Natawa lang siya at napailing.

“Sige na. Baka inaantay na kayo ni Joaquin. Magsasasakyan ba kayo o tricycle lang?”

“Tricycle lang kami Ma.”

“Ah... oh siya, umalis ka na. ‘Wag mong pag-hintayin si Joaquin.”

Ngumuso ako at kumapit sa braso ni Mama. “Ikaw talaga! Parang mas anak mo pa si Joaquin!”

“‘Wag ka na mag-inarte, 'nak. Sige na umalis ka na at baka 'di pa kita payagan.”

Mabilis akong bumitaw at tumakbo palabas habang tumatawa. “Alis na ako, Ma!”

“Alya! Dito!” sigaw ni Drea habang kumakaway. Naka-upo siya sa upuan sa tapat ng sari-sari store kasama si Joaquin.

“Tara na?” bungad ko.

Tumayo si Joaquin at inakbayan ako. “Tara na. May discount daw na movie sa plaza. Nood tayo. Libre ko.”

Wow! Iba talaga ‘pag mayaman.” biro ko.

Lumapit din samin si Drea at sinabayan kaming maglakad. “Yayamanin talaga ‘yan! Dala niya ‘yung polaroid camera niya! Gamitin daw natin!”

Nilingon ko si Joaquin na naka-ngisi lang. “Talaga? Diba mahal ‘yung film no’n? Okay lang ba gamitin?”

“Sus. Oks lang ‘yun. Kakauwi lang ni Kuya galing Manila at ang dami niyang dalang film. Mas mura daw kasi do’n.”

“Nakauwi na si Kuya Alfred?!” tanong ni Drea kay Joaquin na may kasamang tili. Sabay kaming napangiwi ni Joaquin sa tining ng boses ni Drea.

Sumimangot si Joaquin. “Oo.”

“Ba’t ‘di mo sinabi sakin?!” tanong ni Drea at niyugyog si Joaquin; natanggal tuloy ‘yung pagkaka-akbay niya sakin.

“Ano ba ‘yan, Drea! Crush mo pa rin ba si Kuya?!” nakasimangot na tanong ni Joaquin kay Drea.

Duh?! Malamang! Ang pogi kaya ni Kuya Alfred! Ang tangkad pa! Tapos kada umuuwi siya dito satin t’wing bakasyon, lalong lumalaki ang katawan niya! Ang gwapo niya! At! Mabait pa!” nakangiting sagot ni Drea, para siyang nagde-daydream habang nagsasalita kaya natawa ako.

“14 pa lang tayo at 22 na si Kuya Alfred! Kilabutan ka nga!”

“So what?! Sila Mama at Papa nga 10 years ang agwat! ‘Wag kang ano diyan!”

Nilingon ako ni Joaquin habang nakasimangot. “‘Wag kang gagaya sa bruhang ‘to!”

Natawa ako at inilingan sila. “Alam niyo kayo? Puro kayo bangayan. Umalis na tayo dahil gusto kong magpa-picture sa polaroid mo! Ganda-ganda ko today, oh!”

Sabay silang ngumiwi sa sinabi ko. “Ganda? Sa’n banda?” pabirong tanong ni Drea na nginusuan ko lang.

──────

“Sa’n ka, Alya? Sasama ka ba kela Joaquin?” tanong ni Drea. Pauwi na kami matapos ang maghapong pagliliwaliw sa plaza.

“Oo. Hintayin ko si Papa.”

Lumagpas na kasi ako ng alas sais. Kaya hihintayin ko si Papa na nagtatrabaho bilang driver kela Joaquin para hindi ako mapaglitan ni Mama. Napangisi ako sa sarili ko.

Humikab siya at tumango. “Sige. Una na ako. Thanks, guys! Oy Joaquin! Pa-send sa messenger ng mga pictures sa cellphone mo at ng scanned pics sa polaroid.”

“Oo na. Akala mo may utusan ka, ‘no?”

“Mabait ka naman, eh.”

Natawa ako at kumaway na lang kay Drea na sumakay na sa tricycle.

Tahimik lang kami ni Joaquin habang papunta sa bahay nila. Parehas kaming pagod, eh. At medyo nahihilo pa ako dahil dumaan pa kaming perya at sumakay ng rollercoaster.

“Andito ka na pala Joaquin. Hinahanap ka ng Mama mo.” bungad ng guard kay Joaquin.

“Huh? Nandito si Mama? Akala ko nasa Manila pa?” nagtatakang tanong ni Joaquin.

“Kakauwi lang. Puntahan mo muna.”

Nilingon ako ni Joaquin, parang nag-aalangang iwan ako. Natawa ako at tinulak siya. “Sige na. Puntahan mo na si Ma’am. Do'n ako sa garden niyo. Hintayin ko si Papa.”

Tumango siya at kumaripas ng takbo papasok dahil paniguradong lagot siya sa Mama niya. Samantalang ako, naglakad na papasok pagkatapos sabihan ang guard na pagdating ni Papa, sabihing nasa garden ako. Driver kasi si Papa ng Papa nila Joaquin, at wala pa sila.

Umupo ako sa isa sa upuan sa garden at sumandal. Napagod ako.

Nakapikit ako habang nakasandal nang may marinig akong tugtog ng gitara. Tumayo ako para hanapin ang tumutugtog. Napadpad ako sa patio. Sinilip ko ang patio at nakitang may lalaking hindi pamilyar na tumutugtog ng gitara. Hindi ako pamilyar sa kanta. Pero ang sarap sa tenga. Naka-de quatro siya, naka-sandal at nakapikit habang tumutugtog.

Naramdaman niya atang may nakatitig sa kanya dahil binuksan niya ang mata niya at dumiretso ang tingin sakin. Nanlaki ang mata ko sa hiya at mabilis na tumalikod para bumalik sa inuupuan ko kanina. Narinig ko pa ang mahina ng niyang tawa.

Ramdam ko ang pamumula sa pisngi ko.

Nakaramdam ako ng kaluskos at yapak na papalapit. Kinuha ko ang cellphone ko sa shoulder bag ko at doon nag-focus. Kahit na wala naman akong load o data at hindi abot dito ‘yung wifi kung saan ako naka-connect dito kaya wala ring kwenta ‘yung cellphone ko.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang tumabi siya sakin. Nilingon ko siya at pakiramdam ko nalagutan ako ng hininga. Ang... gwapo niya. Naka-suot siya ng simpleng puting t-shirt at short. Pero ang gwapo niya pa rin tingnan. Pasimple kong nilingon ang suot kong bestidang puti. Ito na ang pinaka-magandang dress na meron ako pero parang basahan kumpara sa kanya. Amoy na amoy ko rin ang mahalimuyak niyang pabango.

“Hi.” namula ako nang magsalita siya. Buong-buo at malalim ang boses niya.

“H-Hi...” nauutal kong sagot.

Natawa siya. “Taga-dito ka ba? Are you Alfred's cousin?”

Nahihiya akong umiling. “Uh... hindi po. Kaibigan po ako ni Joaquin at driver po nila 'yung Papa ko.”

“Ah...” sagot niya habang may maliit na ngiti sa labi. Namula ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

“Are you okay? Namumula ka.” tanong niya ulit.

Napapikit ako at nahihiyang tumango. “Ah... opo. Okay lang ako.”

Mahina siyang natawa. Tiningnan ko siya. May maliit na ngiti na naglalaro sa labi niya. May intensidad din ang tingin niya na ‘di ko mawari.

“Ako ba hindi mo tatanungin kung taga-dito ako?” tanong niya habang nakangiti.

Nanlaki ang mata ko at napakagat sa labi. “Uh... taga-dito po ba kayo?”

Malakas siyang humalakhak. Parang aliw na aliw. “Nope. I’m Alfred's classmate sa Manila. Although I’m from Santa Barbara.”

“Ah...” lang ang nasagot ko.

Taga Santa Barbara pala siya. Isang bus lang ang layo sa bayan naming Santa Lucia.

Tahimik lang kami. Ang awkward...

May narinig akong tunog ng sasakyan kaya napatayo ako. “Sila Papa na ata 'yun.”

Nilingon ko siya at nahihiyang ngumiti. “Ano... una na ako.”

Tumango lang siya habang nakangiti. “Okay. Nice meeting you...”

“Alya. Alya ang pangalan ko.” pagdugtong ko dahil mukhang tinatanong niya.

Ngumiti siya at tumango. “I’m Franco.”

Tumango ako at tumalikod na para umalis. Saglit pa lang akong nakakahakbang nang hilain niya ang kamay ko. Napatalon ako sa gulat.

“Sorry for startling you... but...”

“A-Ano ‘yon?” tanong ko.

“Teka. Halika muna.” sabi niya at hinila ako sa patio.

Dinampot niya ang jacket na nakalapag sa may upuan.

“Come.”

Nagtaasan ang balahibo ko nang hawakan niya ang dalawa kong braso para iikot patalikod. Tapos tinali niya bewang ko ang jacket niya.

“P-Para saan ‘to?” tanong ko habang nakatalikod.

“There’s a blood stain in your dress.” bulong niya malapit sa tenga ko.

Nanlaki ang mata ko at napapikit. Gago. May regla na ako?! At ngayon pa talaga?!

“H-Hala... t-thank you. Ibabalik ko ‘to.”

Mahina siyang natawa. “It’s fine.”

Mariin akong pumikit at napailing sa sarili ko. “S-Sige... alis na ako.”

“Take care... Alya.”

Nagmamadali akong tumakbo paalis.

Ano ba ‘yan! Nakakahiya! Nasaktuhan pa sa harap ni Kuya Franco...

Buti na lang mabait si Kuya Franco.

──────

Third Person's POV

“Oy. Franco. Sinong tinitingnan mo diyan?” Alfred just came back to the patio and saw his friend standing while looking at something, wearing a sly smile.

“Do you know Alya?” Franco asked.

“Ah... oo. Kaibigan ni Joaquin. Bakit?”

Franco shrugged his shoulders and picked up his guitar. “She looks cute.”

“Gago bata pa ‘yon. 14 lang ata.” Alfred said and punched his friend lightly.

Franco smirked and shrugged his shoulders. “14? Hindi halata.”

“Yeah. She’s tall.” sagot ni Alfred.

“And she has soft skin.” dugtong ni Franco.

Malakas na natawa si Alfred. “Nahawakan mo agad? Bilis, ah?”

Franco smirked.

Napailing at natawa si Alfred. “Tangina. Oo nga. Type mo nga mga tipo ni Alya. Tan and soft skin, inosente, at mahabang buhok.”

Franco just laughed—not agreeing nor denying what his friend just said.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro