Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

pangalawa

pangalawa

[ Messenger ]

threeio
April 1, 20XA ; 22:22

Drea
Ano na? @Joaquin
Pasend
Alya reacted with 😆

Joaquin
Wow ah
Bayad ba ako dito?
Di ka maka-wait?

Alya
HHAAHAHAHAHA
PASEND DINNNN
magchechange akong dp 😝

Joaquin
Mamaya
Tong mga to teka lang ah

Alya
HAHAHAHA
mabait ka naman ihh

Joaquin
🖕🖕🖕
2 😆 reactions

Joaquin
Oy Alya
Bat ka pala umuwi agad?
Di ka man lang nagpaalam sakin

Drea
Tatay ka beh??

Alya
HAHAHAHA SORRI
dinatnan kasi ako kaya umuwi na kami agad ni papa 😰😰😰

Joaquin
Ay
Ok
May cramps ka?

Alya
medyo 🥲🥲🥲

Drea
Pahinga ka sis <333

Alya
tenksss

──────

[ Messenger ]

threeio
April 03, 20XA ; 11:33

Alya
@Joaquin
andyan pa ba si kuya franco sa inyo?

Drea
Kuya Franco who?

Joaquin
Pano mo nakilala si Kuya?

Alya
pinahiram niya kasi akong jacket nung nagka-mens ako nung isang araw 🥲
nilabhan ko na kaya babalik ko na!

Joaquin
Ahhhhh
Andon pa ata??

Drea
Wow di mo alam?
Parang di mo bahay?

Joaquin
Nasa Manila ako

Alya
wow? biglaan? HAHAHAH
bakit

Joaquin
Si Mama kasi
Mag-Korea daw kami sa sabado
Kaya andito na kami sa Manila ngayon
Lam niyo naman si Mama. Napaka random

Drea
Ganyan talaga pag mayaman
Di tayo makarelate Alya

Alya
HAHAHAHA TOTOO
penge pasalubong @Joaquin

Joaquin
Ge

Drea
Ako rin

Joaquin
Ge ulit

Alya
gano pala kayo katagal

Joaquin
Ewan nga eh hayssss

Drea
Kasama si Kuya Alfred?

Joaquin
Hindi 😒
Duga

Alya
HHAHAHAA ikaw fave ni Ma'am eh
bunso kasi

Drea
Baby kasi 🥺

Joaquin
Lul
Ge bye na
Tinatawag ako ni Mama

Drea
Ge
Enjoy HAHAHA

Alya
enjoyyyy HAHAHA

──────

Alya’s POV

Mabagal akong naglalakad papunta sa bahay nila Joaquin. Normally, nagta-tricycle ako. Pero dahil bakasyon at wala naman akong baon na pwede kong ipunin, naglakad na lang ako. At… medyo nahihiya kasi ako kay Kuya Franco. Ewan ko ba. Pero nahihiya ako.

Pinapasok ako ng guard nang sabihin kong may ibabalik lang ako. Kilala naman na ako dito. Dahil bukod nga sa dito nagta-trabaho si Papa, kaibigan ko rin si Joaquin.

Tsaka maliit lang ang bayan ng Santa Lucia. Halos magkakakilala na ang lahat or at some point, narinig na namin ang pangalan ng isa’t-isa. 

Ang pamilya nila Joaquin, o ng mga mga Enriquez, ang pinakamayaman sa buong Santa Lucia. Meron kasi silang food business. Meron silang plantation dito ng buko at mangga. Sabi nila, ayon daw ang pinaka-unang plantation ng pamilya nila. Pero ‘yun din ang pinaka-maliit. Marami silang plantation sa iba’t-ibang parte ng bansa.

Kaya rin naging magkaibigan kami nila Joaquin at Drea. Si Drea, kapitbahay namin. Tapos dahil nga nagtatrabaho si Papa sa mga Enriquez at kaedad namin si Joaquin, naging malapit na kami.

“Manang… nandito po ba si Kuya Franco? May ibibigay lang po ako.” tanong ko sa kasambahay.

“Ah… ‘yung kaibigan ba ni Sir Alfred? Nasa labas. Nag-su-swimming.”

“Thanks, Manang!”

Mabilis akong naglakad papuntang pool area. 

There… I saw Kuya Franco swimming. Wala siyang suot na pang-itaas habang lumalangoy.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Mabilis siyang lumingon. Nakita ko kung paanong panandaliang nanlaki ang mata niya bago lumambot. Umahon siya at lumapit sakin.

Inabot ko sa kanya ang towel na nasa upuan. Nakangiti niya itong tinanggap at nagpunas ng mukha. “Thanks. Are you here for me?”

Namula ako habang nakangisi naman siya. “Uh… isosoli ko lang po ‘to.” ani ko at inabot ang paper bag kung saan nakalagay yung jacket na pinahiram niya.

Kinuha niya ‘yon at sinilip. He chuckled. “No need naman na. But… thanks.”

Kinagat ko ang labi ko. “Ano… una na po ako. ‘Yun lang pinunta ko dito. Sorry po sa istorbo.”

Hahakbang na sana ako paalis nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

“Aalis ka agad? Eat first.” sabi niya habang hawak pa rin ang palapulsuhan ko.

Tiningala ko siya. Sobrang tangkad niya. Hanggang baba lang ako ng balikat niya. Kinagat ko ang labi ko at ngumuso. “Uhm… kumain naman na ako.”

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong humigpit ang kapit niya sa kamay ko. “Eat first before going.”

Seryoso ang tingin niya at hindi na nakangiti. Mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko. 

Naiilang man pero tumango ako. “S-Sige. Saglit lang.”

Napa-buntong hininga ako nang malawak siyang ngumiti at binitawan ang kamay ko. “Good. I’ll just ask Manang to give us food here. I heard she made turon.”

Tumango ako at umupo. “O-Okay…”

Bumalik si Kuya Franco na may dala-dalang tray ng turon at juice. “Here. Let's eat.”

Ngumiti ako at kumuha. 

“Malayo ba ang bahay mo dito?” tanong niya.

“Hindi naman gaano.” sagot ko.

“Paanong ‘hindi naman gaano’?”

“Uh… usually sumasakay kaming tricycle. Pero kaya naman lakarin. Gaya kanina, nilakad ko lang.” 

Biglang tumaas ang kilay niya. “Naglakad ka lang? Ganyan suot mo?”

“Huh? Anong meron sa suot ko?” nagtataka kong tanong.

“I mean… you’re wearing short shorts. Okay lang ba ‘yan?”

Tiningnan ko ang suot kong short at wala sa sariling hinila pababa. “Okay lang naman. Mainit din kasi.”

Tumango siya. “Next time you should refrain from wearing that. You’re a pretty girl, Alya. You don’t know what might happen.”

Namula ako sa sinabi niya.

Pretty girl… ako? Talaga?

“S-Sige…” nahihiya kong sagot.

“Good,” aniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro