pang-apat
pang-apat
[ Messenger ]
threeio
April 12, 20XA ; 19:57
Joaquin
Joaquin sent a photo.
⤷ [Photo attachment: a picture of him holding a bunch of paper bags.]
Guys pagod na ako maging chaperone ng nanay ko 😭😭😭
Drea
Wow nuyan suffering from success???
Alya
wow gusto ko rin maranasang magreklamo dahil puro shopping nanay ko
Joaquin
Nanyo
Di niyo ba ko miss 💔
Drea
Hindi
Alya
hindi :P
joke HAHAHAHA
miss you joaquinnnnn
Joaquin
Buti ka pa talaga Alya 🥹
Tapon ko pasalubong ko sayo Drea
Drea
JOKE LANG DI KA NA BA MAJOKEEE
Alya
HAHAHAHAHAHA
Drea
Hoy Alya lagi kang wala sa inyo
Bwiset
Yayain sana kita magswimming 😤
Alya
ay sorryyy
gumala lang
sinusulit bakasyon HAHAHA
Joaquin
Mag isa?
Alya
oo HAHAHAHA
Drea
Kainis ka
Swimming tayo next weekkkk
Bukas sana kaso pupunta kami sa bayan bukas eh
Alya
sige langgg
punta ka sa bahay!
──────
Alya’s POV
Kinagat ko ang labi ko at binaba ang cellphone. Medyo nakaramdam ng guilt dahil nagsinungaling ako sa kanila.
Ano… hindi naman talaga kasinungalingan ‘yon. White lie kumbaga. Nakakahiya kasing i-kwento na si Kuya Franco ang kasama ko lagi.
Hindi sa kinakahiya ko si Kuya Franco… basta… ano… ‘di ko lang alam paano papaliwanag kung paano kami naging close. Hindi ko rin kasi talaga alam paano, eh. Bigla na lang naging ganu’n. Bigla na lang naging friendly si Kuya Franco kaya gumaan din ang loob ko kahit saglit pa lang.
Sa totoo lang, hirap ako makipag-kaibigan. Sadyang sabay na kaming lumaki nila Joaquin kaya naging malapit kami. Sa kanila lang ako nagiging makulit, pala-biro, at pala-tawa. Pero ‘pag naiiwan ako kasama ang ibang ‘di ko close, halos tango at iling lang nagagawa ko.
Pero si Kuya Franco… ilang araw pa lang naging magaan na agad ang loob ko sa kanya. Palagi kasi siyang nakangiti at nagbibiro. Tapos ‘pag nagtatanong siya tapos sinasagot ko, lagi siyang attentive makinig.
At tsaka bukod sa nahihiya ako ipaliwanag ‘yung pagiging close namin ni Kuya Franco kela Joaquin, hindi ko pa natatanong si Kuya Franco kung okay lang ba sa kanya na malaman nila Joaquin. Nung nakaraan kasing pumunta kaming plaza at perya, du’n lang kami nagkita sa tapat ng gate ng mga Enriquez kasi ayaw daw niyang may mga nagtanong ba’t kami aalis. Hassle daw.
Hindi naman problema ang mga kasambahay nila Kuya Alfred kasi sinabi ni Kuya Franco na nagpapa-tutor ako sa kanya—kahit hindi naman—para na rin nga raw hindi magtanong kung bakit lagi ako pumupunta. Eh pumupunta lang naman ako kasi pinapapunta niya ako dahil wala siyang magawa dahil laging wala si Kuya Alfred.
“Alya! Kakain na! Baba na diyan!" sigaw ni Mama mula sa baba. Nagmamadali akong bumaba.
Tahimik kaming kumakain nang magsalita si Papa. “Nga pala, bukas ng gabi, magma-Manila kami ni Sir. Pwede raw ako magsama ng isa. Gusto mo ba sumama, Alya?”
Tiningnan ko si Mama. “Ikaw, Ma?”
Nagkibit balikat lang si Mama. “Ikaw bahala. Kung gusto mo sumama, sige lang. Maganda ‘yan dahil do’n ka naman sa college. Pero kung ayaw mo, okay lang din. Date kami ng Papa mo.” humagikgik pa si Mama.
Natawa ako at napailing. Sige po. Pag-isipan ko. Sabihin ko bukas ng umaga agad.
Tumango si Papa. “Sige. Ikaw bahala. Sabihin mo agad, ah? Para maka-impake agad dahil alas onse ng gabi ang alis.”
“Opo, Pa.”
Pagkatapos namin kumain, dumiretso ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at wala sa sariling napangiti nang makita ko ang pangalan ni Kuya Franco sa notification bar.
──────
[ Messages ]
Kuya Franco
April 12, 20XA ; 21:00
Hi.
Just ate my dinner.
How about you?
hi kuya franco!
kakatapos lang din 😁
That’s good.
Busog? Haha.
medyo hahahahahahaha
nga pala niyayaya ako ni papa mag-manila bukas!
Oh?
Sasama ka?
pinagiisipan ko pa eh
Wag na.
Hahaha. Joke.
haaa
bakittt
Hahaha.
Pauwi na kasi ako sa Santa Barbara sa isang araw. Tapos magma-Manila na ulit.
Tapos wala ka pa? :(
I want to bond with you pa.
You know? Friends?
halaaa
sige
sabihan ko sila mama! :))
Talaga?
Ang bait mo talaga, Alya! :)
:)))
ikaw rin kuya!
April 13, 20XA ; 23:38
Your parents left already?
opo
Nga pala.
Since sa 15 na alis ko pa-Santa Barbara then Manila, do you want to go to Santa Barbara with me tomorrow?
bukas po?
Yes.
hala
Saglit lang tayo don.
I have a car.
Uwi ka rin agad bago gumabi.
baka di ako payagan nila mama eh.....
Pfft.
Edi wag magpaalam?
uh
I’m not bad influencing you or anything, okay?
I just really want you to go there. I can even buy you some supplies para sa pasukan.
Hindi mo kailangan magpaalam kasi baka di ka payagan tapos baka mawala pa sa mood yung parents mo habang nasa Manila sila.
Diba sabi mo they’ll have a date there?
Gusto mo ba yon?
hmm
sabagay
sige po
sama ako
pero uwi ako bago mag 6?
Sure.
Thanks, Alya!
You won’t regret it. :)
──────
April 14, 20XA
Alya’s POV
“So... is this your first time here?” tanong ni Kuya Franco sakin habang nagda-drive siya. Nakapasok na kami sa Santa Barbara pero medyo malayo pa raw ang bahay nila.
Siyudad na siyudad talaga dito. At mas trapik kumpara samin.
“Hindi naman. Pero ngayon na lang ulit.”
Tumango siya. “Do you like it here?”
“Oo. Pero mas gusto ko pa rin sa Lucia syempre.”
“You can buy some school materials here. Mas marami kang pagpipilian kumpara sa Lucia.”
Umiling ako. “Hindi. Okay pa naman mga gamit ko.”
“Anong grade mo na nga ulit sa pasukan?”
“Uh… Grade 9.” Namula ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Biglang nahiya sa edad.
“Hmm…”
“Ikaw po?”
Tumawa muna siya bago sumagot. “4th year.”
“Pa-graduate ka na pala…”
“Yeah.”
Lumingon ako sa labas ng bintana. Bakit parang gusto ko bigla tumanda?
──────
“Do you want to eat something?” tanong ni Kuya Franco habang nakatingin sa ref nila.
Kakarating lang namin sa bahay nila dito sa Santa Barbara at manghang-mangha ako sa ganda. Mas malaki ang bahay ng mga Enriquez, pero may kakaibang feels dito sa bahay nila. ‘Yung bahay kasi nila Joaquin, maraming mga tao, mga kasambahay, guards, driver, at kung anu-ano pa kaya buhay na buhay kahit wala sila. Dito naman… ang tahimik. Parang bawal ka pumasok.
Umiling ako. “Wala naman po.”
“Sure? Baka napagod ka sa byahe. Ako nga napagod, eh.”
Umiling ako ulit. Ang bait talaga ni Kuya Franco, inaalala niya pa ako kahit pagod din siya. “Okay lang po, Kuya. Pahinga ka po kaya muna?”
“Akala ko ba sabi mo kanina ida-drop mo na ‘yung po?” aniya habang nakakunot ang noo.
Napatakip ako sa bibig ko. Oo nga pala. Habang nasa sasakyan kami kanina, hindi ako tinantanan ni Kuya Franco sa kakapilit na ‘wag na ako mag-po kahit kailan. Dahil ayon sa kanya, wala namang magkaibigang gumagamit ng po at opo sa isa't-isa. Tama naman siya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nagsalita ulit. “I mean… okay lang ako, Kuya Franco. At magpahinga ka muna.”
Mabilis na nawala ang kunot ng noo niya at napalitan ng magandang ngiti. “Nah. I’m fine. Lapag ko lang mga gamit ko sa kwarto tapos mag-mall na tayo. Okay?”
Ngumuso ako. “Akala ko ba pagod ka?”
“Sus. Wala lang ‘yun.” aniya at ngumisi bago umakyat sa kwarto niya para ilapag ang mga gamit.
“Come, Alya. Sa mall na lang tayo kumain.” yaya ni Kuya Franco sakin pagbaba niya sa hagdan. Tumango ako at tumayo na rin.
Casual lang ang suot niya. Puting long sleeve polo na naka-rolyo hanggang siko niya at bukas ang dalawang butones sa dibdib at khaki shorts. Ako naman ay nakasuot ng bestidang dilaw na floral. Ang mature niya tingnan… ako… mukhang dalaginding pa rin.
“You should try this.” ani Kuya Franco habang tumatawa, nagbibiro.
“Uh…”
“Just kidding. Don’t wear that.” aniya at hinila ako papunta sa kabilang parte ng shop.
Nasa isang dress shop kami ngayon. At ‘yung tinuro niya ay dress na backless. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Ganu’n ba mga… gusto niya sa babae? Mga mature na damitan? Mga… wild?
Napailing ako at mahinang kinurot ang sariling braso. Ba’t ko ba iniisip ‘yun? Ano naman kung ayon ang gusto niya sa mga babae? Ano naman sakin?
“You should try high heeled shoes. Maliit ka kasi, para mas tumangkad ka pa.” aniya at sinukat ang tangkad namin. Hanggang sa may kili-kili niya lang ako halos.
Hindi naman talaga ako maliit. Ang sabi nila Mama, para sa babae at para sa edad ko, matangkad na ako. Pero ‘pag katabi ko si Kuya Franco, nagmumukha akong maliit. At tatangkad pa naman daw ako.
“H-Hindi ako sanay sa takong.”
“Hmm. Sige. ‘Wag muna. Pero you might regret not practicing with heels because older girls love wearing it.” aniya habang binabalik sa shoe rack ang hawak niyang high heels.
Kumabog ang dibdib ko. Okay lang naman. Kung… kung gusto ko naman mag-practice, pwede naman ako magpabili kela Mama. O pag-ipunan ko. ‘Di muna ngayon… tsaka na… siguro. Hindi ko rin naman kasi kailangan. At walang pag gagamitan…
“‘Yan lang talaga? Wala ka nang ibang gusto?” pang-ilang tanong na ‘to ni Kuya Franco habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Alas quatro na at pauwi na kami sa Santa Lucia.
“Opo. Ito lang talaga.”
“Opo?”
“I mean… ito lang talaga. Okay na okay na ‘to. Sobra pa nga, eh.”
“Hmm. Okay. Just tell me if you need anything pa.”
Ngumiti ako at tumango na lang dahil syempre, ang kapal naman ng mukha ko para humingi pa. Binilhan niya ang mga mamahaling notebooks (‘yung normal kong notebook ay nasa 10 pesos lang isa), ballpens, at maski bagong sapatos. Ang mahal nga, eh. Kaso mapilit siya.
Paano ko kaya ‘to papaliwanag kela Mama? Sabihin ko na lang siguro na napanalunan ko sa raffle sa perya? Papagalitan kasi ako nu’n ‘pag nalamang nagpalibre ako.
“Did you enjoy our date?” pagbasag ni Kuya Franco sa katahimikan namin habang nagda-drive siya.
Natigalgal ako sa narinig at napalingon sa kanya. Biglang kumalabog nang napakalakas ng puso ko. Pakiramdam ko rin namumutla ako. “Date?” pag-uulit ko.
Natawa siya—hindi ko alam saan, sa reaksyon ko o sa tanong ko o sa kung saan. “Oo. Friendly date. Friends have dates, you know. Well, sa Manila gano’n. Baka dito hindi.”
“A-Ah… oo. Ano… nag-enjoy ako.”
Malawak siyang ngumiti habang nakatingin sa harap, “Good.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro