Chapter 36
Her POV
Ngayon ay lubusan ko ng naintindihan ang kanilang kinikimkim na dahilan. Napakahirap. Nakaka biyak ng damdamin makita ang taong mahal mo na nasasaktan o namimilipit sa sakit. Wala man lang akong nagawa kanina. Naka tayo lamang ako mula sa malayo na sinisisi ang sarili sa kawalang kwenta. Lalo na noong bigla na lamang siyang natumba at pag lapit ko'y naka pikit na.
Iyon na ang pinaka nakakatakot na tagpo na aking nadaanan. Ito nga siya, nagmamaneho ng tahimik. Gusto kong manibago pero alam kong may dahilan. Bakit ba kasi hindi ako nakaka basa ng isip ng tao. Haysssss
"Maayos naba talaga pakiramdam mo?"
Nag-aalalang tanong ko.
"Hmmmm Opo Master. Itutulog ko nalang siguro to ng maaga"
"Dapat nga pero kumain ka muna pagdating"
"Opo Master"
Gustuhin ko mang maka alala ka. Pero hindi sa ganitong paraan Weakling. Kaso, may iba nga bang paraan?
His POV
Nakita ko ang sarili na seryusong nagmamaneho. Hindi mababakasan ng ngiti ang mga labi. Kulang nalang ay magka tagpo ang magka salubong na mga kilay.
"This is shit! I can't point just one of them. Who's the traitor? His too good at masking."
Sa ina-asahan nga. English speaking parin.
"What? I'm not in the mood with your bullshit dude. Spare me today, call the others oh just shut it!"
Para itong may kinakausap.
"WHATTT!!!!????"
Napa break tuloy siya kasabay nang pagsigaw na para bang nakarinig ng isang bombang balita. Hinawakan nito ang tainga na may maliit na itim na? Ay tanga! Earpiece pala ang gamit.
"Tsss I thought it's serious. You know how I hate making fun about the lives of a person. It's not a funny joke at all. Bye I'm in a hurry to the headquarters....Yah yah yah Bye"
Mahirap pala makinig ng one sided. Ikaw nalang mag aassume sa sinabi ng kabilang linya.
Paaandarin niya sana ang sasakyan ng bumaling ang kaniyang ulo sa kanang banda kaya ginaya ko rin siya. May nakita akong babae na naka puti habang naka upo sa damuhan at nakayuko dantay ang kamay maging ulo sa naka baluktot na mga hita't binti.
Hindi nagdalawang isip ang isang ako na lumabas sa kotse. Hala siya 'Hoi, hindi mo nga alam na Multo pala iyan. Bibigla ka nalang lalapit' Sige na nga susunod ako.
"Heyy Miss, Is anything wrong here? Are you ok?"
Baka bingi
"Do you need some help?"
Bingi nga siguro
"Where are you from? I can escort you to there"
Wala dedma
Poging pogi ko tapos hindi papansinin, asaan ang hustisya doon.
"Mi-"
Naiwan sa ere ang sanang sasabihin ng Gwapong nilalang nang bigla na lamang tumihayad ang babae at humikab.
"Ahhhhhhhh Nakaka ngalay naman"
"What the?!"
Hindi ito makapaniwalang nakatingin sa natutulog na dalagita dito mismo sa ibaba ng puno sa gilid ng daang iilan lang ang nakaka gawi at sa tanghaling tapat pa.
Pero ako hindi ako nagulat, ang ganda niya kasi. Pero parang Pamelyar hindi ko lang matukoy kung saan ko siya nakita dati.
" What are you doing here in the middle of nowhere? Aren't you afraid? Stand, your place? spill it"
Medyo sumingkit ang mata nito na inaaninag ang taong nakatayo sa kaniyang harapan.
"Amfff Sir? Pwede pakitakip ako sa liwanag ang sakit kasi sa mata eh"
"Huh?"
"Hindi ka po nakaka intindi ng tagalog?"
Hindi na sumagot ang kausap bagkus ay ginawa nalang nito ang pakiusap ng nakaupo paring dalagita.
"I repeat-"
"Hindi ako nawawala at hindi ako nangangailangan ng tulong, ikaw yata diyan hahha"
"Don't cut off someone who's talking. That's unrespectful. Avoid making it a hobby."
"Ay hala! Sorry sige hindi na mauulit sa susunod."
"Good and can you please stand up"
"Ay hahahah Ito na"
Pinagpag nito ang ibabang parte ng dress bago ngumiti.
"What do you mean with me Who need help rather than you?"
"Ayowwn oh"
Ininguso nito ang direksiyon ng kaniyang sasakyan kaya sinundan niya ito ng tingin.
"Shit!! Bad timing"
Na flat kasi ang isa nitong gulong
"Sabi ko sayo eh hahaha"
End
Nagising akong habol ang hininga. Babae? Bakit ganoon parin, malabo? Pero natitiyak ko na ang babaeng iyon ay ang babaeng naalala ko sa painting room.
Pilit na inalala ko naman kung saan ko nga ba nakita ang punong iyon. Pamelyar na pamelyar eh.
Shittt Oo nga, Ang punong mangga kung saan madadaanan ko pauwi. Dali dali kong itinabi ang comforter sakin at hindi na nag mugmug o nag bihis basta isinuot ko nalang ang pang bahay ko na sapin sa paa. Kailangan kong pumunta doon.
"Weakling? Bakit ka nag mamadali? Saan ka pupunta?"
"Sandali lang Master"
Nasa pinto na ako ng magsalita ulit si Master
"Kailangan mo pa ba ako sa lakad na iyan?"
"Kaya ko na to Master, babalik din naman ako"
"Sige mag-iingat ka"
Hindi ko alam pero parang tumamlay ang tuno ng naging sagot ni Master. Namali lang siguro ako ng dinig.
"Manang May pupuntahan lang ako. Babalik ako pagkatapos"
"Sir It's too early pa, you eat breakfast first"
"No manang, sa pag balik ko nalang"
"But-"
Hindi ko na siya pinatapos pa bagkus ay pumunta na ako sa garahe.
Habang lulan sa sasakyan, napag isip-isip ko kung bakit umiikot lamang ang aking mga naaalala sa iisang babae. Kung bakit wala siya sa aking tabi ng mga panahong kailangang kailangan ko siya. Paano't nagawa niyang hindi magpakita sa akin dahil ba sa hindi ko siya matandaan?
Kapag talaga maubos itong pasensiya ko'y pipilitin ko silang magsalita tungkol sa aking nakaraan. Kahit ba ikakapahamak ko pa ito. Tutal nandiyan naman na si Master.
Dahan dahan kong inihinto ang kotse bago tumingin sa kaliwang bahagi. Itong ito iyon eh. Puno ng Mangga. Sa punong ito ako unang nakaramdam ng kakaiba, hindi ko akalaing parte ka palang ng buhay ko.
Umupo lang ako doon ng mga ilang minuto, nagbabakasakaling may mas malinaw pa akong makita pero dumaan ang isang oras ay wala parin kaya't napag desisyunan ko nalang na umuwi. Ngunit hindi ko pa man tuluyang nailiko ang kotse ay nasilaw ako sa malakas na ilaw na papunta sa aking direksiyon.
"Ahhhhh!"
Kaya tuloy napatabun ako ng mata gamit ang siko.
"A-anong ibig sabihin doon?"
Bulaslas ko.
Tela rumihistro sa akin ng tuluyan ang tagpong iyon. Tama nga, isang car accident ang dahilan kung kaya't nawalan ako ng memorya. Bago pa ako makapag isip ng kuna ano-ano ay pina andar ko na ulit ang kotse.
Nakakasawa na sa totoo lang. Wala naman akong nabuong sagot, pa putol putol na akala mo sinasadya akong lituhin.
"Sir finally you're back. The food is cold na. I must heat it first"
"Sige manang sa itaas lang ako"
"Come downstairs sir Huh, I will call you later"
"Opo"
"Argggghhhhh!!!!!!"
Napupuno na ako sa frustration at nawawalan nang pag-titimpi.
"Ahhhhhhhhh!!!!!!!!!!! Ano ba mag isip ka..wala kang silbi!"
Pinupukpok ko ang ulo sabay sabunot sa buhok.
"Weakling?"
Narinig ko ang gulat na tinig ni Master pero parang hindi ko maisaboses ang nasa isipan sa kadahilanang nag sisimulang kumirot ang aking ulo banda sa may kaliwang bahagi.
"S-shiiittt k-kasalanan ko to"
"Tigilan mo iyang g-ginagawa mo... Weakling? Huwag mong saktan ang sarili Please"
"Ahhhhh!!"
"Weakling!! Ano ba!"
Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ko sinasadiya master, na totoo natong nararamdaman ko.Nagsisisi akong pinilit maka alala ang isipan. Masakit Master Master Tulongggg.....
"Weakling!!!!!!"
Naramdaman ko nalang ang malamig na floor tiles kung saan dumampi ang aking pisngi. Sa sakit na ito sana may magandang sukli.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Gising na siya Doc!"
"Anak? How are you?"
"Weakling?"
"Please answer us Son, we are worried for christ sake"
"Ohhh Ghhhooood, Paano kapag? Paano, H-hindi ko kaya, I don't know if I could make it for the second time"
Unti-unti ay naaninag ko na ang mga taong nasa tabi ng kamang kinabilangan ko. Lahat sila may naka paskil na nag-aalalang mukha.
"Shhhh, Huminahon ka hon, He'll be alright ok, huwag kanang umiyak, Our son might hear it."
"Pero hindi siya nagsasalita? His eyes are emotionless, just look at them."
"N-nasaan s-siya?"
"May sinasabi siya, What? what did you say son?"
"N-nasaan siya Ma? Pa? Nasaan a-ang a-asawa ko?"
Makikita ang gulat na gulat nilang mga reaksiyon. Naka nganga ng kaunti ang mga bibig at hindi kumukurap ang mga mata.
"Y-your memories are back?"
Si Papa ang unang naka bawi at unang nag salita pero hindi ako sumagot. Hinintay ko ang sasabihin nila.
"It's still not the right time to the both of you"
So totoo nga
"N-nasaan siya?"
Ulit ko
"Babalik siya sa piling mo anak, but today is not the time. Please mag pahinga ka muna okay"
Buhay siya?
"S-shes A-alive?"
"Y-yes! Of course she is"
Para akong na bingi sa narinig. Hindi kona naiintindihan ang sinasabi nila. Isang babae lang kasi ang pinag susupestyahan ko. Akala ko.
Akala ko.
Si Master iyon......
------------
©BinibiningHari
A/N: Can I knew your opinion? Nag-iisa lang ba si Weakling natin or We all have the same assumption?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro