Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Andrew POV

Ilang beses kong tahimik na hiniling na sana'y may maabutan akong tao doon. Nakakatakot mag-isa, wala pa naman si Master.

*Pout

Asaan na kasi siya. Pero siguro nga na haharapin ko nalang to ng mag-isa kasi laban ko to eh. Tsaka baka mag-alala pa yon. *Pout

Kapag talaga wala parin akong makitang clue o maalala man lang sa lugar nayon ay talagang hindi na ako babalik doon. Pero mas hindi ako mapakali sa inasta ni Mama kanina. Walang halong galit, inis o pilit ang boses niya habang ibinibigay ang sulat na laman ay isang lokasyon ng bahay ampunan. Marami ba talaga akong nakalimutan?

Hayyyyyyssss

Siguro nga...

*Pout

Nag sign of a cross muna ako bago bumaba ng sasakyan.

Kaya ko ba?

Tiningnan ko ng maagi ang nasa harap, isang malaking sirang gusali na sa sentro nito ay may nasa dalawang palapag na konkretong bahay pagkatapos ay nasa gilid na iyong ibang maliliit.

Nanginginig na inihakbang ko ang kaliwang paa.

"A-ano ba! huwag ka ngang manginig!"

Pinagalitan ko, abah keh bakla bakla

Walang mangyayari kung padadaig ako sa takot. Relax self....

Pumikit ako at dahan-dahang bumuga ng hangin.

"Hohhhh, ito na ito nah"

Maaliwalas pa naman ang paligid dala narin ng sinag ng araw. Susss Hindi nga ako natakot sa mga multo na nakakakita pa ako noon, ngayon pa kaya.

Nga naman anoh? Hahaha

Kaya't dahil sa pagkakaroon ng kaunting lakas ng loob ay medyo bumilis ang hakbang ko patungo sa bahay ampunan. May malaking tarangkahan na syempre sirang sira nadin tsaka bago tuluyang makapasok ay dadaanan ang isang arko. Tumingin ako sa itaas at nakita ang nakabiting board na may naka sulat na pangalan ng bahay ampunan na ito.

"Creepy, grrrhhhhhh"

Saan kaya ako unang pupunta?

Bahala na, kung saan ako dadalhin ng mga paa ko edi don.

Teka.......

Tama!!!!!!

Sa Painting room

Hindi ko alam kung saan banda ito pero para bang eksperto ang mga paa ko sa daan patungo sa silid na iyon. Isang liko lang ang ginawa ko bago ito makita, kalahati na lamang ng mga pader ang nakatayo at nagka watak-watak ang mga kahoy pati bubong. Hahakbang sana ako papalit nang may nag udyok sa akin na tumingin sa ibaba.

May nakataob na parang tabla na naapakan nitong mabango kong paa. Dahan dahan akong yumuko para makuha ito.

Hmmmmm?

Pagka harap ng pagka harap ko sa board ay siyang biglang sumakit ang ulo ko.

Shit!!!!

"Hahaha Halika bilis!!!!"

Hatak hatak ng isang babae ang lalaki patungo sa kung saan.

"Tadahhhhhhhhh!!! Hahaha ano? Maganda bah? Gawa ko yan"

Sabi nito habang naka buka ang mga palad at masayang nakangiti.

"Hmmm Not Bad"

Biglang bumusangot ang kausap

"Napapangitan ka?"

"Hayysss, nag sikap pa naman akong guhitin ito. Sige itapon ko nalang hehhee"

Ramdam mo iyong pagkadismaya at lungkot sa tuno ng boses ng babae.

"Pfffft I was just kidding, It's beautiful jus like the girl who painted it"

"Weeee????? Baka ginogood time mo lang ako. Nakokonsensiya kalang eh"

"Silly, Of course not. I didn't even said a word earlier it's just you who assumed it. Come on, don't be sad. Let's go, Should we hang it to the door together?"

"Talagah???? Yeheyyyyy!!!! Halika na!!!!!!"

"Hahaha You got your spirit back again. Come, let me hold your hand"

Magkahawak kamay silang nag lakad palayo.

Nakakapagtaka...

Hindi ko makita ang mga mukha nila, sadiyang napaka labo. Malabong malabo. Hindi ko nga alam kung ako ba ang lalaking iyon kaso parang hindi naman.

Tiningnan ko ang hawak.

Hinipan ko ang mga alikabok nito at nilinis gamit ang mga kamay. Medyo malinaw naman dahil makinis ang surface nitong tabla. Ito, ito ang pininta ng babae, May naka pintang mga letra na kung babasahin ay Painting Room na may mga paro paro sa itaas at bulaklak sa ibaba. Nakaka agaw pansin din ang pigura ng dalawang tao sa background ng mga letra, mag kahawak kamay habang nanonood ng sunset. Edi sila na.

*Pout

Sumakit talaga ulo ko doon, alaala ko man iyon. Ang tanong, may babae ba talaga sa buhay ko dati? Hindi iyon anak sa labas ni Papa? Ay ewan.

Naghanap ako ng pwedeng masabitan at inilagay ang board dito. Tinapik ko ito.

"Diyan ka lang"

Bago tuluyang tumalikod.

Akala ko talaga namali lang ang mga paa ko pero hindi ko akalaing nasa Painting room pala talaga ako. Dahil sa sira-sirang gusali kaya mahirap ma batid ang mga maliliit na silid sa paligid.

Wala na, pinipilit ko man, wala na akong maalala pa.

Siguro ay umuwi nalang ako sapagkat sa tantiya ko'y mag tatanghali na ngayon. Wala din naman akong nakukuhang sagot dito, katanungang na dagdag siguro Oo. Hayssss

Tinitingnan ko ang dinadaanan baka sakaling may pako akong maapakan o kahit anong matutulis na bagay. Habang papalit sa Gate ay natanawan ko ang Play ground sa may gilid.

"Hindi ko pa pala iyon napuntahan"

Sayang nito, medyo hindi nasira ang mga sliding. Naka tayo parin, nga lang wala ng bubong at nagkukulay berde't itim na. Marami pang iba, hindi ko na alam kung anong tawag.

Nilakbay ng aking palad ang nakatayong mahabang bakal, iyong bilog. Hirap e explain basta para siyang gaya ng sa Poste ng Ilaw kaya lang may mga upuan sa bawat dulo. Ay alam ko na. Ito siguro iyong kapag nasa baba ang isa ay nasa itaas naman iyong kabila. Hehehehe talino ko talaga.

Maglalaro sana ako dito kung hindi lang to sira heheheh o kung may kasama man lang ako. Gandang idea non ah.

Nasa may bandang gilid ang tatlong Swing na maiitsurang swing padin naman.

Maraming gumagapang na
halaman dito. Akma ko itong hahawakan ng bigla na namang sumakit ang aking ulo.

"Ahhhhhhh M-masakit!!!!"

Bigla ay parang yumanig ang lupa at nawalan ako ng balanse. Naramdaman ko ang pag bagsak ng katawan sa maraming damu. Agad akong bumaluktot habang mahigpit na sinasabunot ang buhok baka sakaling maibsan ang sakit.

"S-shiiitttt, M-master Tulong"

Bulong ko.

Ilang sandali pa ay may naaninag akong dalawang bata na masayang nag lalaro sa duyan.

"Hindi mo ako mahahabol, bleeeeeeee"

"You're so fast, I'm tired"

Anang batang lalaki.

"Hindi kita maintindahan, bakit ba kasi englis speking ka"

Napakamot ito sa medyo kulot na buhok.

"I understand you but I find it hard speaking Te-ge-log language, Sorry"

"Heheheh Noh noh noh, Nakaka intindi ako ng kaunti dahil tinuturuan kami ni Mader Meng. Biro lang iyon kanina. Haha Huwag ka ng mag sorey hehehe Halika Tagu tagu an nalang tayu, nakakapagud mag habul-habulan"

Napangiti ang kausap sa kaniyang sinabi.

"You're so talkative though cute"

"Kyut ba kamo ako? Heheh Prity kaya ako sabi nila"

"You are Both, come on let's just sit here on the swing. My legs are shaking"

"Pagud ka na talaga? Masakit paa mo? edi upo nalang tayo dito"

Sabay turo nito sa swing.

"Here I thought you understand-

sabay kamot sa bandang noo.

Yeah, I go first then you're next"

"Ay bungga, sige na upo kana. Hahaha Kapit ka huh, lalakasan ko talaga"

"Hey, wait No-Ahhhhhhh!!!"

Medyo nalakasan nga ng pag tulak ng batang babae.

"Hahaha sabi ko naman sayo eh wehhhhh"

"Ahhhh S-stop Ahhhhh!!!"

"Hahaha para kang Bakla"

"I-m not Gay!!!!!"

"Weeeee? Bakla ka eh!! Hahahaha"

"No I'm Not"

Unti-unti ng humihinto ang sinasakyan ng batang lalaki.

"Oh ako naman bilis Hahah Alis diyan Ako naman itulak mo"

"Wait, I'm still dizzy"

"Hahahah woiii bakla ka talaga"

"To prove you I'm straight, I will marry you when we Grow up"

"Am Marry? Ano iyon?"

"Never Mind, your turn"

"Yeheeeyy ako na!!!!Lakasan mo ah"

"Nahhh, You might fall"

"Ehhh bilis na! Wohhhhh!!! Yehhhhhh Ang sarap sa pakiramdam!!"

Bigla nalang bumitaw sa hawakan ang batang babae at masayang itinaas ang dalawang kamay dahilan para muntik na itong mahulog.

"Hey Shit Careful"

"Hahaha Ulit ulit"

"No more, You're so careless. I don't want you to get hurt"

"Ano bayan"

"Andrew, Iha halina kayo Kakain na tayo. Tama na muna ang laro"

"Yes Kainan na!!!!! Andiyan na Ate Yash"

"Pffft You can be happy in everything as easy"

"Boring mo kasi, halika nanga aym angrey,

"You mean...Hungry? Hahahah"

"Wataber!!"

Naunang mag lakad ang babae bago natatawang sumunod ang batang lalaki.

"Weakling??gising"

"Ang mahuhuli ay siyang magpapakain ng mga biik mamaya"

"Hey, That's unfair. You're ahead on me"

"Gising Sabi eh"

Kaso nagsimula ng tumakbo ang nag hamon kaya wala naring nagawa ang huli.

"I hate pigs, I don't like feeding them!!! I will win!!"

Tinawanan lamang ito.

"Please,Gumising kana diyan Weakling"

Boses ni master iyon ah?

Dahan dahan kong minulat ang mga mata. Medyo malabo pero naaaninag ko din ang pigura ng babaeng nag-aalalang naka dungaw sa akin.

"Nakatulog ako Master?"

"Hindi ko alam, Matino kapa naman siguro para matulog sa damuhan?"

Kaya pala nangangati ako. Doon lang bumalik ang kanina'ng nangyari.

"Bigla kasing sumakit ang ulo ko, siguro nawalan ako ng malay"

Nag balik naman sa akin ang mga naalala. Sigurado akong ako ang batang iyon pero sino ang babae? Iyon din kaya ang babaeng naalala ko sa painting room? Eh sino iyong kayakap ni Papa?

"Halika na, Huwag mo ng pagurin ang isipan mo. Wala kapang kain. Hapun na"

Kanina gutom na gutom ako pero ngayon ay tila nawala.

"Tara na Master napagod katawan ko kahit wala naman akong ginawa"

Isa lang naman ang ipinagtaka ko kung tama man itong aking konklusiyon.

Kung mayroon man akong inibig noon, asaan na siya ngayon?

----------

©BinibiningHari



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro