Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Andrew POV

"Ano?!!!!!!?"

Maka sigaw wagas. Ang lapit ko lang kaya *pout

"Desidido napo ako sa plano ko, please tulungan niyo po ako."

"Hindi mo sila kaya"

"May alas ako"

Ipina kita ko sa kaniya ang hawak. Ngunit umiling-iling lang ito.

"Hindi iyan sapat, sa tingin mo'y ganoon lang sila karami? Diyan ka nagkakamali Iho. Ang lagusan nila tungo sa impreyno ay naka bukas at patuloy sila sa pagpaparami."

"Alam niyo naman siguro kung saan ang lagusan na ito diba Multong Liwaliw?"

"Oo, ngunit-"

"Baka namn po pu-pwedeng maisara iyon sa tulong niyo. Alam kong marami din tayong nananalig sa Liwanag. Kapag inipon natin ang ating pwersa. Mananalo tayo"

"Hindi pa tayo handa para diyan iho"

"Gagawin kong pain si Master Multong Liwaliw I mean ginawa ko na nga. Please, baka nasa sementeryo nayon ngayon at makuha ng mga kalaban natin-"

"Ano!!!!!!??"

Eh Yumuko ako.

"Hehehehe Relax lang po, amffff Iyon nga. S-si Master lang doon kasi pina alis ko muna ang mga multo sa Sementeryo"

Tapang ko diba?

Pero di niyo lang alam, halos ma ihi na ako sa pantalon kanina.
*Pout

"Hihintayin ko kayo Multong Liwaliw, marami akog dala mula sa Tribo ni Amang Hayko. Sapat na siguro ito para maka ubos ng oras at mahintay ko kayo. Wala na tayong oras. Baka pinalilibutan na ngayon si Master"

"Shit!!"

*O.O*

"Nagmumura din pala kayo Multong Liwaliw?"

*Glare

"Peace heheh Magka mukha tuloy kayo ni Master hahaha"

Napa tulala naman siya.

"Ammfff Ok kalang po?"

Tila doon lang siya nag balik sa realidad.

"Oo, Umalis kana ngayon din at kailangan ko pang tawagin ang iba."

"Sige po-"

"Teka lang"

"Mamaya,Ikaw na ang bahala sa pinaka malakas, kami na sa iba. At kung maari. Huwag tatanga tanga."

"Eh-"

"Shhh, patapusin mo muna ako. Kailangan mong e reserba ang likidong pinakuluang pinaghalong buntot ng kulay pulang tuko at natuyong balat ng ahas sa kanilang pinuno. Tandaan mo ito. Kailangan mong isaboy sa kaniya sa oras na paubos na ang kaniyang mga alagad. Sapagkat maari silang mag sagawa ng Ritual para ito ay mabuhay. Hintayin mo ang hudyat ko. Hanggat maari, kailangan ka naming maabutan ng malakas at buhay. Mag-iingat kayo. Bilis baka kung ano na ang nangyari sa K-kaniya. Mag-iingat ka iho"

"Opo!!!! Kayo din!"

End

"Tapos ayon nga Master medyo nahuli ako ng dating pero ang bagsik kaya ng entrance ko. Parang sa movie na nag so-slow mo kapag dumating iyong super hero. HEhehehh natutulala ka diba?"

"Ang ingay mo"

"Mahal mo naman yiehhh"

Hahahaha bigla nalang bumaling ng tingin si Master. Ang kyut

"Oi nahihiya iyan, kahit naman hindi palaging pormal tayo ng pag-aaminan, ramdam ko naman na special ako sayo Master hehe yiehhh"

Ano bayan, kinikilig ako sa mga sinasabi ko.

"Special ka naman talaga ah-

sasabat na sana ako kaso..

-special child......... na nakawala"

*pout

"Ang bad mo talaga Master"

"Tsss, huwag kang maging Oa diyan weakling at hindi ko parin nakakalimutan na magpapasara ka ngayong araw"

Ano bayan, ayaw ko pa kasi. Na eenjoy ko pang harapin ang isa sa kinakakatakutan ko. Pero hindi ko naman gustong palaging pag-aalahanin si Master.

*Pout

"Pero Master"

"Wala ng pero pero"

Kailan ba ako mananalo sa kaniya. Haysss

"Sige na nga"

*pout

"Tatawagan ko muna si Doctor Emmanuel Master"

"Huwag na"

Anong huwag na? E baka may lakad yon ngayon.

"Alam niyang dadating tayo ngayon"

*O.O*

Tama nga ang hinala ko!

Hindi Manghuhula ang baliw na Doctor nayon dahil...

May Magic siya...

"Ahuh!!"

Siguro may pinapalabas lang siyang usok tapos makikita na niya ang magaganap sa hinaharap o na lo-locate niya ang gusto niyang makita. Wow astig.

"Kung saan na naman lumilipad iyang imahinasyon mo tsss"

"Hehhheh"

Hindi ko sasabihin kay master ang  natuklasan ko baka kasi ma gulat siya. Dapat siya mismo ang makaka alam hehehe

"Ready na ako master"

.
.
.
.
.
.
.

"Sige naman oh master plsss sabihin mo na. Ang boring kaya"

Napaka tahimik kasi. Ako nag da-drive, si Master naman sa labas lang naka tingin.

"Huwag kang malikot"

"Ako pa? Sige na kasi, ano ba naramdaman mo noong nakita mong nahimatay ako?"

Ewan ko ba, gusto ko talagang malaman.

"Master naman..."

"Pag-sisisi"

A-ano daw?

Unti unti ay nadudurog ang puso ko.

"Pinagsisihan ko sa sandaling iyon na nakilala mo ako, ide sana. Hindi ka na lagay sa peligro"

Naiiyak tuloy ako.

"Ako naman master ay masaya, masaya hindi dahil muntik na akong ma deads pero masaya akong malaman na nanatili ka parin sa tabi nang pinag-sisihan mo" *smile

"Nahahawa kana sa akin ah, palalim ng palalim iyang mga linya mo. May laman na"

*pout

"Ang Unfair mo naman Master eh ,huhuhu iyan pa talaga na pansin mo"

Bumuka ang bibig ni master pero natabunan ng isang magandang kanta.

Heart beats fast~
Colors and promises~
h

ow to be brave~
how can I love when I'm afraid to fall~
But watching you stand alone~
All of my doubt~
Suddenly goes away somehow~

"one...step....clooooooooowwserrr~!!"

"Huwag mong sirain ang kanta weakling"

*pout

"Bully na Multo"

Ganda kaya ng boses ko.

"Tawag bayan?"

"Hindi, text lang yan hehe"

Nagulat nga ako noong nalaman ko na pwede pala sa text message ang music pang tone. Kaya papalit palit ako ng kanta. Kahapon One call away payan  ngayon A Thousands Years na. Ano kaya ipapalit ko mamaya?

"Pakibasa master"

"Inuutusan mo ako?"

"Hehehe Please?"

"Hindi ako maka hawak, e unlock mo muna"

Gamit ang isang kamay ay inabot ko ang cp. Baka magalit nanaman iyang isa diyan kapag hindi ako tumitingin sa daan.

"Good Morning Sir/ma'am. We just want to remind you that today is the final schedule for the interview. Good luck, sabi dito"

"Shit!!!!!!Master!"

"Alam ko,.pero hindi pwede. Ito muna Weakling pls ito muna"

*pout

May choice paba ako?

"Doc, alam mo po ba na marami kang kasama dito?"

Subra kasing rami nila.

Iyong iba parang nagmamaka-awa ang mukha. Ay hindi pala, halos lahat.

"hmmmm"

Tumango siya pagkatapos ay lumabas sa silid.

"Ale ale, pwede po bang matanong kita?"

Last chance ko na to na maka-usap ng multo kaya lubos lubusin ko na. Hehehe buti nalang nasa labas si Master.

"Ano po ang sadiya mo kay Doctor?"

Ngumiti siya. Medyo hindi naman nakakatakot mga itsura nila. Hindi kagaya noong unang beses kong makakita.

"Mabuti kang bata iho, kung ano man ang matutuklasan mo'y hindi mo iyon sinasadiya."

Huh? Ano daw? Anong konek don sa tanong ko?

"Ale hindi naman po iyan ang ibig kong sabihin"

"Hahaha Nako bata ka napaka mausisa mo, huwag mo nang alamin..mas mabuti pang humiga kana diya an at ng mabawasan ang pag-alala ng kasama mo sa labas"

"Ang tagal po kasi ni Doc Emm. Ay!ayan na pala siya, sige Ale huh? Nawala?"

ewan ba naman ako *Pout

"Humiga ka iho, huminga ng malalim at e relax mo ang isipan at damdamin. Huwag mag isip ng masasama. Isipin mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo"

Ginawa ko naman ang sinabi niya.

Una ay mukha agad ni Master ang nakita ko. Naka kunot ang nuo at salubong ang kilay habang nagsesermon. Pffffttt Ba't ang ganda mo pffftttttt

Pagkatapos ay biglang lumitaw ang pagmumukha ng magulang ko. Para silang nagtatalo.. Teka anong problema?

Lalapit na sana ako kaso may isang lalaki na kumaripas ng takbo patungo sa mga magulang ko. Sino iyon? Likod niya lang kasi ang nakikita ko. "Pa-!"

"Ma? Pa? What's wrong? I can hear your voices downstairs. What's the matter?"

"Misunderstanding lang anak, we can figure it out. Don't worry"

Anak? May iba pabang anak sila Papa? May kapatid pa ako? Oh My Ghod!!

"Pa-!"

Naiwan sa ere ang sanang sasabihin ko ng tuluyan kong makita ang mukha ng lalaking nakatalikod.

Kamukha ko. A-ako iyan diba?

Sasabat na sana ako sa storya ng bigla na lamang lumindol at tela nasa gitna ako ng buhawi, pumaikot-ikot. At sa mismong pag tigil ay siyang gulat ko sa nakita. Nasa ibang lugar na naman ako. Pamilyar ang lugar nato ah, Ito iyong bahay ampunan na sira na. Pero bakit sa nakikita ko ay hindi pa naman? Napakadaming bulaklak sa paligid, mga bata na nagtatakbuhan, mga taong nagbibigay regalo. Teka? Si Papa iyon.

Nako naman, Ang tanga ko talaga.

Masama ang iniisip ko kay Papa pero mabuti naman talaga ang hangarin niya sa bahay ampunan. Sinusundan ko ang pinuntahan ni papa. Isa iyong silid na maraming pintura at gamit pang pinta.

Akma ko namang tatawagin si Papa nang may biglang  bumangga sa akin dito mismo sa pintuan papasok. Naunahan tuloy ako. *Pout Sino bayon-

*O.O*

Bigla nalang sinalubong ng yakap ni Papa ang babae at h-hinalikan sa noo. Hindi ko kita ang mukha ng babae sapagkat nakatalikod ito sa akin at si papa ang naka harap. Pa? A-ano to?

Sisigawan ko sana ulit si papa kaso umulit na naman ang parang lindol kanina. Nakakahilo!

Hindi na ako magtataka na sa iba na naman ako ma punta. At siya ngang nangyari.

Nasa isa akong simbahan, walang ka tao tao maliban na lamang sa tatlong pigura na nakatayo sa altar. Kinakasal ba sila? Bakit walang invited?

Halatang nanginginig ang kamay ng Pare, pero ang dalawa sa baba ay tawa ng tawa lang halatang inlove sa isat-isat. Sana, sana mangyari sa amin iyan ni Master. Kaso m-malabo. Haysss.

Napaka lungkot naman nila, bakit kasi sila lang walang iba. I-congratulate ko kaya hehhee

"Hello po????"

*O.O*

"Woy,woy,woy. Huwag kayong mag kiss nandito ako. Wahhhh!!!"

Tinakpan ko agad ang mga mata ko. Bawal ako sa mga ganiyan.

Tapos na kaya?

Pagka tanggal ko sa kamay ko'y iyong pari nalang ang nasa harap ko. Nasaan na sila?

Bumaling ako sa malaking pintuan ng simbahan at nandoon magkahawak kamay ang bagong mag-asawa. Napaka fast niyo naman mag lakad

* pout

"Hintay!!!"

*Pout

Makiki kain lang naman

"Hi-"

Parang nag slow motion ang pag lingon ng lalaki. Tumaas ang kamay nito  at kumaway tanda ng pagpapa-alam. H-hindi!! A-ako ba yan?

Mukha ko iyon eh! A-ako iyon!! A-ako!!!

A-ako....

Napakasakit ng ulo ko Ahhhhh!!

Sa subrang sakit parang nawawalan ako ng ulirat. Shit!!!! Ahhhh!!

"Bakit hindi pa siya gumigising sabi?!"

"Weakling gumising ka"

M-master...

Ang sakit... Ahhh!!

Nakaramdam ako bigla ng malamig dahilan para kumalma ang ulo ko. Parang may nag udyok sa akin na imulat ang aking mga mata kaya iyon ang ginawa ko.

*O.O*

Napaka lapit ng mukha ni Master sa akin, nakapikit pa siya habang may luha sa mata. T-tapos.... iyong labi niya naka dikit sa l-labi ko!!

"Ahhhhhh!!"

Naitulak ko siya sa subrang gulat

"Chansing ka!!!"

Niyakap ko ang sarili.

"Bumangon kana Sleeping beauty tssssss"

*Pout

Bumangon ako na tulala. Hindi dahil sa halik na matagl ko ng pinapantasya. Kundi dahil sa nakita kanina.

Malinaw parin sa akin ang lahat.

Memorya ko ba iyon?

Mga nakalimutan kong ala-ala?

Paano? I-ikinasal ako? Nagmahal ako d-dati?

Ewan ko, sumasakit ulo ko.

Pero isa lang naman ang sigurado ako. Si Master ang kasalukuyang tinitibok nitong puso ko, wala ng iba.

-------

©BinibiningHari

A/N: Pasensiya na't medyo natagalan.Final exam kasi, marami ding requirements. Malapit nadin naman kaming matapos. Heheh wish me luck.  Btw , can I ask if The flow of this story isn't confusing? ☺️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro