Chapter 30
Her POV
Kahit anong pilit ko'y napaka tigas talaga ng ulo niya. Kesyo paninindigan niya daw ang ginawang desisyon.
"M-master??? H-hindi ba talaga natin pag-uusapan yong You know na"
May pa wink wink pang nalalaman.
"Ano?"
Alam ko ang tinutukoy niya pero natatakot ako. Hindi dahil sa takot akong baka naglalaro lang ang bakla kundi dahil sa takot akong hindi masuklian ito.
"*Pout Ang dali mo namang makalimot"
"Weakling?? Mag seryuso nga tayo"
"Ehhh palagi naman akong seryuso ahh!"
"Sinisigawan mo ba ako huh?"
"Hehe W-wala Master ikaw naman. Mali mali ka sa pandinig"
Kasalukuyan kong kinukulong ang bakla dito sa loob ng kaniyang silid baka kasi kung saang lupalop magpupunta. Bakla pa naman yan.
"Ako pa...Oh siya ito na. Matanong kita. Para sayo, ano nga ba ang pagmamahal?"
"Pagmamahal master?" .
"Ay hindi. Pagtatanghal tsss"
"Hahah Bad mood ka talaga Master. Alam mo kasi master. Ang pagtatangha-"
*Glare
"Pagmamahal kasi, hahaha Ito ay isang malayang damdamin"
"hmmm?"
"Malaya kang mag-mahal master sa kahit anong pagkakaiba niyo sa isat-isa."
"Minahal kita kahit na M-multo ka, Iyan ang pag-mamahal Master."
"Weakling...."
"Alam kong hindi dapat, alam kong walang kasiguraduhan pero kasi ang hirap pigilan master eh. Ang hirap..."
"W-weakling.... itigil mo na to"
"I-itigil, b-bakit master? Dahil tao ako? Kailangan ko pabang maging isang multo para tanggapin mo ang pagmamahal ko sa iyo?"
"Hindi ganoon iyon Weakling"
"Eh ano master? Wala namang naka sulat na bawal mag mahal ang tao sa multo ah."
Ang bakla talaga. Huwag kang umiyak please.
" Hindi nga bawal pero w-weakling...... H-hindi ako magtatagal rito. Iiwan rin kita. Paano kapag mas lumalim yang nararamdaman mo. Sa tingin mo mapapanatag ako? Hindi, weakling hindi"
"Alam ko naman na s-sandali ka lang sa t-tabi ko. K-kaya nga lulubusin ko na ang pagkakataong ito. Dahil k-kasama pa kita."
"M-masaya ka ba? Na dumating ako sayo?"
"Pa ulit-ulit master? Hindi lang masaya . Napakasaya gayong binigyan mo akong ng rason para magpatuloy sa buhay ko."
Paano kapag nawala ako? A-anong rason ang panghahawakan mo?
Mas pinili ko nalang na hindi isa boses ang mga nasa isip.
"Weakling..?"
Tumigil na sa pagbagsak ang kaniyang mga luha at ngayon nga'y kung ngumiti halos abot tainga.
"Tara, mag pa sara kana ng third eye mo"
Ayaw ko siyang iwan ng matatamis na salita. Mas pipiliin kong kimkimin ito kaysa bigyan siya ng rason na mas lalong masaktan sa oras na mawala ako sa mundong ito.
"Ayan kana naman eh!!! Hindi pa nga ako tapos sa misyon ko!"
"Ang ganda na ng topic natin kanina tapos tapos wahhhh Master naman eh"
Isip bata tssss
"Sir?? Something's wrong? You okay?"
"Ayan nabulabog mo pa Manang mo tsss"
Ngangawa ngawa pa kasi.
"Ok lang ako manang, master kasi *pout"
Paano niya kasi nagagawa yan. Ang maging gwapo at kyut sa isang kidlat na sandali lamang. Sana man lang makapag dala ako ng remembrance.
"Ahhhhhhhh!! M-master!!! T-tulong!!"
Paanong? Kaharap ko pa iyon kanina ah. Arggghhh
"Nasaan kaba?"
"B-bodega master!"
T*ng-in*
Kahit kailan ang bobo talaga. Alam nang maraming multo sa ibaba eh.
Limang segundo lamang ang nasayang ko't ito nga, nakikita ko na ang bakla na halos sumuksok na sa mga tambak na karton.
"H-huwag po....Huwag niyo po akong sasaktan. Maawa po kayo sa akin. Mawawalan ng P-pogi ang mundo huhuhu"
Tsssss Kapogian niya pa talaga ang ina-alala.
"Iho, Di porket maari kana naming ma galaw ay sasaktan kana namin. May tanaw na utang na loob din kami sa hindi niyo pagtaboy sa amin dito. Nais lamang ni Kakay na Kausapin ka iho Hahaha"
"Ehh b-bakit parang nangangain siya"
"Guni-guni mo lang iyon iho"
Kahit anong lambot pa ang gagamitin nilang boses ay hindi kailanman natinag ang bakla bagkus ay mas lalo pa itong sumuksok sa umbok ng mga naglalakihang karton.
"Weakling??"
"Master!?"
Mababatid sa tuno ng kaniyang boses ang kaginhawaan na tila ba sa wakas may isang dumating na kaniyang pinagkakatiwalaan.
"Magtiwala ka, hindi ka nila sasaktan."
Paano nalang kapag wala ako?
"Sabi mo yan Master. M-may tiwala ako sayo. S-sa kanila wala"
"Sarhan nalang kasi natin yang pangatlo mong mata p-"
"Andiyan na naman po tayo"
Sa tuno ng boses nito ay namimilosopo. Pinagpag niya pa ang bandang hita para alisin ang mga imaginary alikabok.
"Ilang ulit kong sinabi sayo na huwag na huwag kang sasabat sa taong nagsasalita pa"
"Opo Master, sorry na nga eh hehehe"
"Tsssss, May sasabihin daw si Kakay sa iyo"
"Amfff Kakay? B-bakit? H-huwag ka munang lalapit ng ano medyo malapit sa akin. Heehehe"
"Hahahah Ok ok, sabi mo eh. Alam kong pangalan mo ay Andrew diba? An, lulubusin ko na ang pagkakataong ito na nakaka usap pa kita."
"hmmm ano iyon?"
Ang kaninang tahimik na usapan ay napalitan ng tawanan. Tawanan ka akibat ang biruan. Napalagayan na niya ng loob ang mga multo dito.
"Tssss landi"
"Ano iyon Master?"
Lahat ng kanilang tingin ay bumaling sa akin.
"W-wala. Wala"
"Ahhh okay, so sige na pag pa tuloy niyo na ang chika"
Chika? parang bakla. Diyan ka na nga.
Umalis ako sa silid na iyon ng di niya man lang napansin. Tsss Bahala siya.
"Multong liwaliw?"
"Hmm?"
"Himala parang matamlay ka ngayon"
"Nararamdaman ko kasing malapit na"
"Nakakaramdam ka rin pala? haha"
"Hindi ano bah, Panira ka ng moment lady Mango ah ma iba ako, ano't dumalaw ka sa akin? May gusto ka bang sabihin?"
"Hindi ko napigilan Lady Mango"
"hmmmm?"
" A-anong gagawin ko? Nagdadalawang isip akong ipag patuloy ang nasimulan."
"Hmmmmm Bakit?"
"A-ayaw ko siyang ma saktan Multong Liwaliw m-mas lalong ayaw ko siyang iwan."
"Sinabi ko na sayo noon pa, huwag na huwag mong palaliman pa. Pero hindi na kita kailangan pang pagalitan sapagkat hindi talaga mapipigilan ang pusong mag mahal. Kahit pusong di na tumitibok paman yan"
"A-anong gagawin ko Multong Liwaliw?"
Hindi ko alam pero parang iba ang daloy ng hangin sa pagitan namin ni Multong Liwaliw sa sandaling ito, sa usapan ding ito. Nakaka amoy ako ng pangungulila. Saan iyon naggaling?
"Halika nga"
Mataas si Multong liwaliw. Pareho man kaming nakalutang pero mas matangkad talaga siya kaysa sa akin. Habang nasa pagitan ako ng kaniyang kanang bisig. Gusto kong ilabas lahat ng ini-isip.
"Ang naka tadhana, ating kapalaran ay hindi isang sulat na mabubura at pwede lang nating palitan. Lady Mango, gawin mo ang lahat ng nararapat. Lubusin mo ang mga araw na kasama siyang tatak sa kasaysayan niyong dalawa. Huwag mong hayaan ang sarili ng may pagsisisihan sa huli. Kaya-"
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at matamis na ngumiti.
"-bumalik kana sa labidabs mo para maka bonding naman kayo. Hahaha"
"Multong Liwaliw naman eh"
Oo, mahigpit ko siyang niyakap.
"Hahahhh Oh siya sige na. Naghihintay na ang weakling mo doon. Bumalik ka lang kapag gusto mong may maka usap huh."
Tumango ako bilang tugon.
"Sige Multong Liwaliw aalis na ako."
Nag laho ako nang di narining ang huli niyang sinabi.
"Makakaya ko din kaya?"
" Weakling?????"
"Weakling??!"
"Weak-"
Isang sulat na lamang ang nakita ko sa ibabaw ng kaniyang kama.
Isang sulat na nagpa yanig sa akin.
"Weakling ka na nga! Bobo ka pa! Kahit kailan talaga!!!!!!!"
---------
©BinibiningHari
A/N: Opsss Chapter 30 na pala tayo noh? Hhhaha Malapit na tayo sa dulo. Charrr parang may readers ah. Actually, I'm really striving hard to find time even in the midst of busy school schedules just to finish this story. Nakaka sayang kasi kapag papabayaan ko nalang. Right? Hahah Btw wish me luck for the exam Next week.... Stay Tuned *wink
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro