Chapter 28
Andrew POV
Hindi ko alintana ang init ng panahon kahit na medyo natatabunan naman ito ng malamig na daloy ng hangin sa kadahilanang ANG SARAP NILA SA MATA!!!!!
Wahhhh!! Ang sayaaa grabe.
Makikita mo iyong mga bata sa paligid na balot ng kasiyahan, nag lalaro malayong malayo sa syudad na kung mag babad sa gadget ay walang habas.
"Talaga bang ayaw mong mag suot ng bahag iho?"
Siguro, dalawang oras na ang aming naubos sa paglilibot. Kapag may nagsasalita sa harapan ko'y agaran naman niya itong pinapa intindi sa akin. Sandamakmak na pares na mata ang nakasunod sa akin kaya kulang nalang ay sumuksok ako sa kilikili ni Auntie Soleng. Ito naman ay tinutulak palayo sabing ipakita ko daw sa mundo ang kakisigan ko.
Sang ayon naman ako diyan.
"Heheheh A-auntie, nahihiya kasi ako"
Paano ba naman kasi, pagsabihan ba naman ako ni Master ng, amfff basta yun na yon.
Noong una nga medyo nahihiya pa akong tingnan sila dahil syempre halos makikita na iyong ano, Cobra n-nila.
"Ay nako iho, hindi ka dapat mahiya. Sanay na ang aming tribo sa tanawin na iyan."
Ehhhh,,, Tiningnan ko siya na kanina pa tahimik. Nginitian niya naman ako.
"Walang masama kung susubukan mo weakling. Isang beses lang naman. Hayaan mo ang sarili na makaranas ng bago."
*Pout
Dahil nga sayo napa bihis tuloy ako.
"Susubukan ko po"
"Ay magaling!"
Napapalakpak pa ito.
"Tara na sa aming kubo at nadidinig ko na ang tunog!!! Bilis"
.
.
.
.
.
.
Lumabas ako mula sa bahay nila Uncle Nedo na nakayuko. Pilit na tinatabunan ang nakalitaw na puwit. Shit! Shit!!!
"M-master"
Hingi ko ng tulong
"pffftttt para kang timang diyan. Lumakad ka nga ng may kumpyansa. Diba Pogi ka?"
"S-syempre"
"Edi go! Kaya mo iyan. Haha"
"Eh b-bat ka natatawa"
"Ang kyut mo kasi"
Mas nahiya tuloy ako.
"Nandito na ang ating hindi ina asahan na panauhin!!!"
Biglang sigaw ni Auntie Soleng sabay hatak sa akin tungo sa kaniyang ka Tribo na nag sasayawan.
"A-auntie nakakahiya, sa gilid nalang ako."
Pilit kong ina-agaw sa kaniya ang braso kaso huli na.
Binigyan nila ako ng matatamis na ngiti at magaan na pagbati dahilan para ako naman ang mapangiti.
"Hello sa inyong lahat, nais ko sanang pasalamatan kayo sa malugod na pagtanggap sa akin. Heheh"
"Wohhhh!!!!!"
Sigaw nila kaya napa igtad ako.
"Umay ka manong nga nataraki, sali ka kanyami"
(Halika ka kuya Pogi, sali ka sa amin)
May munting batang naka bahag din ang nakahawak sa kamay ko. Binigyan ko siya ng nagtatanong na mukha.
Hindi paman ako naka sagot ay tinulak ulit ako ni Auntie Soleng. Drabe siya! Huhuhu
"Sali ka daw sa kanila iho!! Hindi naman mahirap. Gayahin mo lang sila"
nakapalibot sila at parang tanga na nagsasayaw.
"A-ayaw ko"
Para akong baliw nito.
"Masasayahan ka. Huwag ka nang mahiya"
Isa
dalawa
tatlo
apat
at
"Wohhhhhhh hahahaha!!!!!!!!"
Ako iyan, habang parang tanga na nakipag sabayan sa kanilang tugtog at humahataw habang sinusunod ang linyang pa sirkulo.
Masaya pala.
Nag he-head bang pa ako ah.
"Wooooo! Yeahhh!!"
Sabay giling na parang may imaginary holla hop.
Habang ginagawa ko iyan ay biglang tumahimik. Pagtingin sa paligid, akala ko sa akin sila nakatingin kasi nakakahiya pero nasa isang direksyion lang ang mga mata nila.
Binigyan nila ito ng paggalang kaya gumaya nalang din ako. Aalis na sana ako dahil parang sa akin siya tutungo. Nakakatakot mukha niya. Maraming Tatto!! Tsaka nakaka intimidate yong aura eh.
"Barok, nagpintas daytoy balasang nga kadwam"
(Iho, napaka ganda ng dalagang kasama mo)
"Amff po?"
Sa tantiya ko'y ito siguro ang pinuno nila.
"Napaka ganda daw ng dalagang kasama mo Iho"
*O.O*
"P-Paano?"
"Simula palang ay alam na naming hindi ka nag-iisa."
"T-talaga po?"
"Si Ama Hayko lamang ang tanging nakakakita sa amin dito pero lahat kami nakakaramdam. "
Tiningnan ko ang kaharap at nakangiti siyang humarap kay master na gulat na gulat rin.
"Ada ited me kanyam balasang, ket makayatam kuma"
(May alay kami sa iyo iha, at sana'y magugustuhan mo ito)
Tumingin sakin si master na nagpapasaklulo. Ngayon alam mo na ang pakiramdamdam hmp
"Kailangan gawan ng kaunting ritual ang pag-aalay para sa patay iho nang sa ganun ito ay kanilang magamit"
Tumango ako ng ilang beses.
At ayon nga, sinimulan nila ang ritual daw.
Si master naman kanina pa walang imik. As in hindi pa niya ma proseso.
Taimtim nilang dinasalan ang isang DAMIT???
Puting damit? Para saan?
Lumuhod nalang din ako at ginaya ang ginagawa nila.
Pinalilibutan ang damit na puti at naka daop ang mga palad habang bumubulong.
Ano naman ang e bubulong ko?
Amfff Master...Hindi sa pinapatay ko ang kasiyahan mo sa sinabi ni Amang Hayko dahil ang totoo'y pangit ka talaga. Huwag kang maniwala huh. Basta nagbabala na ako sayo. Ayaw ko lang naman na masaktan ka, Nagmamahal Poging Andr-.
"Iho???? Tapos na, Pwede kanang tumayo diyan hahaha"
"eh?"
NAKAKAHIYA ULIT!
"A-asaan na si-?"
Napa nganga ako sa nasaksihan.
Hindi ako makapaniwala.
"Kuma ket maragsakan ka dita balasang, gapo dayta nga bado ket makita ti makapasileng nga pintas mo"
(Sana masiyahan ka sa alay namin iha, dahil sa damit na iyan lumitaw ang nakakasilaw mong kagandahan.)
Nahihiya si master na humarap sa nagsasalita. Kahit di maintindihan, naiiyak parin niya itong pinasasalamatan.
Ako naman nanatili paring naka nga nga.
Bakit ang G-ganda?
Ng damit?
Hindi eh.
Mas gumanda siya sa damit na walang bakas na dugo. Damit na ka'y raming paru paru.
" I-ikaw bayan master?"
Halos e bulong ko nalang sa hangin.
"W-weakling, h-hindi ko ito ina-asahan. Napaka ganda ng damit. B-bagay ba sa akin?"
Naluluha siya kaya naluluha din ako.
"Ayaw kong magsinungaling master. P-pero para kang dyosa"
"wohhhh!!!!!!"
At ayan na naman sila.
Nagsimula ulit ang tugtog. Hinanap ng mata ni Master si Amang Hayko na bigla nalang nawala.
"Dito ka sa gitna namin master! Dali!!! Alam naman pala nila kaya maki join ka nalang"
Kaya ang nangyari, pinapaikotan namin sa gitna si Master na medyo nahihiya man noong una pero sumabay narin naman kinalaunan.
"Thank you Lord for this! Wohhh!!!"
.
.
.
.
Bitbit ang malaki kong bag ay naiiyak akong kumaway sa kanila. Present syempre ang Pamilya ni Auntie Soleng at ilang medyo nakagaanan ng loob ko dito. Isang araw lamang pero tila isang taon na ako sa lugar nato.
Naman eh. Nakaka iyak.
Hindi ako nag-iisa ah.
Maging si master din. Pa iiyak na. Di lang pinapahalata.
"Hindi ko talaga kayo makakalimutan, kapag may oras ako ay dadalaw ako dito. Pangako"
"Hihintayin namin iyan iho"
Lumapit sa akin si Uncle Nedo. At tinapik ako sa balikat.
"Mag-iingat ka sa daan huh. Sabi ko naman sayo ay samahan ka nalang nitong si Haro sa daan pero mapilit ka. Tandaan mo ang direksiyon na tinuro ko. Masaya ako sa pagdating mo dito sa tribo namin iho"
Yumakap naman sa bewang ko si Neso.
"Kuya Drew No adda anak mo nga Babae,asawaek huh"
(Kapag may anak ka na babae, aasawahin ko huh)
"Hindi kita maintindihan Neso haha"
Sabay gulo ko sa kaniyang buhok.
"Ikaw talaga Nesong halika. Nakakahiya ka."
"Ano ba sabi niya Auntie? Hahah"
"Wala iyon iho"
"Aysuss sige na, hindi ako aalis hanggat di mo sasabihin"
" Ang sabi kasi nitong magaling
kong anak, kapag may supling ka daw na babae ay aasawahin niya. Nako ikaw talaga Agtungtong ta madamdama"
( mag uusap tayo mamaya)
"haha huwag mo ng hintayin Neso at baka matagalan pa. O siya paalam sa inyo! Paki sabi kay Ama Hayko na salamat po. At nagpapasalamat din ulit si Master lalo na daw sa tumahi ng damit heheheh."
"Walang anuman iho"
"Agannad kayo"
(Ingat kayo!!!)
"M-master?"
"Hmmmm?"
" Maganda kana niyan?"
*Glare
"ah hehehee peace na master. Medyo naninibago lang ako kapag tinitingnan ka"
"Salamat weakling"
"Hmm para saan Master?"
"Dito, kung hindi ka siguro namali ng daan ay-"
"Aysusss!!walang anuman Master!"
"Nagiging bastos kana naman weakling"
*pout
"sorry naman"
"Hhahha Biro lang ,pero hindi magandang sanayin iyong sumabad sa taong nagsasalita huh"
"Aye aye Master"
*saludo
"tsssss"
"Alam mo master, bilib ako sa respeto nila, I mean ng mga dalaga"
"Hmm?"
"eh kasi diba, kapag may poging dayuhan. Wait, real talk to master huh huwag kang panira"
"Wala pa nga akong sinasabi"
"Advance lang master hehheeh"
"tssss"
"So ayon nga, medyo obserba ko lang, iyong dito sa syudad halos e kiskis na nila ang mukha't katawan para lamang ma pansin ng mga nag gaguwapohang kalalakihan. Sa Tribo nila, isang simpleng ngiti at tapos na. Tiwala naman ako sa kapogian ko sadiyang malakas lang talaga ang respeto nila sa tao"
"Ang hangin mo weakling,, pero hindi ba't mga lalaki rin?"
"Ayon na nga master, mapa lalaki't babae paman yan. Ganoon parin nila ito pakikitunguhan."
"Rami mong alam weakling tss"
"Ako pa!!"
Proud kong sigaw.
Hehehe
Her POV
Pabagsak na nahiga ang bakla sa kama. Hapong hapo eh ikaw ba naman buong araw mag explore, sino ang hindi mapapagod diyan.
"Sir! You eat dinner na! You know, you're parents were so worried about you yesterday because your phone was unattended"
Napadilat ito ng malaki at ngayon lang naalala ang mga magulang.
"Manang pagod ako, kakain ako mamaya. Tatawagan ko muna sila mama para ipa alam na ok lang ako. Ok"
"Ok Sir, that's good"
Matapos niyang mag text ay ilang sandali't humihilik na. Pagod nga
*smile
Hinahaplos ko ang kaniyang buhok at napapangiti nalang habang tinitingnan ang damit. Bukas, ipapakita ko to kay Multong Liwaliw. Tiyak maiinggit yon .
"Multong Liwaliw!!!"
"Bohhh!"
"Ehhh, sino tatakutin mo, ako? Hahaha"
"Masaya tayo ngayon ah Lady Mango"
"May napapansin kabang nagbago sa akin?"
Nakangiti kong tanong habang hinawakan ang Gilid ng puting Dress.
"Amfff? Hmmmmm meron"
Kailangan ba talagang pag-isipan pa? Obvious kaya
"Ano?"
"Emosyon mo"
"Huh? Iba naman yan-"
"Biro lang, napaka ganda mo sa damit nayan. P-para kang ako sa aking kapanahunan."
Tiningnan niya ako na para bang isang mamahaling kristal. Siguro naaalala niya ang mga karanasan noong dalaga pa siya.
"O siya sige na at ako'y may aasikasuhin pa. Mauuna na ako sayo Lady Mango"
"Ingat"
Ewan, parang hindi ganoon ang inaasahan kong magiging reaksiyon niya.
Gusto ko pa sana siyang sasalaysayan tungkol sa isa pang tao na nakakakita sa akin. Kaso....
Aysst bahala na nga.
Baka gising na ang bakla. Magwawala na naman yon pag di ako nakita.
"Weakling???"
Napakunot noo ako sa katahimikan ng silid. Mas lalong tumindi ang pangamba ko ng makitang malinis na naka tupi ang higaan at walang WEAKLING na nakahiga.
"W-weakling? Huwag kang magbibiro diyan. Hindi ako nakikipag laro sayo ng tagu-taguan huh"
Closet,Cr,kusina, painting room, guest room, bodega nilibot ko na lahat ng parte ng bahay nato. Pero wala
Nanghihina akong napayuko
Sana hindi tama ang hinala ko.
-------
©BinibiningHari
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro