Chapter 26
Andrew POV
Matagal ko ng gustong mag unwind. Ever since dumating si Master at medyo naging aware na ako sa paligid at ramdam ko iyong mga previous happenings sa aking buhay. Kaya naisipan kong mag hiking hehehhehe
Kaso nakakalungkot mag-isa, hindi dahil sa matatakutin ako ah
Mas talagang maganda iyong marami kayo hehehe
Si Dude C kaya?
Agad kong hinanap ang kaniyang pangalan sa contacts nitong cellphone ko.
Mga ilang ring pa bago nito sagutin.
"Dudeeee!!!!!!!!"
Ngiting-ngiti ako dahil na miss ko tong mokong nato I mean silang lahat hehehe
"Hahaha easy Dude A, Huwag kang pahalatang miss na miss mo ako. What's the matter?"
*Pout
"Hindi niyo kasi ako dinadalaw. May balita ako!!"
Kulang nalang ay lumundag lundag ako sa kutson ng kama.
Excited much ang weakling ni Master. Nginitian ko lang siya na kasalukuyang nakahalukipkip sa study table ko at tamad na nakatingin sa akin.
Bleeeee
Diwal ko sa kaniya.
Ang pangit niya talaga may pa rolled eyes pah..hmp
"Ano na Dude A? "
Ay!
Napatampal ako sa noo ng muntik ko ng makalimutan na may katawag pala ako.
"I'll be working starting next week Dude. "
Sinabi ko agad ang good news.
"Woww Congratulations that deserved a celebration"
Alam kong nakangiti ito sa kabilang linya. Hindi man medyo boses nang na bigla pero alam kong proud siya sakin.
" Sussss Ang be-busy niyo kaya. Pleasssee mag Hiking naman tayo. Kasama ang ibang Dudes."
Biglang tumahimik ang linya. Tiningnan ko ang screen baka nawala na pero andiyan pa.
"Hello, Dude C nandiyan kapa ? Yuhoo?"
"Amfff Nabigla lang ako sa pagyaya mo, Hindi ko lang ina-asahan. Hindi kaba natatakot? Maraming kakahuyan sa bundok.....Walang tao"
Natameme ako sa sinabi niya kaya lang paninindigan ko to.
" Ang tanda tanda ko na, matatakot pa ako? Hahaha no w-way"
"Hahahhah As you say so,but Dude I love the urge to accept that invitation of yours kaso may importante akong appointment till I don't know sa Italy eh starting tommorow. I'm sorry"
*pout
Nadismaya ako sa naging sagot ni Dude kaso alangan namang pilitin ko diba, may rason siya at naiintindihan ko.
"Nako ano kaba Hahahhaha Ok lang. Mag-iingat ka huh sa trip mo. Sino kaya ang pwede kong makasama sa Tropa?"
"Ang alam ko Si Dude G lang ang maluwag ang schedule iyong dalawa hindi mo din maaasahan kasi mag bubukas daw sila ng bagong branch sa Cebu. Diba nag send sila ng invitation sa Email mo?"
Malay ko. Nabubulok na ang email ko dahil sa walang gamit.
"Hindi ko pa nabuksan eh, Kailan ba yon?"
Ang alam ko'y mag ka susyo sila Dude E at R sa negosyo.
"Don't worry, Next month pa naman. By the way I need to hung up this, my secretary is-
Boss!!! Ano bah! Kanina pa naghihintay ang mga board. Palagi ka nalang late . Kulang nalang e dikit ko sa noo mo ang relo. Nako!
Lower your voice will you, may kausap ako.
Whatsoever Womanizer!"
May narinig ako mabibigat na yapak sa kabilang linya. Hindi na natapos ni Dude C ang sanang sasabihin nang sumabat ang boses babae.
"Sorry for that Dude, Heared that? I'm the owner but seems like that little creature has thick power of bossing me. Well Please take care Dude, Huwag kang mag Hiking nang ikaw lang huh."
"Ingat din Dude hehehe. Punta kana baka sabunutan ka nong babae hala kah"
"Pfftt Yah yah I'm afraid she will"
Bago nawala ang linya ay narinig ko pa ang malakas na pagsara ng pinto sa opisina niya siguro.
"Wahhhhhhh!!!!"
"Shhhhhh, Tahan na Bata Haha"
Mas lalo akong nag tampisaw sa itaas ng kama. Lukot na lukot na ang mga kumot maging ang mga naglalakihang unan at hotdog pillow ko.
*Pout
" Bad ka Master! Bully huhuhu"
isinubsub ko sa unan ang mukhang naluluha. Wala din si Dude G dahil kasalukuyang broken hearted at mas gusto daw nitong magpaka lunod sa alak kaysa pagurin ang sarili sa paglalakad.
Ang ina-alala ko lang.
Ilang case ng alak kaya ang bibilhin niya bago mapuno ang pool?
Magastos iyon.
Pwede namang sa tubig magpa lunod ah.
"Usto mo Milk?"
Panunukso pa ni master.
Hindi ako umimik.
Mahabang katahimikan ang dumaan bago basagin ito ni Master.
"Kung may lakas na loob kang mag Hiking na tayo lang. Handa akong samahan ka"
Napangiti ako, hindi mo talaga ako matiis eh.
"Go ako master!"
Ewan, kapag talaga nasa tabi ko si master . Feeling ko walang mangyayaring masama sa akin.
*Smile
Her POV
Alas kuwatro palang ng umaga ay gising na ang bakla para mag handa pwera lang sa dadalhin na naka packing na kahapon palang. Ang gusto niya kasi dapat pagsapit ng 5:30am ay nasa paanan na siya ng bundok at handa ng maglakad. Naisipan niyang sa Mt.Pulo nalang mag hiking dahil ito ang pinakamalapit at medyo hindi nakakatakot na bundok. Ito nga siya, maaliwalas ang mukhang nagmamaneho kahit na medyo madilim pa ang daan.
Ewan ko bah.
Parang iba ang nararamdaman ko.
Para namang may pakiramdan pa
Paano eh special na multo ako.
Eksaktong tumuntong ang oras sa alas Siyengko't kalahati ay nakababa na ang bakla sa kotse.
"Let's go get wet!!!!!!!!!"
Naka buka ang dalawa nitong kamay dahil sa kagalakan.
Ang babaw talaga ng kaligayahan mo weakling.
*Smile
"pfftttt"
Napatakip ito sa kaniyang bibig at bumungisngis.
"Parang double meaning iyon ah? Hahah"
"Ano na naman iyang iniisip mo huh weakling?"
" Amff Wala hehehe Tara na master, gusto kong masaksihan ang sunset sa itaas ng bundok!!!"
Gusto ko pa sanang pigilan siya at pagsabihan ulit sa napakalaking travel bag na dala. Paano ba kasi eh isang buong araw lang naman siya mawawala, kulang nalang dalhin lahat ng gamit sa kwarto tsss
Siya lang naman ang mapapagod
kaya nga.....
Arggghhh. Ba't ba kasi palagi mo akong pinag-aalala weakling ka talaga
"Master ang slow mo. Halika na"
Nagsimula na akong lumutang patungo sa baklang malayo na ang narating. Hindi naman mahirap ang daan dahil may mga grabang inilagay. Siguro isang dipa lang ang lapad ng daang ito. Wala kang ibang makikita kundi kakahuyan. Huni ng mga ibon at bungisngis ng kung anong hayop sa tabi-tabi ang siyang maririnig na ingay.
Sa isang iglap ay nasa tabi na ako ng bakla.
"Alam mo Master, noong hindi kapa nagpakita sa akin-"
Ikaw ang lumitaw sa harapan ko
Kontra ko sa sinabi niya.
"- wala akong ganang ma buhay, alam mo yon? Gumigising ako na tila walang rason. Ang hirap e explain"
Alam ko, weakling alam ko.
"Drama mo"
*pout
"Hindi ka talaga marunong sumabay master"
*pout
I always have this itchy feelings to pinch that pouty lips bat ba kasi na uso na sa kaniya ang pa ngusong ngusong yan.
"Joke lang, sige na mag drama kapa. Malayo pa ang lalakbayin mo"
"Ang pangit mo na nga, ang pangit mo pang mag joke master"
*glare
"Hehhehehe Joke iyon master hehe"
" Alam mo ba mas-"
"Hindi"
Pfft pagpuputol ko sa sanang sasabihin niya.
"Wahhh ang unfair mo naman eh"
"Sige na, sayo na ang intablado weakling"
"Haysss Alam mo ba master noong sumabak ako sa Physical Therapy, hindi ko alam pero parang may nag udyok sa aking lumaban. May ganoon pala talagang pakiramdam noh?"
Therapy?
Bakit?
Gusto ko siyang usisain sa bago kong natuklasan kaso ayaw ko namang balikan niya ang mga panahong iyon. .
"Master? na bingi kaba?"
*glare
"Ang tahimik mo eh"
" Naghihintay lang ako sa susunod mong sasabihin"
"Ahhhh ayon nga, para siyang himala master. Noong kaya na ng katawan ko, nag-aral ako. Wala lang, parang libangan ganun. Sa simula not until dumating ka heheheh"
"Feel ko may silbi na ako sa mundo"
Na lungkot ako sa kaalamang ganoon pala ang mga nilalaman ng isipin niya noon.
"Lahat naman tayo may silbi sa mundong ito weakling, nga lang sa mata ng taong mahalaga tayo"
"Edi hindi ako mahalaga sayo master?"
Nalukot ang mukha ko sa sinabi nito.
"Paano mo naman nasabi?"
"Parati mo kayang sinasabi na bobo ako tsaka walang silbi "
*pout
"hahaha huwag mong seryosohin ok.
Nakikita mo ba iyon?"
Turo ko sa sumikat na na araw.
"Ikaw ang araw at ako ang mga punong iyan"
"At bakit ako ang araw master? Haha Ikaw huh dahil ba sa subrang hot ko? Umamin kana master"
*iling-iling
"Dahil ikaw ang nagbibigay enerheya sa akin. Naiintindihan mo na?"
"Amfff kailan pa ako naging kuryente master?"
"Tssss."
"Hehehe joke lang. Pwede naba akong kiligin?"
"Ikaw bahala"
"Wohhhhhhhhhh!!!! Ang ganda sa pakiramdam!"
Ipinikit pa nito ang mga mata at dinama ang tama ng sikat nang papa lubog na araw.
Napangiti din ako sa nakita. Mas magandang tanawin kumpara sa kitang lunsod sa ibaba.
Bago pa siya mag mulat ay nasa harapan na namin ang aking mukha.
"Tara na master baka gabihin tayo"
Hinihintay ko lang naman na mag aya ka
"Mabuti pa nga"
"Ano kaba dito nga master eh"
Sabay turo nito sa kaliwa.
Kasalukuyan kaming nagtatalo sa kung saan ang tamang daan pauwi. May dalawang magkakambal na daanan kasi at ito,hindi namin alam kung saan diyan ang tunay. Pero natitiyak kong sa kanan talaga.
"Hindi, Dito!"
Matigas kong sabi.
"Bahala ka basta dito, tandang tanda ko pa ang dalawang maliliit na gumagapang na mga orchids nayan master! Oh nakikita mo. Ayon oh sa itaas ng puno"
Wala akong maalala na mayroon palang ganiyan pero hindi ako kumbinsedo.
"Basta maniwala ka sakin. Mag gagabi na kaya halika na. Dito tayo"
"Wahhhh baka may momo diyan master. Dito sabi eh bahala ka diyan!"
Nagsimula na itong mag martya sa piniling direksiyon.
Tang-*ina!
Ngayon ulit ako napa mura.
"Weakling!!! Huwag matigas ang ulo! Bumalik ka!"
Ayaw niya talagang makinig.
"Buwiset, masama to"
Labag man ay sinundan ko siya. Hindi pupwedeng Hindi
Ano ba ang binabalak mo?
Saan ka kumukuha ng lakas ng loob weakling?
------
©BinibiningHari
A/N: The signal has again nowhere to be found. So this may lay to my draft for more days till it's okay. Enjoy reading. Please do leave a comment. I want to knew your opinion about this one *sweetsmile
For the information, Mt.Pulo didn't exist in real world guys.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro