Chapter 25
Andrew POV
Alam niyo iyong pakiramdam na maikukumpara sa isang makintab na mamahaling relo pero wala ring kwenta dahil hindi na umaandar pa? Parang ako iyan eh. Andito nga, nakatayo, humihinga pero walang laman. Ibig sabihin ng laman ay iyong mga ka alaman, ka alaman sa nakaraan.
Puwede namang e benta ang relo ah, ipa timbang o ipa ayos!May kwenta parin iyon!
*O.O*
Teka..... Iyon ba ay sigaw ng kaliwa kong isip?
*Iling-iling
Nahahahawa na talaga ako sa kabaliwan ni master. Pero sige Oo.
Oo nah! May kwenta pa, kung talagang maipag dugtong-dugtong at marating ko na ang dulo ng aking mga alaala.
Nagising ako sa matagal o ewan na pagkakahimlay na hindi na nag usisa pa.
Na siyang pinagsisihan ko.
Paano nangyari ang aksedente?
Sino ako bago magising?
Dadalawang tanong na di ko manlang naibulaslas noon.
*Pout
Kung bakit ba kasi ngayon pa ako tumino.
Kay daling mauto, kay daling matakot kay hina, iyan ang Andrewng nagising.
Marami nang naglalaro sa aking isipan na posibleng ganoon ang nangyari.
Unang konklusiyon
May kabit si Papa na nakatira sa bahay ampunan. Ang sabi ni Tay Tong ay dalagita pero hindi ako naniniwala. Isa lang iyong palabas para hindi halata pero ang totoo ay talagang isang Madre ang kabit ni papa.
*O.O*
Pero paano ako napunta doon na nagpipinta?
Ah siguro, dati talaga akong paintor pagkatapos pinapunta ako doon ni Papa para makita ko kung ano ang ginagawa niya ng sa ganun ay hindi ako maghinala na may kung anong kataksilan na pala siyang ginagawa doon.
*O.O*
Pagkatapos, hindi talaga ako na aksedente sa sasakyan gaya ng mga naaalala ko dahil, Isa ako sa mga nabagsakan ng gusali sapagkat nandoon ako sa trahedyang iyon?
*O.O*
Ikalawang Konlusyon
Kung e kokonsidera ko ang mga panaginip ko'y Isang car accident ang dahilan kung bakit ako na comatose. Nabangga ako ng isang truck?
Ikatlong Konklusiyon
Totoong may kabit si Papa at naghanap ako ng paraan na malaman kung sino ito at aksedente kung napatay?
*Iling-iling
*pout
Hindi naman sana
Ika-apat na Konklusiyon
Plain Accident! Talagang iyon ang nangyari at wala naman talagang kabit si Papa na dinadalaw sa bahay ampunan dahil ang totooy, Anak niya iyon sa labas na naghahanap lang ng tyempo na ipa kilala sa amin ni mama.
TAPOS!
Nakakapagod mag conclude.
Baka ganun, baka ganiyan. Kahit na anong Baka iyan, hindi ko parin mapupuntirya ang katotohanan.
*pout
Overthinking may lead to wrong assumption kaya dahan dahanin natin. Pagkatapos ng aking misyon ay pupunta agad ako kila Mama ng maliwanagan.
I finished my degree in Bachelor of Science in Business Administration a.k.a BSBA and now my application form were finally noticed at iinterviewhen na ako mamaya. Wahhhh!!!!
Kinakabahan ako...Huhuhuhu
Paano kapag hindi ko masagot iyong mga tanong? Tapos manginig boses ko wahhhhhhh!!!
"Alam mo, kanina pa ako nakakahalata. Ang seryoso mo ngayong araw nato"
*pout
"Parati naman master ah!"
Sigaw ko ng sa ganun dinig niya talaga..
"Parati tssss. Hala mag handa kana diyan bakla at isang oras nalang ba byahe kana"
Ehh?
"Ako lang?"
"Bakit gusto mong pasamahin si Manang mo? Abah weakling, kailangan mo pa pala ng taong mag lalagay ng bimpo sa likod mo't papahiran ka ng pawis sa noo?"
Ang haba ahh. Nag I-improve na siya in fairness pero...
"Hindi naman yan ang ibig kong sabihin master eh"
"Eh ano?"
"Wahhh!! Samahan mo ako master!! Natatakot ako!"
Nagsalubong ang mga kilay nito at titig na titig sa pogi kong pagmumukha
"Tumingin ka sa labas"
Ako naman si uto-uto ay ginawa din .
"Ayan! Nakikita mo? Tirik na tirik ang araw, maliwanag na maliwanag tapos natatakot kapa diyan?!huh weakling?"
*pout
Na sanay lang kasi akong kasama siya eh. Tsaka first time kung mag apply, kailangan ko ng kaagapay.
"Weakling, makinig ka"
Naka nguso parin akong binalik ang tingin sa kaniya. Nag papa cute baka sakaling ma awa.
"Tigilan mo na ang mukhang iyan"
Naman ehhhh
"Gustuhin ko mang sumama sa iyo pero pinipigilan ko, bakit?"
Nalukot bigla ang noo ko sa sinabi niya. Ba't ako ang tatanungin?
"ehhh wala akong alam diyan master!"
Pumikit siya at nagpakawala ng malamig na hininga.
"Gusto kong pumunta ka ng mag-isa weakling"
Nasaktan ako sa sinabi ni master. Hindi naba ako importante sa kaniya? Wala naba siyang pake sa akin? Kahit na mapahamak ako? Wahhhh naiiyak na tuloy ako.. huhuhuhu
"Huwag ka munang mag overthink diyan pwede"
Tumango lang ako bilang tugon kahit na nakakakiliti na itong nababadyang sipon sa butas ng aking ilong. Ang namumuong luha ay nananatili sa itaas, ayaw kung ipikit ang mata kasi babagsak eh
" Ayaw kong masanay kang palagi akong nandiyan sa tabi mo"
Ano to? Nagpapa alam naba siya sa akin? Iiwan na niya ako?
"Ma-"
"Shhhhh, alam ko ang itsurang iyan. Kung saang lupalop na naman lumipad iyang imahinasyon mo"
Paano lilipad kung wala namang pakpak?
*Pout
"Weakling makinig ka, Harapin mo ang kinakakatukatan ng ikaw lang mismo. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon may kasama ka't aagapay sayo. Sarili mo lang ang kakampi mo. Naiintindihan mo ba ako?"
Tumango ako kahit na medyo nalilito. Ano daw?
"Marami na tayong nasayang na oras, maligo ka na"
Labag sa loob akong tumayo at nag punta sa banyo.
Bahala na.
Kaya ko to.
Ako pa.
Her POV
Isa't kalahating oras na ang lumipas simula nang pag-alis ng bakla. Syempre nandito iyong pangangating puntahan siya't silipin baka ano na ang nangyari kaso kinokontrol ko. Nakakalungkot man pero dadating ang panahon na mawawala ako sa tabi niya. Kaya sasanayin habang may oras pa.
"Lady Mango? Ano't kanina kapa balisa diya an?"
Napag desisyonan kong bisitahin ang Multong Liwaliw na sa ngayoy kasalukuyang nag rerelax daw sa pinakamataas na bahagi ng Absolute Store. Ito siguro iyong tinatawag na rooftop. Mabuti nalang at hindi masyadong mahangin.
"Nag-aalala lang"
" May tiwala ka naman siguro?"
Meron nga ba?
"Amffff Half/half"
"Hahahaha Anong half/half ka jan"
"50/50, kalati meron, ang kalahati wala"
"Grabe ka naman, gawin mong 70/30 yan ano"
Hindi ko nalang pinatulan ang kaniyang biro bagkus ay nagsimulang magsalita ang noon ko pa gustong itanong sa kaniya.
"Multong Liwaliw, bakit mo piniling manatili dito sa ibaba gayong mas maganda ang bubungad sa iyo sa itaas? Walang problema,walang aalahanin at tahimik"
"Ayon na nga Lady Mango, Nagmula na sa iyo, Tahimik. Tahimik na ang ibig sabihin ay malungkot."
"Paano magiging malungkot kung makakasama mo muli ang mga mahal sa buhay na unang namayapa?"
"Sa tingin mo Lady Mango, Bakit kaya mas pinili ko ang maitalaga dito?"
Hindi ko alam, wala akong maisip na dahilan. Dahil bored ka lang?
"Hindi ko mahulaan"
"Isa lang ang dahilan, hindi ko pa natagpuan ang lubos na kasiyahan."
Kasiyahan?
"Wala akong maintindihan multong Liwaliw"
"Hahaha Huwag mo nalang dibdibin ang mga isinaad ko. Matanong kita Lady Mango, ikaw naman ah. Bakit mo mas piniling palalain pa iyang umuusbong na damdamin?"
Huh ano daw?
"Anong damdamin?"
"tss tss "
Umiling iling ito at pinag krus ang mga braso bago tumayo sa bandang gilid ng hangang puson na pader at tumingin sa ibaba. Pinag masdan ang lumiliit na sasakyan gawa sa mataas na gusali. May mga rehas naman na dugtong sa pader kaya ligtas itong puntahan ng mga tao.
"Hinayaan mong tumubo ito ng lubusan, lumaki pa ang ugat at bumulaklak"
Yumuko ako dahil doon ko napagtanto ang kaniyang punto.
"Handa ka ba kung sakaling ito'y ma lanta Lady Mango?"
"Itinanim ko, responsibilidad ko. Huwag kang mag-aalala Multong Liwaliw. Makakaya ko"
Nag bitiw ako ng isang magaan na ngiti. Iyong ngiti na matagal ko ng ikinubli.
Ngiting kaginhawaan.
"Wahhhhh!!!!! Master!!!!! Master!!!!!!"
Alam ko na agad kung ano ang balita niyang dala. Malakas ang loob nitong mag sisigaw sa bahay sapagkat umuwi sa kanilang probinsiya ang kaniyang Manang at gagabihin sa pag uwi.
"Wahhh!!!! Master!! Nasaan kaba?"
"Nandito!"
" May balita ako master!! Ahhh!"
Lalong lumakas ang kaniyang boses na tiyak kung malapit na sa pintuan nitong silid.
"Master!!!!!"
Tumakbo ito agad at..
at...
at..
yamakap sakin.
"Teka, nayayakap mo ako? Hindi kaba nilamig weakling?"
"Wahhhh! Ewan ko master basta tanggap ako! Yes, makapag sisimula na akong mag trabaho next week Master! Sa wakas may trabaho na ako!"
Hindi ko maiwasang mapangiti at mahawa sa pinapakawalan nitong enerhiya ng saya.
Maigi kong pinakinggan ang kaniyang pag salaysay sa naging lakad kanina.
Kailan nga ba ito malalanta
Kung patuloy mo namang
binibigyan ng rason
mabuhay..
weakling ka talaga.
-------
©BinibiningHari
A/N: They said it'll take for about approximately 6 months more before the current will be stable here in our place..kaya pahirapan especially where all generator and free charging station located in lungsod that's somehow too far from us. So bare with my very slow update. Btw, I'm thinking since, I have only countable readers and slowly decreasing my high spirit. Amff can I ask if, does this story worth to be finish?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro