Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Andrew POV

Atat na atat na talaga itong dila kong mag tanong kung bakit parang kilala niya ako. Kaso ayon, umalis muna kasi may kung ano yatang kinuha sa tambak na mga sirang kahoy at bubong. Alangan namang pigilan ko eh marunong din kaming mga pogi mahiya noh hehehhehe

"Halika iho, dito tayo"

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala ang mamang mabegote. Iginaya niya ako sa unahan na may maliit na kubo na sinadya yata para lamang masilungan. May mauupuan din namang gawa sa kahoy.

"Upo ka iho. Pasensiya na't wala akong mai-alok na inumin sa iyo dahil nalimutan ko kasing magdala kanina."

"Ok lang ho, hindi naman po ako nauuhaw"

May Maliit na bottle naman ako sa kotse hehehe Boys scout to noh.

"Mabuti, teka ano nga ba ang sadya mo dito iho?"

"Napadpad lang po kami sa lugar niyo tsaka diko aakalaing may nakaka kilala pala sa akin dito"

Napadpad daw eh sinadya naman. Kung hindi ko lang talaga kasama si Master ay hindi ako pupunta dito na mag-isa. Nakakatakot kaya, kasi baka kung ano-ano makaka salamuha ko, hindi pa naman ako pamelyar sa lugar nato. Lugar na nasa pinaka dulo ng kapitbahay naming probinsiya.

"Teka, asaan nayon?"

Pa linga linga ako baka sakaling nasa gilid o likod ko lang pero wala.

"Ang ano iho?"

"Si master po"

"Master?"

Ay bobo, bobong pogi. Heehehehe

Napa tampal ako ng kaunti sa kaliwang binti dahil sa nasabi.

"Nako, wala po Hahaha Kung ano-ano nalang talaga itong nasasabi ko. Maybe because of being fond playing online games"

Online games mo mukha mo. Eh tamad ka ngang mag Instagram o twitter. Sige mag sinungaling kapa....
Suway ko sa sarili

Wahhhhhhh!!

*pout

Kasalan mo to master. Hindi ka talaga marunong mag pa alam eh. Kasalanan mo talaga toh.

"Kabataan nga naman eh noh, Nga pala kumusta ang Ama mo? Tawagin mo nalang ako Tatay Titong"

Ang haba naman....

Pwede namang Tay Tong lang. Mas astig kaya yan..

"Ok lang naman ho, medyo busy sa negosyo. Pwede po bang mag tanong ?"

"Sige lang ano iyon?"

"Bakit niyo kilala ang ama ko ? Tsaka paanong amff bakit siya pumupunta sa Orphanage?"

"Hahhhha Teka, isa-isa lang iho. Sige bata pa naman ang oras-

may matanda din bang oras?

*iling-iling

-napaka mabuti niyang ama mo iho, kaso hindi ko masyadong kilala. Minsan ay napadpad kami kasama ng namayapa kong asawa dito, bata kapa non. Mga siyam? O sampo. Oo kasama ka niya sa lugar nato, mahilig ka ngang magpa duyan duyan diyan parang diya an na parte iyon."

Itinuro niya ang medyo may kaliitang play ground na syempre sirang sira na din.

*0.0*

Katulad sa painting.

"May kasama po ba ako Tay Titong na dumuduyan noon?"

Medyo natagalan siya bago sumagot.

"Hindi ko na masyadong natatandaan pero parati kang mag-isa kapag nakikita kita sa labas. Nagtagal kami noon ng isang linggo dito. Bagong kasal kami ng Asawa ko noon year 1998. Kaso na ligaw kami papunta sana sa isang Pribadong Beach Resort na sanay doon kami mag ho-honeymoon pero ayon nga. Napadpad kami dito't pinili nalang din na magtagal. Kinansela nalang namin ang reservation dahil, Napakasaya dito, iyong mga bata na nagtatakbuhan tsaka mga taong mababait na mas gugustuhin mo talagang manatili kaysa mag saya sa magarbong tahanan ngunit balot din naman ng kalungkutan. "

Bale, isa pala itong pagtatalambuhay ng kaniyang love story. Hahaha Tay Titong asaan diyan iyong ama ko?

"Ika dalawang araw namin dito, hapon iyon. Tandang tanda ko pa na nagsitakbuhan lahat ng mga tao dito para salubungin ang iyong ama. May dala siyang mga pasalubong. Noong una hindi ka niya dala,siya lang non mag-isa. Sa Isang linggo naming pananatili halos araw-araw nandito ang iyong ama. Kahit sino ang tatanungin masasabi lang nila na napaka bait na tao ang Ama mo. Dahil daw sa kaniya, nabibigyan ng isang uri na sigla ang mga bata. Naibibigay niya ang mga pangangailangan nila."

"Pero paano?"

"Anong paano iho?"

"Pinagbabawalan si Papa na pumunta o kahit umapak sa isang bahay ampunan ni Mama noon."

"Wala na akong alam diya an iho, siguro ang mabuti nito'y tanungin mo nalang ang mga magulang mo"

"Ahhh mabuti nga hoh, pero Amff ano po ang pinunta niyo dito?"

Nga naman, ano nga ba? Eh nakaka saya bang mag masid sa mala gubat na lugar. Tsaka parang pugad ng kaluluwa ang kaharap. Grrrrhhh nakakakilabot.

" Death Anniversary ng asawa ko ngayon iho, Dito-"

Bumaling siya papunta sa mismong gusali na natupok ng apoy? Siguro

"Diyan siya binawi sa akin. Hindi namin makakalimutan ang lugar na ito, iyong mga panahong kinupkop niya kami't itinuring na pamilya. Kaya bawa't anibersaryo namin dito kami pumupunta. Nagbibigay ng mga pasalubong. Naging isa nadin kami sa mga tumutulong dito sa bahay ampunan. Minsan nalang din namin makasalamuha ang iyong ama. Teka naaalala ko, kapag pumupunta siya dito may isang dalaga agad siyang kinukumusta't agarang binibisita. Naalala pa nga kita iho, hahaha Oo isang beses noong na tiyempuhan kong nandito kayo. Pumipinta ka at masaya mong tinuturuan ang mga bata. Hindi mo ba iyon naaalala?"

Ako? As in ako?

"Hindi po eh, amfffffff kamakailanlang amffff nito na na aksidente ako, wala akong masyadong maalala"

"Ahhh kaya pala, ok lang yan. Huwag mong pilitin..kusa yang babalik. Yon nga , ngunit isang beses lamang kitang nakita sapagkat nahinto kami sa pag bisita dito noong pumunta kami ng ibang bansa para ipa gamot iyong bunso naming anak. Medyo matagal tagal din kami doon. Kaya nawalan ako ng balita dito"

"Nang maka-uwi at dalawang taon kami sa Manila bago muling naisipan na bumisita dito. Dahil na miss daw ng asawa ko sina Mother Thesa at iyong iba lalong na ang mga bata na paniguradong malalaki na. Dalawang araw ang lumipas at binawi an siya ng buhay."

Hala talaga.

"Bakit po? Dahil ba dito? Sa sunog?"

"Ahhh hindi iho, may malubhang sakit na siya. May tumor sa kaniyang utak at hiling niyang maka sama ang mga bata kahit sa huling sandali. Tungkol naman diyan sa pagka sira ng gusali. Sa narinig ko'y may malaking pag sabog sa medyo malapit lang din at hindi na naagapan pa't napaka bilis daw ng apoy na kumalat papunta sa bahay ampunan , mga taong 2016 yata iyon?  Ohhh mag aapat na taon narin pala. Marami kasing kakahuyan sa tabi tabi. Napaka mesteryo daw ng trahedyang nangyari ani nila."

Hala ganoon pala iyon. Bakit kaya may sumabog? May gyera kaya.

"Paano po pala iyong mga tao? Nailikas po ba bago umabot sa kanila ang apoy?"

" Sa kasamaang palad, may ilang nasawi. Lalo na't malakas daw ang pag yanig na nag sanhi ng pag guho ng mga gusali. Pero hindi naman lahat, marami din silang naka likas. Ayon nga lang. Napaka tagal bago dumating ang tulog sapagkat malayo ang lugar nato."

"Asaan napo ba sila ngayon? Iyong mga naka ligtas?"

"Sa pag kaka alam ko'y nasa malaking Orphanage na doon sa siyudad. Iho, nakikita ko na ang sasakyan ng anak ko. Siguro mauuna na ako sayo"

Huh?

Aligaga ako syempre dahil

MAG-ISA NALANG AKO!!!!!

"Amff sige Po mag-iingat kayo salamat po pala sa pagbabahagi mo ng inyong storya kasama na si Papa"

"Nako walang anuman, masaya nga ako't may nakasama ako dito. Sige iho umuwi ka nalang din. Kasi mag gagabi na"

"Opo"

Napaka hate ko talaga iyang salitang Gabi.

*Pout

"M-master!!!!!"

"M-master!!!!!!!!! Naman eh"

"Lakwatchera ka talaga! Huhuhu"

"Master kasi! Umuwi na tayo!"

"Mas-"

"Ang ingay ingay Weakling. Baka ma bulabog mo sila shhhhh"

*0.0*

"Wahhhhh huwag mo akong takutin master! Ang bully moh. Ba't mo ako iniwan kanina. Paano kapag mamamatay tao pala iyong lalaki huh. Ide magiging multo narin ako"

*pout

"Mabait naman diba?"

"Paano nga"

"Wala din naman ako magagawa kasi kaluluwa ako remember? tsss"

*pout

"Tsaka hindi mo ba yon gusto? Pareho na tayong kaluluwa weakling?"

Never!

"Ayaw kong pumangit master!"

"Edi wow, So ano na Weakling. Ano ang mga nalaman mo galing sa lalaking iyon?"

"Master?"

"Ano?"

"Baka talagang totoo iyong mga napanaginipan ko"

"Na ano?"

"Na, may kabit si Daddy at-....

huminto ako at tumalikod para tingnan ang bahay ampunan.

"At?"

"At.."

"Ano ba kasi?! Ang bagal mo weakling huh gagabihin tayo"

"At nakatira siya diyan noon"

Sabay turo sa sirang gusali.

------------

©BinibiningHari

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro