Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Andrew POV

Naaliw ako sa kaka tingin ng mga pawis ko na tuloy-tuloy ang pag patak sa sahig lalo na't iyuyuko ko pa ang ulo. Nakikita ko rin ang hindi kalinawang repleksiyon sa makinis na  floor tiles, ang Pogi!

Pawisan man o hindi talagang di maikaka-ilang napaka pogi kong lalaki.

Teka?

Alangan namang pogi kong babae?

*Iling-iling*

"Hoyyy ano ba yang ginagawa mo? Mas marami kapang oras na sinayang diyan kumpara sa pag-lilinis mo!"

"Shhhh can you please lower your voice master. You're distracting my Pogi face"

Sabay hawak sa mukha't kinidhatan ang repleksiyon sa ibaba.

"Mahiya ka nga!"

"Saan? Sayo? Eh Master kung sayo lang rin naman. Abah diba dapat kabaliktaran?"

Oo nga naman. Ako daw mahihiya wow huh....

"Edi bahala ka, weakling! Malapit ng magtago ang  araw at hindi ka panga kumalahati sa isisilid mo diyan sa karton. Bahala ka!"

Eh kasalanan ko bang nakaka distract talaga itong ka pogian k-

"Kapag talaga aabutin ka ng gabi ng  paglilipat sa bodega ay hindi ko na alam kung ano ang mangyayari."

Gabi?

"Master anong oras naba?"

"Alas kuwatro (4) na tanga ka talagang bakla!"

*O.O* Ano?!

"Eh bat ba kasi hindi mo sinabi.. ayan tuloy magagabihan ako nito"

kunwari nagtatampo.

"Walang epekto sakin yan. Keh bakla kung kumilos"

Naglilinis kasi ako sa itaas. Iyong mga gamit na medyo hindi na magagamit at saka dagdag sakop lang naman ng espayo ay ibinaba ko nalang doon.

"Puro kalang kasi dadah diyan, eh kung tumulong ka kaya nang may silbi ka naman master ano?"

"Anong sabi mo?!"

Ayan oh ang HB agad huhuhu.

"Sabi ko po master ito na oh. Kikilos na"

"Dapat lang"

*pout

walang awa,.walang puso, walang mukha! pangit..

para mas madali ay ipinatong ko nalang ang tatlong huling karton at nang isang bagsakan nalang aba mag se-seven nah, si master kasi.

Pawis na pawis na nga ako dito't kanda darapa na sa pag hakbang sa hagdan pababa pero ayon si master naka abang lang doon, nakatingin nang walang awa.

*pout

"Kung gustong may mahawakan, nakakahawak pero ito na kahit kunting tulong eh 'multo ako, nahahawakan ko ba yan?'"

Bulong ko na medyo nilakasan narin para dinig niya talaga.

"Tsssss ipatong mo nalang diyan doon weakling. Rami pang alam"

Argghhh.

"Opo maste- ahhhhhhh!"

Hirap na hirap na nga ako dito haharang harang pa itong bwesit na laruan nato.

"Hahaha bakla na nga, bulag pa"

Nakakahiya, nanatili lang akong naka higa sa mga kartong natumba pati na iyong tatlong bitbit ko.

"Oh ano,.mananatili ka nalang diyan weakling? Talagang iiwanan kita"

Ahhhhh huhuhu
Pilit nalang din akong bumangon at naka ngusong ibinalik ang mga kartong nag kalat.

Malapit na akong matapos ng pigilan ako ng isang walang awa na multo.

" Ano na naman poww master? hehhe"

Sarkisto na medyo may lambing para di uminit ang ulo.

"Ano yan? Tingnan mo weakling?"

"Asan master?"

"Ayon?"

"Asaan nga?"

" Paano mo ba kasi makikita eh sa akin ka nakatingin humarap ka doon at ng makita mo bakla!"

*Pout

"Oh nakatingin na po master, asaan ba tinutukoy mo?"

"Iyang parisukat na naka daob kunin mo weakling "

wow maka utos akala mo talaga may binibigay na sweldo, pero ok lang naman kapag free service kahit multo payan ok lang, basta maganda kaya nga hindi ayon ang aking kalooban kapag si mas-

"Ano na?!"

Dali-dali ko nalang din itong kinuha.

*Pout

"Pintura? Kanino to?"

Isa siyang illustration board na kung titignan sa pisikal na anyo ay maituturing na ginawa ito nitong maraming nagdaang taon.

Simple lang naman dalawang bata, babae at lalaki na  naka duyan habang mag-kahawak kamay. Siguro nasa edad nuwebe o sampo? Iyong pintura ay tiyak ubra din ng isang bata.

"Sayo bayan weakling?"

"Ewan master"

Malay ko ba kung akin to.

"Ano yang al heart an. Diba andrew ka?"

"Anong an iyang sinasabi mo- ay ayan Oo nakita ko na master"

may nakasulat na an heart al sa ibaba ng pintura. Ang mga letra ay iginuhit gamit ang color pencil. May kulay pula, dilaw, kayumanggi at rosas.

"Baka ikaw talaga iyan weakling"

"Ehhh ewan master hindi ko ma alala"

Piniilit ko talagang halungkatin lahat ng mga natitira kung alaala pero wala talaga eh.

"Dalhin mo nalang iyan  sa itaas Weakling"

*pout

"Wagas kung maka utos eh noh master"

"Alangan naman kasi kung ako ang magdadala oh ayan nakikita mo weakling?"

*Pout

e demo ba naman sakin ang pag lampas ng kamay niya sa hawak kung board.

"Oo na pow, di ako bulag "

*pout

"Hindi nga ba weakling?"

Naka ngiti pa ito na tela nagpapahiwatig na, ano ang masasabi mo sa nangyari kanina?

eh kasalanan ko bang matapilok. Duhhhh huhuhhu Ang bully talaga ni master

Naka nguso ko itong niyakap habang nagsimula nang humakbang patalikod at handa na sa pag akyat. Hindi ko alam pero subrang bilis ng pag kabog ng aking dibdib oras mismo na masilayan ko ang pintura kanina, gaano nga ba ang laki ng parte mo sa buhay ko upang makaramdam ako ng ganito?

Tahimik kung tanong sa enosenteng illustration board na nasa pagitan ng mga bisig ko.


Her POV


isa....

dalawa......

tatlo.......

apat.......

nagsalubong ulit ang kilay ko ng huminto ang bakla. Anim lang naman ang kailangang e hakbang papalabas dito sa bodega pero napaka bagal kung ito'y kumilos. Na tila ba kay lalim ang mga nag lalaro sa isipan.

Agad kung tinaasan ng kilay ang isang multong may katandaan na balak yatang takutin ang bakla. Ipinapahiwatig ng mga ibinigay ko na titig dito sa lahat ng multong nakatira  sa ibaba na 'walang sinuman ang pwedeng gumalaw sa taong kasama ko'..

maliban sa akin.

Dahil kunti nalang at maiirita na ako kayat hinawakan ko ang braso nito't bumulong.

"Weakling hindi ka paba magpapatuloy o ako ang mag tutuloy?"

Hininaan ko ang boses para mas epektebo. Hindi paman...

Lima at anim....

Oh ayan tapos Hahahhhah

Bago nag sara ang pinto ay nakita ko silang kumaway sa akin. Naitanong ko, hindi ba sila nagsasawa sa ibaba? Hindi katulad ko na kung kahit saang lupalop na dumating.

Nakakalungkot, kung sana may karapatan din ang mga multo na gawin ang gusto nila sa paraang hindi din nakaka abala ng mga buhay. Kaso limitado eh.

"Master? Hoy master ang pangit mong ma tulala HAHAHA"

*glare

Hindi na siya huminto sa pag tawa.

"Ang saya weakling ang saya , HA HA HA HA"

Nagpipigil nalang ito matapos kong magsalita ng nakaka uyam.

"Eh bakit ba kasi master ang pangit mo? kung naibibigay lang ang umaapaw kong ka pogian. Bibigyan sana kita ng kaunti kasi maawain ako eh .Master Hahahah"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa pinagsasabi nito.

"Ang mas mabuti pa, alalahanin mong maigi kung sino ba si Al weakling ng may silbi ka naman"

*pout

Nagiging pato na naman.

"Ayaw kung ma stress master eh"

"tsssss"

"Kung oras niya na, kusa siyang babalik sa alaala ko. Ayaw kung pilitin master baka sakaling ang kalabasan nito ay gawa gawa lang ng imahinasyon ko kung ano ang gusto ng isipan ko sa babaeng nasa pintura master."

Natameme ako bigla sa sinabi ng bakla.  Malaki ang punto niya, baka nga ganoon ang kalabasan. Keta moh...

magagamit din naman pala sa wasto ang utak nito.

"May sil-"

" Wow master! Lalim non ah! Ang talino ko talaga  HAHAHA!"

Tumalikod nalang ako't hindi na sumama sa pag puri niya sa sarili.

"Para iyon lang..tssss"

Pero sa totoo lang ay apektado ako... paano kung ang mga iyon pala ay bumalik dahil sa iyon ang gusto kung mangyari. Paano kung gawa gawa ko lang din pala ang mga nagbabalik na  tanawin?

Nakakalito...

------

©BinibiningHari

A/N: If ever there's someone waiting for the update. I want to say sorry for keeping you wait too long. It's just that, I had been covered by my very tight schedules. Kay taas ng dagsa ng mga gawain. Kaya sana maintindihan niyo ako. Sisiguraduhin kung, gagawan ko ng paraan, hahanap ako ng oras para maila an dito. Gusto ko ring matapos ang istorya nato. Sa unang pagkaka taon.

Iyon lang keep safe everyone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro