Chapter 20
Her POV
Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang tila isang oras ng nakaharap sa salamin at pa ulit ulit na susuklayin ang noong basa pa na ngayo'y tuyo ng buhok.
"Bakit ba kasi ang Pogi Pogi Ko?"
Ayan, kanina niya pa pinoproblema ang kapogian kono niya.
"Kahit nakatalikod ay di maipagkakailang napaka pogi kong lalaki haysss"
" Weakling? Siguro naman nakapag agahan kana diba?"
Baka kasi nakulangan lang sa kain.
" Oo naman Master! Ikaw ba?"
Tsssssssss.
"Ay heheh Oo nga pala. Nakalimutan ko. Multo ka. Nakaka distract ka kasi talaga haha"
Yung mukha niya ang tinutukoy. Balik na naman po siya sa pag kausap ng kaniyang repleksyion sa salamin. Baliw.
"Nasa baba na yong mga magulang mo weakling, ikaw nalang ang hinihintay nila. Kung makapag bihis daig pa ang babae. Ma le-late na kayo.! Hoy Weakling!"
"Panira ka naman Master eh ito na nga oh ito na. Asaan ba yong Toga ko?"
Burara talaga kahit kailan.
"Malay ko sayo"
"Nasa kabinet ko lang pala. Haysss"
Alam kong excited lang siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Napaka ganda tignan ang kani kanilang mga mukha habang naka paskil ang ngiti, ngiting tagumpay nang sa wakas ang kanilang pinaghihirapan ay nagbunga na.
Makikita sa mata ng kanilang mga magulang , kapatid, pamilya at kaibigan ang pagmamalaki. Kulang nalang ipagsigawan sa loob ng gymnasium na 'Anak ko yan!!!'
*Smile
Nasa pinaka mataas na parte ako naka pwesto ng sa ganun kita ang lahat.
"Ohtega Gemini I. !"
Ayon sa kanilang emcee. Tumayo naman ang tinukoy upang kunin ang diploma sa stage. Turn na ng kanilang departaminto sa pagkuha nito at nasa bandang O na ang tinawag. Malapit na ang bakla.
"Olivros Andrew C. ! "
*'ten ten...tenenenen nenen nenenenen nenen tenenenenen...~'
Tumunog ulit ang musikang pang martsa na talagang nagdala ng malaking parte sa seremonya.
Ng mahawakan ng bakla ang diploma ay agad siyang napatingin sa harap at ngumiti ng malapad sa kaniyang mga magulang na tila nagsasabing 'ma pa, para ito sa inyo' matapos non ay nilibot niya ang paligid na para bang may hinahanap. At tama nga ako. Huminto ang kaniyang mga mata banda sa aking pwesto at tangang kumaway.
Tanga nga tsss.
Kita niyang walang ibang taong nakaupo dito. Bi bigla nalang kakaway, ano nalang ang iisipin ng mga narito. Nababaliw na siya? Hayssss.
Napunta na sila sa parte ng Picture taking. Nakikita ko naman ang ilang mga multo na naki join akala mo naman makukuha sa camera.
"Ate bat hindi mo e try. Malay mo diba makita ka sa pictures"
Ani ng dalagang multo na nasa tabi ko.
"Huwag na."
Ayaw kong makita ang mukha kasi sabi ng bakla pangit diba. Pa ulit ulit pa nga.
"Pero para kasing close mo yong lalaking yon ate."
Tukoy niya kay weakling na kasalukuyang nag pipicture kasama ang mga kaibigang humabol sa kaniyang graduation.
"Try ko"
Para matahimik na ang isang to. Makulit eh.
" Weakling, sabihin mo kay kuya camera man na kuhanan ka ng solo"
Bulong ko sa banda ng kaniyang taenga.
" Tapos na Master."
Bulong niya rin, mabuti. Akala ko papailarin niya ulit ang katangahan.
"Sabihin mo na ulitin. Bilis. Wag ka ng mag tanong"
Wala siyang choice kundi ang sundin ako. Malamang.
" Ok one, two , three Smile"
Lingid sa kaalaman ng bakla eh nasa likod niya lang ako habang kinukuhanan ng pictures. Ok lang yan, di din naman nila ako makikita.
"Ok guys, Let's throw our hat above and shout 'welcome to the next journey!"
"One,two, three Welcome to the next journey wohhhhh!!!!!!"
Talon sila ng talon. Yong tuwa talaga eh di mapapalitan ng kahit ilang barya.
*Smile
"Sa bahay muna tayo mga dude may kunti kaming salo salo. Magtatampo na sana ako akala ko nakalimutan niyo na eh"
"Sorry talaga dude A kung medyo late kami. Traffic eh"
"Ok lang atleast nakahabol. Sige ha. Sa bahay later !"
Kaniya kaniya na sila sa pagsakay ng kani kanilang sasakyan.
Preperado na lahat ng pagkain pagpasok namin sa loob ng bahay. Bale ako yong nasa pinaka bandang huli.
Masaya nila itong pinagsaluhan at nagkapalitan narin ng kunting shots o yong nakakalasing na inumin.
"Kunti lang mga anak, mag mamaneho pa kayo pag uwi."
Suway ng nag-iisang Padre de pamilya sa loob.
"Yes Uncle"
"Anak, hindi kaba diyan naiinitan sa suot mo. Magbihis ka nga muna sa taas."
"Oo nga naman dude, hahah di naman yan mawawala kung ilalagay mo muna sandali sa tabi. Don't worry graduate ka parin naman hahahah wiling wili ah!"
"Nakalimutan ko lang ok. Ang hilig niyo talagang mang asar"
*pout
Napaka bakla.
"Sa taas muna ako, manang paki labas po yong dessert. Ma, bihis lang ako. Kayo muna bahala sa mga bisita ko hah"
"Ok anak!"
"Ang gwapo ng Papa mo weakling sa suot niyang polo ah. Parang nasa 20s pa ang edad"
Puri ko sa kaniyang ama na di naman magpapahuli sa kakisigan ng mga kalalakihan sa loob ng bahay.
"Duhhhhh, mas pogi pa ako diyan. Che!"
Nagtatampo na naman.
"Weakling?.hoy weakling hinay hinay lang sa paglakad. Baka matapilok ka!"
Ay! Muntik nga.
"Sayang..."
kunwari na dismaya yong tuno na ginamit kong boses. Haha
*Bogssh!!
Galit na nga. Kung maka sara ng malakas sa pinto akala mo naman di ako makaka pasok kapag ganoon. Hahaha
"Weakling? magbihis kana diyan at-"
Oras mismo ng lumusot ako sa pinto ay siyang pagtunog ng musika, musikang matagal na umalingaw ngaw kanina sa loob ng gym.
"Again, Let's all welcome the best Master entire universe. Who will received A demanding award sponsored by Poging Weakling. Again, Master Pangit P.!
Ten ten!!! Tenenene nenen tenenenen nenen tenenenenen"
Habang nagsasalita siya ay sinusuot naman sa akin ang toga at parang kalo na hugis parisukat sa itaas. Sinabayan pa ang tunog pagkatapos ay tumakbo doon sa bandang unahan habang tila may hawak ng isang medalya?
"Halika na master, naghihintay na yong award mo oh. Buti kapa nga may matatanggap ako wala . Kaya lakad na."
Oo na!!
Na touch ako. Gusto ko nang umiyak. Hindi ko inakalang nadinig niya pala.
Weakling ka talaga.
Humakbang ako ng mahina at dahil isa akong natatanging multo. Nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha.
Nakarating ako sa kaniyang harap ng luhaan habang siya eh napaka lapad ang ngiti.
"S-salamat weakling...s-salamat"
Kinuha niya ang bagay na naka patong sa sa aking ulo at ito'y pina hawak sa akin.
"Masaya ako na masaya ka master."
*Smile
"Hayaan mong iparamdam ko sa iyo ang mga bagay na nais mong maranasan. Hindi mo man matandaan, hindi mo man batid pero ngayon sigurado na ako na alam mo na ang saya sa pagkamit ng isang parangal. Master, ang medalyang ito ay igagawad ko sa iyo bilang pasasalamat sa pag intindi at panatili dito sa tabi ko. Salamat master."
yumuko ako para maisabit sa akin ang medalya gawa ng isang medyo malambot na salamin. Hugis bilog at may nakasulat sa ilalim gamit ang isang di ko kilalang klase na papel na 'Best Master'
"W-weakling....."
"Master...Huhuhu naiiyak narin ako eh... Huwag kanang umiyak. Mas lalo ka lang pumapangit master. Huhu Baba na tayo master. Baka nagtaka na sila bakit ang tagal ko sa itaas. Master ang Pangit mo"
Kahit na anong lait niya ay nakangiti parin ako. Ang saya ko, napaka saya.
Yung weakling na akala ko'y walang alam gawin kundi ang mang inis at ta tanga tanga ay nakagawa rin ng isang bagay na matino.
" Sana araw araw graduation.."
"Bakit naman master?"
"Para araw araw ka ring may silbi"
*pout
Hahaha
" Biro lang, masaya lang ako weakling. Tara na."
" Master naman eh"
"Biro nga lang diba?"
"Masakit parin yon!"
"Bahala ka diyan"
"Kita mo! Walang utang na loob hmp!"
"Ang gwapo mo ngayon weakling ah!"
Baka sakaling umepekto.
"Abah master? Since birth! Since Birth hindi ngayon lang. Ewan ko sa iyo. Diyan ka na nga!"
"Pero mas Gwapo parin yong Papa mo weakling!"
Habol ko pa.
"Ahhhh!!!!!!!"
Hahahaha
Sana di matapos ang araw na ito.
Nakakatakot kasi eh.
Ngayon masaya.
Baka bukas.
Mag iba.
-------
©BinibiningHari
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro