Chapter 18
His POV
"Po!!!!!!!?"
"Tama ang narinig mo iho"
"P-pero"
Kailangan paba talaga yon?
*Hour before this
"Pasok kana iho. Halika"
"Di di di di k-ka po ba talaga nangangagat d-doc?"
"Hahahah Hindi lumalamon lang"
Agad akong napa atras at hinanda ang sarili sa pagtakbo.
"Biro lang.. May sa gulay lang ako mahilig iho. Hindi sa karne. Rest assured hahahha"
Hindi parin ako naniniwala. What a psycho! Wahhhh. Mama help. Di ko maasiwang isipin na china chop-chop katawan ko. Tas hahaluin sa isang malaking kawa. Tapos titimplahan at ilalagay sa plato. T-tapos titik-
*kinalabit
"Iho"
"Ahhhhhhhhh"
"Iho, relax hahhh. Kapag magpapatalo ka sa takot mo. Wala kang mapapala. Sayang lang ang pag punta mo dito."
"Lumalamon ka p-po eh"
"Binibiro lang kita. Pasok kana"
Nagdadalawang isip man ay pumasok nalang rin ako. Ngunit syempre nakahanda parin itong mga paa ko sa pagtakbo.
Nilibot ko ang paligid. Maganda hmmm. napaka desente at malinis na malinis. Eh bat naman kasi di nila magawang walisan ang labas. Nagmumukha tuloy'ng spirit hideout itong village nato.
Nakakapagtaka.
Di kaya'y yong mga nakatira dito ay may kaibigang mga multo?
*O.O*
"Bat ka napahinto iho? May nararamdaman kabang kakaiba?"
Kakaiba?
"D-dapat bang may maramdaman akong k-kakaiba doc?"
"Wag na tayong mag pa ligoy ligoy pa. Umupo ka iho at sabihin mo sakin ang iyong sadiya. May gusto kabang inumin?"
Inumin?
Baka lagyan niya ng kung ano-anong gayuma. Ayaw *iling-iling
"Ok lang po ako doc. Hheheh di ako nauuhaw. Tsaka K-kasi po doc natatandaan mo na may palagi akong kasama na multo. Tapos po may sumusunod sa kaniya na mga itim na ispirito at hinihigop siya nito. K-kahapon lang nawala na si ...si Master po hanggang ngayon di pa nagpaparamdam. Posible kayang n-nakuha na siya ng mga iyon doc?"
Wahhhhh!!!Huhuhuhu Master. Kahit naman ubod ka ng pangit eh di ko maiwasang mag-alala. Kaakibat na talaga ng ka pogian ko ito.
"Ibig mo bang sabihin iho huhula an ko? Nako iho, diko trabaho iyan. Hahahah"
"Paranormal expert ka po diba?"
"Sinong may sabi?"
"Sa isang articles po. Doc..Emmanuel"
"Oo. Iba yan sa Future teller. hindi parin ako nanghuhula ng mga ispiritong nawawala iho hhahah"
*pout
Wahhhhhhhh!!!!! Baliw nga siya!!!!
"Eh kasi po-"
"Tungkol ba sa pinakuluang pinaghalong buntot ng kulay pulang tuko at natuyong balat ng ahas?"
*O.O*
"A-akala ko po bah hindi ka po manghuhula?"
"Hindi nga hahahh"
"Eh paano niyo po n-nahulaan?"
"Eh kasi....Hinula an ko hahhah"
Ano daw? BALIW!!!!
"Saan mo ito nakuha na impormasyon iho?"
Biglang bumalik ang kaniyang tuno sa medyo normal na boses. Kung baga boses ng hindi mga baliw.
"Narinig ko lang doc. noong may kausap si Master"
Ito yong mga panahong muntikan ng mapasok si master sa itim na portal tapos kausap niya si Multong liliw? Ewan...Di ko matandaan.
"Tapos ano pa narinig mo? "
"Wala na doc, eh ang hina kasi ng boses nila eh"
" Napaka epektibo ng mga iya'ng panguntra iho. Isang saboy, BOGHSSSHHHH! wash out lahat! hahahhh"
Napalundag ako dahil sa biglaan niyang pagsigaw.
"E-eh di maganda po doc para mapuksa na namin ang mga nilalang na iyon. Saan ba tayo doc makakakuha ng ganoon?"
"Meron akong kakilala, ngunit..."
"Ngunit?"
"Ito'y epektibo kung ang mismong nagsaboy ay nakikita ang multo. Take note iho, mortal lamang ang maaaring nakakagamit ng pananggang ito"
"Anong ibig niyo pong sabihin?"
"Kailangan mabuksan ang third eye mo upang maging mabisa ang pangontra iho, sa oras na mabuksan mo na ito at may napuksa kanang kahit isang maitim na ispirito. Ito ay hudyat upang magalaw at masaktan ka ng kalaban mong mga nilalang."
Magalaw?
*End
"Wala na po ba talagang ibang paraan?"
"Wala na iho, ano? Handa ka ba?"
Paano bubuksan? Hihiwain bah? E saan? teka katulad ba sa mga napanood ko na nasa noo yong mata? I-ibig sabihin? Hihiwain itong noo ko para buksan ang pangatlo kong mata.
Nasapo ko ito bigla.
"M-masakit po ba doc?"
"Wala kang mararamdamang kahit kunting sakit iho."
Gagamitan siguro ng Anesthesia. Eh kapag nag expire na. Masakit yon. Tapos tatahiin din bah?
Nasapo ko ulit ang noo.
"K-kailan ang operasyon doc?"
"Huh? Operasyon? Saan?"
Siya tong Doctor ako ang tatanungin. Eh kung palit kami.Hmp!
"Sa third eye ko po"
"Payag kana?.Sigurado kaba? Handa ka ba sa kung anuman ang kahihinatnan mo?"
"Tandaan mo, hindi kita pinipilit iho. Siguro bigyan mo pa ang sarili mo ng panahong makapag isip."
Isip? Eh ngayon nanga nawawala si Master. Mag iisip pa ako? Bobo batong doctor nato.
Wahhh!!!! Nakakabaliw siya huhuhuhu
"Kailangang ngayon na doc, ngayon na dapat. Kailangan kong iligtas si Master"
"Matanong nga kita iho. Ganito ba talaga kahalaga sayo ang multo nayon na kaya mong gawin ang lahat? Di mo manlang naisip na kapag wala na siya sa buhay mo eh babalik na sa normal ang dati mong routine?"
Oo nga noh. Kapag wala na si Master! Wala ng pangit, masungit, pangit, seyoso, tapos pangit, nakaka asar, feeling donya at many kapangitan more. Wala na yon? Kung iisipin ko palang wahhhh. Naiiyak na ako...
*pout
Wala na. Huhuhu Wala na ang masungit na pangit na multo. Wala ng kakausap sakin, magbabantay, mag papatawa, iintindi.Wahhhh!!!! Gusto ko rin siyang tulungan, wala pa kaming alam sa nakaraan niya. Wahh!!!! Master! Hhuhu
"Disidido napo ako doc!"
"Nah?"
"Buksan ang Third eye ko po!"
"Pero-"
"Wala ng pero pero doc, wala na tayong oras. Kailangan ko ng iligtas si Master"
"Kaso-"
"Doc naman eh, buksan niyo na kasi ang third eye ko ng matahimik-"
"Tumahimik ka bakla!!!"
" Bakla? bakla? *O.O*"
"Hindi ako bakla doc, at bakit parang ang high pitch ng boses niyo po. Parang babae, kayo yata ang bakla eh"
Nagtagpo ang mga kilay ko sa mukha ni Doctor. Para siyang naiihi na iwan, yong mga labi niya parang naka glue na di maibuka.
"Tanga ka talaga kahit kailan. Weakling!!!"
Weakling?
*O.O*
"Master!!! Wahhh asaan ka master! bakit di kita makita. Pi-pinatay kaba nila? Isa kana bang kaluluwa? Wahhh!!! Master!!!"
"Tanga!"
"HAHAHAHAH!!"
Mabilaukan ka sana doc.
*pout
"Nasa gilid mo lang ako"
Paglingon ko eh andito ka. Prenteng naka upo na akala mo wala siyang pinag alalang pogi.
" Kailan kapa diyan Master?"
"Ngayon lang"
"K-kinuha kaba talaga ng mga yon master? P-paano ka nakaligtas? Sino ang tumulong sa iyo? Nasaktan kaba? Asaan masakit?"
"Ewan ko sa iyo, kahit kailan talaga. Ang bobo mong bakla ka"
*pout
Maka bobo wagas ah..
"Excuse me lovers. Nandito pa ako hahahah"
Agad akong lumapit kay master at bumulong.
"Alam mo ba master. Parang baliw yang doctor nayan, tapos kanina payan tawa ng tawa. Wala namang nagbibiro."
"Tumahimik ka nga, anyway doc sorry sa abala. Ang OA lang talaga nitong isa. Maraming salamat sa oras. Mauuna napo kami......Ulitin mo yan weakling"
*Pout
Ako na uto-uto naman ay sinunod siya.
"Walang anuman iha-"
"Master! Magpapabukas pa ako ng third eye. Ano kaba."
"Walang third eye third eye na mabubuksan weakling. Tumayo kana diyan at uuwi na tayo"
*pout
Magpapa bukas pa kasi ako eh.
"Doc, support lang daw si master. Hehe buksan niyo na po doc. Ramihan niyo lang ng anesthesia heheh"
"Aisshhhhh!"
Multong stress. Mas lalong pumapangit hahahah.
"Nako iho-"
"Sige na doc"
"Pero kasi-"
"Doc....ano po ba ang gagawin ko para pumayag kayo?"
" Iho....opssss!!"
Bubuka na sana ang bibig ko eh.
*Pout
"Ako muna ok. Pwedeng patapusin mo muna ako?. Una, walang operasyon, pangalawa hindi kita bubuksan nito kapag wala pa yong..alam mo na. "
Alam ko na?
"Di ko pa po alam doc"
" Hindi ka magpapa bukas ng third eye kaya umuwi na tayo. Halika kana bakla ka! Nakaka inis nayang kabobohan mo. Arghhhh. sabihin mo sa Doctor paumanhin"
"Paumanhin Doc. Emmanuel.....
Pero para saan master-"
Kinaladkad ako ni master ng walang pag alinlangan. Walang modo. May kausap pa akong baliw dito eh. Syempre nagpatangay nalang din ako.
Hahah ang sarap kaya sa feelings. Try niyo.....
Kaladkarin ng multo. *Smile
"Pero Doc!!! Di ko po talaga alam!!!"
*Pout
Nasa labas na pala kami.
"Kung hindi mo alam, huwag mo ng pilitin. Pumasok kana sa kotse at umuwi na tayo weakling!"
"Ito na nga oh"
"Bilis"
Ang atat ah...
" Ikaw kaya magmaneho"
"Sigurado ka? Baka mamaya, katulad narin kita"
"Ako na nga eh, sabi ko nga"
Her POV
Minsan, sinasagad na talaga ako sa kabobohan ng baklang ito. Anong akala niya sa bagay nayon, biro biro lang? Alam ko naman kasing nag-aalala lang siya sakin at syempre ganun din ako pero sana gamitin din ng maayos ang isip diba.
Arggghhh. Weakling ka talaga, ang dali mong matinag bakla ka.
"M-master?"
"Ano!!!?"
Hindi naman sa naiinis ako pero ganun na nga siguro.
"Heheh peace na tayo master. Saan kaba nag punta?...Ay! Sorry pala master sa pang i isnob heheheh."
Pina alala pa tssss.
"Master???? Bati na bah tayo? Hehehe tara hanapin na natin kamag anak mo."
Wow himala, sumipag.
Kapag talaga may nagawa kang kasalanan, tiyak bigla kang sisipag.
"Yuhoooo master! Peace na tayo pleaseeee....."
Ang kulit....
"Master-"
"Oo na, Oo na. Pwede ba tumahimik ka muna?"
Ayan na naman siya sa pout pout nayan tsssss.
"Pssst Master???"
Arggghh!!!
"Ano na naman?!!"
"Amff hehe magbibihis po ako master. Hindi ko alam na atat ka palang makita itong-"
Tumalikod agad ako at tuwid na lumabas sa pinto ng comfort room niya.
"Rami pang satsat, magbihis kana lang"
Pagsusungit ko upang maitago ang pagkahiya. Natatakot kasi ako na kung mawala ni isang segundo ang bakla nayon sa paningin ko baka kung ano na namang kabobohang desisyon ang gagawin.
"Ayssuuuuss ikaw master huh! Hoi master. Halika pasok ka. Hindi nangangagat ang aking cobra master! Hahahah"
Cobra? Kailan pa siya nagkaroon ng alagang cobra?
Dilikado yon ah. Paano pag na kagat ang bakla. Arghhhh!!!!
"Weak-"
"Naghahanap lang siya ng kanlungan master, masisilungan! kuweba na mapapasukan! Hahaha"
Kuweba?
Cobra?
*O.O*
"Saan mo na naman ba nababasa yang mga yan hah weakling!! Kadiri ka!"
"Kadiri, duhhhh. Be matured."
"Kung maturity lang rin naman ang pag-uusapan. Weakling wala ka non. "
Naiisip ko na ang labi non na naka nguso na naman.
"Pwede bang iwasan mo ang pagbabasa ng kung ano-ano!"
"Hindi nga kasi ako nagbabasa ng kung ano-ano master!!!!"
"Tum-"
"Nanonood lang, may live, may replay. Pwedeng e paused pwedeng e forward. Master, ano gusto mo? Yong nonstop o minutes lang? Ay theme master You like? Marami akong extra. Master? Master?"
"Arghhhhh!!!!!!!! Sana maputol yang cobra mong weakling ka!!"
"Pero master, sayang ang kamandag"
Kamandag?
"Kailangang may masalinan ako ng aking napakasarap na kamandag! hahah"
Arghhhhh!!!!!!
Buweset buweset.
"Tuklawin ka sana ng totoong ahas diyan! Weakling!"
"Wahhhh Master, wag kang mantakot!"
Dinig mula rito sa labas ng kaniyang kwarto ang OA nitong paghihiyaw.
Cobra?
Ganun ba talaga kalaki para tawagin niyang cobra?
Kamandag? Paano ba isasalin ang kamandag...
Ahhhh shit!!! Ayaw ko sa mga imahing naglalaro sa isip ko.
Linisin niyo ito!
Makasalanan! Sasarhan ako sa mahiwagang pasukan ng langit nito.
Weakling! Kahit kailan talaga.
----
©BinibiningHari
A/N: Paalala ko lang po. Ang panangga na nabanggit ay gawa gawa ko lamang. Hindi ko ito si-nearch at wala din akong tinanong na mga experto kaugnay sa bagay na ito. Maraming salamat sa pagbabasa. Stay tuned. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro