Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

                               Her POV

"Multong liwaliw, ano ba ang nangyayari? Sino ba ang mga iyon? Ano ang kailangan nila sa akin?"

"Hinay hinay lang Lady Mango. Hahah"

"Nalilito na kasi ako!!! Pumupunta ako sayo para naman may kaalaman ako sa mga bagay bagay pero bakit hindi mo sinabi ang tungkol dito?"

"Dahil ang akala ko'y kaya ko"

"Kaya mo?"

"Kaya kong protektahan ka. Hindi ko sinabi dahil ang akala ko'y kaya ko silang pigilan na di makalapit sayo. Ayaw kong masira ang masasaya niyong mga araw. Pero akala ko lang pala, kasi kong hindi pa ako dumating kanina.... Siguro'y.."

"Siguro'y?"

"Siguro'y isa kana sa kanila."

"Noon ko pa napapansin ang mga presensya nila Multong Liwaliw. Maging presensya mong tahimik silang nilalabanan. Pero bakit ako?"

...

...

...

"Master!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"May kausap ako dito tumahimik ka Weakling ka!!!!"

Para akong tinubuan ng sungay dahil sa subrang inis. Anghel lang ang gusto ko.

"Ok payynnnn!!!"

Tssssss... Gumagawa ng paper works ang bakla sa loob ng kaniyang kwarto, nandito naman kami ni Multong Liwaliw sa painting Room na hindi sa kaniya kono.

"Sila ang mga Itim na kaluluwa."

Tsss makikita naman. Itim na itim na nga sila eh alangan namang puting kaluluwa diba?

" Tapos?"

"May Limang uri ang Kaluluwa Lady mango"

Hindi na ako sumabat dahil naghihintay nalang ako ng susunod niyang sasabihin.

"Itim na Kaluluwa, Puting Kaluluwa, Nakatalagang Kaluluwa, Ligaw na Kaluluwa At Buhay na Kaluluwa"

Buhay na kaluluwa?

"Alin ako dyan Multong Liwaliw?"

Alam kong isa siyang Nakatalagang Kaluluwa. Dahil binigyan siya ng posisyon na ginagampanan niya.

Pero ano ako? Puting Kaluluwa? Siguro, dahil White Lady ako.

"Ahhhh alam ko na. Isa ba ako sa nabibilang bilang isang Puting Kaluluwa?"

"Hindi"

Ha?

"Ide isa akong ligaw na kaluluwa Multong Liwaliw?"

Pumikit siya ng mariin, tila nagdadalawang isip na sasabihin ba niya ito sa akin.

"Itim na kaluluwa, sila yong may masasamang budhi, lumalabas upang maghasik ng lagim. May makapangyarihang itim na kaluluwa, sila lamang ang nakakalakbay mula sa umaapoy na dagat sa ilalim ng lupa, sila ay yong kanina mo nakita. Puting kaluluwa, sila yong mga kaluluwang may busilak ang puso , ang tanging hangarin ay kabutihan na nakatira sa itaas at nabibigyan ng pagkakataon na bisitahin ang mga mahal sa buhay dito sa ibaba. Sila ang mortal na kaaway ng mga Itim na Kaluluwa. Batid mo naman na siguro ang Nakatalagang Kaluluwa. Oo kami iyan, kami itong nabigyan ng pagkakataong manirahan sa mundo ng mga buhay upang mabantayan at maalagaan ang sarili nating mundo, ang mundo ng mga patay.  May taga sundo, taga payo, taga parusa at tulad ko taga bantay. Kami itong lumalaban laban sa mga itim. "

"Hmmmm?"

"Ligaw na Kaluluwa...Sila yong hindi mahanap ang sarili, hindi handa na lisanin ang mundong ito, sila yong  hindi pa tanggap ang nangyari. Kaya nabigyan ng tatlong taon upang masagot ang mga dapat nilang malaman..

Ako ba iyon? Ako yan. So bale may tatlong taon ako dito upang malaman ang nakaraan ko.  Kasi sa pagkaka tanda ko 40 days lang mananatili ang kaluluwa dito sa mundo pagkatapos ma sawi at tuluyan ng mailagay sa kung saan man nararapat.

...Buhay na kaluluwa. Sila yong may pag asa pang mabuhay. Sila yong lumalaban sa bingit ng kamatayan, may taong naghihintay. Mga kaluluwang maamoy sa mga itim na kaluluwa."

"Hah?"

"Siguro naman alam mo na kung saan ka nabibilang diba?"

"Oo a-alam ko na"

His POV

Aisshhhh bat ba ang hina ng boses ng pangit na multo. Di ko ma dinig eh.
Mas idiniin ko pa ang tainga sa pinto.

"May narinig ka ba?"

"Shhhh.. huwag kang maingay. Mahina ang boses eh."

"Talaga ba? Pumasok ka nalang kaya weakling?"

"Teka lang naman master, baka kasi makita ako ng pangit nayon, masungit pa naman yon, baka makain ako non ng dahil sa inis. Bakit ba kasi ang unfair.. unfair. U-u-u-"

Shit!!!! Paano?

"P-paano ka napunta dya an master? S-saan ka dumaan? Eh hindi naman bumukas ang pinto?"

"May katangahan pa ako dito, baka gusto mong idagdag sa iyo?"

"Am bad mo! Huhuhuhu....Kung hindi dahil sa makisig kong katawan baka nakuha kana ng lagusan na yon"

Hindi man lang nagpasalamat.

"Ehhh ang tanong. Ikaw nga ba talaga?"

"Hah?"

"Wala wala! Weakling"

Ano ba ang nangyayari kay master? Kanina ko pa napapansin na pa tingin tingin siya sa labi ko. Alam ko naman na ka akit akit ang taglay kong karisma idagdag pa ang perpekto kung napaka pogi na mukha. Hindi na nakaka pagtaka.

"Weakling?"

"M-master?"

Sira naba pandinig ko, bakit parang  napaka lambing ng pag sambit niya sa pangalan ko?

"Lapit ka nga"

Sinunod ko naman.

" Pumikit ka"

(-.-)

Pumikit ako habang unti unting nginuso ang labi.

Oh come on... Bat ang tagal.

Ito na..

Na fe feel kong malapit na.

Ito na..

"Sir!!! Sir!!! Your parents are here!!! Are you already awake sir?"

"Sir sir!!!!!!"

"Tawag ka weakling!hoi gising. Anong nginunguso mo diyan? Hoi ikaw hah! Anong panaginip mo bakla!!!"

"Ahhhhh!!!!!!!!"

"Sir sir ok lang you. What the cause of your yelling sir? Is everything alright there?"

Nakaka stress itong englisera kong katulong. Na bitin ako!

Wait...

What?

Anong na bitin? Saan ba ako na bitin?

"Wahhhh!!!"

Bad dream. Nightmare nightmare.

"Wahhhhh!!"

"Yong nanay at tatay mo kamo nasa labas bumibisita sayo!"

"Alam ko alam ko! Nadinig ko!"

"Sinisigawan mo ba ako hah bakla?" .

"H-hindi naman. Sabi ko babangon na ako at sasalubungin sila ng masarap kong h-h-halik"

Tumakbo agad ako papasok ng banyo. Shittt. Ako ang nahiya sa panaginip ko. Shitt.

Teka.. ako lang naman talaga ang mahihiya kasi panaginip ko yon. Minsan tinatamaan ka talaga ng kabobohan self.

"Ma. Ako na diyan."

Pilit kong inaagaw kay mama ang mga gulay.

"Ano ka ba naman anak, minsan lang kita madalaw dito kaya hayaan mo na akong pag silbihan ka. Sige maupo ka nalang diyan hah. I'll cook your favorite hmm"

Aisshhh ang kulit.

"Si papa?"

"Nasa labas pa, hindi pa nga yon pumapasok dahil nakasalubong yong dati niyang kaklase kaya ayon nag kukwentuhan sa labas. Tawagin mo nga."

"Huwag na, papasok din yon. Tulungan nalang kasi kita jan Ma"

"No"

Aissh.

"Son!"

Nag manly hug kami ni Papa bago niya halikan sa ulo si Mama. Oh so sweet. Damn. Nakaka inggit.

" Anak? Kumusta ka naman dito? Minsan ka nalang tumawag samin ng Mama mo? Are you busy on something?"

"Ahhh hindi naman Pa, medyo kailangan ko pa kasing tapusin yong requirements namin for this coming graduation"

yes, requirements like. Passing grades ang complete projects. But of course tapos ko na yan lahat. Busy lang talaga ako dahil sa Pangit na Multo. Asaan naba yon?

"Ahhhh, malapit na pala graduation niyo. We're so proud of you son"

"Thank you pa"

"Hon, con you pass me the bottle of tomatoe sauce?"

"Asaan?"

"Nasa likod mo Pa"

*Boggsh*(nahulog na botelya)

Nasagi ito ni Papa kaya nahulog at nabasag.

"Naku sir ako na ang maglilinis diyan"

Napako ako sa kinatatayuan ng makita ang nagkalat na pula sa sahig.

"M-ma?"

"Bakit anak?"

"Did I killed someone?"

"W-what??"

"Am I a criminal? Did I ever made someone into a lifeless, did I caused them to flow thier blood on the floor. Did I? "

"N-no of course not. Bat mo naman yan nasabi?"

"Is this why you didn't told me the reason of my memory lose? Why you didn't told me my past? Because it's something injustice of me, something I'll regret in my whole life?"

" You got it wrong Son"

"Then tell me! Tell me everything! Why I always dreamt myself killing someone! Why I dream about you cheating.... And I-i even k-killed your mistress. Was it all my memories? Wasn't it?"

"Tell me. Kasi, nakakalito na eh. "

"I never cheated son, I love your mom and no one can ever replace her in my heart."

"Tama ang ama mo anak. Hindi siya kailanman nangaliwa. That dream, was all a lie. Walang katotohanan ang mga yan. Maniwala ka sa amin anak"

"Maybe because you are fond of watching action movies, kaya nakakapanaginip ka ng ganiyan. don't take what you've watched or read seriously anak."

"O-ok"

Hindi parin ako kumbinsado, kasi hindi ako mahilig manood nor reads na action ang genre.

"Sa sala muna ako"

Bago pa man sila makasagot ay tumalikod na ako.

"Master psst!"

Mahina kong tawag sa prenteng nakaupo sa sofa na pangit na multo.

"Bakit weakling?"

"Wala lang"

" Saan ka?"

Mahina parin ang tono ko baka kasi ipadala na talaga nila ako sa mental.

"Master psst saan ka?"

Tumayo si master na para bang papunta siya sa Kusina.

Sinundan ko siya, sinundan ng tingin ko ang mga ginagawa niya.

Maging ang paghaplos niya ng malamyos sa pisngi ng aking ama.

Ano itong nararamdaman ko?

Bakit parang nasasaktan ako sa nakita?

H-hindi to maaari.

Hindi ko na pinatagal pa at agad na tumalikod.

Sana pala nanatili nalang akong naka upo doon ide sana hindi ako nalilito ng ganito.

-----

©BinibiningHari

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro