Chapter 15
Her POV
Napangiti ako habang nakatingin sa mukhang balak yatang maging pato. Nakapikit ang mga mata habang naka nguso ang labi. Ang kyut. Oppsss.. Secret lang natin yon.
Umalis nalang ako kahit na alam kung di ako nakikita ng mga tao sa parteng ito. Bahala siyang siya lang ang mapahiya. Hahahha. Akala niya naman siya ang makaka una ng virgin pang lips ko. Shit! *Pak* natampal ko ang ulo sa mga naiisip. Talagang masamang impluwensya ang baklang yon.
"M-master!!!! Ang bad bad mo talaga wahh!!!"
"Pffft? Paano ako naging bad? Dahil ba?"
Hahaha
"Dahil?"
Para siyang isang enosenteng tuta na nakatingin sa maaamo kong mukha. Shit. Bat ba naging mahangin na ako. Masama to.
"Dahil..... Hindi kita hi- hi-?"
"Hi?"
Pffft hahaha.
"Hi...hi..hinalikan..Hahaha nakita mo sana mukha mo kanina weakling super epic. Nakakatawa promise. Wala bang rewind dyan?"
"Am bully mo talaga Master!! Anong nalanghap mo't naging ganiyan ka? Naka drugs kaba? Tell me! Isusumbong kita! I'll report you to the-"
"Nandito na tayo. Umakyat kana. Maligo ka dahil abot sa kabilang bakod ang amoy mong bakla."
"Ewan ko sayo!! Gusto mo lang akong silipin. Duhhh kasi nga may lihim kang pagnanasa sa nakaka akit kong katawan!"
Ewww gross.
"Never. Now magbihis kanalang. Ma lalate kana. Baka pag dating mo don eh wala kanang madatnan. Bakla kapa naman"
Maakit daw? Hahah. Palabiro talaga.
"M-master k-kapag ba pagpunta ko sa sementeryo marami akong makikita na multo? Nakakatakot siguro yon. Maraming mga sugat. Tapos baka yong iba walang ulo, paa o kung ano pa. Shit. Di nalang kaya ako tutuloy?"
Ay bakla nga. Pero opurtunidad narin ito para malaman ko kung nakakakita ba talaga ang baklang ito ng multo. Dahil isang malaking katanungan kung bakit ako lang ang nakikita niya.
"Saka ka pa mag ba back out gayong nasa harap kana ng gate?"
Everlasting Memorial Park
Batid kung mayayaman lang ang nakalibing dito. Sana naman kahit libingan ko eh alam ko. Para makitang nasa maayos ba ang pwesto ko. Hindi ba ako naiipit o pinapatungan. Nasa mayayaman ba ako na sementeryo.
"Parang ikaw yata ang takot master eh"
"Tsss. Tara na"
"Wahhh. Titser. Mamimiss ka namin. Kahit napaka terror mo. Mamimiss ka parin namin."
Isang bakla ang nagsusumigaw habang pailalim na ang kabaong. Isa isa namang naghagis ng bulaklak ang narito. Sa natatandaan ko. Isa siyang Dean ng University nila weakling, nasawi dahil may bone cancer na malala na masyado.
Tiningnan ko ang matanda, yes nandito siya kasama namin. Nakatingin sa mga tao sa paligid na luhaan. Huminto ang mga mata niya sa akin, ngumisi ako. Ngunit pinag taasan lang ako ng kilay, tama nga sila. Masungit nga hahah.
Umiwas ako ng tingin at nilibot nalang ang paligid. May ilang multong nagkukwentuhan, may ilan namang walang paki alam sa paligid mas gustong mag isa.
Agad na kay weakling ang pansin ko nang may humawak ditong batang multo.
Pero dedma lang ang bakla. Hindi niya ba nakita?
Nagsiuwian na ang mga tao habang medyo nasa huli naman itong si bakla kasama ang pamilyang namatayan.
"Auntie, sorry for your lose I will pray for Deans peaceful journey. Take care. And be strong."
"Thank you so much iho. Tita was so much lucky to have a loving students like you. Mauuna na kami. Sigurado kabang di kana pupunta sa bahay? We had prepared foods there."
"No Auntie I have somewhere else to go. Salamat nalang po. Mag iingat kayo"
Nang malayo na samin ang mga tao. Ay agad ko siyang tinanong.
"Wala ka bang nakikitang multo? O di kayay nararamdamang kakaiba?"
"Oh My Ghost!!! Master!"
Napalundag ako dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Nakakita ba siya?
" Oo marami master. Nasa tabi tabi lang natin. Nakakakilabot master tara na baka kung ano pa ang gawin nila sa akin!"
Tsss.
"Walang multo sa paligid weakling. Huwag kang mag imbinto. Tara na. Baka magkakatotoo pa sinabi mo. "
"Wahhh!!"
Kumaripas ng takbo ang bakla patungo sa pinag parkan niya ng sasakyan.
Hahaha. Isip bata.
"Oh nyare sayo?"
Nakaupo ito na parang tumatae habang nakanguso at naiiyak. Trip ng bakla?
"Huhuhu..Kakasuhan ko sila!"
"Sino ba kalaban mo dyan weakling?"
"Yong mga bubwit na puwit ko lang ang mukha... M-master...huhuhu na flat yong gulong wahhh!!!"
Nagpapadyak ito at tuluyan nang nakaupo sa mga damo. Damn so cute.
"Wala naman akong ginawang kasalanan? Ba't akin pa ang pinag tripan nila? Ahhhhh. Paano na ako uuwi nito?"
Tsssss.
"Marami pa namang mga lamok. Bawal akong makagat!!"
" Bawal akong gabihin!"
Pffftt. Bakla.
"Tumayo ka nga dyan. Nakakahiya ka. Hindi ang mga batang yon ang may gawa weakling huwag kang mang bintang."
Hindi ko nakitang lumapit ang mga batang yon sa kotse ni bakla dahil galing ito sa katabi na kotse. Siguro ito ay sa kanila. Di naman bsta bsta nakakapasok dito ang mga tao o di kaya'y batang kalye dahil may nakabantay'ng guwardya.
" Ehh sino?"
Napunta ang mata ko sa itaas na parang naghahanap ng sagot habang nasa baba ko ang kanang kamay.
"Hmmm"
"Hmmm?" Kuryosong kuryoso talaga siya. Haha.
"Ito ay............ang dahilan ay......."
"Ay?"
"Ay...boom!! Walang dahilan. Kapalaran niya yan! Weakling"
Napaigtad siya ng sumigaw ako ng boom haha.
"Wahhhh!!!!! Am bad mo!"
" Doon nalang kaya tayo sa guard house maghintay master?"
Pina tow niya nalang ang kaniyang sasakyan dahil walang duty ngayon yong repair shop na pwedeng tawagan. Kaya nag book nalang sya ng service with driver na. Kung di pa sana siya nagdadrama kanina edi sana makakasakay pa sya sa mga dumalo ng libing.
"Dito ka lang. Lalabas ka lang weakling kapag tumawag na ang driver ng taxi sayo"
Wala akong tiwala sa mga guwardya nayon.. Fine! Nag aalala ako kay weakling dahil babakla bakla yan. Yong dalawang guwardya sa labas, malalaking tao.
Shit!!!! Dumilim bigla ang kalangitan, nabuo ulit ang bilog na kailanma'y di ko pinangarap na makita muli.
Ang Itim na Portal!!!
"Ano ba ang kailangan niyo sa akin hah!!?"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan maste...herrrr....A-ayan na naman master!!! Yong humihila sayo Master!! Anong gagawin natin??"
Hindi ko alam weakling.
"Weakling takbo!"
Agad na kumaripas ng takbo ang bakla habang ako ay pilit na nilalabanan ang puwersang humihigop sa akin. Kaya ko to! Kaya ko to! Hindi ko pa alam ang tunay na ako! Wala pa akong alam! Hindi ko pwedeng iwanan ang isa diyan! Hindi ako papatalo!
"Ahhhhhh!!!!!!!!!"
Sumigaw ako ng tuluyan na akong natangay pero buti at may isang puno akong nakapitan . Kunti nalang papasok na ako sa Portal.
"M-master!!!!!!!"
"Huwag kang bumalik weakling. Umalis ka na! Susunod ako!!!"
"H-hindi p-pwede!!!"
Shit. Bakla ka! Sabing umalis kana eh.... Tumakbo ito papunta sa deriksyon ko.
"H-hindi kita ma-a-abot master!"
Ako na nga tong hinihila, siya patong naiiyak. Tssss. Bakla....
"Umakyat ka nalang!"
Nasa mataas na parte ng kahoy ako nakakapit.
"Di ako marunong u-umakyat"
"Ide umuwi kana! Tang ina naman! Susunod sabi ako! Ahhhhh!!"
"M-masterr!!!!!!!!!"
Tuluyan na akong napabitaw. Narinig ko pa ang mala demonyo nilang tawa.
Mga itim na kaluluwang batid kong noon pa ako sinusundan.
"W-weaklinggg!!!!!
------
©BinibiningHari
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro