Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

                               Her POV

Kanina pa ako nakasunod sa bakla na lumabas lang kanina dahil may bibilhin daw tapos ito na nga kami ngayon paikot ikot. Hindi ko alam kung anong kabaklaan na naman ang naisip  ng isang to.

" Hindi ka pa uuwi?"

Aligaga parin ang bakla na parang may hinahanap.

"Hoi waekling?"

" Wahhhhh Master!"

Naiiyak na ang mukha nito.

"pfffft"

Hindi ko maiwasang matawa.

" P-paano tayo uuwi k-kung hindi natin alam ang daan p-pauwi?"

Ay bakla.

" Nawawala ka weakling?"

" A-anong ako? pati din naman ikaw ah!"

" pfffft, sumusunod lang ako sayo kaya  ikaw tong nawala"

" Ang gulo mo master! huhuhu paano nayan master palalim na ang gabi?"

"Kaya mo bang patigilin ang takbo ng oras?"

"Tumatakbo pala ang oras master?"

*glare*

*pout*

" Ang daya mo, kapag ako namimilosopo ang sama na agad ng tingin tapos ikaw ok lang? abah master nakakalalaki kana ah"

*glare*

"Walang magpapasakay sayo dahil isa kang baklang baliw sa gitna ng kalye"

Napatingin ang bakla sa paligid. Nanlaki agad ang mata nito ng mapansing halos lahat ng tao sa paligid ay nagtatakang nakatingin sa kaniya.

" Wahhhhh, master ang pangit mo ang sama mo huhuhu."

Mahina na nitong bulong habang nakayukong tumawid sa kabilang kalye. Ok ang cute niya.

"Hindi na talaga kita kakausapin, mamatay ka man!"

" Tangang bakla"

*pout*

"Maka tanga"

" Ipaalala ko lang ha, patay na ako. Baka ikaw gusto mong mamatay rin?"

"Wahhhhhhh!!!!!!!!!!"

Ayon nga, hindi lang mga taong naglalakad kundi pati ilang kotse sa malapit ay napahinto narin dahil sa ginawang pagsigaw ng bakla. Tssss.

" Ok kalang iho?"

Isang matanda ang huminto sa harap ng bakla.

" O-opo Lola hehe ayos lang ako"

" Oh sige, umuwi na kayo ng kasama mo"

" P-po, ako lang naman m-mag-isa ah"

Tumingin ako sa matanda. Alam kong hindi niya ako nakikita. Pero paano? Ilang tao paba ang katulad nilang may kakayahang malaman ang presensya ko. Simula ng makita ako ng bakla ay unti unti narin akong napapansin ng karamihan.

" hahaha, huwag kanang magsinungaling iho. Ako nga may kasama rin eh. Sige alis nadin kami. Paalam sa inyo iho at iha"

Tulala ang bakla ganun din naman ako. So ang lalaking yon na akala ko ay pagala gala lang ay kasama niya pala? Binatilyo ang pustura ng lalaki, tumingin pa siya sa akin bago inakbayan ang matandang nakausap ng bakla kanina.

Para silang lovers hindi mag lola.

" Weakling"

"Oh my ghost! master!"

" Huwag ka sabing sumigaw, kita mo walang humihintong  kotse sayo"

*pout*

" Eh kasi naman master, nagtaka lang ako"

" Na?"

"Bakit hindi ko nakita ang sinasabi ng matanda na kasama niya? may kasama ba talaga siya master? eh diba  nakakakita ako ng multo?"

"Abah, ewan ko"

Bakit nga ba? akala ko ba bukas ang third eye niya kaya niya ako nakita sa punong yon? dagdag kalituhan nanaman.

"Sino ang kasama ng matanda kanina master?"

"Pabalikin mo dito at tatanungin ko"

*pout*

"Ang sungit ng pangit. Lalaki ba master?"

"Oo"

"Gwapo ba master?"

" hmmm, wala na ang kanan niyang mata tapos dumudugo ito. May malaking ikex(X) naman sa noo. Tapos may butas ang leeg niya,gawa ng kutselyo oh tama ng baril siguro hmmm ano paba.. "

" H-huwag na, hehehe o-ok nayon. Hindi ako interesado."

" Matatakuting bakla"

" Pangit na multo!"

" Gusto mo?"

" Ang alin master?"

" Pangit?"

" Ahhahaha h-huwag na master yan nalang. M-maganda ka naman diyan hehe. Para taxi!"

Pffffttt. Bakla.

Napahinto ang sasakyan ng may isang dilaw na sasakyan ang nakaharang sa lane namin.

Hmmmm ano kaya ang problema? lumusot ako sa kotse.

"Mga taksil!!! ilabas mo sa akin iyang kereda mong hayok ka!!! hindi kapa nakontento sa akin at naghanap ka pa ng iba!"

Isang matangkad na magandang babae ang kumakatok ng malakas sa bintana ng dilaw na sasakyan. Asul naman ang kotseng nakahadlang sa kanilang daraanan. I think sa babaeng   nagsisigaw ito.

" Malandi!!!"

-------

*pakkk!!!!*

"Malandi! kahit may asawa na pinapatulan!"

"Yan ang bagay sayo. Sa putik ka nag mula, putik din ang kakainin mo!"

Sinampal na nga, nginudngud pa sa putik ang nakakaawang babae. Pero sino sila? bakit kasi ang layo ko. Kapag lumalapit ako ay lalong lumalabo. Sino sila?

----------

" Master"

Bulong ng bakla.

" Ano!?
Gusto mong tanong tanungin kita diyan tapos matatakot sayo ang driver at palalabasin ka niya. Paglabas mo ay sasalubong sa iyo lahat ng klase ng multo?"

Hindi ako galit. Tsssss.

" Amf heheh, ang high blood naman. Wala ka namang dugo"

"Sisimulan ko naba?"

*silence*

Good, kailangan ko ng katahimikan.

                              His POV

Ano bang problema ng multong ito? eh dapat tayong mga buhay lang ang may problema, ngayon ko lang nalaman pati din pala mga multo. Wahhhhh Oo nga bakit kaya hindi ko nakita ang lalaki kanina? Napaisip naman ako sa maaaring itsura nito base sa paglarawan ni master. Hayyy buti nalang hindi ko nakita.

Sa totoo lang nalungkot ako ng malamang ganun ang kaniyang mukha gaya kay master noong pina pangit ni master ang itsura niya. Kasi ang saklap naman, namatay sila ng ganun. Kay master hindi ko alam parang sanhi ng aksidente ewan ko lang pero doon sa lalaki alam kong grabi ang paghihirap niya bago nawalan ng buhay.

Kaya ako!

Pangako ko sa sarili ko.

Mamamatay akong guwapo.

Hehehe.

Hindi,mamamatay akong matiwasay.
Pero kasi ayaw ko pang mamatay. Dahil kahit gaano pa ka ginhawa ang pagkasawi ko ay papapangit parin ako. No way. Itong si master kasi eh.

*glare*

Oh kita muna, nananahimik ako dito tapos ganyan kung makatingin.

*pout*

----

©BinibiningHari

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro