EPILOGUE
PAGKATAPOS lumiko ni Jethan sa pamilyar na direksiyon, kaagad na bumungad sa kaniya ang mga kabahayang bago sa kaniyang paningin. Noon ay 'di pa gaano karami ang mga bahay rito.
Oo nga, nakapunta na siya rito ngunit iyon ay isang beses lamang at iyon ay noong ipinagmaneho niya ang kaniyang anak pauwi galing sa ospital. Hindi naman siya nagkaroon ng panahong magtingin-tingin at sumunod lang sa ibinibigay nitong direksiyon.
At oo, ngayon lang niya napagtanto na sa kabilang kanto nga lang ang bahay nila ng Nanay Epe niya kagaya ng nakita niya sa kaniyang ala-ala habang nasa langit pa siya.
Bumaba siya kaagad mula sa sasakyan nang makita niya ang isang pamilyar na bahay. May gate na nakapalibot sa bahay kaya mahirap nang pumasok kaagad. Nanginig na pinindot ni Jethan ang doorbell sa gilid ng gate.
Ilang beses niya pang pinindot ang doorbell bago niya narinig sa kabilang bahagi ng gate na may nagbukas sa pintuan ng bahay at naglakad patungo na sa gate base sa tunog ng mga yapak nito.
Kaagad na inayos ni Jethan ang kwelyo ng kaniyang itim na short sleeved polo shirt. Pinasadahan rin ng kaniyang kamay ang kaniyang damit na parang pinaplansta ang mga gusot na parte nito.
Ramdam na ramdam ni Jethan ang tensiyon sa kalooban niya. Hindi na rin niya nabilang kung ilang butil ng pawis ang nahulog mula sa kaniyang mukha.
Ano na kaya ang mukha ni Heidi? Ganoon pa ba ito kaganda? Ganoon pa rin ba ang pabango nito? Ganoon pa rin ba ang gupit ng buhok nito? Ganoon pa ba ito ka-malumanay magsalita?
Naestatwa si Jethan nang bumukas ang maliit na pinto na parte lang ng napakalawak na gate. Dahil maliit ang pintong iyon ay kailangan pang mailusot ang ulo bago pa mailabas ang buong katawan lalo na sa ala-ala niya, mas matangkad si Heidi kaysa sa pintong nasa harapan niya.
"Ano po ang kailangan nila?" Tanong ni Heidi nang inilusot nga nito ang ulo ngunit hindi naman inilabas ang buong katawan.
Ang mahal niyang asawa...
Ganoon pa rin ito. Hindi maitago ng wrinkles at mga uban ang magandang taglay nito. She's got the same crimped hairstyle that reaches few inches above her waist.
Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Jethan ang asawa mo! Sigaw ni Jethan ngunit hindi niya nabuksan ang kaniyang bibig upang magsalita. Kung sakali mang sabihing niya ang mga katagang iyan, hindi rin naniniwala ang kaniyang asawa.
Kahit na gusto niyang hapitin ito sa baywang ay pinili nalang ni Jethan na sagutin ang tanong nito, "Kaibigan po ako ni Jeth. Sabi niya may pag-uusapan raw kami sa bahay niya."
Oo nga naman, hindi siya nakikilala nito sa kaniyang bagong katawan. Ang magagawa lang ni Jethan ay pagmasdan ito habang nakatikom ang bibig.
"Gano'n ba? Ngayon ko lang nalaman na may bago pala siyang kaibigan." Sinenyasan siya ng ginang, "Hali ka, pumasok ka."
"Dito ka muna, liligpitin ko muna ang mga gamit ko roon." Kaagad na tumango si Jethan habang pumasok na nga si Heidi upang gawin ang kailangan nitong gawin.
Nang mawala ang atensiyon niya sa ginang at ibinaling niya ang kaniyang paningin sa napakapamilyar na bahay.
Ganoon pa rin ang kulay ng pintura nito, walang bagong mga tanim sa gilid ng pinto, at walang bagong statwa eksaktong gaya ng kaniyang naaalala. Na para bang bumalik si Jethan noon na normal lang at kakagaling niya lang mula sa trabaho kahit dalawamput-dalawang taon nang pumanaw ang totoo niyang katawan.
Patuloy lang sa pagmamasid si Jethan. Paminsan-minsan pa ay hinahawakan niya ang mga halaman na para bang nakikita niya sa kaniyang isipan ang oras na nilaan niya sa pagtatanim ng nga ito noon. Hindi man iyon ang mga halamang siya mismo ang nagtanim, pwede na rin iyon dahil kahit wala na siya, ganoong halaman pa rin ang itinanim ng kaniyang asawa kung sakaling namatay na ang kaniyang dating mga itinanim.
Napatigil siya sa pagmamasid ng bigla nalang may pumasok sa gate. Oo nga pala, nakalimutan niyang i-lock. Mabilis niyang nilingon ang taong gustong pumasok.
Si Jeth.
Ibinalik ni Jethan ang atensiyon sa mga halaman habang inila-lock ni Jeth ang maliit na pinto, "Jethan, magpaliwanag ka naman hindi iyong bigla-bigla ka lang nang-iiwan."
"Sino ang nag-aalaga sa mga tanim rito?"
Jeth answered immediately, "I always water them everyday... teka anong koneksiyon niyan sa tanong ko, Jethan?" Lumapit si Jeth sa kinatatayuan ni Jethan. "Why did you rush towards here?"
"Hinihintay ko lang na lumabas si Heid-iyong Mom mo. May sasabihin kasi ako." Walang ganang sabi ni Jethan. Hindi na kita alam kung paano kakausapin nang maayos ang anak. Kasalanan niyang ni-spoil kita ito nang sobra kaya ayan parang tuko kung makakapit.
Paano niya sasabihin rito ang totoo?
"Pwede namang ako nalang ang magsabi sa kaniya. Is this about our relationship? Are we finally getting some blessings from her?" Sumigla ang boses ng lalaki na parang excited.
"No, nababaliw ka ba." Mabilis at harap-harapang pagtanggi ni Jethan.
Hindi makapaniwala si Jeth sa narinig, "N-Nababaliw? Ako?! Nababaliw-"
"Nandito ka na pala, Jeth. Hali ka na, pasok na kayo ng kaibigan mo."
Kung hindi napigilan ng sarili ay baka naisigaw na niya ang linyang 'pasensiya sa biglaang pagpasok' na kaniyang nakagawian noong siya pa si Jethan Dinagad ngunit alam na niyang siya si Jethan Virordo Junior at alam niyang hindi na iyon kailangan dahil bahay rin niya ito.
Nang makapasok sila ay kaagad niyang tinanong ang ginang, "Can I call you Tita Heidi, Ma'am?"
"Sure, how about you, hijo? What's your name?" Nakita ni Jethan ang pagngiwi ni Jeth, na para bang ayaw nitong malaman ng kaniyang Mom ang pangalan ni Jethan.
Sinigurado ni Jethan na kitang-kita talaga niya ang ekspresyon sa mukha ng ginang bago niya sabihin ang kaniyang pangalan, "Ang pangalan ko po ay Jethan... Jethan Dinagad."
At gaya ng inaasahan ni Jethan, mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi nito. "R-Really? Make yourself at home, J-Jethan. Gagawa muna ako ng juice."
Hindi na rin mapigilan ni Jethan na malungkot nang dumiretso na ang ginang patungo sa kusina. Kahit sino makakapagsabing hindi pa ito nakamove on mula sa pagkamatay ni Jethan kahit napakaraming taon na ang lumipas.
Ang mahal niyang asawa. Ano ba ang ginawa nito para magdusa nang ganoon katagal? Ano ba ang makukuha nito sa pagluluksa sa taong pumanaw na?
Gustong-gusto niyang puntahan ito, kaagad na sabihin ang totoong pagkatao niya pagkatapos ay magiging masaya na silang muli na para bang walang nangyaring pagkamatay.
Ngunit sino ba ang niloloko ni Jethan? Hindi iyon ganoon kadali gaya ng iniisip niya.
Ang lalaking 'minahal' niya o mas mainam na sabihing minahal niya bilang anak dahil sa malakas na 'lukso ng dugo' o 'lukso ng espirito' (?). Na gusto niyang alagaan si Jeth at sundin ang mga layaw nito. At alam ni Jethan na ganoon rin ang nararamdaman ni Jeth para sa kaniya; ang pagkalito kung totoo bang pagmamahal ang nararamdaman nito o sadyang ang pakiramdam lang na ibinibigay ni Jethan rito ay pakiramdam ng pagkakaroon ng ama at pagkakaroon ng buong pamilya.
Kaya estranghero para rito ang nararamdaman nito dahil hindi pa nararanasan ni Jeth na magkaroon ng isang ama lalo na kaya ngayong totoong ama nga niya ang nasa loob ng katawan ni Jethan Dinagad.
Oo, iyon lang iyon at nararapat nang tapusin at baka mas lumabo pa.
"Are we just gonna sit here and pretend that we're just friends na nagpaproject lang like some sort of students? Aren't you going to explain to me dahil litong-lito na ako, Jethan?"
"Hindi mo maiinitindihan ang bagong impormasyong nalaman ko tungkol sa sarili ko, Jeth. Alam mo ba iyong pakiramdam na napapatulala ka dahil hindi pala ikaw ang iniisip mong ikaw?" Mababang tonong tanong ni Jethan.
"Does that mean that your dad's a big shot? Nagpakilala siya sa iyo? H'wag naman sanang anak ka sa labas ng isang miyembro ng British Royal Family?" Kulang nalang masapak niya ang anak dahil sa napakaimposibleng hula nito.
Oo nga pala, ang totoong Jethan Dinagad ay hindi pa nakikilala ang totoo nitong ama.
"H'wag sabing singhutin ang rubbing alcohol ng Greyn Cross, iyan ang napapala mo." Ibinalik ni Jethan ang atensiyon sa pinto ng kusinang pinasukan ni Heidi. "H'wag ka nalang magtanong at baka pagsisihan mo ang isasagot ko."
"Pero-"
Hindi na natapos ni Jeth ang pagtutol nito nang bumukas na ang pinto at inilabas nito si Heidi na may dala-dalang tray. "Heto na ang juice, Jeth at J-Jethan. Gumawa na rin ako ng sandwich na paborito ni Jeth."
"Hindi ko paborito ang cold egg sandwich mo, Mom, it tastes gross! Ang paborito ko 'yung may palaman na grilled chicken." Tsk, Heidi spoiled Jeth too much.
Ni wala nga kami nitong miryenda-miryenda noong nakatira pa ako kasama ni Nanay Epe. Reklamo ni Jethan sa kaniyang isip.
"Ako, paborito ko ito, Tita. Thank you!" Masiglang sabi ni Jethan. Paborito niya ang version ng egg sandwich na ginagawa ni Heidi para sa kaniya noon.
***
"SO what are you going to say at dito pa talaga sa kwarto ko dapat mong sabihin, Jethan?" Sa totoo lang hindi talaga plano ni Jethan na kibuin ang anak. Gusto niya lang paunti-unting malaman ang mga gusto nitong gamit, paborito nitong pagkain, anong trophies na nakuha nito.
Kasalukuyang nakaupo si Jethan sa upuan ng side table habang si Jethan naman ay nakaupo sa kama nito.
Hindi niya gustong maging prangka rito at sirain ang ideya nito na 'nagmamahalan sila bilang kapwa tao' hindi bilang normal na 'pagmamahal ng kapwa magkadugo'.
"Wala. Alam mo ba, Jeth, gustong-gusto kong makita ang mga litrato mo no'ng bata ka pa. Meron ka ba no'n?" Tanong ni Jethan bilang isang ama na nangungulila.
"Yes! Yes! Iyan lang pala ang kailangan mo. I'm honored to let you see my hidden treasures."
"Why would you call them 'hidden treasures'?" Ang alam ni Jethan, pareho sila ni Heidi na obsessed sa mga larawan. Tiyak siyang dapat lahat ng sulok at dingding dapat may nakalagay na larawan. Hindi niya rin alam kung wala siyang nakita sa living room kanina.
"Hindi naman kasi pinapayagan ni Mom na ilabas sa mga kwarto ang mga larawan dahil hindi niya raw magugustuhan ang pinapahiwatig nitong mensahe na 'kulang' at 'hindi pagkabuo'." Napangiwi si Jethan at napakamot sa narinig. Totoo ngang kinareer ni Heidi na baguhin ang lahat ng pumapalibot sa kaniya maliban nalang sa labas ng bahay.
"If you don't know, she likes to follow her self-made superstitions." Tumango nalang si Jethan sa sinabi ni Jeth. He already know that fact.
"Sige na, ilabas mo na. Kwentohan mo ako nang maraming-maraming storya ha. H'wag kang malimutin, dapat lahat. Anong edad mo sa larawan, petsa, anong ginagawa mo, mga ganoon." Maririnig niya ang mga pangyayaring hindi niya naabutan at ang pag-imagine lang ang magagawa niya dahil iyon lang ang kaya niyang gawin.
"Oh! My boyfriend is so attentive."
***
MASAYA si Jethan sa mga mahaba-habang estoryang narinig mula sa kaniyang anak. Nang tanungin niya kung pwede ba siyang manatili rito hanggang tanghalian ay pumayag lang ito.
No one knows how much time he badly needs to spend with them. Ang pamilyang sinira niya dahil maaga siyang namatay.
"Lumabas muna tayo sa kwarto at magtanghilaan." Mungkahi ni Jethan.
"Ha? Alas-onse palang."
"Iyon nga, magluluto ako para sa inyo." Sagot ni Jethan habang ang mata ay nakatingin sa kwartong hinihigaan nilang mag-asawa noon. "Sa kwartong iyan, sino ang natutulog?"
"Kwarto iyan ni Mom. I don't know if nandiyan siya sa loob. Bakit ka nagtatanong?"
"Wala lang. Tara na sa kusina." Pag-aya ni Jethan na mabilis na naglakad papunta sa kusina.
Ni hindi na nga kailangan ni Jeth na sabihin kung saan nakalagay ang mga kitchen utensils, ang mga kaldero, at ang mga pagkain dahil tila kabisado ni Jethan ang mga iyon kahit binabase lang niya sa kaniyang ala-ala.
Noon pa ma'y marunong na siyang magluto. Hindi niya nga alam noon kung bakit ipinagluluto niya ang Nanay Epe niya na hindi rin marunong magluto. Saan niya kaya nalaman ang recipe?
Iyon pala ay ala-ala iyon ni Jethan Virordo Jr., hindi ni Jethan Dinagad.
Nang matapos niyang iluto ang mga gusto niyang iluto ay inilagay kaagad ni Jethan sa malaking lamesa ang mga iyon. Nandodoon na rin sa dining table si Jeth dahil hindi naman ito marunong magluto.
"Tawagin mo na ang Mom mo, sabihin mo kakain na." At umalis na nga si Jeth upang sundin ang utos niya.
Nang makita na niya si Heidi na papalapit sa lamesa ay parang maginoo niyang tinulungan ito sa pag-upo bago bumalik sa upuan katabi ni Jeth.
Kaagad na napagtanto ni Heidi na kilala niya ang mga pagkaing nasa lamesa, "Puro seafoods at ang paborito kong Chicken tinola."
Ang parating kinakain ni Heidi noong pinagbubuntis niya pa si Jeth ay tinolang manok dahil hindi iyon nakakasama sa bata sa sinapupunan kaya hindi iyon makakalimutan ni Jethan.
"Sinabi ba 'to ni Jeth sa iyo, J-Jethan, hijo?" Natural pa ring tanong ni Heidi sa kaniya.
"Hindi po, hula ko lang po, Tita."
Nilingon niya si Jeth na tahimik lang na nakikinig, "Jeth, bumili ka muna ng xxx brand ng pudding at maja blanca sa supermarket bago tayo kumain. Gagawin nating panghimagas."
Tiningnan muna ni Jeth si Heidi para kumpirmahin at nang makita tumango ito ay mabilis itong umalis sa bahay.
"So, Jethan. Anong deal mo at pinaalis mo pa si Jeth dito upang bilhin ang mga paborito kong himagas. Bakit ka nagluto ng mga ulam na ako at ang asawa ko lang ang may alam? Ni hindi nga alam ni Jeth na paborito ko ang Tinolang manok." Sunod-sunod na tanong ni Heidi na tila may napagtanto. "Are you a spy from any of my ex suitor? Layuan mo ang anak ko."
Hindi pinansin ni Jethan ang tanong ni Heidi at pinasadahan lang ng tingin ang buong paligid, "Bago iyan, Heidi, gusto ko lang tanungin kung bakit mo tinanggal ang mga larawan natin dito? The house looks really lifeless."
"H-Ha? Larawan n-natin?" Iyon lang ang sagot ni Heidi sa tila bombang pahayag ni Jethan. As soon as possible, gusto nang prangkahin ni Jethan ang asawa.
Tinanguan lang ni Jethan si Heidi nang makita niya sa ekspresyon nito na naghihinala na itong ang Jethan na nasa harapan niya at ang Jethan na pumanaw na asawa nito ay iisa lang.
"But how?! Pumanaw ka na, Jethan! H'wag mo na kaming gambalain pa! Hindi mo ba nakikitang pagod na pagod na ako?!" Jethan just nodded at her.
Oo nga naman, kitang-kita na sa mukha nito ang pagod at ang mga mata ay hindi na makikitaan ng buhay.
Hindi na kagaya ng dati.
"Hindi mo ba muna yayakapin ako para siguraduhing nakatayo ba talaga ako sa harapan mo? Sige ka, Heidi, baka kunin ako ng Panginoon mamaya." Pananakot niya sa asawa.
Tumayo si Heidi at kaagad na sinugod ng yakap si Jethan. Halos mapugto na nga ang hininga ni Jethan sa sobrang higpit ng yakap ni Heidi sa kaniya.
Tinapik niya nang mahina ang likuran ni Heidi, "Hey! Okay na iyan! Baka kunin ako ng Panginoon dahil sa higpit ng yakap mo."
"Sabihin na nating naniniwala ako ngunit anong ginagawa mo rito, Jethan? Dapat nasa langit ka na."
At doon na nga, harap-harapang ipinaliwanag ni Jethan ang mga nangyari. Ang pagkamatay niya, ang negosasyon niya kasama sa Panginoon, ang pagkamit niya ng bagong buhay sa lupa bilang si Jethan Dinagad at kung paano sila nagkakilala ni Jeth na anak niya ngunit hindi niya binanggit na naging nobyo niya ang sariling anak.
That would be so frustrating to hear for Heidi.
"Para namang teleserye 'yang sinasabi mo Jethan at napakaimposible lang talagang mangyari." Umiling pa ang ginang.
"I'm not lying, I promise."
"And first of all, Heidi, gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Ito ang gustong-gusto kong gawin sa araw na makita ko kayong dalawa ni Jeth." Kinuha niya ang mga kamay ng asawa. "Naririnig ko mula kay Jeth na parati kang nagmemental breakdown. Ito rin ang dahilan kaya nagmamadali akong pumunta rito nang bumalik ang ala-ala ko, gusto kitang sabihan na ipagpatuloy ang buhay mo." At pagkatapos ay inilagay ang kaniyang kamay sa mukha nito na para bang sinasaulo ang kaibahan nito sa dating mukha ni Heidi.
"... na hindi magpapaapekto sa nakaraan dahil wala kang mapapala. I made you like this so pinayagan ako ng Panginoon na itama ang pagkakamali ko at sabihing oras na para mag-move on ka na, Heidi. You're affecting the mental health of our son too kaya siya nangangailangan ng taong makakausap. What would happen if I was not the one who found him in his vulnerable side?" Nakakunot niyang pahayag sa ginang.
Nang hindi sumagot si Heidi sa kaniyang tanong ay nagpatuloy nalang siya sa pagsasalita, "Look at the brighter side, Heidi. Isipin mo, 'nasa langit na si Jethan, masaya na iyong habang pinagmamasdan tayong masaya rin'. That's how people usually think at dapat ganoon rin ang mindset mo, okay? You'll regret wasting your time mourning and crying when you can take care of our son, Jeth."
"Heidi naman, nakikinig ka ba sa akin o pinupursige mo lang ang pag-iyak mo riyan." Puna ni Jethan dahil hindi pala ito tahimik dahil nakikinig kun'di dahil tahimik lang itong umiiyak.
"Hindi lang ako makapaniwalang nandito ka talaga sa harap ko, Jethan. Anong gusto mong gawin? Gusto mo bang pakinggan ang mga kwento ko tungkol sa paglaki ni Jeth?" Tanong ng ginang na nagpalito sa isip ni Jethan. Hindi niya alam kung nakinig ba si Heidi sa kaniyang mga sinabi o hindi, dahil bigla nalang itong nagchange topic.
"Hindi na, hihintayin nalang nating dumating si Jeth, para makapagpaalam ako at makahingi ng tawad." Tugon ni Jethan pagkatapos niyang huminga ng malalim.
"Bakit pakiramdam ko ito ang una't huli nating pagsasalo? Hindi naman siguro iyon totoo?" Ngumiti lang si Jethan ng tipid.
Wala rin siyang alam sa maaaring mangyari dahil hiniram lang niya sa totoong Jethan Dinagad ang buhay niya ngayon.
Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto, "Saan ka patungo, Jethan?"
"Susunduin ko lang ang anak natin. Ang tagal naman niyang makarating rito." Sagot niya.
Ngunit bago pa man makabuksan ni Jethan ang pinto ay narinig niyang may mumunting iyak sa kaniyang gilid. Nagmumula sa nag-iisang pinto sa ilalim ng hagdanan.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang doorknob at binuksan ang pinto. Kaagad niyang nakita ang nakayukong lalaki at napag-alamang rito pala galing ang mahinang pag-iyak.
Mukhang hindi nito gustong iwanan ang Mom niya kasama ni Jethan kaya tahimik lang itong nakikinig sa malapit. Inakala siguro nitong aaminin ni Jethan ang relasyon nila ngunit mas malaki pala ang rebelasyon na maririnig nito mula sa mga bibig ni Jethan.
"Pasensiya na, anak, Jeth. Sorry kung nangyari ito sa inyo." Kaagad niyang sabi nang nakalapit siya rito.
"Ano namang mapapala namin sa sorry mo? Hindi naman yata tamang bigla-bigla ka nalang susulpot sa buhay namin at magso-sorry." Suplado nitong saad.
"Kaya nga hinihingan ko kayo ng tawad, anak." Kinuha ni Jethan ang mga kamay ng kaniyang anak at dahan-dahan lumuhod.
Ang kaninang pinipigilan niyang luha ay bumuhos na, "Pagpasensiyahan mo ang Dad mo, Jeth, ha. Hindi ko rin naman inaasahang kukunin kaagad ako ng Panginoon nang hindi ka man lang napagmamasdan."
Mula sa loob ang paghinga niya ng tawad at talagang hindi siya nakakatulog sa gabi habang tinitignan ang galit na mukha ng ka iyang anak.
"Jeth, parawarin mo ang Dad." Pag-ulit niya nang wala siyang marinig na tugon mula rito. Iniyuko ni Jethan ang ulo at nanatiling nakayuko.
Kahit ano ay gagawin niya upang makuha ang kapatawaran ng mga ito. Kung ayaw rin naman nila ay hindi na niya sila pipilitin.
Ilang beses niya pang pinahiran ng kaniyang kamay ang mga luhang kusang tumutulo mula sa kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung ilang balde ba ng luha ang kailangan para matawad na siya nito.
"Tumayo ka na riyan, Dad. Hindi na mainit 'yong mga niluto mo." Napapikit nang ilang beses si Jethan.
Tama ba ang kaniyang narinig?
Itinaas niya ang kaniyang ulo at kinuha ang kamay na inialay nito para makatayo siya, "Pinapatawad mo na ba ang Dad, anak?"
"Yep." Kagaya ng tipid na sagot nito ay tipid rin na ngiti na ibinibigay nito kay Jethan. Kinuha ni Jethan ang panyong nasa bulsa niya at pinahiran ang sipon at luha na nasa mukha ni Jeth. "Ampogi ng anak ko, nagmana sa akin."
Nakasunod lang si Jethan rito. Kaagad nilang narating ang dinner table kung saan naghihintay si Heidi, "Kainin na natin ang mga niluto ng Dad mo, Jeth."
Ngunit bago ang lahat ng iyon ay nagdasal muna sila at doon na tumigil ang oras.
***
"HAYS." Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Jethan nang makita ang pamilyar na purong puting lugar. Tapos na pala ang kaniyang oras, kalabisan na kung susuwayin na naman ni Jethan ang Panginoon para sa kaniyang kasiyahan.
Ngunit sana pinakain muna siya, 'no?
"Sige na, Epe, anak, samahan mo na ang anak mong si Jethan at bumalik na kayo sa lupa." Iyon ang narinig ni Jethan ng nakalapit na siya sa tatlong taong (?) nakatayo.
Gusto niya sanang magpasalamat sa dalawang iyon dahil sa pagiging parte nila sa kaniyang buhay sa lupa ngunit naglaho nalang ang mga iyon na parang bula. Napasimangot si Jethan.
Walang pangyayaring umaayon sa gusto niya.
Kaagad na lumitaw ang isang napakalaking screen na parang television at may hati ito sa gitna. Eksena ng Pamilya Virordo na kumakain kasama ang naging katawan niya sa lupa at ang isa ay ang eksenang nakaratay sa ospital si Epe. At kapwa nakatigil ang oras ng dalawang eksena.
"Kakailanganin ng ilang minuto bago sila makarating pabalik sa kanilang katawan." Unang nagsalita ang Panginoon sa kaniyang gilid.
Ibinaling niya ang tingin sa mukha sa Diyos ama upang magtanong, "Maaalala po ba nila ang nangyari rito sa langit, Panginoon?"
"Siyempre hindi, Jethan, anak." Mabilis na sagot nito, "Ang maaalala lang ni Jeth ay dinala niya ang totoong Jethan sa bahay niyo upang ipakilala bilang nobyo. Ang lahat ng ala-ala mo bilang Jethan Virordo Junior ay mabubura rin sa isipan ni Jethan Dinagad at ang mananatili lang rito ay ang pinagdadaanan niyo ng anak mo habang hindi mo pa naalalang ikaw si Jethan Virordo Junior. Makakalimutan rin ni Heidi at Jeth... ng pamilya mo ang lahat ng rebelasyong narinig nila mula sa iyo ngayon-ngayon lang."
"Na para bang hindi nangyaring bumaba ako sa lupa at nabuhay muli sa bagong katawan, Panginoon?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Jethan.
"Oo, ganoon na nga, anak." Tumango ang Diyos ama, "Ngayon, ang magagawa nalang natin ay pagmasdan sila mula rito sa itaas."
Tumango si Jethan at napatingin sa malaking screen nang bigla nalang gumalaw ang kanina'y nakahintong oras.
Nagising na nga si Epe sa matagal nitong pagkakatulog at masaya namang nag-uusap habang kumakain ang Pamilya Virordo kasama ang totoong Jethan Dinagad. Siguro'y magiging 'totoong pag-iibigan' na ang mangyayari kay Jeth at sa totoong Jethan kung parati silang magkasama.
Napangiti nang malaki si Jethan habang pinagmamasdan ang mga ngiti ng mga taong nasa screen at ang lumabas lang sa kaniyang bibig ay ang mga katagang, "Salamat sa pagkakataong ibinigay mo sa akin, Panginoon."
"Walang anuman, anak." Ngumiti ang Panginoon ngunit hindi naman ito makikita dahil sa nakakasilaw na ilaw na nakatakip sa mukha nito.
ANG PAGTATAPOS...
Oh God!
ALL RIGHTS RESERVED
©2022
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro