Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

ALAS onse ng gabi, sa loob ng napakalaking bahay ngunit walang kabuhay-buhay maririnig ang malakas na tunog ng kuliglig. Ang mga maespasyong silid ay hindi makikitaan ng kahit anong dekorasyon na tila ba kinalimutang lagyan o sadyang ayaw lang talaga.

Sa isang simpleng kwarto ay makikita ang nag-iisang ginang, nagpupumilit na makipagsiksikan sa pinakasulok ng kwarto. Pahikbi-hikbi itong nakaupo at nakatingin sa nakabukas na bintana. Hawak-hawak ng ginang sa kaniyang kamay ay isang litrato.

Litrato ng isang lalaking may malaking ngiti sa mukha.

Hindi namalayan ng ginang na nabuksan pala ng kaniyang nag-iisang anak ang pintuan ng kaniyang kwarto, "Mom, are you crying again? Did someone hurt you again?"

Kaagad na tinago ng ginang ang litrato sa likod nito na para bang hindi pa iyon nakita ng kaniyang anak,"No, anak. Go back to sleep na. May ginagawa lang ako na trabaho."

Ilang araw na ba simula no'ng unang masaksihan ng batang si Jeth ang ganitong kalagayan ng kaniyang ina? Ilang araw na bang tinatanggi ng kaniyang Mom na wala itong dinaramdam?

Kahit sa murang edad pa lamang, hindi maipagkakaila ni Jeth na naaapektuhan na siya sa kinikilos ng kaniyang ina. Kung ipagpapatuloy nito ang pagtanggi at pagdadahilan, baka mapagod si Jeth sa pagtatanong rito.

At doon na nga, nang makabalik siya sa kaniyang kwarto. Sinimulang gayahin ni Jeth ang ginagawa ng kaniyang ina. Binuksan niya ang bintana at umupo sa sulok ng kwarto. Hindi siya umiyak bagkus ay nagpalamon nalang sa kaniyang imahinasyon.

Hanggang sa dumating na ang umaga...

Napabalikwas si Jeth sa kaniyang pagkakahiga at mabilis na napahabol sa kaniyang hininga. Kaya nga ayaw niyang matulog ay dahil pinuputakte siya ng nakaraan.

Naligo muna siya at nagbihis bago bumaba upang kumain ng agahan. Nang makita niya ang ginang ay pinatakan niya ito ng halik sa noo at umupo sa upuang gawa sa kahoy. "Good morning, Mom."

"Good morning, Jeth." Pabalik na bati nito sa kaniya habang abalang-abala sa paglalagay ng mga ulam sa malaking plato.

Lumibot sa kung saan-saang lugar ang tingin ni Jeth habang kumakain, "Nasaan si Tito Den? Himala at hindi siya umaaligid rito."

"Pinatigil ko na siya." Simpleng-saad ng ginang habang sinisimulan na rin ang pagkain.

Napatigil sa pagnguya si Jeth, "Pinatigil?"

"Pinatigil sa panliligaw." She declared.

Did she finally made up her mind?

Gusto sana ni Jeth na i-decline ng Mom niya ang panliligaw ng Denvin na iyon at tumanggap ng bagong suitor, but it sounds like that Denvin won.

"Are you two officially dating now?" Matabang na tanong ni Jeth habang magpatuloy sa pagkain. Kahit ayaw niya, tatanggapin nalang niya ang lalaki sa kanilang pamilya if that will make his Mom happy.

"I am not into dating anymore, Jeth. Nawalan na ako ng ganang makipag-usap at sumagot sa mga pauli-ulit na tanong."
She replied, with a nonchalant shrug.

Jeth froze bago natatarantang nagtanong, "May nahanap ka bang bagong pagkakatuwaan?"

"Yes! I'm interested in knitting now. I saw this video on GoTube!" Mabilis na kinuha ng ginang ang cellphone nito at ipinakita kay Jeth ang sinasabing video, "You see! Ang ganda ng final product."

Jeth took a very deep breath out of relief. If she did not find anything to focus on, magkukulong ito sa kwarto at iiyak.

Sabihin nalang natin na wala na sa isip nito ang pagtanggap ng manliligaw at nakahanap na ito ng bagong pagkakatuwaan kaya maiiwasan ang pagkalumbay nito for days only. Because if she'd get bored again with this knitting thingy and couldn't find something to focus on after, she'd repeat the cycle at si Jeth lang ang masisiraan ng bait.

"Nakabili na ako ng mga materials. So since, aalis ka naman, bilhan mo rin ako ng iba't-ibang kulay ng yarn." Nakangiting utos nito sa kaniya.

Magpahinga nang malalim si Jeth bago sumagot, "Sure."

***
"Where are you now, Jethan?" Jeth impatiently asked while keeping an eye on his surroundings.

"Naglalakad na ako palapit sa supermarket." Sagot ni Jethan sa kabilang linya. Jeth can't really figure what is in Jethan's voice that is making him feel relieved. Maybe it's because Jethan's cold voice is as soothing as menthol.

Jeth could listen to him talk for the entire day.

And with his sharp eyes akin to an eagle's, Jeth immediately spotted Jethan, "Jethan!"

"Nagretiro na ako sa supermarket nang maayos kahapon. Mabuti nalang at may papalit na raw sa akin ngayon kaya hindi ako makokonsensiya." Kaagad na sabi nito nang makarating sa harap ni Jeth.

Pumasok sila sa loob ng sasakyan, "Ano ba ang trabaho mo, Sir, at ganiyan ka na ka-sure na hindi ka malulugi ng dahil sa akin."

"Drop the formality, Jethan." Jeth commanded.

Jethan shrugged, "Oo nga, hindi naman ako nag-po at opo."

"Call me by my name. Not Sir." Matigas na sabi ni Jeth. Pinandilatan niya ng mata ang lalaki dahil mukhang aangal pa ito.

Jeth threatened him, "H'wag ka nang umangal, Jethan. Ipinalipat ko na ang Nanay mo sa ibang ospital at komportableng-komportable siya habang hindi pa gumigising. I made it like that kaya you should abide by my new rules too. Tandaan mo, pera ko ang nilulustay ko roon." Mabilis na isinara ni Jethan ang kaniyang bibig.

Jeth decided to explain, "So, napalayo na tayo sa tanong mo. Do you know the saying, ‘you reap what you sow’? Ganiyan ang ginagawa ko. Nag-i-invest ako nang malaking pera para bilhin ang mga stocks ng mga negosyo at kompanya at kalauna'y babalik ang perang iyon sa akin, not only twice the price, but it constantly grows."

Tiningnan ni Jeth si Jethan na seryosong nakikinig habang nakahawak ang mga kamay sa manibela, "Siyempre, hindi muna natin masasabi na successful and pag-i-invest ko. Nasa tamang tao at tamang negosyo ang susi. Ginawa ko ang lahat para mas humasa ang pagkilatis ko. And now, anyone can tell that I am a man with a keen eye."

"Like how I negotiated with you, Jethan. I invested, 'di ba? Hindi man maibabalik ang perang naibigay ko sa ospital para sa Nanay mo, I'm still receiving 'things' that only, I, can 'enjoy' from you—"

"Blah. Blah. Hindi ako nakikinig." Pinaandar ni Jethan ang sasakyan kahit hindi pa tapos sa pagku-kwento at pagpapaliwanag.

Ngumiti lang si Jeth at isinandal ang ulo sa inuupuang car seat. "Drive towards JNV mall, Mom asked me to buy something."

Nang umandar ang sasakyan ay pinatay ni Jeth ang aircon at binuksan ang bintana nang may napakalaking ngiti sa mukha, "What a peaceful day."

***
"SABI mo may iniuutos sa iyo ang Mom mo? Bakit tayo nagsusukatan rito ngayon?" Gusot na gusot ang noo ni Jethan at masamang-masama ang tingin sa lalaking nakangiti.

Kasalukuyan siyang sinusukatan ng isang saleslady habang si Jeth ay nakatalikod na at naghahanap ng mga gusto niyang damit.

"Do you know his sizes yet?" Tumango ang babae habang malagkit pa rin ang titig kay Jeth.

Jeth gave three pairs of shirts, three pairs of long sleeves, and three pairs of pants to the salivating saleslady, "Find the same clothes with his size."

"Pero ang dami naman nito, Sir." Reklamo ng babae pagkatapos niyang tanggapin ang mga damit.

"Do you want us to leave this store and report this mess to the higher-ups?" Matigas na sabi ni Jeth. How disappointing, James, sa isip niya.

Napayuko ang saleslady narinig at hindi kaagad nakapagsalita dahil sa takot.

"Oo nga, mas mabuting umalis na lang kami rito; ang mamahal rito. Paalam, ate, salamat." Ilang na ilang na sagot ni Jethan.

Akmang tatakbo na paalis si Jethan nang hinawakan ng saleslady ang kaniyang kamay. "Sir, sorry sa ginawa ko. H'wag niyo pong sabihin 'to sa Boss ko. Kakapasok ko lang po sa trabaho."

Akmang hahawakan rin ng babae ang mga kamay ni Jeth ngunit hindi niya ito hinayaan, "This kind of attitude should not be tolerated, Miss. If you really want to work here, kahit gaano karaming request, kahit gaano karaming damit ang ipabuhat nila sa iyo, gagawin mo dapat because it's part of your job. Kung ganitong mentality ang ipapakita mo sa trabaho, if I was your boss, I would fire you immediately!"

"H'wag ka namang maging ganiyan sa kaniya, Sir—" Pinanliitan niya ng mata si Jethan at napatayo ito nang tuwid, "...este Jeth. Siyempre, magrereklamo siya dahil baka pagod na siya dahil maraming costumers kanina. Atsaka babae siya, normal lang iyan."

Jeth immediately shakes his head, "No, you're wrong, Jethan. Ganiyan talaga ang maiisip mo kapag nakakakita ka ng babaeng nagta-trabaho. Why did they work when they're that weak? Why did they complain about their nails getting destroyed after washing clothes? Why did they complain about body pains after lifting some bags that their mother-in-law told them to lift?"

Iniangat ni Jeth ang ulo ng nanginginig na babae gamit ang kaniyang kanang kamay, "Kung ipagpapatuloy natin ang stereotype na iyan mula sa sinaunang panahon, patuloy na mamaliitin ang mga babae. So, Miss, do you want to be continuously stepped on by men? Do you want to continue to think that women are always inferior to us, men?"

Jeth felt really awesome after giving those word of wisdom.

Did that impress, Jethan? Tanong ni Jeth sa sarili habang mabagal na nilingon si Jethan.

Ayun ang si Jethan! Nakatingin rin sa kaniya na parang hindi naman mukha ng na-impress. May namumuo nang tubig sa mga mata nito at parang tutulo na.

Is he that touched? Jeth asked himself at balak sanang pagtawanan ang lalaki, pero hindi niya itinuloy.

Tinitigan niya lang si Jethan habang patuloy nitong pinapahid ang mga luha sa sarili nitong damit.

Napatigil sila sa kanilang drama nang may ibang taong pumasok sa boutique. Masaya itong nakikipag-usap sa ginang na may hawak na tantiya ni Jeth ay labing-tatlong gulang na batang babae na nasa kaliwang gilid ng tila padre de pamilya habang ang padre de pamilya naman ay nakahawak rin ang kanang kamay sa kamay ng isang batang lalaki na edad pitong taon pa lamang.

It was Denvin, the ex-suitor of his Mom with his 'family'.

Kaagad na sinugod ni Jeth ang lalaki nang biglang dumilim ang kaniyang paningin, "Denvin, you f*cker!"

Oh God!
ALL RIGHTS RESERVED
©2022

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro