Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

PATULOY lang sa pagkayod sa buhay si Jethan. Dalawang linggo na rin ang lumipas nang bigyan siya ng 10K ng kaniyang kliyenteng kauna-unahang taong nag-alok sa kaniyang mag-tsaa sa bahay nito kaysa pauwiin siya dahil tapos na ang trabaho niya. Dismayado na siya sa tadhana dahil sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi niya nakita ang binanggit na dating kliyente, lalo na kayang isauli rito ang sobrang bayad nito.

Kinulayan niya na rin ang buhok niya at ipinarebond ang buhok ng kaniyang Nanay gamit ang sobrang perang iyon. Wala namang problema dahil napalitan niya kaagad ang sobrang pera kaya ang pagsauli nalang talaga nito sa may-ari ang pinoproblema niya.

Kasalukuyang nagmamaneho si Jethan mula sa kanilang supplier patungo sa kanilang supermarket. Alas singko pa ng umaga at madilim-dilim pa ang daanan. Napakapayapa ng kalyeng ito.

Kalye Valega, iyon ang nakasulat sa signboard na nasa unahan niya.

Saktong nagkulay pula ang ilaw ng traffic light kaya napagmasdan niyang maigi ang tila ba pamilyar na karatula. Unang beses palang ginamit ni Jethan ang daan dito dahil hindi paliko-liko ang daanan kaya imposibleng nakita na niya ang karatula ngunit bakit tila pamilyar ito sa kaniya?

Na para bang nakita na niya ito sa ka iyang alaala. Na para bang konektado ito sa kaniya...

Napatigil siya sa pagtitig sa karatula nang may bumusinang sasakyan sa kaniyang kanan. "Hey! We meet again!"

Nilingon ni Jethan ang direksiyon ng ingay at napag-alamang ito pala ang matagal na niyang inaasam na magkrus ang kanilang landas. Ito ang lalaking naging kliyente niya na ipinagmaneho niya hindi patungo sa bahay nito, kun'di patungo sa ospital.

Paano siya nakilala nito? Iba na ang kulay ng buhok niya. Isang araw lang silang nagkasama noon, ibig sabihin ba n'on, meron ang lalaking iyon ng pambihirang memorya? Hindi makapaniwala si Jethan sa mga pangyayari.

Nakabungisngis ang lalake habang sinasakyan ang kotseng minaneho na ni Jethan at gwapong-gwapo sa suot nitong mamahaling leather jacket habang si Jethan naman ay nakasuot lang ng kanilang uniform sa supermarket.

Hindi alam ni Jethan ang gagawin. Nasa kalsada sila at nakakahiya namang makipagsigawan rito lalo na't unti-unti nang dumarami ang nakasunod na sasakyan sa kanilang likuran.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jethan sa ngayo'y kulay kahel na ilaw sa traffic light at sa lalaking nakatingin rin sa kaniya na may 'nagtatakang tingin'.

"It's okay! I'll be tailing you since mukhang may kailangan ka sa akin! It's okay 'cause I have nothing to do today!" Nakangiti ito na para bang hindi inalintana ang pagbulabog nito sa tahimik na daan.

Nagtataka man kung bakit nito aaksayahin ang oras sa pagsunod sa kaniya ay sinagot na lang ito ni Jethan, "Sige!"

Mabilis na nakarating si Jethan sa supermarket na paglalagyan niya ng mga dala-dala niyang supplies. Ipinarada niya ang delivery van sa harap ng supermarket at lumabas upang ilipat sa loob ang mga dala niyang istak.

Malungkot niyang binuhat ang mga preskong gulay. Dismayado si Jethan dahil hindi naman pala itinuloy ng lalake kanina ang sinabi nito sa kaniya. Nakita pa nga niya sa side mirror kanina na nakasunod lang ang kotse nito, ngunit naglaho nalang ang lalaki na parang bula.

Gusto sanang ikuyom ni Jethan ang kaniyang kamao ngunit may binubuhat siyang mabigat. Napakaraming tanong sa kaniyang isipan.

Paano na niya kokontakin ang lalaki? Ilang porsyentong magkikita silang muli? Maisasauli niya pa ba ang perang hindi naman sa kaniya?

Nakailang pasok na siya ngunit wala talaga ang dati niyang kliyente. Iniisip ni Jethan na may biglaan itong schedule kahit kakasabi palang nito na wala itong ibang gagawin. Balak na sana niyang buhatin ang kahuli-hulihang basket ng prutas nang biglang may nagsalita sa likod niya.

"You've got a quite heavy load right there!" Napatalon ang puso ni Jethan dahil sa kaba nang marinig ang pamilyar na boses. "You want me to help you with that?"

Bakit sumusulpot ang lalaki kung kailan hindi siya handa?

"Naku, h'wag na! Kung nakita mo lang ako kanina, marami na akong nabuhat na mas mabigat pa rito." Mabilis na pagtanggi ni Jethan habang hindi pa rin lumilingon sa lalaki.

Tinatago lang niya pero masama talaga ang loob niya sa lalaki. Wala itong karapatang pumayag tapos biglang mawawala lang ng parang bula... tapos bigla-biglang susulpot na parang walang nangyari.

Kahit na sino magagamit kung hindi sisiputin ng maaga.

"I'm sorry if I just disappeared halfway. Humanap pa ako ng available na parking lot nearby." Sumunod ang lalaki kay Jethan habang buhat-buhat niya ang basket papasok sa entrance. "I'm really sorry."

May dahilan naman pala.

"Ayos lang iyon, ako naman ang may kailangan sa 'yo." Dahan-dahang niyang ibinaba ang punong-punong basket sa gilid ng malaking fridge kasama ang iba pang mga basket.

Hinarap niya ang lalaki at tinapik sa balikat, "Dito ka lang muna ah, pupuntahan ko muna si Boss."

Kumatok si Jethan sa staff room, "Boss! Tapos ko nang ipasok 'to lahat!"

Bumukas ang pinto sa harap ni Jethan, "Ang sigla-sigla mo pa rin kahit umaga."

Nginitian niya ang matanda, "Siyempre naman."

Nang makuha ni Jethan ang sweldo niya ay inaya niya ang lalake sa pinakamalapit na coffee shop na nagse-serve rin ng tsaa. Naalala kasi ni Jethan tsaa ang gusto nitong ipa-inom sa kaniya noon.

Umupo sila sa bakanteng pang-dalawahang lamesa. Sinenyasan ni Jethan ang server, "Isang affogato para sa akin, Miss. Ikaw?"

"I'll have Earl Grey." Sabi ng lalaki na abala sa pagtingin sa kabuuhan ng coffee shop. "You've got good tastes."

"Hindi 'no. Ito lang ang pinakamalapit kaso dalawang beses palang akong nakakapunta rito." Hininaan ni Jethan ang boses niya, "nakakabutas ng bulsa ang presyo rito. Ayaw naman kitang pag-adjust-in dahil ako namang ang naggambala sa 'yo."

Sumagot lang ito ng "Ahh." at hindi na nagsalita pang muli.

Habang hindi pa dumadating ang kanilang order ay binuksan na ni Jethan ang kaniyang suot-suot na sling bag. Isasauli na niya ang malaking halaga ng pera. Mabuti nalang at naisipin niya itong dalhin. Mabuti't gumana ang swerte niya.

Naglabas siya ng seven eight dahil two two lang ang kinuha niya sa 10K na ibinigay nito noon. 350 ang sweldo niya na naging 400 per hour kamakailan lang dahil dumami ang nagbookmark sa kaniya.

Napatigil ito sa pagtingin-tingin sa paligid nang mapansing may ginagawa ang taong nasa harap niya. "What are these? Do you want me to buy something for you?"

Natatawang umiling si Jethan dahil sa tanong nito, "Isasauli ko lang iyong sobrang binayad mo sa akin. Naghahanap lang ako ng pagkakataon na ibigay sa iyo nang personal."

Nagtaka ang lalaki at sinabi ang saloobin, "Why didn't you go to my house? Personal pa rin naman kung kikitain mo ako roon."

Kumunot ang noo ni Jethan sa sinabi ng kabila na para bang napakaimposible ng sinasabi nito, "Ano ako, feeling close? Takot na takot na nga akong no'ng unang pasok ko roon dahil wala ang mga magulang mo. Baka ako pa ang sisihin kapag may nawalang bagay sa inyo."

"Silly." Ang kaninang ngiti ng lalaki ay mas lumapad ngayon.

"Atsaka takot rin akong mapag-isa sa bahay mo at baka kung ano pang ipagawa mo sa 'kin. Nang banggitin ko kay Nanay ang pag-aya mo sa akin na manatili muna at mag-tsaa, natakot siya. Baka mafia ka raw o sindikato na gumagamit ng mga tao bilang ano iyon? Ahh, gagawing 'guinea pig' para sa hindi pa nakokompletong droga." Walang prenong sabi ni Jethan na nagpagpatawa ng malakas sa taong nasa kaniyang harap.

"Oh! Pardon my manners." Bulalas ng lalaki nang hindi niya napansin na nandito na pala ang orders nila dahil abala siya sa pagtawa.

Sumipsip si Jethan sa kaniyang affogato habang hindi pa tumititigil sa pagtawa ang lalaking nasa harap niya. Pulang-pula na rin ang mukha nito at may namumuo ng pawis sa noo. Isa lang ang mapupuna ni Jethan sa lalaki, wala itong pake sa kung anong sabihin ng mga taong pumapaligid rito.

Mula kanina sa kalsada hanggang ngayon rito sa coffee shop ay tila ginagawa lang nito ang nais nitong gawin, magustuhan man ng mga tao o hindi.

Nang huminahon ang lalake ay nagbigay ito ng suhestiyon para maresolba ang kanilang problema, "I have a proposal. You keep the money and you'll be my temporary hired driver for this upcoming Saturday. May mga gusto kasi akong puntahan, but I don't wanna exhaust my already exhausted self."

Napaisip si Jethan nang matagal upang maalala kung may gagawin ba siyang importante sa Sabado at wala naman, "Ilang oras mo ako kakailanganin?"

"From eight AM to 4 PM since I've got a lot to do." Pormal na sabi ng lalaki.

Wala na ang bakas ng ngiti sa mukha nito at parang nakikipag-usap nalang kay Jethan patungkol sa trabaho.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagtipa, "Eh, mga 3K lang ang makukuha ko kapag ganiyan, may sobra pa sa seven eight na humigit-kumulang apat na libo."

Nagkibit-balikat lang ang lalaki, "Then, we'll spend it in our food. At kung may sobra pa rin, you can have it as a tip. Or kung kulang naman, magbibigay pa ako."

And with that, they have come into an agreement...

***
SUMAPIT ang Sabado na pinakahihintay ni Jethan. Hindi niya alam kung bakit siya excited... dahil ba naghahangad siya sa tip o sadyang may naramdaman siyang magandang mangyayari ngayong araw.

Nagkasundo silang magkita sa harap ng supermarket kaya alas siyete-trente ay nandodoon na si Jethan. Bukas naman ang supermarket kahit Sabado kaya nakikipag-usap siya sa mga kakilalang bumibili roon habang naghihintay sa kaniyang amo.

Ilang minuto pa ay nakarinig siya ng busina sa labas ng clear glass wall ng supermarket. Lumabas siya sa pag-aakalang nandoon na ang taong hinihintay niya ngunit nakita lang niya ang nakaparadang itim na sasakyan sa harap ng supermarket. Hindi naman siguro 'to ang kliyente niya dahil blue ang kotse n'on at walang bubong.

Bumukas ang pintuan ng magandang kotse at iniluwa nito ang lalaking kikitain niya. Nakasuot ito ng fitted na button down polo na kulay yellow at kulay black na pants. Kaagad na lumipat ito sa shotgun seat habang iniwang nakabukas ang pintuan sa gilid ng steering wheel.

Kaagad na pumasok si Jethan. Nang makaupo siya ay tinanong niya ito, "Bago ba 'tong sasakyan mo, Sir?" Hindi na natanong ni Jethan kung bakit nakaupo ito sa shotgun, hindi sa backseat, dahil iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.

Nakatingin lang ang lalaki sa bintana nang sumagot ito, "No. Ito ang pangalawa kong paborito. At saka stop calling me, Sir. My name's Je—"

"Hindi naman pwedeng hindi maging pormal na makitungo sa 'yo sa trabaho, Sir. Lalo na't hindi naman tayo magkaibigan." Napatingin ito kay Jethan nang biglang putulin niya ang pagpapakilala nito sa sarili.

Matagal-tagal na ring nagtatanong si Jethan sa kaniyang isipan kung ano ang pangalan nito. Puro lang siya 'lalaki' at 'dating kliyente' bilang tawag rito sa kaniyang isipan. Ngunit kagaya ng sinabi niya, kung gustuhin man ng lalaki na tanggalin ang pormalidad ng trabaho niya ay hindi siya makakapayag.

Iyon ang susi sa magandang serbisyo, ang paggalang ng kanilang posisyon; na siya'y hamak na driver lamang at ang lalaking kaharap niya ay isang kliyente.

"Then, proceed on calling me Sir while you're working and call me Jeth when we meet outside of work. But I dislike 'Sir Jeth' kaya h'wag mo akong tawagin ng ganiyan since hindi naman siguro nagkakalayo ang edad natin." Kinuha ni Jeth ang kanina pa tumutog na cellphone sa kaniyang bulsa, "By the way, before I forget, what's your name?"

"Jethan, Sir!" Malakas na sagot ni Jethan sa lalaki. Tila naestatwa naman ang nagtanong sa kaniya at matagal na nakakilos.

"Really, what a coincidence." Tanong ni Jeth habang may tinitipa sa kaniyang telepono.

"Coincidence saan, Sir?" Nagtatakang tanong ni Jethan. Na pareho silang 'Jeth'?

"You have the same name as my dad's." Bulong ni Jeth sa hangin.

Hindi narinig ni Jethan kaya nagtanong siya, "Ha?"

"Sabi ko pareho tayong 'Jeth'." Napa-ahh lang si Jethan dahil tama naman ang hula niya.

"Anyways, 'di pa ba tayo gagalaw? Mag-a-alas otso-trenta na." Ani Jeth na pinatay na ang kaninang kinakalikot na cellphone.

Itinuwid ni Jethan ang likod at ginalaw ang kamay na nasa manibela, "Masusunod, Sir." Pinaandar ni Jethan ang sasakyan hanggang sa nakarating na sila sa main road.

"Ay teka, Sir? Nabanggit mo na ba kung saan ang destinasyon natin ngayon?" Tanong niya kay Jeth na may balak nang pumikit at matulog.

"Let's go to the newest JNV mall."

Oh God!
ALL RIGHTS RESERVED
© 2022

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro