Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

DISCLAIMER: This story do not intend to change your perspective about God, the place where you go when you die, and reincarnation. This is purely from my imagination. If you don't like a plot like dis, please do find another story.

***
NAKASUNOD lang si Jethan sa medyo may kalakihang babae sa harap niya. Kilala niya ang babae, ito 'yung babaeng nakapila dalawang tao mula sa kaniya kanina sa gitnang pila. Ngayon nga ay nakapila na sila sa kanang gilid ng gitnang linya. Inaaliw na lang niya ang kaniyang tingin sa mga taong habang malayo pa siya. Nagulat pa nga siya dahil may mga poreyner pang pumipila.

Mukhang ang taong tinanungan ko at ang taong nasa harapan ko kanina ay nasa kaliwang gilid ng linya sa gitna.

At tama naman ang iniisip ni Jethan dahil naroon nga ang dalawa, hindi maipinta ang mga mukha sa 'di niya mawaring dahilan. Nagkibit-balikat ulit siya at kahit walang ideya sa mga nangyayari ay ipinagpatuloy na lang ang pagpila. Iniisip ni Jethan na walang masamang mangyayari sa kaniya kung susunod at susunod lang siya sa mga taong pumipila sa unahan niya.

"Isa, dalawa, tatlo... sampu?" Sampung tao na lang ang nakapila sa unahan niya habang wala pa ngang ni isang taong nakapila sa likod niya. Nang lingonin ulit ni Jethan ang pila sa kaliwang bahagi ng gitnang pila ay nagtaka siya dahil napakarami nang pumipila roon. Ni hindi na nga niya matanaw kung nasaan ang pinakahuling tao na nakapila.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng linya na iyon sa linyang pinipilahan niya?

Itinuon na lamang niya ang pansin sa ngayon ay tatlong tao nalang na nakapila sa kaniyang unahan. Kakaunti lang sila kaya mabilis lang ang paggalaw ng pila. Huminga siya nang malalim dahil malapit na siyang makarating sa unahan. Inayos niya ang kaniyang suot-suot na uniporme ng kanilang factory.

Ngunit laking gulat niya nang bumukas nang nag-iisa sa harapan niya ang napakatayog na ginintuang pintuan. Nilingon niya ang dalawang nakasunod sa kaniya sa pila ngunit umaakto ang mga ito na parang wala silang alam sa nakikita ngayon ni Jethan.

Isang mirakulo para sa kaniya ang kaniyang nasaksihan.

"Kaya pala mabilis lang naubos ang mga tao sa pila namin, dito pala sila napunta." Nang makita ni Jethan ang may katabaang babae na kanina ay nakapila sa unahan niya na nagbabalak nang pumasok sa nag-iisang pinto sa gitna ng mausok na kawalan ay mabilis niya itong hinabol ngunit hindi siya nito napansin. Pumasok ito sa pinto at nawala nalang ng parang bula.

Maya-maya pa ay binuksan niya na rin ang pinto matapos ang ilang minuto dahil hindi pa bumabalik ang kaninang babae.

Wala... wala siyang makitang kahit ano habang nakatingin mula sa labas ng pinto. Na para bang iyon ang tinatawag nilang 'portal' dahil nang puntahan ni Jethan ang likod ng pinto ay wala siyang nakitang kwarto.

Biglang napatalon si Jethan sa gulat sa harapan ng nag-iisang pinto nang biglaang may nagsalita sa kung saan. "Pumasok ka na, anak."

Malumanay ang boses ng kung sinong nagsalita mula sa kung saang bahagi ng kawalan. Sa isip ni Jethan, nasa mid o late 50's base sa boses ng kung sinong lalaki ang nag-uutos sa kaniyang pumasok.

Dahan-dahan niyang sinunod ang utos nito hanggang sa makarating na nga siya sa isang bagong kawalan sa loob ng nag-iisang puting pinto. Bago pa man niya maisara ang pinto ay kusa itong nagsara at unti-unting nawala na parang karayom na nahulog sa dayami.

"Naku! Nawala ang pinto! Sa'n ako lalabas neto?" Napahila si Jethan sa kaniyang tenga nang hindi namamalayan. Iyon ang mannerism niya tuwing natatakot at kinakabahan. Nangangamba siyang mali ang pinasukan niyang pinto kahit alam niyang ito talaga ang pinasukan ng babae kanina.

"Huminahon ka, anak, Jethan." Napapihit siya nang marinig ang pamilyar na boses na narinig niya rin sa bungad ng pinto.

Napanganga si Jethan nang makitang may isang misteryosong lalaki na nakahawak sa kaniyang balikat. Mahaba ang buhok ng estrangherong lalaki, umabot hanggang balikat. Nakaputi rin ito gaya ng taong magbabantay sa matayog na pintuan kanina.

Ngunit ang ipinagtataka ni Jethan ay kung bakit may nakakasilaw na ilaw sa mukha nito. Na para bang sinasadyang hindi ipakita ang mukha nito... o 'di kaya'y hindi pinapahintulutang makita ng kaniyang hamak na mga nilikha.

"Tama ka sa iniisip mo, anak. Ako ang naglikha ng mga bagay na pumapalibot sa iyo. Ako ang naglikha sa lupa, sa tubig, sa hangin at sa kung ano at kung sino mang maisip mo. Oo, ako ang inyong tagapaglikha." Doon na pumasok sa isip ni Jethan ang mga mahiwagang pangyayari. Ang tila mirakulong pagsulpot at pagkawala ng mga bagay, ang mahaba-habang pagpila, ang kawalan ng ibang kulay maliban sa puti.

Mabilis na tinanggal ni Jethan ang kaniyang sombrero at lumuhod sa harap ng banal na Diyos. "Kung mamarapatin, maaari ko bang malaman kung nasaan ako at kung bakit ako napunta rito, aking Ama? Anong nangyari sa akin? Bakit pangalan ko lang at edad ang naaalala ko simula nang mapunta ako rito? Ako ba'y pumanaw na, Panginoon?" Diretso ang kaniyang tanong sa harapan ng banal na Diyos dahil alam niyang alam nitong sagutin ang kaniyang mga katanungan.

"Nandito ka sa tinatawag niyong 'langit', anak. Dahil sa kabutihan mo, napili kang dito manirahan." Inilagay ng banal na Diyos ang kaniyang kanang kamay sa nakayukong ulo ni Jethan. At doon na niya naramdaman ang pagbalik ng kaniyang memorya, na tila ba pag-agos ng sapang nahulog siya: mabilis at tila walang katapusan.

Jethan Virordo Jr. anak nina Judy at Jethan Sr. edad bente-siete at ikinasal kay Heidi Martinez noong Disyembre 20, 1999. Ang asawa niyang si Heidi ay nagdadalang-tao at ngayon ay nag-iisa na lamang dahil si Jethan ay pumanaw ngayong ika-bente-uno ng Hulyo sa taong 2001 nang makasalpukan ang isang eight-wheeler truck sa Kalye Valega sa alas diyes-trenta ng gabi.

Paisa-isang tumulo ang mga luha ni Jethan sa kaniyang mga naalala. Una niyang inalala ang asawa niyang si Heidi at ang mumunti nilang prinsipe. Ang dalawang pinakamamahal niya sa buhay ay naiwan niya sa lupa ng mga buhay sa isang aksidente.

Natatakot pa nga niyang iwanan si Heidi nang nag-iisa dahil baka mahirapan ito kung lumabas ang bata nang wala siya sa kaniyang tabi ngunit paano na ito? Mas lalong hindi na siya makakatulong ngayong hindi na pala siya nabubuhay.

Ang pinag-ipunan niya para sa kaniyang anak ay hindi pala niya makikitang magagamit ng kaniyang anak. Hindi na pala niya makikita ang ngiti sa mukha nito tuwing nakukuha nito ang mga bagay na gusto nito dahil sa kauna-unahan.

Paano masasaksihan ni Jethan ang mga iyon kung pati ang mukha at ang kabuuhan ng anak niya ay 'di na niya naabutan?

Hindi siya magka-undagaga sa pagpupunas sa patuloy na umaagos niyang mga luha. Inangat niya ang kaniyang mukha at sinalubong ang 'tingin' ng kaniyang Panginoon, "pagpasensiyahan mo na ako, aking ama. Nalulungkot lang ako at nagsisisi. Kung sana ay umuwi ako nang maaga..."

Hindi siya pinatapos ng banal na Diyos na magsalita dahil mali ang sinasabi ni Jethan, "Hindi mo kasalanan ang mga nangyari, anak. Ang nangyari sa iyo ay isang aksidente. Ito ay hindi mahuhulaan lalo nang iwasan, anak."

"Hindi, ama. Kasalanan ko 'tong lahat! Sinira ko ang pangako ko kay Heidi, hindi ako naging mabuting asawa at ama sa kanila. Iniwan ko sila nang maaga..." Umatungal na parang bata si Jethan habang nakaluhod pa rin sa harao ng Diyos ama.

Normal lang naman na hindi niya matanggap ang mga pangyayari ngunit pinalilito niya ang banal na Diyos kung paano siya patitigilin sa pagngawa.

Dahil sa labis na pagkalumbay ay hindi na namalayan ni Jethan na nakahawak na pala siya sa damit ng kaniyang tagapagligtas at nakuha pa niyang magrequest, "Pangahas man ngunit gusto ko pa ring puntahan si Heidi at humingi ng tawad pati na rin sa aming prinsipe na hindi pa lumalabas sa mundo, kahit sa isang sandali lang. Maaari ko bang gawin iyon, aking ama?"

Alam ni Jethan na ang hinihingi niya ay imposible ngunit puno pa rin siya ng pag-asa na baka dinggin siya ng banal na Diyos at gawin siyang eksepsiyon. Ngunit wala siyang narinig na tugon mula rito. Tahimik lang na nakatingin ang hindi niya makitang mukha nito na para bang tinatansiya ang bigat ng mga salitang isisiwalat nito sa kaniya.

Nilagay ni Jethan ang mga kamay sa sariling mukha dahil sa kahihiyan, "Tatanggapin ko ang hatol niyo, aking Panginoon. Kung sa langit man o sa nagbabagang apoy ng impiyerno mo ako dadalhin dahil sa aking kapangahasan ay bukas sa loob kong tatanggapin—."

Hindi ulit siya pinatapos ng banal na Diyos sa kaniyang mga litanya, "Hindi ko maaaring pahintulutan ang ninanais mo ngunit may suhestiyon ako, anak." Kinuha ng Diyos ang mga kamay ni Jethan at pinatayo siya.

"Ano iyon, Panginoon? Kahit ano basta ba makasama ko ulit sila ay ayos lang sa akin." Mapagsamantala si Jethan.

Ang kaninang hiling niyang humingi lang ng tawad sa kaniyang pamilya kahit Isang sandali lang ay naging hiling na gusto niyang makasama ang mga ito.

"Maaari mo nga silang makasalamuha, ngunit ikinalulungkot ko, hindi maaaring manatili sa iyo ang ala-ala mo patungkol sa mga nangyari rito, anak." Mahinang paalala nito sa kaniya.

"Iyon lang ba? Ayos lang ako kung iyan lang, Panginoon." Malaki ang ngiti ni Jethan, hindi niya alam na gumagana pala ang swerte niya kahit dito sa langit.

Ngunit hindi pa pala tapos sa pagsasalita ang banal na Diyos, "Ala-ala mo rito, at ala-ala mo noong nabubuhay ka pa sa mundo. Lahat ng ala-ala mo ay kukunin sa iyo at isisilang ka ulit bilang isang walang muwang na sanggol."

Napakagat ng dila si Jethan sa narinig mula sa banal na Diyos. Wala na rin ang kaninang ngiti niya.

Ayon sa isip niya ay walang kwenta ang pagkikita nila ng kaniyang pamilya kung hindi naman pala niya sila maaalala.

"Anak, Jethan, hindi naman ako gumagawa ng kalokohan. Pinapayagan kitang mabuhay muli ngunit hindi naman pwedeng mawala ang balanse ng mga bagay-bagay. Kung ano ang nangyari ngayon, patuloy iyong mangyayari bukas at sa susunod pang mga bukas. Babalik ka sa mundo mo bilang bagong silang na sanggol. Alam mo naman na ang isang sanggol ay walang kamuwang-muwang sa mundo kaya kung biglaan marunong na kaagad itong magsalita, magsulat, mag-isip ay masisira ang balanse ng buhay." Pangangatwiran nito.

"Pero ipinapangako ko sa iyo, Jethan, anak, makakasalamuha mo ang iyong pamilya sa daigdig. Ipinapangako ko." Dagdag nito.

Ano nga ba ang karapatan ni Jethan na tanggihan ang salita ng nakakataas lalo na humingi pa ng kahilingan. Tinutulungan na nga siya nito, may balak pa siyang tumanggi. Nagmamalabis na siya kung gigibain niya pa ang balanse ng pagkabuhay at pagkamatay para lang sa kaniyang sariling dahilan.

Matapos ng ilang minuto ay napagpasiyahan na ni Jethan na magsalita, "Ikinagagalak kong tanggapin ang suhestiyon mo, Panginoon ko. Sana'y hindi ka nagkamali sa paggawa mo sa aking eksepsiyon."

Isang pitik ng kamay ng banal na Diyos ay bigla nalang naglilitawan sa kanilang harapan ang batang maaaring pasukan ng ispirito ni Jethan at sakto namang may nakita ang Panginoon niya na isang babae na nasa tatlong buwan pa lamang ng pagbubuntis at nakatira sa kabilang kalye ng bahay na tinitirhan ng mga Virordo.

Manghang-manghang pinasadahan ng kamay ni Jethan ang larawan ng tiyan ng isang ginang at tahimik na nagpasalamat dito.

"Marami kang nagawang mabuti sa mundo, Jethan, anak, kaya nararapat lang na ibalik kita upang manatili ang balanse." Sabi ng Panginoon pagkatapos ng ilang minuting katahimikan.

"Balanse saan, Panginoon?" Nagtatakang tanong ni Jethan. Andaming sumulpot na salitang 'balanse' ngayong araw.

Problemadong napalingon ang banal na Diyos sa kung saan, "dumarami na ang mga makasalanang mga anak ko na ikinasasakit ng aking damdamin. Nararapat lang na ika'y aking pabalikin upang madagdagan ang mga nabibilang na lang na mga taong may busilak na kalooban."

Napangiti na rin siya ng mapait dahil tama naman ang sinabi ng kaniyang Panginoon, dumami na nga ang mga desperado.

"Kaya humayo ka na, anak, at dumiretso na sa iyong destinasyon." Kasabay ng mga salitang iyon ay ang paunti-unting paglaho ni Jethan.

Ni hindi pa nga siya nakapagsalamat.

Oh God!
ALL RIGHTS RESERVED
© 2022

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro