Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

EPILOGUE NA NEXT UPDATE HUHU.

***
PAGPATAK ng eksaktong alas dose, sumapit ang araw ng ika-labing isa ng Disyembre at kasabay no'n ang malakas na pagsigaw ni Jeth. "Happiest birthday to my favorite man in the world!"

Huling linggo ng Agosto no'ng sinagot ni Jethan ang pag-amin ni Jeth at sinabing pareho sila ng nararamdaman. Pagsapit naman ng ika-labing dalawa ng Setyembre, sinagot ni Jethan ang panliligaw nito. Kaya pagkatapos ng birthday ni Jethan ngayong araw, magcecelebrate ulit sila para sa kanilang 3rd monthsary.

Itinaas ni Jeth ang baso niyang may lamang alak. Hindi naman nagpahuli si Jethan at sumunod rin sa ginagawa ni Jeth. "Salamat, Jeth."

Kaagad na nilapitan ni Jeth si Jethan. Pinulupot nito ang makapal nitong braso sa 'di gaano kaliit at hindi rin gaano kalapad na baywang ni Jethan.

Isinandal rin nito ang baba sa balikat ni Jethan at malambing na nagtanong, "Do you want to go somewhere to celebrate your birthday, Jethan? Hindi naman pwedeng parati na lang tayo rito sa rooftop magtatambay."

"Okay lang sa akin kahit saan, basta kasama ka, Jeth, ayos lang kahit ilalim ng dagat at sa kalangitan."

"Are you suggesting that we do underwater and aerial activities? Napaghahalataan ka, Jethan, ha. Is this your childhood wish?" Pinaharap ni Jeth si Jethan upang kumpirmahin kung tama ba ang interpretasyon niya sa sinabi nito, "Do you really wanna try those things?"

"Hindi ah. Ang sabi ko, kahit saan basta kasama ka." Pagtanggi ni Jethan nang hindi tinitignan sa mata si Jeth.

"Scuba diving and skydiving, huh. Not bad for a birthday wish." Kinindatan pa ni Jeth si Jethan na pulang-pula na ang mukha.

Nataranta si Jethan at biglang pinagpapawisan, "Naku! Joke lang, h'wag mong seseryosohin—."

Ngumiti nang pagkalaki-laki si Jeth kaya kitang-kita ang perpekto nitong mga ngipin, "No, no, Jethan. It's my pleasure to make your wishes, requests, and dreams come true."

***
"AHHHHHHH!" Napalingon si Jethan kay Jeth na todo sa pagbirit este sa pagsigaw. Mukhang mas kailangan nito ang skydiving kaysa sa kay Jethan. Hinigpitan ni Jethan ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito upang hindi nito makalimutang may kasama pa ito at hindi nag-iisa.

Grabe, enjoy na enjoy si Kuya.

"Are you satisfied?" Mabilis na tanong ni Jeth habang hingal na hingal. Kakalanding lang nila pagkatapos magtandem jump.

Hinawakan ni Jethan ang kaniyang dibdib na parang pinapaamo ang puso niyang nagdidisco bago sumagot, "Ikaw siguro ang nasatisfied. Hindi mo nga ako binigyan ng pagkakataong sumigaw, grabe ka."

"Sorry for that, first time ko rin 'to and I just felt like screaming midway." Sagot ng lalaki. Parang pugad na ng ibon ang buhok nito ngunit hindi ito nakahadlang sa kagwapuhan nito.

Ngumiti lang si Jethan habang hinahabol rin ang sariling hininga.

"How about bungee jumping and paragliding? Gusto mo pa?" Malakas na tanong ni Jeth sa kaniya na parang gusto pa nitong tumalon galing sa mataas na altitud.

"Ano ka ba? Nasa harapan na natin ang dagat, magpa-plano ka pang lumipad muli?" Oo, pinili nilang lumapag sa isang beach na nireserve na raw ni Jeth para sa kanilang gagawing scuba diving. Dagdag gastos ito ngunit pinili nalang ni Jethan na dumiretso kaagad sa second location nila para hindi na sila mapagod pang magmaneho.

"Sayang naman." Parang tuta itong nagpacute sa kaniya ngunit hindi ito gumana.

Bayolenteng umiling si Jethan na parang ayaw na ayaw niya na talaga, "Gusto mo pang magsisisigaw, Jeth?"

Pagkatapos ay inilagay ni Jethan ang kamay sa kaniyang ulo, "Anong mas gusto mo, mag-isa kang tumalon doon habang ako naman maghahanap ng pating para gawing ka-bonding?"

"Sabi ko nga sasama ako sa iyo." Nakangusong sabi ni Jeth at tila dismayadong-dismayado sa ginawang pagpipilian ni Jethan.

***
BUMALIK ang magnobyo sa ospital nang matapos silang magscuba diving. Gusto kasi ni Jethan na roon na niya hipan ang mga kandila sa bagong bili nilang cake sa ospital upang kasama nila ang kaniyang Nanay Epe na hindi pa rin nagigising sa pagdiriwang.

Muling kumanta si Jeth ng birthday song habang nakahawak naman si Jethan sa kamay ni Epe.

Nang matapos si Jeth ay sinabihan niya na si Jethan na gawin ang parte nito, "Sige, make a wish na, Jethan."

"Sasabihin ko ba nang malakas o sasarilihin ko lang?" Inosenteng tanong ni Jethan.

Hindi ni minsan na nagdiwang sila ng kanilang kaarawan ng kaniyang Nanay na may cake kaya hindi niya alam ang gagawin.

Parating sabi ng kaniyang Nanay Epe sa kaniya noon na okay lang kahit walang handaan na maganap, basta malusog lang at nakapagpasalamat nang maayos sa Panginoon dahil hinayaan nitong makarating siya sa ganoong edad. Hindi naman daw importante ang mga materyal na bagay.

Kaso mukhang hindi ganoon ang sitwasyon para sa mga mayayaman. "They say your wish won't come true if you say it aloud. Mawawalan raw ng bisa."

"Sige, sasarilihin ko nalang." Sana gumising na si Nay Epe at mas titibay ang relasyon namin ni Jeth. Iyon ang pinakahinihiling ni Jethan na mangyari. Hindi niya gusto ang mga materyal na bagay, ang gusto niya ay iyon lang.

"Tapos na." Sabi ni Jethan.

Sumenyas si Jeth, "Go on, blow the candle."

Nang matapos ay kaagad na sinugod ng yakap ni Jethan si Jeth na nakatitig lang sa kaniya, "Maraming salamat sa pagiging parte ng aking buhay, Jeth. Napakasaya ko dahil nandito ka at hindi ako pinapababayan. Kung gising na ngayon si Nanay..." Nilingon ni Jethan ang matandang nakahiga, "... tiyak na matutuwa siya para sa atin."

Tinanggal ni Jeth ang pagkakayakap ni Jeth sa kaniya at pinaulanan ng halik ang buong mukha nito, "Salamat rin at dumating ka sa buhay ko, Jethan. Thank you for saving me and for giving me light, when I was alone na pati si Mom, hindi ko magawang pagkuhanan ng lakas."

Ipinulupot ni Jeth ang mga braso niya sa bewang ni Jethan at harap-harapang nagpasalamat, "Thank you for always there when I needed you. Sa mga nagdaang araw, hindi ka nagsabing pagod ka. Kahit pinatigil na kita sa pagmamaneho sa akin ay nagpumilit ka, you said you wanted to personally take care of me. Pero may Nanay Epe ka pang inaalagaan gabi-gabi tapos at the same time, biglaan pa akong tatawag, hihingi ng isang kanta mula sa iyo."

"I am a pain in the ass right?" Malungkot na napangiti si Jeth na kaagad na kinurot nang mahina ni Jethan.

"Hindi naman." Kahit maikli lang ang isinagot ni Jethan ay malakas pa rin ang epekto nito kay Jeth. Kitang-kita sa mga mata ni Jeth ang labis na pagmamahal para sa kaniya.

Walang halong biro.

Tumingin ito sa image ng Panginoon sa uluhan ng nakahimlay na Nanay ni Jethan. "I'm thankful that God gave me you, Jethan."

"I love you the most, Jethan!" Puno nang siglang sabi ng lalaki.

Nang maramdaman ni Jethan ang marahang haplos ng mga salita ni Jeth sa kaniyang puso, sinagot niya rin ito, "I love you too, Jeth!"

Mabilis na idinampi ni Jeth ang labi niyo sa labi ni Jethan hanggang sa hindi na ito dampi lang at kalauna'y tumagal.

Pinatigil ni Jethan ang lalaki ngunit makulit ito at hindi siya hinahayaang magsalita. Nakakahiya lang dahil andito sila sa hospital room ng kaniyang Nanay at nagtutukaan.

Seryoso niyang pinatigil ang lalaki nang may maalala siyang importante, "Teka lang muna, almost three months na tayo, hindi ko man lang alam ang buong pangalan mo, Jeth."

"Ikaw, alam mong ako si Jethan Dinagad, anak ni Eperecia Dinagad at ng isang nilalang na hindi ko alam. Ikaw, Jeth, ano nga ba ang buong pangalan mo?" Tanong ni Jethan na may nag-iimbestigang tono.

Balak na niyang magtanong rito noon palang kaso parating nakakalimutan ni Jethan na gawin. Ang laman lang sa isip niya ay: sana gumising na si Nanay Epe, nakatulog ba si Jeth, okay lang ba ang Mom ni Jeth, kumakain ba nang maayos si Jeth, okay lang bang parati nalang siyang bigyan ni Jeth ng mga materyal na mga bagay, bakit ang gwapo ni Jeth, bakit ang bango ng hininga ni Jeth, bakit na-inlove ito sa kaniya, mahal na mahal niya si Jeth.

Nakalimutan niyang itanong dahil parang inuuna ng kaniyang isip ang mga mas importante.

"Oh... right, nakalimutan ko rin." Tumawa si Jeth at umupo sa sofa bed sa loob ng hospital room ni Epe, "What a joke!"

Kaagad namang umupo si Jethan katabi nito at nakaabang lang sa sasabihin nito, "So, my name is Jaydee Nathan Virordo aka Jeth. Anak ako nina Jethan Virordo Jr. at Heidi Martinez. I was born on December 27, so my age is 22."

"Jaydee ang gusto kong name para kay baby boy, Heidi." Seryosong mungkahi ni Jethan. Jaydee as in Jaydee Ocampo, paborito niyang boksidor.

Umiling si Heidi sa suhestiyon ni Jethan, "Nathan nalang, pinaglilihian ko kasi si Nathaniel, 'yung tropa mo no'ng high school."

"Ba't mo naman paglilihian ang kaibigan ko, Heidi?! Nabaliw ka na ba?!" Galit na bulyaw ni Jethan sa mukha ni Heidi. Nasa harapan lang naman siya, bakit sa iba pa siya tingin ng paglilihian.

Kung hindi gusto ni Heidi ang mukha niya, sana hindi nalang ito nagpakasal sa kaniya.

"Oy oy, mister! Walang kinalaman ang tastes ko rito. Ang anak mo ang may gusto!"

"Okay, sorry. How about pagsamahin nalang natin."

"H-Ha? Pakiulit nga ng pangalan mo." Nanginginig na tanong ni Jethan.

Nang mapansin iyon ni Jeth ay kaagad nitong kinuha ang nanlalamig niyang mga kamay, "Anong nangyayari sa iyo, Jethan?"

"Sabihin mo ulit ang pangalan mo!"

"O-Okay. You don't need to shout." Tila nabahag ang buntot na sagot ni Jeth sa kaniya.

"Jaydee Nathan Virordo ang pangalan ko, sabi ko kanina."

"Sige na nga, Jaydee Nathan ang magiging pangalan ng baby boy na 'tin. Jaydee Nathan Virordo." Pagsang-ayon ni Heidi habang hinahaplos ang kaniyang tiyan.

At tila rumaragasang sapa na bumalik sa kaniya ang kaniyang mga alala.

"I do, Father."

"Ano po? Tanggap na po ako? Salamat, Boss!"

"Jethan, nagdadalang-tao ako."

"Congratulations, your baby is a boy."

"Jethan, bilhan mo ako nitong dragon fruit at pomelo. Gusto yata ni baby boy."

"Jeth, anak, magta-trabaho muna si Dad mo, magpakabait ka kay Mom mo, ha."

Hanggang sa bumalik sa kaniyang isipan ang ala-ala niya na nakikipag-usap sa Panginoon.

"Ano iyon, Panginoon? Kahit ano basta ba makasama ko ulit sila ay ayos lang sa akin."

"Maaari mo nga silang makasalamuha, ngunit ikinalulungkot ko, hindi maaaring manatili sa iyo ang ala-ala mo patungkol sa mga nangyari rito, anak."

"Anak, Jethan, hindi naman ako gumagawa ng kalokohan. Pinapayagan kitang mabuhay muli ngunit hindi naman pwedeng mawala ang balanse ng mga bagay-bagay. Kung ano ang nangyari ngayon, patuloy iyong mangyayari bukas at sa sunod pa na mga bukas. Babalik ka sa mundo mo bilang bagong silang na sanggol. Ang isang sanggol ay walang kamuwang-muwang sa mundo kaya kung biglaang marunong na itong magsalita, magsulat, mag-isip ay masisira ang balanse ng buhay. Pero ipinapangako ko sa iyo, Jethan, anak, makakasalamuha mo ang iyong pamilya sa daigdig. Ipinapangako ko."

Naalala niya ring pumayag siya sa Panginoon at bumalik siya sa lupa nang isilang siya ni Epe bilang Jethan Dinagad.

"H-Hindi ito maaari! Hindi ito maaari." Nag-unahan sa pagbaba ang mga luha ni Jethan na tila ba isang dam na nabutasan, walang may alam kung kailan hihinto ang pag-agos.

Naramdaman nalang ni Jethan ang mainit na yakap ni Jeth, "What's happening to you, Jethan?"

Ang taong hindi pa binibitawan ng mag-inang Virordo kahit matagal nang namayapa. Ang taong dahilan ng kanilang depresyon. Ang taong dahilan kaya malala ang kondisyon ni Heidi.

Ang taong iyon ay siya! Hindi si Jethan Dinagad kung hindi si Jethan Virordo Junior!

At ang malala si Jeth... mahal niya si Jeth!

Minahal niya ang sarili niyang anak! Minahal niya bilang lalaki ang bunga ng pagmamahalan nila ni Heidi!

Nanghina ang katawan ni Jethan at hindi niya na namalayang unti-unti na pala siyang tinatakasan ng ulirat ngunit bago pa man iyon mangyari nagawa niya pang bigkasin ang mga salitang, "Panginoon, patnubayan niyo po ako."

***
NAPABALIKWAS si Jethan sa kaniyang pagkakahiga at napahawak sa sariling ulo. Pinasadahan niya ng tingin ang lugar an kinaroroonan niya at napagtantong nasa ospital pala siya.

"Anong nangyari?" Bulong niya habang nakatingin sa kakasikat palang na araw mula sa bintana. Ito ang una niyang napansin dahil nasisilaw ang kaniyang mga mata rito.

"Oh, you're awake." Nanlaki ang mga mata ni Jethan ng marinig ang matigas na boses ni Jeth, "Why aren't you telling me kung may nagpapa-stress sa iyo—"

Nang hindi nakinig si Jethan kay Jeth at umalis lang sa hospital bed nito ay nataranta muli si Jeth, "Hey, Jethan! Don't just ignore me!"

"H'wag mo akong pagtaasan ng boses, Jeth, mas matanda pa ako sa iyo." Maowtoridad na sabi ni Jethan.

Hindi na makikitaan ng lambing sa boses ni Jethan. Para na lang itong amang pinagagalitan ang anak na sinusubukang sumuway sa mga utos niya.

Ngayon palang bumalik kay Jethan ang mga nangyari. Ang dahilan kung bakit marunong kaagad siyang magmaneho ng sasakyan kahit hindi pa sa tanang buhay niya na nakapagdrive siya, kung bakit siya takot sa salitang 'madaling mamatay', at kung bakit pamilyar sa kaniya ang Kalye Valega na siyang lugar ng kaniyang kamatayan noon.

"Why are you suddenly like that? Alam nating dalawa na mas matanda ako kaysa sa iyo—"

Pinutol niya ang sinasabi ni Jeth, "Where's Heidi? Nasa bahay lang ba?"

"Anong nangyayari sa iyo, Jethan? You're ignoring and now you're casually asking like my Mom is at your age."

"Nagtatanong ako kung nasaan si Heidi, Jeth." Ngunit nang hindi nito sinagot ang tanong niya, bigla nalang pumasok sa isip niya ang address na matagal na nakatago sa isip niya. "You wait here, I'm gonna go meet your Mom."

"Pero, bakit?"

Mabilis na nilakad ni Jethan galing sa kwarto niya sa ospital patungo sa sasakyan ng anak niyang si Jeth. Ni hindi pa nga niya nahuhubad ang hospital gown niya.

"Jethan! Wait for me!" Malakas na sigaw ni Jeth sa papalayong likod ni Jethan.

Nang makapasok si Jethan sa kotse ni Jeth ay kaagad niya itong pinaandar at mabilis na humarurot patungo sa matagal na niyang nakalimutang address.

Hindi na napansin ni Jethan ang pagpara ni Jeth ng taxi at pagsunod sa kaniyang likuran.

Oh God!
ALL RIGHTS RESERVED
©2022

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro