Chapter 11
This is quite short.
***
"JETHAN, anak, kamusta ka na?" Tanong ng boses na nagmumula sa langit kay Jethan na tahimik lang na nakaupo sa isang upuan sa gitna ng kawalan.
Ngumiti si Jethan habang nakatingin sa walang kaulap-ulap na langit, "Ayos lang naman ako, Panginoon, gaya pa rin ng dati."
"Mabuti't ganoon ka pa rin. Nagtatanong lang ako kung may nangyari bang kakaiba habang nandiyan ka sa lupa at sumusunod sa buhay na plinano ko para sa iyo." Saad ng banal na Diyos.
Pinag-isipan muna nang mabuti ni Jethan ang kaniya isasagot upang walang mali sa kaniyang 'report', "Gaya ng ipinangako niyo, nakasalamuha ko na po ang isa sa kanila. At habang kailangan pa niya ako, parati lang akong naka-antabay. Hinihintay ko nalang po ang pagkikita namin ni Heidi, Panginoon ko."
Napabalikwas sa pagkakahiga si Jethan nang magawa niyang putulin ang kakaibang panaginip.
"Heidi? Panginoon?" Bulalas ni Jethan. Ano naman ang kinalaman ng dalawang nabanggit niya sa pang-araw-araw niyang panaginip?
Napakalayo nito sa kaniyang 'masayang kumakain' at 'nagka-car racing' na mga panaginip.
Kung tutuusin, wala siyang kilalang Heidi ang pangalan at lalong-lalo nang walang tao ngayon na may kakayahang makipag-usap sa Diyos ama. Masiyado naman siyang pinaglalaruan ng kaniyang imahinasyon.
Kung totoo mang makakausap niya ang Panginoon, gagamitin niya ang pagkakataong iyon upang magtanong kung kailan gigising ang kaniyang Nanay.
Napalingon si Jethan sa nakakainis na ingay ng makina, kung sana boses na lang iyon ng Nanay Epe niya na gising na. Kakasimula pa lang ng dalawang araw at gan'on pa rin ang kalagayan ng kaniyang Nanay: parang mahimbing lang na natutulog.
Tumayo siya sa pagkakahiga sa malambot na sofa sa gilid ng hospital bed at lumapit sa kaniyang nakaratay na Nanay. Ibang klase rin kasi ang ospital na kinaroroonan nila ngayon, pumapayag na roon siya magpalipas ng gabi. Overnight hospital stay raw ang tawag.
Kinuha niya ang kaliwang kamay ng matanda, "'Nay? Kailan ka babalik sa akin? Tandaan mo, parati lang akong naghihintay sa iyo."
Hindi naman sa pini-pwersa ni Jethan ang kaniyang Nanay. Pinapaalalahan lang niya na pwede itong magpahinga nang kahit kaunti kung talagang pagod na pagod na ito sa buhay ngunit hindi dapat nito makalimutan na may naghihintay pa sa rito... naghihintay na makasama itong muli.
Hinagkan ni Jethan ang kamay at noo ni Epe at pumasok na sa banyo para maligo. Ang gara naman kasi ng mga private rooms rito sa ospital, may kaniya-kaniyang banyo.
Habang naliligo siya ay napakwenta siya sa mga gastusin rito sa ospital. Sa tantiya niya, tatlong taon niya pa ito mababayaran dahil may nurse pa.
Ano ba naman ang naisip ni Jeth at tinutulungan siya nito ng labis pa sa inaasahan niya? Kung si Jethan nga ang nakasuot sa sapatos ni Jeth, magiging ganoon rin ba siya kauhaw at kadesperado sa taong nagparamdam sa kaniya ng bago at hindi maipaliwanag na emosyon?
Siguro'y oo at siguro'y hindi. Oo kung pareha ni Jeth, marami siyang pera, at hindi dahil katulad parin siya ngayon na hindi man lang makagawa ng singkong duling dahil kailangan magmaneho para kay Jeth 13-7, mula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi at walang day-off.
Naligo na siya rito sa ospital dahil ayaw niyang lumaki ang gastos niya sa tubig sa kanilang bahay. Pati ang pagtulog ay rito na rin niya ginagawa tutal pinapayagan lang naman siya ng doktor at para mahintay niya na rin ang nurse na magbabantay sa kaniyang Nanay.
Isinuot niya ulit ang kaninang damit niya bago siya naligo at akmang bubuksan na ang pinto ngunit naunahan na siya ng kung sino.
"Hi." Bumungad kay Jethan ang hindi gaano ka-siglang mukha ni Jeth. Kung kahapon ay napakasaya nito, ngayon ay parang namatayan ito ng alaga. Maitim at mas malaki na ang eyebags nito kaysa kahapon.
"Hi rin." Pabalik na pagbati ni Jethan. "Bakit ka napadpad rito sa ospital?"
Gusto man niyang magtanong ay pinili na lang niyang itikom ang bibig niya. Kung sakali mang hindi tumalab ang sinasabi nitong 'nakatulog ako nang mahimbing dahil sa iyo, Jethan', maaaring may nangyaring kung ano sa bahay nito na hindi nagpatulog rito.
"Gusto ko lang ibigay sa iyo 'to." Nagtatakang napatingin si Jethan sa mga paper bag na dala-dala ni Jeth. "Ano ang mga iyan?"
Isinara ni Jeth ang pinto at umupo sa sofa habang tumitingin-tingin sa kabuuhan ng kwarto, "These are the clothes that I bought for you. 'Yung pinasukatan kita kahapon."
Mabuti nalang at iniligpit ni Jethan nang maayos ang unan at kumot kanina.
Nagpormang ekis ang dalawang kamay ni Jethan bilang pagtanggi, "Hindi ko matatanggap iyan, Jeth."
"But I bought this for you, siyempre size mo 'to lahat." Nakangiting inilabas ni Jeth ang mga damit mula sa paper bags at inilapat sa katawan ni Jethan. "If you don't like my fashion sense, I can buy more for you; 'yung ikaw na ang nagpili."
"At bakit mo naman gagawin iyon? Bakit mo ginagawa 'to? Bakit ka bigla nalang susulpot at magbibigay ng mga damit? 'Di ba pagmamaneho lang ang ipinilit mong trabaho sa akin?" Napaatras si Jethan mula sa kinauupuan ni Jeth na parang nakakita ng isang nakakatakot na nilalang, "Gagawin mo ba akong manika mo na pinasusuot mo nang kung ano? Ano ba talagang plano mo at minamanipula mo ang pati ang mga damit ko?"
Napamasahe si Jeth sa kaniyang ulo na parang problemadong-problemado dahil sa mga naririnig na salita na lumalabas sa bibig ni Jethan, "No ... no. It's not what you think, Jethan."
"Pumayag na nga akong maging sunod-sunoran sa iyo... sa mga utos mo... sa mga kabaliwan mo. H'wag mo na akong i-damay sa kakaibang pag-ikot ng utak mo." Pahina nang pahina ang boses ni Jethan dahil paatras siya nang paatras hanggang sa makarating siya sa bintana sa kanang bahagi ng kama ng kaniyang Nanay.
"Ang hirap mo talagang paintindihin, Jethan! Itong mga ginagawa ko, wala 'tong halong intensiyong makasama sa iyo! Ang gusto ko lang bigyan ka ng damit na sa tingin ko ay babagay sa iyo." Napatayo na si Jeth at nakakuyom na ang dalawang kamao na parang galit na galit na at kaunti nalang ay sasabog na.
Napayuko si Jethan dahil sa takot, "If ever I was plotting something bad, I should've done it sooner. Hindi ko na sana binigyan ng mamahaling kwarto ang Nanay mo. Hindi ko na sana binigyan siya ng nurse na magbabantay sa kaniya. Hindi na sana kita binigyan ng pagkakataong bayaran ang mga iyon sa pamamagitan ng pagmamaneho para sa akin at binigyan nalang sana kita ng palugit."
"Hahhhh..." Napabuntong hininga si Jeth. "Tumutulong lang ako sa iyo dahil alam kong makukuha ko ang pakiramdam na ninanais ko. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para maniwala kang iyon lang ang nais ko sa iyo, ha?"
Pinulot ni Jeth ang mga damit sa paahan nito na hindi namalayang nahulog pala, "Itong mga damit na ibinigay ko, pwede mo namang isipin na regalo ko 'to dahil mabuti ang serbisyo mo sa akin. Dahil masaya akong pumayag kang magtrabaho sa akin at dahil masaya akong nararamdaman ko ang pakiramdam na maging buo."
"Sa tingin mo ba, Jethan, magtitiis pa akong magbayad nitong hospital bills ng Nanay mo kung sakaling hindi ko na maramdaman ang pakiramdam na ibibinigay mo sa akin? Kung iniisip mo, may masama akong intensiyon, pinatapon ko na kayo palabas rito sa ospital ko." Namuo ang luha sa mga mata ni Jethan dahil sa narinig.
Kaya pala, ospital pala ni Jeth 'tong Don Sueco. Kaya pala kumpyansang-kyumpayansa itong hindi ito malulugi. At oo nga naman, kung magsawa ito sa pakiramdam na ibibinigay ni Jethan sa kaniya ay may karapatan itong iwan sila sa ere at pabayaan nalang.
Mas nanginig si Jethan dahil sa pagsisi.
Napalingon kaagad si Jeth sa dingding na nasa gilid niya nang iniangat ni Jethan ang ulo nito, "You're not even bothering to think of me in a new light. You never think of me as someone who is kind to you and your Mom dahil nakikita mo lang ako bilang isang baliw na nagwawaldas ng pera para sa wala."
Tumalikod si Jeth sa kaniya at hinawakan ang doorknob. "Kung ayaw mo niyang mga damit, itapon mo iyan, at bumaba ka sa parking lot. Bilisan mo at may imi-meet pa akong ibang investors." Malamig na sabi ni Jeth at maririnig sa boses nito na parang nabigo siya ni Jethan.
At bago pa man makagalaw si Jethan para humingi ng tawad sa lalaki ay mabilis na itong nakalayo.
Kaagad niyang nilingon ang kaniyang Nanay, "Pasensiya na, 'Nay, kung napakatigas ng ulo ko. Gagawin ko ang lahat upang hindi tayo ipatapon mula rito sa ospital."
***
Sa kabilang dako...
"Sabi mo wala kang problema riyan sa lupa, Jethan, anak, anong nagyayari ngayon?" Bulong ng banal na Diyos sa hangin habang nakatingin sa tila CCTV footage na nagpapakita sa mga kaganapan na tila ba teleserye.
"Kasalanan ko rin iyan, Panginoon, ako ang nagpasok sa kokote ni Jethan na mapya 'yang si Jeth. Ayan tuloy, naging praning." Biglaang sulpot ng isang matanda mula sa likod ng Panginoon. May kasama rin itong lalaki na tahimik lang na nakatayo sa likod ng matanda.
"Atsaka Panginoon, hindi pa ba ako—kami babalik sa katawan namin?" Tanong niya habang nakatitig sa nakakasilaw na mukha ng Panginoon.
Napailing ang Panginoon, "Hindi muna, Epe, anak. Ang ipinangako ko kay Jethan na makakasalamuha niya ang buo niyang pamilya, gusto ko munang matupad iyon."
"Oo nga naman, baka makasagabal kami. At saka gusto ko rin rito, pwede akong bumalik sa dalaga kong anyo." Biglaan nalang lumitaw ang isang salamin kasabay ng biglaang pagbata ng buong katawan ni Epe.
"Magmatiyag muna tayo." Utos ng Panginoon sa abalang-abala sa pagtingin sa kaniyang sariling repleksiyon na si Epe. Nilingon niya rin ang lalaking nasa likod nito ngunit nakatalikod lang ito sa kaniya.
Oh God!
ALL RIGHTS RESERVED
©2022
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro