Chapter 10
"DENVIN, you f*cker!" Bago pa man makadapo ang kamao ni Jeth sa mukha ng lalaki ay naunahan na siya ng sampal ng ginang na kasama nito.
Napahawak si Jeth sa kaniyang pisngi at pulang-pula ang mukha na hinarap ang ginang, "Why did you that, Ma'am?"
"How dare you look at me with that eyes! Ikaw nga ang unang sumugod sa asawa ko. Do you think I would let this pass?!" The woman shouted with all her might that even her neck veins became visible, "Kayo talagang mga bata, sumusobra na. Isa lang ang ibig sabihin nito... you were raised by irresponsible parents!"
"Don't give me that stupid stereotype of yours, Ma'am! I was raised by a very wonderful woman. Although she's not a very expressive person like you, Ma'am, never ever did she shouted in front of me." Sinamaan ni Jeth ng tingin ang lalaking nakatayo sa labas ng glass wall.
The man was talking to his children. Nakalock na rin ang pinto ng boutique to not cause further commotion and luckily, no one has ever noticed them bickering. And as if Denvin is currently telling them to leave the scene and play somewhere else, the children obliged.
"So, what, young man? Don't make me the one who's at fault here. You're the one who's suddenly charging at my husband like a bull looking at something reddish." The woman furiously pointed at Jeth.
"My lovely Mom, she endured everything in her own. My mom who'd been miserable for years, magiging miserable pa kung sakaling sinagot niya ang lalaking nasa likod mo." Kaagad namang lumingon ang ginang sa kaniyang likuran habang patuloy lang sa pagsasalita si Jeth. "Utang na loob po, Ma'am, would you let me punch your cheating husband just for once para sa Mom ko?"
"W-Why are you saying strange things, young man? My h-husband is someone I look up to the most. H-Hindi niya ako magagawang lokohin lalo na ngayong b-buntis ako sa ikatlo naming anak." Nagpalipat-lipat ang tingin ng ginang mula kay Jeth na seryosong nakatingin sa kaniya at sa kaniyang asawang na ang mukha ay hindi na maipinta.
"I don't want to say no more, Ma'am. If there is someone who will explain, that should be your almighty husband." Jeth said in a polite manner.
"N-No, you're bluffing!" Napaupo ang ginang sa sahig habang hawak-hawak nito ang hindi pa kalakihang tiyan.
Kaagad na dinaluhan ito ni Jeth upang tanungin kung ayos lang ba ito pero tinalikuran siya nito at tumayo nang mag-isa. She then sooner forcefully opened the door that was locked from inside.
Nang mawala na ang mag-asawa sa paningin ni Jeth ay nilingon niya ang kaniyang likuran at nang makita niya si Jethan na tahimik lang na nagmamasid sa sulok kasama ang takot na takot na saleslady, nilapitan niya kaagad ang dalawa.
"Tell your boss, James, to have this clothes be delivered to my house." Utos ni Jeth sa nakayukong saleslady.
"Let's go now, Jethan."
***
"SORRY for letting you witness such a chaotic scene, Jethan." The sound of the waves violently slapping the shore is a music to Jeth's ears.
Nakatayo lang sila sa harap ng fence na may karatulang 'No trespassing'. Sa unahan ng fence ay ang maputing buhangin at ang walang katao-taong mga nipa huts. The place before them was a man-made beach that is not yet opened.
Jeth don't know how they ended up there, but all he cares about is the picturesque scenery that a city person cannot see everyday.
Jethan distanced himself from the fence and sit on a huge rock nearby, "Ba't mo naman kasi ibinagsak kaagad kay Misis ang lahat? Baka ma-stress siya at maapektuhan ang baby niya."
Jeth took a few sighs, "I planned to just give her a hint of the ways of his deceitful husband, but I didn't expect that it would turn like that. Nabulag ako sa poot at galit kay Denvin. How dare him? He's a married man tapos gagawin niyang kabit ang Mom ko? I always thought that something is strange with him na hindi ko talaga nagustuhan. For a fact, I never wanted him to come and go with my Mom that easily."
Jeth is not trying to justify himself, alam niyang mali ang kaniyang ginawa and he's repenting.
Jethan gathered some stones and he playfully thrown them one by one over the fence, "Oo nga, may karapatan kang magalit sa Denvin na iyon. Hindi sa nakikialam ako, pero pag-isipan mo, Sir este Jeth, ano kaya ang iisipin ng Mom mo kapag nalaman niya ang nangyari ngayon? Kung mabuti talaga ang Mom mo 'gaya ng sinasabi mo, papagalitan ka n'on kung sakali mang may nangyaring masama sa asawa ni Denvin."
Jeth looked at Jethan as if he just told him a top secret. Siyempre, I wouldn't like it too if someone gets hurt by my doings. Jeth's thoughts never left his mouth. And they fell silent for awhile, dinadama ang maalat-alat na hangin na nagmumula sa dagat.
Jethan decided to break the silence with a forced cough, "Sir, ah, Jeth paano 'yung iniutos ng Mom mo? Nakalimutan mong bilhin."
Ngumiti lang si Jeth bilang tugon. Problema pa rin niya kung sakaling mainip ang Mom niya mag-isa sa bahay. Although it would take time for her Mom to stop knitting, pareho pa ring poproblemahin ni Jeth ang pagkalumbay nito regardless the time, since she will eventually gave up on it.
"What time is it?" Mahinang tanong ni Jeth at naglakad papalapit kay Jethan.
"Eleven forty, J-Jeth." Jeth smiled a little upon hearing Jethan awkwardly calling him by his name.
"Mind if we go somewhere to eat?" Kaagad na tumango si Jethan sa mungkahi ni Jeth.
They were both starved by the sudden heavy topic so they have to rinse their minds with delicious food.
***
"How old are you, Jethan?" Nabilaukan ng laway si Jethan sa biglaang tanong ni Jeth. "Sorry, medyo sensitive ba sa iyo ang age mo? Of course, if you say you're forever 18, sasakyan ko ang trip mo."
Kasalukuyan silang nakaupo sa pang-dalawahang lamesa sa loob ng pinakamalapit na karinderya. Naka-order na rin sila at naghihintay nalang na maluto ang mga iyon.
"Hindi naman. Naalala ko lang na baka kasali ka pa rin sa Mafia at nililito mo lang ako sa gawa-gawa mong background at pagda-drama." Lantarang pahayag ni Jethan.
"Pwede ba, drop that Mafia thingy." Hininaan ni Jeth ang kaniyang boses. Maraming tao sa karenderya at baka magkagulo ito sa mga kabaliwang sinasabi ni Jethan.
"Hindi naman kasi ako naniniwalang pag-i-invest lang ang pinagkukuhanan mo ng drum na puno ng pera."
Jeth shrugged, "What's with the drum filled with money? Nasobrahan ka na ba sa kakapanood ng action movies? I was just asking about your age and that's all. Nothing more, nothing less."
Dalawang salita ang lumabas sa bibig ni Jethan matapos ang ilang sandali, "Bente-uno."
"Ang edad mo?" Tanong ni Jeth na nakakuha ng maraming pagtango mula kay Jethan.
"Ikaw, Jeth, ilang taon ka na?" Pabalik na tanong ni Jethan habang nanood sa mga taong kumakain sa kaniya-kaniyang mga lamesa nito.
Sumagot si Jeth, "I reached twenty-two last week."
They would have had a new topic if the aged woman did not interfere, "Eksyus me, mga Ser, nandito na po ang order niyo."
"Excuse me, Manang!"
"Ay teka, Manang!" Sabay na pagsigaw ni Jethan at Jeth.
Jeth moves his head frontward as if telling Jethan to speak and nakuha naman ni Jethan ang gusto niyang ipahiwatig, "Hindi kami nag-order nitong ginataang talaba."
"Naku! Libre ko na sa inyo 'yan, Mga Ser. Nakikita ko kasi sa inyo ang asawa't anak kong nagkukulitan lang noon. Hindi na nila magawang magkulitan ngayon dahil pumunta na ang anak ko sa siyudad para magtrabaho. Paborito nila ang ginataang talaba." The aged woman smiled bitterly. Her wrinkles became more visible as he tried to force a smile.
"I hate to burst your bubble, Manang, pero allergic po ako sa mga oysters." Jeth politely declined her offer.
Ngunit hindi naman mag-aakalang si Jeth na tatanggi rin ang kaharap niya, "Ako rin, Manang, allergic din ako!"
"Allergic ka, Jethan?" Pagkormpirma ni Jeth sa narinig.
Jethan frowned, "Kakasabi ko lang, 'di ba? Ikaw, Sir, allergic ka rin?"
Nanlaki ang "Kakasabi ko lang rin, Jethan." They both laughed when he said that.
"Dito mo nalang ibigay sa amin, 'Nay Karming! Sayang naman kung itatapon mo lang." Pagsingit ng mga lalaking nag-i-inuman sa kabilang table namin.
"Sinong may sabing itatapon ko?" Pabalang na sagot ni Manang at parang inis na inis sa mga lalaki.
Jeth made up his mind, "Ganito nalang, Manang, babayaran ko nalang 'yang ulam mo, at ipapakain ko sa Mom ko. She's fond of seafoods."
"Naku, Ser! Sabi ko nga na libre 'to, 'di ba? Dito muna kayo, ipa-plastic ko muna." The aged woman insisted.
Jeth and Jethan continued to zealously talk over the delicious seafood about minor things.
***
MABILIS na tumakbo ang oras...
"Now that we finished eating dinner, dumiretso na tayo sa Don Sueco para mabisita mo na ang Nanay mo." Kaagad na tumango si Jethan nang matapos niyang ubusin ang softdrink niya.
Pumasok na sila sa sasakyan at nagmaneho na patungo sa sinabing ospital. Nang huminto na ang sasakyan ay kaagad na lumabas silang dalawa.
Naglakad ang dalawa ng ilang metro back nakarating sa entrance ng ospital.
"I'm gonna go now, Jethan. Baka mapanis 'tong oysters na binigay ni Manang. Take care!" Paalam ni Jeth kay Jethan na nakatayo at nakangiti nang malaki sa kaniya.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Jethan at mukhang nakalimutan na hindi pala siya ang hinahatid, kun'di ang driver, "Hindi ka ba magpapamaneho patungo sa bahay mo?"
"Hindi na, malayo pa ang lalakarin mo." Sagot ni Jeth na akmang maglalakad na patungo sa nakaparadang sasakyan niya.
Nagpumilit si Jethan, "Ano naman, Si—Jeth, trabaho ko naman 'yun!"
"No, I insist, Jethan. Pumasok ka na." Pinal na utos ni Jeth.
Iniyuko ni Jethan ang ulo niya at taos-pusong nagpasalamat, "Salamat sa pagtulong sa amin ng Nanay ko, Jeth. Maraming maraming salamat!"
Nang tumalikod na si Jethan at nakapasok na siya sa pinto ay saka pa sumigaw si Jeth, "Thanks for today too, Jethan! I enjoyed your company! Salamat rin at pumayag kang makinig sa mga nakakabaliw na kondisyon ko."
Nang makapasok si Jeth sa loob ng kaniyang sasakyan ay nakita niya pa si Jethan na kumakaway mula sa loob ng ospital. Sa hindi malamang dahilan, napatingin siya sa kaniyang repleksiyon sa rearview mirror ng kaniyang sasakyan at nagulat sa nakita.
Ang buong mukha niya ay nakangiti.
Papito-pato siyang nagmaneho patungo sa kaniyang bahay. Nilingon ni Jeth ang nakacellophane na ulam.
"Ano kaya ang ginagawa ni Mom ngayon?" Tanong ni Jeth sa hangin.
When he finished parking his car, Jeth proceeds to enter their house. Bumati sa kaniya ang walang kailaw-ilaw na sala.
"Mom? Nasaan ka? I brought some seafood for you." Sigaw ni Jeth matapos niyang buksan ang ilaw.
Nang makita ni Jeth ang nagkalat na mga knitting matterials sa harap ng TV ay kumaripas siya ng takbo papunta sa kwarto ng kaniyang Mom.
At kagaya ng dati, hindi nakalock ang pinto nito. Dahan-dahang binuksan ni Jeth ang pinto at nalamang nakaupo ulit ang Mom niya sa sulok ng kwarto. Hindi na ito umiiyak kun'di kumakanta.
"... Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Dear Jethan." Hawak-hawak nito ang urn ng kaniyang ama na may nakapalibot na knitted fabric.
Ito pala ang dahilan kaya nag-knit ito.
Oh God!
ALL RIGHTS RESERVED
©2022
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro