Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula


Simula





"Tapos ka na ba ate?" Ani ng kapatid kong pawisan at kakatapos lang tumakbo gamit ang treadmill.

Magulo ang medyo may kataasan na niyang buhok at namumungay naman ang pagod niyang mga mata.

"Hindi pa." Tumuwid ako ng tayo bago kinuha ang dalang gatorade galing sa bag at pinangalahatian iyon.

Minasahe ko ang aking batok at ang braso pagkatapos uminom. Kakatapos ko lang kasi gumamit ng punching bag at nangangayayat agad ang aking kamay.

Habang nagpapahinga ay pinagmamasdan ko naman ang kapatid kong kuryosong tinitingnan ang dumbbell. Nang makita kong gusto niya itong buhatin ay agad akong napatayo at lumapit sa kaniya.

"Anong gagawin mo?" Kunot noo kong tanong.

Nag-angat siya ng tingin at takot na napangisi.

"Try ko lang sana ate—" hindi ko na siya agad pinatapos.

"Bawal."

Malakas kong sinipa ang ulo ng dumbell at dumiretso ito sa gilid. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at kinuha ang dalang duffel bag, inubos ko na rin ang nangangalahati kong gatorade. Naglakad na ako papunta sa locker room ng hindi siya nililingon.

"Saan ka ate?" Tanong niya, sumusunod na sa akin.

"Magbibihis na ako, nakalimutan kong may gagawin pa pala ako sa office." Ani ko.

Tinitigan ko ang orasan ko sa palapulsuhan at napa-iling. Alas-sais na pala. Siguradong mapapagalitan ako ng Chief namin dahil mala-late ako ngayon.

"Dito muna ako, Ate! May tatapusin lang akong routine!" Sigawng kapatid ko.

Napatigil ako sa paglalakad bago siya binalingan. I gave him a warning look.

"Huwag kang gagamit ng dumbbell. Hindi pa kaya ng muscle mo. Kapag nalaman kong gumamit ka niyan..." I stopped to threaten him and he took it as a hint.

He smile wide without his teeth and saluted. "Yes, Ma'am!"

I shook my head and bit the insides of my cheeks. Alam na niya ang bawal at mali kaya sana ay hindi niya ako suwayin. Kakagaling niya lang sa injury dahil sa basketball kaya pinapag-ingat ko ng tudo.

Nang makarating sa locker ay isa-isa ko ng kinuha ang mga susuotin kong damit galing bag para diretso na ako sa trabaho.

Naligo muna ako bago nagpalit ng damit. Inilagay ko sa basurahan ang nagamit ko ng sports bra at leggings.

Ayaw ko ng suotin uli ang mga damit kong galing na sa sobrang pawis. Madalas kasi akong mangati kahit kakalaba pa lang. Masiyadong sensitive ang balat ko pagdating sa mga gamit na na bagay.

Inaayos ko ang belt ko habang nakatingin sa salamin. Naka-tuck-in ang white t-shirt ko sa suot kong black  slacks. Pagkatapos ayusin ang belt ay ang buhok ko na namang hanggang balikat ang inayos ko.

I formed my hair up tight for a ponytail. After that, I put a baby powder on my face. Hinawakan ko ang matangos kong ilong at bahagya iyong ginalaw. Eto ang madalas kong ginagawa kapag nasa harap ng salamin. Ewan ko ba, pero mukhang nakasanayan ko na.

Habang ginagawa iyon ay biglang bumukas ang pintuan ng locker, isang babaeng naka-white sports bra at pink leggings ang pumasok. Kulay brunette ang buhok nito at napaka-kurba ng katawan.

She smiled wide as she walks my way. I pursed my lips and took a step back to give her a space.

"Hi pretty!" She giggled and waved her hands. Mataas ang hanggang bewang niyang buhok, medyo maliit ang mukha at may nunal sa kaliwang pisngi. Maputi at may pagka-chinita.

Nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang medyo paglapit niya ng tudo sa akin. Napangiwi ako dahil sa tinawag niya sa'kin.

"Hindi pretty ang pangalan ko," diretso kong sagot. Pasimple kong kinuha ang duffle bag at sinampa sa kaliwa kong balikat bago tumagilid para hindi siya makita.

"Actually, kino-compliment kita," aniya.

Natigilan ako. Agad na dumaloy ang hiya sa katawan ko ng marinig iyon sa kaniya. Napalunok ako at hindi naging komportable.

"Ahh... S-sorry," ano ba naman kasing banat 'yon? "I-ikaw din, pretty." Wala na talaga akong masabi. Sobrang nakakailang. Ano bang problema ng babaeng 'to?

Naiiling kong kinuha ang black leather jacket ko sa bag at isinuot iyon, kasabay ng itim kong sumbrero.

"Tomboy ka ba?" May halong landi sa boses niya na nagpatigil ulit sa akin. Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita. Masyadong extranghero ang mga salitang 'yon sa akin.

Ay gago.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Napangiwi ako ng makita ko siyang malanding kinakagat ang daliri habang may makahulugang titig sa akin.

"Hindi ako tomboy." Diretsong ani ko sa blangkong ekspresyon.

Hindi naman ako against sa mga nagsasabi ng ganiyan sa akin. Hindi ko rin sila masisisi dahil aware naman ako na kakaiba ako manamit pero... seriously? Totoong babae ako kahit ganito ako manamit. Kapag tinatawag akong tomboy bigla na lang kumukulo dugo ko.

"Ahh, can I have your number?" Sabay lahad niya ng cellphone niya sa akin. Kumikislap ang mga mata niya na at halatang excited. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiwi.

Napahinga ako ng malalim bago kinuha ang pitaka sa bulsa. Kumuha ako ng calling card doon at inilagay sa nakalahad niyang kamay na may cellphone.

"Ayan. Kapag may problema ka, tawagan mo 'ko ah," ani ko sabay tapik sa kaniyang braso.

Nilagpasan ko na siya at akmang bubuksan na ang pinto ng marinig ko ang malakas niyang singhap.

"P-pulis ka?!"

Nabasa niya siguro ang mga nakasulat doon. Napangisi ako at tinitigan siya pabalik.

"Gulat ka?"

Tumango siya habang namimilog ang mata na napatitig sa akin. May problema talaga ata 'to e.

"Geh." I waved my hand before going out from the locker.

Tsaka lamang ako nakaginhawa ng maayos. Ang init sa loob. Parang sasabog ako na ewan. Parang may powers ata ang babaeng 'yon e.

Dumiretso muna ako sa front desk para magpaalam sa trainer ko at magtanong ng ilang bagay. Pagkatapos ay agad na akong lumabas ng building at sumakay sa sarili kong kotse.

May dala namang sariling kotse ang kapatid kong si Preston kaya hindi na ako mangangamba sa paghahatid sa kaniya. He's 19 years old already, he can handle himself.

Habang nagda-drive ay may tumawag sa akin sa cellphone. Ikino-nekta ko ito sa earpods ko bago sinagot.

"Yes? Chief."

"Insp. Valerino, may ipapagawa ako sa'yo. Asan ka na?"tanong niya.

"Papunta pa lang po sa office, Chief."

"Dumiretso ka agad sa opisina ko."

"Yes, Chief."

Ibinaba ko na ang tawag at agad na niliko ang sasakyan.

Pagkarating na pagkarating sa departamento ay agad na bumungad sa akin ang ingay ng mga kasamahan kong pulis. Agad naman silang nagsipag-tayuan ng makita akong pumasok.

"Magandang umaga, Inspector!" Sabay sabay pa silang sumaludo.

I did the same and greeted them back. Nang makarating sa harap ng pintuan ng opisina ng Chief namin ay kumatok muna ako bago pumasok. Pagkapasok ko ay isang sandamukal na papeles sa lamesa ang agad na bumungad sa akin.

Bumukas ang pintuan galing sa isang kwarto at nilabas doon si Chief Arteinza. Nasa mga mid 50's na ang edad niya at talagang may kulubot na sa mukha. Malaki ang tiyan at kalbo. May hawak-hawak siyang kape sa isang kamay at salamin naman sa isa pa.

"Good morning, Chief." I saluted. He did the same before sitting on his swiveling chair.

"May ipapagawa muna ako. Nabalitaan ko kasi na sa susunod pa na linggo gagawin ang raid niyo sa abandonadong bahay sa Pasay. Naka-planado na rin lahat at pinag-hahandaan na lang, kaya lulubusin ko muna ito ngayon dahil nandito ka pa."

Tumango ako at mas lumapit sa lamesa niya. Ibinaba niya muna sa lamesa ang kaniyang baso ng kape bago tumayo ulit at binuksan ang isang cabinet. May kinuha siya roong kulay gray na briefcase at ibinigay sa akin.

"Kilala mo naman siguro si Atty. Gonzalo 'di ba?" Tanong niya.

Tumango ako. "Yes, Chief."

"Paki-dala muna ang briefcase na 'yan sa kaniya. May nakapaloob diyang mga papeles galing sa isang kaso." Akmang tatango na ako ulit ng magsalita siya. "Ah, ito rin pala."

May kinuha siyang isang papel sa bag niya at inabot sa akin. Nangunot ang noo ko ng mabasa ang harapan ng papel na 'yon. Para iyong invitation o kaya ticket?

"Shooting gallery?" Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang mas mabasa pa ang nakapaloob doon. Nagkibit-balikat siya habang nagtatago ng ngiti bago umupo sa kaniyang upuan.

"Ikaw ang napili kong bigyan niyan dahil alam kong pursigido kang mas matuto pa kahit na isa ka na sa pinakamagaling na pulis dito sa atin. Well, isipin mo na lang iyang libangan muna para makapaghanda sa bigating trabaho mo. Maganda iyang exercise." May pagmamalaki sa boses niyang sabi.

Talagang hindi ko na napigilan pa ang magpakawala nang ngiti sa labi ng marinig iyon galing sa kaniya. Minsan lang akong makapunta sa mga shooting gallery dahil na nga rin sa busy ako palagi at sa madaling araw lang ang oras ng pahinga ko na ginagamit ko naman sa pag-punta ng gym.

I prefer to strengthen my body more, than to take a rest. Parehas rin naman kasi iyon sa akin e.

"Salamat po, Chief!" Bakas ang tuwa sa boses ko ng sabihin iyon. Tumawa lang siya at binigyan pa ako ng kaunting paalala mula sa ihahatid kong papeles sa isang Atty. bago umalis.

"Gandang ngiti niyan, ah?!" Kantyaw ng kasamahan kong si Lupin pagkalabas ko ng opisina. Naka-uniporme at sobrang masculado ng pangangatawan. Kumikinang ang kulay krema niyang buhok.

Tumawa lang ako at inilingan siya. Nang makalabas na ng departamento ay kinuha ko muna sa basement ang motor ko. Iyon ang gagamitin ko dahil mas mapapadali akong makapunta sa lugar na pupuntahan.

I put the briefcase on a large bag before putting on a helmet. Inayos ko muna ang pagkakatago ng baril ko sa suot kong jacket bago pinaandar ang pinakamamahal kong Ducati.

Agad na akong bumiyahe dahil talagang napakahalaga ng oras at hindi dapat na sayangin.

Habang nasa byahe ay lumilipad naman ang isip ko sa pupuntahang shooting gallery mamaya. Hindi ko mapigilang maexcite ng tudo dahil doon. Balita ko ay bago daw'ng patayo iyon. Basta bago, alam kong may mga bago ring equipment doon. Kapag bago, mas lalo akong gaganahan.

Tumigil muna ako sa pagmamaneho nang nag-stop light. Tinanggal ko muna ang helmet ko dahil talagang naiinitan na ang mukha ko. Ramdam ko na rin ang pawis mula sa aking noo.

Nang akmang ibabalik ko na sa ulo ko ang helmet ay halos mangudngud ako ng may bumangga sa motor ko galing likod. Agad na namilog ang mga mata ko sa gulat ng muntik na ring tumagilid ang Ducati ko. Napahigpit ang hawak ko sa manubela dahil sa inis at galit.

Halos marinig ko na nga rin ang pagtatagpo ng mga ngipin ko dahil sa pagpipigil. Nang hindi na mapigilan ay hinampas ko ang helmet ko at bumaba. Hindi inaalis ang motor sa daanan. Tiningnan ko muna ang pwetan ng Ducati ko at nakitang may gasgas iyon. Malaking gasgas! Amputa!

Gamit ang galit na ekspresyon ay lumapit ako sa kotseng nakabangga sa akin. Bwisit! Kaya ayaw kong magsaya e, alam kong may lungkot o kamalasang mangyayari! Kaasar!

Hinampas ko ang hood ng kulay itim na Sedan na siyang nakabangga sa akin. "Baba!"

Ramdam kong ang panlalaki ng butas ng ilong ko at ang pagbigat ng hininga dahil sa pagpipigil at galit. Nakaka-imbyerna! Umagang-umaga e!

Lumapit ako sa tinted na bintana at kinatok iyon ng tatlong beses, sa malakas na paraan. Aba! Dapat nga rin ay gasgasan itong kotse niya! Bwisit! Kakabili ko nga lang ng Ducati ko tapos gagasgasan lang? Magaling!

"Bingi ka ba?!" Sigaw ko. Huwag mo sabihing soundproof 'tong kotse niya?! Bulag na nga bingi pa!

Kinatok ko ulit ang bintana hanggang sa may sumigaw galing sa loob.

"I'm sorry! I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" Ani nito. Nangunot ang noo ko at napabuga ng hangin.

"Ibaba mo 'to!" Turo ko sa bintana. Aba?! Pinaglalaruan ata ako nito e.

Ibinaba niya naman agad ang bintana. Bumungad sa akin ang isang lalaking nasa mga 20 to 21 years old ata ang edad. Naka-uniporme pa silang pang-engineering at parehong taga-UST.

"I-I didn't mean it! I swear!" Ani niya habang nakatingin sa unahan at nakapikit. Namumutla ang itsura niya. Napatingin din ako sa loob at nakitang may kasama din siyang tatlo pa, magka-klase ata 'tong mga batang 'to.

"Anong hindi mo sinasadya?! Hindi ka naman siguro bulag para hindi makita na nag-stop light na! Huwag mo nga akong lokohin!" May halong irita sa boses ko.

"Gago kasi e! Sabing ako na mag-drive!" Bulong ng isa na nasa likuran.

"Mamamatay na ba tayo?" Ani pa ng isa. Umikot ang mata ko sa ere at napabuga ng hangin.

Ibinuka ko ang palad ko at inabot sa driver. "Akin na lisensya mo."

Sabay sabay silang nagsinghapan ng marinig iyon mula sa akin. Mas lalo lamang namutla iyong nagda-drive nila.

"Why would I give you my license? You're not a police—"

Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil agad ko ng ipinakita ang chapa ko. Pulis pala hanap mo, ah?

Nanlaki ang mga mata nila pareho ng makita ang chapa ko. Nakita ko rin kung paano nanghihinang napasandal ang isa sa kanila habang ang isa naman ay nagkukotkot ng kuko ang isa ay agad na nag-iwas ng tingin sa akin. Itong driver lang talaga ang matigas ang butchi at ayaw tumingin sa akin. Hindi na ako magugulat kong may maiihi mang isa sa kanila ngayon.

"License, please." Ani ko sa seryosong boses.

Mariing napalunok iyong driver, halatang ninerbyos.

"Humarap ka nga sa'kin," ma-awtoridad kong sabi. Kanina ko pa napapansin na ayaw niya akong tingnan. Akmang magsasalita na ako ulit ng nakapikit siyang humarap.

"C-can we talk about this first?" Aniya.

Kita ko na ngayon ang kabuuan ng kaniyang mukha. Matangos ang ilong, maputi ang balat, makurba ang labi at pilikmata, daig pa babae. Mapupula rin ang labi at makapal ang kilay. Pwedeng artista ang kupal.

"Idilat mo nga muna 'yang mata mo?! Huwag mong sabihing may lazer beam ka kaya hindi mo 'ko matitigan?! Dahil talagang tatamaan ka sa'kin." Nakakainis 'tong mga 'to e. Panira sa trabaho.

"What?!" At natawa pa talaga.

"Bulag ka na nga, bingi pa, psh. Lisensya kako!" Habang patagal mas lalong umiinit ang ulo ko.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at gulat na napatitig sa akin. Kumikislap pa ang mata. Amp.

"Hoy! Lisensiya!" Ulit ko, nakatulog na ata 'to e! Hindi na gumagalaw. "Kung kayo may klase ako may trabaho, kaya pwede pakibilisan?!"

Nangunot ang noo ko ng ngayon ay hindi na talaga umaalis ang titig nito sa akin. Nakanganga pa siya at bakas ang bilib sa itsura. Napangiwi ako at napatingin sa kasamahan ng baliw na 'to.

"Napano 'to?" Nakangiwi kong tanong habang itinuturo ang driver nila na hindi na matanggal ang titig sa akin. Nakakaasiwa!

Na-alarma naman iyong tinanong ko at agad na kinalabit ang kasamahan nila na talagang naestatwa.

"Hoy! Gising! Nasa bingit na tayo ng bangin uunahin mo pa love at first sight mo!" Sermon nito at awkward na ngumisi sa akin.

"May lisensiya ba 'to—"

"I have! I have!" Ako na naman ngayon ang nagulat ng aktibo na siyang gumalaw at may kinuha sa ilalim ng dashboard.

I scoffed and licked the insides of my cheek. Meron naman pala e bakit pinapatagal pa? Nananadya ata 'to e.

"Here," sabay abot niya ng lisensiya niya sa akin. Tiningnan ko muna ito bago pabalik-balik siyang tinitigan. Ngising-ngisi ang loko e, may saltik ata sa utak.

"Miss policewoman? Can we go now? We still have a class to attend to." Ani ng isa na nakasakay sa shot gun seat, may headset na nakasabit sa leeg.

"Kung may klase kayo, ako rin may trabaho. Pero dahil binangga niyo ako lalo na ang pinakamamahal kong motor nagasgasan niyo, mag-uusap muna tayo," I crossed my arms over my chest and stared at them in a authoritative way.

"Can I just have your number?" Sabi nung driver.

As I was about to argue with him when I got a call from Chief. Nagtatanong kong malapit na ba daw ako.

"M-malayo pa po ako Chief e, pasensiya na po. Nagkaproblema lang sa daan." Hinging paumanhin ko.

"Sige, tumawag na kasi si Atty., mag-ingat ka na lang, okay?"

"Yes po, Chief." Ibinaba ko na ang tawag at napahilot sa sentido. Napabuga ako ng hangin at galit na hinarap iyong apat.

"Isulat niyo number niyo sa papel, bilis!" Nakakainis! Ayaw kong magalit sa akin si Chief!

"Ahh, akin na lang!" Agad na nag-abot ng number iyong driver nila. Nakasulat iyon sa papel.

"Amputa! Ang bilis no'n pre!" Bulong ng isa sa kanila sabay tawa.

Tinitigan ko iyong nagbigay ng number sa akin at sinimangutan.

"Kapag tatawagan kita, dapat pumunta ka agad, ah." May halong pagbabanta sa boses ko.

"Iyo din please! So I can call you, too." He said wide smile.

Alinlangan man ay ibinigay ko na lang din ang number ko. Hindi ko dala ang wallet ko kaya iyong sa cellphone number ko na lang dahil memorize ko naman. Iyong calling card ko ay para lang talaga sa trabaho, tapos itong sa cellphone ay pang-personal. Pero wala akong choice kaya ibinigay ko na muna.

"Alam mo na kung ano ang pag-uusapan natin kapag nagkita tayo ulit! Pagbabayaran mo ginawa mo sa Ducati ko." I gave him a glare before walking away.

"Asahan mo na rin na magkikita tayo palagi!" He shouted back in a cheerful way.

Iyon ang sinabi niya na nag-pailing na lamang sa akin.

Mga bata talaga ngayon, puro kagaguhan lang ang alam.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro