Kabatana 25
25
----
Kinakabahan at hindi mapakali ay mabilis akong nakarating sa aming headquarters. Puros mga busy na kasama ang sumalubong sa akin kaya hindi na ako naghintay pang batiin at bumati sa kanila. I run my way to Lupin's Office just a few doors away from mine. When I get there, I stopped for a second and suddenly hesitated.
If this case will going to end this day... I'm not going to see him again. Gagawa ako ng paraan para madestino sa ibang lugar o doon sa Sampaloc na lang para may mauuwian pa rin ako. I'm starting to understand this feeling within me and I am kinda scared about this. Damn! I don't know!
I knocked on his door three times before going in. I saw him so busy typing on his keyboard. Wearing his eye glasses made him look like a damn hot professor.
"Inspector, upo ka muna," aniya habang hindi pa rin natatanggal ang tingin sa ginagawa.
Dahil sa nakita ay nakaramdam ako ng kaunting hiya. Ang busy niya. Wala namang tambak na papeles sa lamesa hindi kagaya ng akin pero siya ay talagang pakiramdam ko'y walang oras.
Umupo ako sa isa sa mga upuan niya kaharap lamang ang kaniyang lamesa. Hindi rin naman nagtagal ay bumaling siya sa akin. He stood up and went to his printer. He tap on something and the printed papers went out to it. He then handed it to me in direct. Nangunot ang noo ko ng sinuyod ko ang isang article na puno ng mga case information at napag-alaman kong isa iyong summary portfolio!
"I got it from an investigator, he told me that those graphs..." He pointed the graphs on my paper. "... Are from Magno's. Iyan ang mga transactions na nakuha. May ilan diyan na katulad ng time at date sa Senator na nadakip natin, iyong araw ng transaksyon. At ang iba ay galing naman sa isa pang 'di kilalang grupo at mga grand event."
I flip the page and saw a couple in a photo. It's stolen. Sa tingin ko ay nasa isang grand party sila, may mga dalang wine at ang venue naman ay nasa isang Five Star Hotel. They're wearing a night gown and tuxedo. May kausap silang dalawang lalaki at babae and that three ay nakatalikod sa camera. Naningkit ang mga mata ko ng mapansing pamilyar din ang mga nakatalikod.
"That's a stolen photo of Mr. Creyvin Agias Magno and Mrs. Rose Phery Magno from an after party ng isang auction na ginanap sa Grand Manila Hotel noong August 14."
Tumango ako. "Nangyari ang raid natin August 16 'di ba?"
"Yes. And that auction day, ay pinaghihinalaang diyan nagsimula ang transaksyon. You know, money can also manipulate time. Nabalitaan ko rin kasing mayroong pinatayong Security Agency ang mga Magno. At ang mga impormasyon na nakalap ng mga kasamahan natin tungkol naman sa Senator ay nagsasabing may pamilyang nag-mamay-ari ng isang Security Agency ang tinutulungan niya. So there's a possibility na ang mga illegal na baril na nakuha natin sa raid ay sa mga Magno."
Napakurap ako ng ilang ulit bago napatitig ulit sa larawan ng mag-asawa. Tinutulungan? The Senator is helping them? At Security Agency. Napalunok ako ng lumipat ang tingin ko sa tatlong pamilyar na nakatalikod.
A flashback suddenly came up to my mind. The time when I met Andrew's Tito and Tita. I'm sure it's a family dinner, dahil nandoon din sina Chrispher at Berenice. Siguradong nandoon din ang mga magulang niya at hindi ko lang masyadong napansin.
"Itong dalawa..." Itinuro ko ang dalawang magkasintahan din na nakatalikod. "Sina Loisanna at Macias Ignacio 'to 'di ba?"
"Oh! Yeah." Napahilot siya sa sentido. "I'm sorry, I forgot to tell you. And that another person too beside them is the Senator."
Eto ang Senator? Bakit parang iba ang pangangatawan niya dito? I scrunched my nose and look at the photo carefully. So may nangyari nga'ng pagsasanib pwersa ng pamilya. Dumiin ang titig ko sa larawan, kalaunan ay napahinga ng malalim.
"Sa mga Ignacio tayo..." Umayos ako ng upo. "May nakuha ka na bang background sa kanila?"
"Yeah," tumayo siya at may kinuhang folder sa ilalim ng kaniyang desk. "Here."
Inabot ko ito at binasa ng agaran. "Private School... Malls... Hotels... Manufacturer's... Condominium... Subdivisions..."
"Ilan lang 'yan sa mga naglalakihang ari-arian at kompanya ng mga Ignacio..." Saad niya.
I lick the insides of my cheek. "Nakakapagtaka naman..."
Naramdaman ko ang agarang pag-alerto ni Lupin dahil sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim at nilapag ang folder sa lamesa niya.
Nangunot ang noo niya at napatungkod sa lamesa. "Ano 'yon, Inspector?"
"Sa tingin mo? Bakit nandito sa larawang 'to ang mag-asawang Ignacio kung wala naman sa mga nabanggit na pag-aari nilang mga kompanya ang paggawa ng Security Agency at kasama pa nila ang Senator? At ang tungkol sa arrange marriage ng mga tagapagmana nila, anong makukuha ng mga Magno sa pamilyang iyan e, wala naman sa mga nabanggit na ari-arian nila ang pwedeng makatulong sa pagpapalago nito?" I explained. Lumipat ang tingin ko sa portfolio na ibinigay niya sa akin kanina lang.
"At nabasa ko sa impormasyon na binigay mo tungkol sa mga Magno na marami silang kakilala sa ibang bansa na nag-aangkat ng mga baril sa hindi illegal na paraan. So, bakit pa nila kailangan gawin ang illegal na ito kung meron na naman pa lang nagbibigay sa kanila sa paraang malinis at pulido? I'm sure nasa isip na rin nila na makakasama 'yan sa negosyo nila 'di ba? I'm sure Magno's won't do that. Their Security Agency are way more open. Kung sakali mang gawin nila ang illegal na iyon ay matagal na silang bagsak!"
He pursed his lips before nodding. "So? What's on your mind?"
"Pakiramdam ko'y marami pang koneksyon na hindi pa natin napagtatagpi-tagpi. Kulang na kulang pa tayo sa impormasyon, Lupin. I know this is a confidential case and that's the reason why this feels so hard for us," ani ko.
Gusto kong malaman kung para saan ang arrange marriage ng dalawang pamilya. Pakiramdam ko'y hindi lang ito dahil sa pagpapalago ng kapangyarihan at yaman, sigurado akong meron pang iba. I really want to figure out what's behind that arrange marriage thing.
"M-Miss Police, napilitin lang ako dahil sa mga magulang ko..."
It's Chrispher's words.
Napabuga ako ng hangin at napatayo. "Imbestigahan na naman natin ang mga Ignacio, pakiramdam ko'y may mga tinatago din sila," I sighed heavily again. "I'm... I'm sorry, Sarhento., pero talagang may iba pa akong kutob e."
He smiled genuinely at me. "No, it's okay. It's better that way. We need to dig more. Mahirap na at baka pumalpak pa tayo."
"Sige. Ako na muna ang bahala sa mga Ignacio. Baka may tinatago pa silang hindi natin alam." Dumapo ang titig ko sa folder na binigay niya sa akin kanina at sa portfolio na kaka-print niya lang. "I'll bring this two. Pag-aaralan ko 'to."
"Yeah, sure. Are you going now?" A slight teasing smile formed through his lips. "Balita ko may pasyente daw kayo sa bahay niyo?"
Umangat ang gilid ng aking labi at pabiro siyang tinitigan sa nandidiring paraan. "Alam mo ikaw daig mo pa stalker kung maka-alam ng buhay ng tao. Saan mo naman 'yan nalaman?! Kay Preston?"
"Magaling na reporter kapatid mo, ah? Kahit hindi ako nagtatanong nagkukwento pa rin siya," tumatawa siyang umiiling.
"Parehas lang kayong dalawa, eh. Alis na ako," I tsked before leaving his damn office. Sakto namang paglabas ko ay nadatnan ko rin si Zoren, may dala-dalang isang kahon ng A1 bondpaper.
"Inspektor!" Nakangising tawag niya sa akin at tumigil muna sa aking harapan. "Long time no see! Miss mo ba ako?"
"Tss. Saan ka ba nagpunta? Hindi kita nakita ng ilang araw, ah?"
He shrugged. "Nag-leave muna ako ng ilang araw. May inasikaso lang sa probinsiya. Ikaw? Balita ko kay Lupin nililigawan ka na daw ng isa sa mga istudyante na pumunta dito dati? Totoo 'yun?" Naningkit pa ang mga mata niya na siya namang nginiwian ko.
"Pareha kayong dalawa, eh. Mga chismoso," Inismiran ko na siya't tinalikuran. Wala akong makukuhang maganda kapag makikipagkwentuhan pa ako sa loko na 'to.
Tumawa siya. "Aba?! Totoo?! Sagutin mo na 'yon, Inspektor!"
Umiiling na lamang ako at naglakad na papalayo sa kaniya. Hay naku. Pareha lang talaga sila ng utak ni Lupin, pero hindi ko rin naman ipagkakailang isa rin sila sa mga maasahan at magagaling na pulis dito sa amin.
Nagpaalam na muna ako sa isa kong kakilalang pulis bago umalis ng headquarters. Driving on my black BMW ay lumulutang din ang isip ko sa maraming bagay, ngunit ng maalala na naman ang nangyari noong isang araw lang ay nagsimula na namang mag-iba ang pakiramdam ko. I took a deep sighed and decided to stop on a mall. Parang gusto ko munang magmuni-muni at gumawa ng paraan para pansamantalang mawala ang problema.
Nang makarating sa Mall ay agad akong dumiretso sa isang paborito kong boutique ng mga damit. This is the place where I bought all my different kinds of leather jackets. Kahit mahal ang bawat piraso ay hindi naman ako nagsisi sa ganda ng kalidad ng mga ito. Habang nagtitingin sa mga bagong kulay at stocks nila ng mga damit ay may kumuha ng atensyon ko, isang pamilyar na boses ng babae.
"I just bring that little girl to impress on my fiance's parents! Who would want to bring a little cry baby in a mall?! But you know, I'll do my best to have him... I do all, kahit na kahihiyan pa ang abutin ko," Maarteng saad nito.
"I always hate your cruelty but I know I can't stop you with that," ani ng kasama niya bago sila sabay na lumabas ng boutique.
Nang makita ko ang porma ng likuran nito ay agad ko ring napagtanto na ito si Berenice. Nangunot ang noo ko ng rumihestro sa isip ko ang kaniyang mga sinabi. I'm sure she's talking about Chrispher in the fiancee thing. Ganoon ba talaga niya kagusto si Chrispher para habulin niya ito ng gano'n? Wala ba siyang ibang pwedeng gawing matino? Maganda nga, sobrang sama naman ng ugali.
I shooked my head in dismay and was about to find an another leather jacket when I remember her words again. Tuod at nakakunot ang noo akong napatagilid at napatingin sa daan kung saan sila lumabas.
"Who would want to bring a little cry baby in a mall?!"
Gulat akong napasinghap nang maalalang baka kasama niya ang bunsong kapatid ni Chrispher, si Chacey. And the way she talks about the child made my blood boil. I folded my fist firmly and decided to go out and find them. Natatakot ako sa gawin niya sa bata. Subukan lang talaga ng Berenice na 'yon at baka ngayon ay hindi ko na mapigilan pa ang sariling kalabanin siya.
Half-running, palinga-linga akong naglakad-lakad sa kabuuan ng mall, hinahanap ang bulto ni Berenice o ni Chacey. I'm sure she's here. At sa halos labinlimang minutong pag-lilibot ay nakarinig ako ng boses ng umiiyak na bata sa isang medyo walang kataong lugar, malapit lamang sa mga restrooms ng mall.
"I want my Kuya!"
"I've told you that he's busy! Could you please stop howling?! You're making me sick! Ghad!"
Hindi na ako nagdalawang isip pang lumapit sa kung saan ito nangggaling at hindi nga ako nagkakamali, it's Berenice and Chacey.
"I w-want to go home! I want to see my Mommy!" Chacey screamed, her tears is now all over her face. Agad na kumislot ang puso ko dahil sa nakitang pag-aalala at galit nang makitang dinuro siya ni Berenice at akmang pagsasalitaan ulit.
"Berenice..." Habol ang hininga kong tawag sa kaniya dahilan para matigil sa pag-iyak ang bata at ang pagbaling nilang pareho sa akin.
Berenice eyes widened but there's no suprised in it, it's full of anger and fury.
"Ate!" Chacey cried again before running her way to me. Hugging her pink teddy bear, she hugged my waist tight, too. Sa isang iglap ay napalitan na naman ng pag-aalala ang nararamdaman ko.
Damn Berenice! Paano niya nakayang paiyakin ang ganitong bata? Huh! Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan si Berenice na ngayon ay nagkikibit balikat at malditang nakataas din ang kilay sa akin.
"Anong ginagawa mo sa bata?" Hindi ko na napigilan ang irita na gustong lumabas sa aking bibig.
She smirked. "As her sister-in-law, I'm taking care of her. At bilang pagdidisiplina, tama lamang ang ginagawa ko. This is out of your business so you better shut up!"
Sa isang iglap ay sarkastiko akong natawa sa kaniyang sinabi. I find her words so hard to understand.
"Disiplina?" I scoffed. "Ikaw ata ang kailangan ng disiplina dito, Berenice."
Gusto ko ulit na matawa ng makita ko ang agarang pagbabago ng kaniyang ekspresyon pero hindi ko na ginawa pa. Marahas siyang napabuga ng hangin at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin. She was about to pull Chacey away pero mabilis kong nilipat ang bata sa aking likuran ng mapansin ko ang panginginig nito at ang pag-grabe ng iyak. Halatang takot ang bata sa kaniya.
"Ano ba?!" Mabibigat ang hininga at may pagbabanta kong tinitigan si Berenice na ngayon ay nag-aapoy na rin sa galit.
Agad niya akong dinuro. "You bitch! Hindi ka lang mang-aagaw! Isa ka ring—"
"Ano?" Naghahamon ang mga mata'y hindi ko siya tinantanan. If she's going to slap me here in front of a kid, I will never think twice to drag her away and make her my punching bag.
I smirked when I didn't get any response from her, it's just her fuming madness wanted to devour me. Kitang-kita ko kung paano'y hanggang sama lamang siya ng tingin sa akin at hindi na makapagsalita pa. I gritted my teeth.
"Sa oras na malaman at makita kita ulit na sinisigawan at pinagsasalitaan ng masama si Chacey..." I paused and took a step forward, enough for her to look so anxious. "Hinding-hindi ako magdadalawang isip na pagbuhatan ka ng kamay."
Her lips slightly parted and shakened. Her sweat is now evident and I could clearly see through her eyes that she's scared and uneasy. I can't help but to threaten her more using my deadly stare. It makes me feel more satisfied.
"At tandaan mo 'to, Berenice... Hindi na ako magpapaapi pa ulit sa'yo. Lalabanan kita at sisiguraduhin kong hindi na kita makikilala pa pagkatapos."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro