Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 45

(I'm so sorry for the delay🤧 I thought I could update at June 18 huhu inatake ako ng migraine kaya ilang araw akong hindi nakapagsulat😭 I hope you enjoy this chapter😍. Love you all~ stay safe tayo lagi!❤️)

45





----
"Inspector!" Sinalubong ako nang humahangos na si Martin sa hallway papuntang elevator.



Pagkalapit niya ay agad kong inabot ang sniper ko pati na rin ang vest kong suot.



"Pakidala ito, Martin. Kailangan kong makabalik agad kay Mr. Magno. Ikaw na ang bahala sa mga tatapusin doon."



Mabilis siyang tumango at kinuha ang mga gamit na nasa kamay ko. Sabay kaming dalawa na pumasok sa elevator at habang nasa loob ay inaayos ko na rin ang pagkakalugay ng buhok ko at ang suot kong leather jacket.



"Grabe ka talaga, Inspector. Parang segundo lang ata ang binilang ko natumba mo na agad ang dalawa!" Tumatawang aniya.



"Hindi ko 'yon pwedeng patagalin. Hinihintay ako ni Mr. Magno sa baba."



"Ah, oo. Balita ko rin Inspector, kanina ka pa no'n hinahanap. Nag-aalala na ata sa'yo," ani pa niya habang mahinang humahagikhik.



Mahina akong napatikhim para baguhin ang nakakahiyang mood sa pagitan namin. Paniguradong uulanin ako ng usapan ng mga kasamahan pagkatapos nito. Kailangan kong makagawa ng paraan para hindi sila hayaang gawin iyon sa akin.



Mabilis kaming nakababa gamit ang elevator. Sumalubong agad sa amin ang napaka-raming tao na sigurado akong mga reporters na nagkukupulan naman sa harap ng stage. Blangko pa ang stage at paminsan-minsan ay may mga staff na pumapasok upang ayusin ang mga bagay na dapat ayusin.



"Martin, ilang minuto na lang ba bago magsimula ang conference?" Nagmamadali kong tanong sa kaniya habang nilalakad ang daan patungo sa private room ni Chrispher.



"Ten minutes na lang, Inspector." Sagot niya.



Mabilis akong tumango at halos patakbo nang tinungo ang kwarto. Pagkapasok ko doon ay si Chrispher na kausap ang isang kilalang politiko ang agad kong nakita. Nang pareho silang napabaling sa akin ay agad akong nagbigay ng paumanhin sa biglaang pagpasok.



"Oh? Inspector Phoebe Valerino ng Laguna Police Department?" Bakas ang gulat at galak sa itsura ni Senator Eldedro Labatan habang nakatitig sa akin. Pansamantala akong napangiwi ng banggitin niya ang buo kong pangalan.



Isa siya sa mga opisyal na minsan ko naring in-escortan sa isang press conference noon. Naging magkalapit din kami dahil sa koneksyon na meron sila ni Papa noon hanggang ngayon.



Nakangiti akong napatango. "Opo, Senator."



"Aba'y parang kailan lang no'ng huli tayong nagkita, ah? Ikaw ba ang naatasang mag-escort kay Mr. Magno ngayon?" Tanong niya.



"Opo, hawak po siya ng team namin ngayon."



"Well, nandito rin ako para suportahan itong batang minsan naring tumulong sa akin sa mga problema ko," nakangiti niyang inakbayan si Chrispher dahilan para pareho kaming nagpakawala ng tawa.



"Iho, kung sakaling mahirapan ka sa mga sasabihin, isipin mo agad ang mga hirap na dinanas mo para lang maibalik ang lahat ng nawala sa'yo. This is for your sister and your mother. Don't let your guard down. Fight as a man, Chrispher. May tiwala ako sa'yo."



"Thanks, Tito." Chrispher's smile made me stilled. Lalo na nang bumaling siya sa akin.



"Tito..." Mahinang tawag ni Chrisphet kay Senator Labatan habang hindi pa rin ako pinapakawalan ng titig.



"Ano 'yon?" Mahinang bulong rin ni Senator at parang teenager na naghihintay na makasagap ng bagong chismis.



"Ipapakilala kita sa girlfriend ko pagkatapos ng kasong 'to. Okay lang po ba 'yon?"



Namilog ang pareho kong mga mata at nakaramdam ng biglaang pag-iinit sa mukha. Malakas na tumawa si Senator habang tinatapik ang balikat ni Chrispher. "Aba'y sinong hindi?!"



Ako naman ay agad na nag-iwas ng tingin dahil sa sobrang tiim ng paninitig niya sa akin. Tumatakbo din nang mabilis ang puso ko. Parang gusto pa ata akong takasan.



Pigil ang ngiti akong napatikhim at pasimpleng napatingin sa relo na nasa palapulsuhan. Napaangat ako nang tingin sa kanila.



"Kailangan na nating lumabas, oras na." Sabi ko kay Chrispher.



Nakangiti siyang tumango at nagpaalam na muna kay Senator Labatan. May mga hinabilin pa si Senator sa kaniya bago kami tuluyang lumabas ng kwarto. Agad kong inalerto ang mga kasama para sabihing magsisimula na ang prescon.



Panay ang tingin ko kay Chrispher nang mapansin ko ang pagiging kabado niya. Nang mapansin ko ang pawis na unti-unting lumalabas sa kaniyang noo ay hindi ko na napigilan ang mahina kong tawa.



Gulat at nagtataka siyang napabaling sa akin ngunit kalaunan ay nagpakawala rin ng ngiting nagpapahiwatig ng pagtatanong.



"Ang gwapo ko ba?" Ngisi niya na siya ko namang inilingan.



"Ang hangin mo pa rin talaga," mabilis kong kinuha sa aking bulsa ang dala kong panyo at hindi na nagdalawang isip na lapitan siya at punasan ang kaniyang noo.



Bakas ang gulat sa mukha niya dahil doon pero hindi ko na iyon pinagtuonan pa nang pansin. I smile widely before grabbing his right hand and place the handkerchief into it.



"Kaya mo 'to. Para 'to sa Mommy mo at sa kay Chacey. Huwag kang masyadong kabahan, okay? Kung sakaling kabahan ka man, tingnan mo lang ako. Tumingin ka lang sa akin. Isipin mo na ako lang mag-isa ang kausap mo. Sabihin mo ulit sa akin ang lahat. Nandito lang ako, hmm?"



The spark in his eyes made me smile more wider. Minsan mabilis siyang basahin. He can express his feelings through his eyes or with his facial expression. May mga nagbago man, pero siya pa rin iyong Chrispher na minahal ko noon hanggang ngayon.



"If..." His lips trembled when a small smile creep out from his mouth. Tumaas ang kaliwa kong kilay bilang pagtatanong. He licked the bottom of his lips before averting his gaze to the other side.



"Ano 'yon?" Pangungulit ko.



He sighed heavily. "If only I could kiss you. I will gladly do so."



Agarang namilog ang mga mata ko. Gumalaw ang ulo ko para tingnan ang mga taong malapit sa amin, takot na baka ay may nakarinig sa sinabi niya Napalunok ako at pasimple siyang nginiwian.



"Lakas ng trip mo, ah?"



"I'll do it later, then," he grinned.



"Tumahimik ka," pinandilatan ko siya ng mata bilang pagbabanta. Kagat labi lamang siyang ngumisi at paminsan-minsan ay nagtatakip din ng bibig para pigilan ang mahinang tawa. Baliw.



Hindi rin naman nagtagal ay tinawag na siya para umakyat sa stage. Pumwesto ako sa gilid nang stage, tamang tama lang para makita niya ako nang malapitan.



He fixed his suit before giving out a smile on the cameras. Pansamantala siyang napatitig sa akin. I give a thumbs up to cheer him.



Mas nangibabaw ang boses ng mga click ng camera sa paligid. Ang mga tao ay puros seryoso at nasa kay Chrispher lamang ang buong atensyon.



Chrispher then stand firmly behind the podium. He took a deep sighed before giving everyone his full confidence.



"Good morning everyone, it's a pleasure to be here in this morning. I am Jose Chrispher Phery Magno, the solely heir of Mr. Creyvin Agias Magno's conglomerate business." He paused to make eye contact to the people. "The main purpose of this gathering is to clear my name and my father's name regarding to what happen a year ago."



Kaniya-kaniyang bulungan ang agad na sumakop sa buong paligid. Ako naman ay paminsan-minsan na ring nagmamatiyag sa bawat tao na nandito sa hall. So far ay wala na naman akong nakita pang kahina-hinala. At ang nangyaring barilan kanina dahil sa crime snipers ay mukhang hindi pa nasasabi sa iba dahil sa baka masira ang nangyayaring press conference. Mabuti na rin iyon para mapanatag si Chrispher lalo na ang mga taong nandito sa loob. Baka magkagulo pa, mahirap na.



"The Magno's and Ignacio's relationship has been questioned in a very indistinguishable way. Both our families shared great bond of amity but everything goes to an end so easily. As the son of the country's great businessman, I witness how my father strive his best to make our name more valuable to other's, I also witness how my father's hardships ruined in just a snap of time. It is hard to believe but I never thought for us to collapse in a way that we never expected before. And it's all because of too much trust... too much trust that we forgot to trust ourselves." He licked the bottom of his lips and continued. "I, my family, has been deceived not only by one family but even with the most respected person in this society. I declare that my family is innocent to those accusations they've made to destroy us before. All of it are full of lies and never been proven as a state of factuality."



I proudly nodded just by how he state his words. Hindi ko akalaing... makikita ko sa ganitong sitwasyon ang pinakamatapang na Chrispher na nakilala ko.




"Mr. Magno!" Nagtaas ng kamay ang isang reporter. Chrispher nodded as a sign of approval. Nagsisimula na ang mga katanungan sa lahat.



"Did you mean, your family didn't do any abduction one year ago?" Tanong ng reporter.



"Yes, my parents are both innocent. My parents will never do such illegal act in a way that will end up harming other people. I trust my parents and I have proven it and witness everything what happened."



"Mr. Magno, what did you mean you witness it?"



"My parents... are the one who have been abducted in that night. As I felt that there's something's going on, I never hesitate to follow my instinct. I found my parents... I found my parents and the hands of those people who betrayed and deceived us."



Parang bubuyog sa ingay ang bulungan ng mga tao sa buong paligid. Mas dumoble pa iyon kesa sa kanina.



"And to start ruining my family, the people behind this false accusations made everyone believe that my parents are all behind this lawlessness when in fact, my parents are the one who suffered from a big trauma and even ended up losing my father. I saw with my own eyes how my father fight to protect my Mom in that tragic day."



"Mr. Magno, how did you end up leaving the country and hide the truth for one year? This case should've been resolved quickly if only you cleared all the issues between your family." The other reporter asked.



"That's because on that time, I don't know how to endure everything. I can't think properly. My father died right in front of me. I couldn't do anything to help him. I felt so weak and depressed. The trauma are still fresh and very sensitive to me. And I was also threatened in a way that I couldn't do anything but to give up all just to protect my Mom and my sister. I decided to leave with them in order to protect them. To build another strength and get back with a clear mind and a better fighting spirit to avenge my father."



"Another thing, Mr. Magno. Iyong noong mga nahuling illegal na baril na galing sa ibang bansa. Totoo po ba na sa inyong kompanya iyon nabibilang?"



"The thing is, our company's name has just been used to cover up the crime. My father who's the one who's still managing at that moment doesn't know anything about what happened. Nagising na lang siyang isang araw ay nasa buong dyaryo at TV na ang pangalan ng kompanya namin. The illegal guns that has been confiscated by the police is for the other company. Our company's name has been used for them to drag us down."



"Mr. Magno, maaari po ba naming malaman kung sino sino ang mga taong sangkot dito?"



Gamit ang nag-aalalang ekspresyon ay napatitig ako ulit kay Chrispher. The strong breath of aura that has been hiding through his eyes seems making it's way out.



When he stared at me with his change expression, I felt a sudden relief seeing him smiling at me with reassurance. My heart beated so fast at the sight of it. Nagbitaw ako ng matamis na ngiti upang tulungan siyang kayanin ang nararamdaman.



That's it. Matatapos din ang lahat. Makukuha mo rin ang bagay na hindi mo nakuha noon. Siguradong magtatagumpay ka ngayon... Chrispher.



"The family and the person who's behind all of these is..." hindi agad natapos ni Chrispher ang sasabihin dahil sa isang commotion.



Namilog ang mga mata ko nang isang nakakagulat na sigaw ang narinig namin mula sa entrance ng hall. Kumabog sa panibagong pakiramdam ang puso ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon ni Chrispher.



"Mr. Magno!" The terrifying voice of General Villegas caught everyone's attention. His expression shouts arrogance and madness. With his formal uniform and a plenty of bodyguards, there's no way people would never give him a damn interest.



Nangunot ang noo ko nang mapatitig si General sa akin gamit ang napakasama niyang tingin. Those eyes of him that made me feel so anxious before pero hindi na ngayon.



Bakit ka nakatingin sa akin ng ganiyan, General? Kung iniisip mong tinrydor kita, nagkakamali ka, dahil ni minsan ay hindi kita naging kaalyado.



Mas lalo akong lumapit kay Chrispher. Pansin ko rin ang pagiging aktibo ng mga kasamahan kong pulis dahil sa pagdating ng kilalang bisita.



Bakas sa mukha ni General ang galit at pagkadisgusto sa nangyayari. Paniguradong alam niya na ring bawal siyang gumawa ng ano mang kilos na mas sisira pa sa reputasyon niya.



"Chrispher—" hindi ko natapos ang dapat na sabihin dahil sa gulat ng biglaan niyang paghawak sa kamay ko.



"The family and the person behind all of these is... the Ignacio's and General Arthuro Villegas..."



Namilog ang pareho kong mga mata habang nakatitig kay Chrispher. Bagsak ang panga ay nanatili ang titig ko sa kaniya.



Kaniya-kaniyang singhapan ang sumakop sa buong hall. Lumipat ang tingin ko sa mga taong nakatingin na ngayon kay General Villegas. Napalitan ang gulat kong ekspresyon nang seryoso at may paninigurado.



Agarang namutla ang mukha ni General dahilan ng dahan-dahan niyang paghakbang paatras. Umugong ang ingay ng mga reporter upang kuhanan ang isa sa mga tinuturong salarin ni Chrispher.



I saw how General gritted his teeth in anger while staring to both of us Chrispher. I stayed stiff while looking at him making his way out with his bodyguards. Bago pa man siya dumugin ng mga tanong ng mga tao ay dali-dali na siyang prinotektahan ng kaniyang mga tauhan hanggang sa makalabas.



Mariin akong napalunok bago napahinga ng malalim. Matagal bago ko binalik ang tingin kay Chrispher na tiim bagang na nakatitig lamang sa direksyon ni General kanina.



"Chris..." Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakasalikop sa akin. Ramdam ko doon ang panginginig. I held his hand and tapped it slowly. I want to help him ease the painful feeling.



Dahan-dahan siyang napatitig sa akin gamit ang seryoso at may bahid na galit niyang ekspresyon. Isang matamis na ngiti ang binitawan ko dahilan para unti-unti ring tumigil ang panginginig niya.



"Magiging maayos din ang lahat," I said in a soft assuring voice.



His adams apple moved up and down. Napayuko siya at napatitig sa kamay naming dalawa. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak doon bago nag-angat ng tingin na may ngiti na ngayon sa labi.



"Yeah. It will."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro