Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 38

38



---

Umuwi ako ng condo pagkatapos ng aking duty sa headquarters. Alas-syiete na rin pala nang gabi at hindi ko inasahan na madadatnan si Preston sa aking condo. Nakaupo siya sa sofa at may hawak hawak na libro. Kunot-noo akong lumapit sa kaniya at kinilabit ang kaniyang balikat.


"Ba't ka nandito?" Umupo ako sa kaharap niyang sofa at tinanggal ang aking boots, pati na rin ang aking holster.


Umayos siya ng upo, napansin ko agad sa itsura niya na wala siya sa mood.


"Dad wants to ask you something," he sighed.


"Tungkol saan?"


"Just talk with him." Masungit niyang sabi at nagpatuloy lamang sa pagbabasa. Nagtataka akong napanguso at napatayo na.


"Asan ba si Papa?"


"Nasa baba pa, may kinakausap na kakilala. Pupunta rin 'yon dito."


Napatango na lamang ako bago pumasok sa aking kwarto. Doon ay nakita ko si Beansey na nakatalukbong sa kumot. Hinila ko ang kumot dahilan ng pagbalandra ng kaniyang luhaang mukha sa akin.


"Anong nangyari sa'yo?" Kunot noo kong tanong at umupo malapit sa kaniya. She fixed her hair before sitting on the bed. Umiingos pa.


"S-si AJ..."


"Oh? Anong ginawa sa'yo?!"


"N-naging kami kahapon..."


Bagsak ang panga akong napatitig sa kaniya. Hindi makapaniwala akong napakurap.


"T-tapos?"


"Kanina... dumating 'yong ex n-niya..." Her tears flowed like waterfall. Mas lalo akong lumapit sa kaniya at hinaplos ang kaniyang likuran. I guided her head through my shoulder. She continued. "T-the girl confess that she still have feelings for him s-so..." She started to whine. "Oh God!"


"Huwag mo munang sabihin kong hindi mo pa kaya. Kaya ko namang hintayin. Nandito lang ako."


"B-but... I can't take it..."


I sighed and caress her back. "Sige, sabihin mo na lang. Ayaw ko rin namang makita kang ganiyan. Mas mabuting mailabas mo iyan lahat dahil mahirap kapag itatago mo lang 'yan sa sarili mo. Para saan pa at naging magkaibigan tayo."


"Y-yeah..." She hugged me back. "P-phob... he dumped me after that."


Sumakit ang dibdib ko dahil sa kwento ng kaibigan. Agad akong nakaramdam ng kaunting galit at irita sa AJ na 'yon. Hindi ko pa man nakikita pero parang gusto ko nang sugurin at parusahan ngayon din. Beansey doesn't deserve this. She's kind and very charming, paano siya nagawang saktan ng lalaking 'yon?!


At ano 'yon? Kahapon lang naging sila?! Tapos no'ng dumating ang ex at umaming may gusto pa ay binalikan iyon?! Gago naman! Anong klaseng pag-iisip 'yon?!


"I-I'm tired... Can I sleep muna?" She murmured after a couple of minutes of comfort. Maliit akong napangiti at pinagmasdan siya ulit na nagtatabon ng kumot. Magang-maga ang mata niya at medyo makalat ang maskara.


Sawing-sawi ang kaibigan ko ah? Hay. Sana maging maayos siya bukas.


Nanatili ako sa tabi niya ng ilang minuto pa at nang mapansin kong tumigil na siya sa kakaiyak at nakatulog na ay tsaka pa ako dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ng pambahay na damit at dumiretso na papuntang sala. Doon ko nakita si Papa at Preston na parang may malalim na pinag-uusapan.


"Dad please, alam ni Ate ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung ano ang relasyon nila ni Kuya Chrispher noon hanggang ngayon pero, pabayaan mo na lang sila..."


"Pabayaan?! Naalala mo pa ba ang nangyari sa ate mo noon? Muntik na siyang mapahamak dahil sa lalaking 'yon Preston! I don't want to repeat the same mistake again! Your sister will never take another raid or case this time!"


"But Dad, I'm sure hindi papayag si Ate..."


"She will agree and I will never give her any exception!" Saktong pagharap ni Papa sa direksyon ko ay ang pagsagot ko sa mga sinabi niya.


"Nakuha ko na ang kaso at hindi ko na iyon uurungan katulad ng dati..." Matapang kong sambit habang pinapantayan ang seryoso niyang titig sa akin. Sa una'y nagulat siya pero hindi rin naman iyon nagtagal.


Bilang pulis, wala sa bokabolaryo ko ang umurong sa bawat laban. Tsaka ayaw kong biguin si Chief Manulo at si Lupin. Malaki ang tiwala nila sa aking magagawa ko nang maayos ang trabaho ko at hindi lang din naman ito bastang trabaho lang, buhay ni Chrispher ang nakasalalay dito.


"Phoebe..." Marahas ang paghinga niya ng malalim habang matalim na nakatitig sa akin. "Huwag mong hayaang ako ang gumawa ng paraan para patalsikin ka sa trabahong iyan!—"


"Pa!" Nagsimulang manubig ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kasabay ng panginginig ng kamay ko ay ang siya rin namang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Hayaan mo akong gawin 'to nang panghuling beses—"


"Wala nang uulit Phoebe! Minsan na kitang pinagbigyan at—"


"Magre-resign ako pagkatapos ng kasong 'to!"


Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming tatlo. Sa gulat nang kapatid ko'y agaran siyang napatayo, si Papa naman ay namimilog ang mga matang nakatitig lang sa akin. Mariin kong kinuyom ang kamao upang pigilan ang hikbing gusto ng kumawala sa akin.


"A-Ate..."


"M-magre-resign ako! H-hayaan mo lang akong tanggapin ulit ang kasong 'to, Pa. Pakiusap..."


Napasinghap si Preston at agad na humakbang sa harap ni Papa. "Pa... let Ate deal with this! Sinabi na niyang panghuling beses na 'to! Pwede siyang bumalik sa pagtatrabaho sa opisina pagkatapos!" Tulirong napabaling sa akin si Preston. "Ate! D-don't resign! I know you won't let that happen right?! You're at the top of your dream and you want to mess it like that?!"


Nanginginig ang labi ko habang pinipilit ang sariling bigyan ng siguradong ngiti ang kapatid. Alam ko kung bakit naging ganito ang reaksyon niya. He knows my dreams and goals. Kinukwento ko sa kaniya ang mga pangarap ko, kung gaano ko kamahal ang pagpupulis, kung gaano ko tinuring na buhay ang propesyong 'to at kung paano ko pinangarap na sana ay mas magtagal pa ako dito, kung kaya't nakakatuwang makitang ganito siya kabahalang malaman ang desisyon ko. Halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at sobrang nakakalito kung bakit si Chrispher pa rin ang naiisip ko.


"M-magre-resign ako... Pa. Just... just let me do this one last time." I pleaded.



Nag-iwas ng tingin si Papa at pabagsak na napaupo sa sofa. Pikit ang mata niyang hinilot ang sentido at tila problemadong-problemado.


This is a very tough decision. Pero kapag naiisip ko si Chrispher... pakiramdam ko wala akong pagsisisihan.


Papa sighed heavily before looking back at me. His dark cold eyes remained intense. "You said you'll resign, right?"


Pati ang paglunok ay nahihirapan akong gawin, pakiramdam ko'y mabubuwal ako kapag hindi ko lalakasan ang loob ko. "Yes."


"Alright." He stood up fixing his dark tuxedo. Looking so formal and majestic.


"Pa!—"


"Preston." Mariing tawag ni Papa sa kaniya sa paraang nagbabanta. "Let's talk some other time."


Hanggang sa makaalis si Papa sa condo ko ay nanatiling tahimik sa pagitan namin ni Preston. Tsaka pa lang ako nanghihinang napaupo sa sahig at hindi na napigilan ang pagsikip ng dibdib at pagbuhos ng luha sa mata. Hawak ang noo akong napahikbi, hindi na alam kung ano ang unang iisipin.


"Ate... why did you decide like that?" Tanong ni Preston na katulad ko'y mabigat rin ang loob.


Humihikbi akong napailing. Pinagtagpi ko ang mga tuhod at mahigpit itong niyakap. Isinandal ko ang nanghihina kong katawan sa likod ng sofa habang walang tigil na ngayon sa paghikbi. Naninikip ang dibdib ko... para akong hindi makahinga.


"H-hindi ko alam... hindi ko... alam."


Preston stayed in my condo for the whole night. Doon siya natulog sa guest room katabi ng kwarto namin ni Beansey. He didn't bother me when I was crying my heart out. He just stayed there beside me, having his own world, hanggang sa nagdesisyon na kaming matulog. Buong gabi ay lumilipad din ang isip ko sa maraming bagay.


Si Chrispher... magmumukha akong tanga kong pati sarili ko ay lolokohin ko pa. Alam kong hanggang ngayon... nanatili pa rin siya sa puso't isip ko. Ayaw ko nang magsinungaling pa.


Mariin kong ipinikit ang mga mata nang maalala ang reaksyon niya ng makita akong kasama si Andrew. Pero... pero ayaw kong umasa. Ayaw kong mag-isip ng bagay na ikakasira ko. Gusto ko 'yong iwasan pero bakit... bakit ganito? Bakit naloloko na naman ako ng sarili ko?


Ang daming nangyari sa araw na 'to. Hindi ako makatulog. I just want to sleep deep and snoring, pero parang ayaw akong pagbigyan ng sarili ngayon.


Ala-una ng gabi ay bumangon na ako at naligo.  I wore my pink sweatpants and my black sports bra, pinaresan ko rin ito ng black sneakers bago pumihit paalis ng condo. Dala-dala ang cellphone, headset at puting panyo ay napagdesisyunan akong magjogging na muna. Kung mananatili lang kasi ako sa kwarto ko hanggang sa mag-umaga at maghihintay sa tumilaok ang manok ay siguradong mababaliw ako. Kailangan ko ng hangin, kailangan kong mapag-isa.


Ramdam ko ang haplos ng lamig ng hangin sa aking tiyan at braso habang tumatakbo at nililibot ang kalsada. Wala akong ibang makitang mga tao maliban sa mga nagdadaanang mga sasakyan.


Unti-unting nawala ang bigat ng pakiramdam ko nang magsimula na akong mapagod at pagpawisan. Tumigil ako sa isang parke at umupo sa bench na malapit lang sa akin. Tiningnan ko ang oras sa cellphone at nagulat nang makitang alas-singko na pala ng umaga. Bahagya akong natawa sa sarili dahil sa sobrang dami ng iniisip ko'y na-enjoy ko ata ng tudo ang pagjo-jogging. I decided to rest for awhile and feel the scenery. May mga nagjo-jogging na ring mga matatanda at mga teenagers. Hindi pa man tuluyang umaangat ang araw ay pakiramdam ko'y maganda ang panahon ngayon.


I sighed heavily when I suddenly felt the need of water. Wala pa naman akong dalang pera at tubig. Isinandal ko ang katawan sa bench at nakatingalag tinitigan ang langit na may mga naiiwan pang bituin. Hanggang sa may kumalabit sa akin dahilan ng mabilisan kong pag-upo ng maayos.


Ngumisi sa harap ko ang isang batang lalaki. Pudpod ang ngipin pero sarap nakawin at iuwi dahil sa sobrang cute. Nawala ang uhaw ko at agad na napangiti. Inangat ko ang kamay ko para kawayan siya. He wave his cute hands too. Sa hindi ko malamang dahilan ay agad na sumulpot sa utak ko ang bunso ni Chrispher, si Chacey. Kamusta na kaya ang batang 'yon? Nakakamiss naman.


Nagulat ako ng may inabot siya sa aking bote ng gatorade at tubig.


"The guy out there..." May itinuro siya pero hindi ko gaanong nasundan. "...said that I should gave this to you."


Namilog ang mga mata ko nang marinig ang kompleto at maganda niyang accent. Kadalasan kasi sa mga bata ay hindi masiyadong nakakaporma ng salita at kulang-kulang pa. Ilang taon kaya ito?


Pero agad na bumalik ang utak ko sa mga sinabi niya. "H-ha?"


He pouted his lips. "The guy..." Itinuro niya ulit iyong direksyon kanina. I saw a guy wearing a black jacket, a cap and a mask jump in shocked and hurriedly walked away. Malayo pero sigurado akong iyon ang tinuturo ng bata dahil sa direksyong 'yon ay siya lang mag-isa. Nangunot ang noo ko at agad na napatayo. Naniningkit ang mga mata akong sinundan ng titig iyong lalaki hanggang sa mawala sa paningin ko.


"Hey Miss..." Hinila nong bata ang sweatpants ko dahilan para bumalik ang atensyon ko sa kaniya. "I gotta go now. I have to walk my doggie."


"O-oo sige... salamat baby." Nauutal kong saad at binalik ulit ang tingin doon sa kinaroroonan ng lalaki kanina. May kumalabit ulit sa akin at nakitang bumalik pala iyong bata.


"I need a kiss for payment."


Kumabog ang dibdib ko sa gulat. A-ano raw?


"Kiss?" Alinlangan kong itinuro ang sarili ko. Tumango siya at mas lumapit. He pointed his cheeks. Ano?! B-bakit ako ang magbabayad?!


Matagal bago ako nakapagdesisyon. I bit my lower lip and chuckled a bit. Ang cute naman ng batang 'to. Mabilisan kong hinalikan ang pisngi niya, pagkatapos no'n ay tumalikod na siya na parang walang nangyari. Ilang ulit akong napakurap bago napahinga ng malalim. Ang weird naman. Sino kaya iyong nagpadala nito? Hindi ko pa talaga natanong dahil sa sobrang gulat.


I pursed my lips and opened the bottle of water. I decided to went back to my condo too. Pagkapasok ko sa condo ay sigaw ni Beansey ang agad kong narinig.


"The hell you care?! You're not the one who's in pain so stop bothering me! Hindi ikaw ang nasaktan!"


"I asked you what did he do?! I asked you so answer me properly!" Si Preston.


Napalunok ako at kagat labing sinarado pabalik ang pintuan. Ayaw kong panghimasukan ang kung ano mang meron sa kanila. Papasok na lang ako kapag pakiramdam koy kailangan ko na. Tulog na tulog si Beansey kagabi kaya paniguradong walang siyang alam sa naging desisyon ko habang kausap sina Papa. Ayaw ko rin namang dumagdag sa problema niya.


Nanatili ako sa gilid ng pintuan sa mahigit limang minuto. Lumabas si Preston na busangot ang mukha at nagmamadali. Hindi pa ako napansin.


Napabuga ako ng hangin bago pumasok sa loob ng condo. Wala akong nakitang tao sa sala kaya dumiretso na lang ako sa kusina. Doon ko nakita si Beansey na nagpupunas ng luha at naghahanda ng pagkain sa mesa.


"Beansey..."


Gulat siyang napatalon nang makita ako. Tumikhim siya at alinlangang napangiti.


"B-bumalik ka na pala. Kain ka na. Kakauwi lang ni... P-preston. May gagawin ata." Nakatingin siya sa mga pagkain habang sinasabi ang mga iyon.


Bakas sa itsura niya ang lungkot. Minsan ko lang siya makitang ganito kaya sobrang nakakabahala sa akin. I let out a small smile.


"Maliligo lang ako ulit. Pwede ka nang umuna sa pagkain—"


"N-no... hihintayin kita."


Pansamantala akong nanatili sa pagtitig sa kaniya bago tumango. "Okay. Sige."


Pumihit na ako papunta sa kwarto at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na para makadiretso agad sa trabaho. Simpleng puting T-shirt, skinny jeans at black leather jacket lang ang sinuot ko bago lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at sinamahan na si Beansey sa pagkain.


"May pupuntahan ka ba ngayon?" Si Beansey. Her facial expression change. Hindi na katulad kanina na sobrang bigat at nakakadala, ngayon ay medyo maliwanag na at maaliwalas. Alam kong pilit pero ayaw ko munang gambalain ang nararamdaman niya ngayon. Napalunok ako bago tumango.


"Where?"


"M-may hahanapin lang ako..."


"Who?" Her eyes squinted.


I bit my lower lip and looked away from her. Ewan ko ba. Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. It's Chrispher. Si Chrispher ang hahanapin ko ngayong araw.


"I see..." She chortle. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya dahil sa gulat. "...I can help you find him, if you let me." She grinned.


"M-may alam ka ba kung... asan siya?" Alam ko na agad na malalaman niya kung sino ang tinutukoy ko.


"Just give me a minute..." Dali-dali siyang tumayo at pumunta sa kwarto, pagbalik ay may hawak na siyang cellphone at katawagan.


"Ahmm... can you tell him na magmeet kami? Sa El Casa hotel... Tell him na hintayin niya ako doon... Yes... Ahmm..." Napatingin siya sa akin at tinakpan ang speaker ng cellphone.


"What time?" She asked me. Namilog ang mga mata ko.


"A-ano?!" Jusko! Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba! Paano niya nagawa 'yon ng ganoon kabilis?!


Bumalik siya sa kaniyang cellphone. "Tell him to meet me at 5pm... Book us a room and send me the number, okay?... Yes... Thank you!" She laughed and ended the call. Nagtatalon siyang lumapit sa akin at niyuyogyog pa ang braso ko.


"Gosh! This is your chance! Makikita mo na siya ulit!" She giggled.


Bagsak ang panga ko siyang tinitigan. "Paano mo nagawa 'yon?! Sino 'yong kausap mo? At Bakit... Bakit sa hotel?! Nababaliw ka na ba?!"


"Hey! Calm down!" She laughed. "That's Chrispher's American friend! Nagkakilala kami noong isang araw. I mistakenly spoke Chrispher's name and it went out that he knows him too! So, I grab the chance this time. It's amazing right?!"


Naniningkit ang mga mata ko siyang tinitigan. Mayroon sa aking ayaw siyang paniwalaan. Pakiramdam ko ay may hindi pa siya sinasabi.


"What's with the look? Come on! I have my connections 'ya know. I'll tell you once your ready. For now, let's finish eating and prepare for meeting him later, okay?!"


Nanatili ang mapagmatyag kong titig sa kaniya dahilan para makatanggap ako ng ilang ulit niyang palo. Impossible namang humingi siya ng tulong kay Berenice. Tsaka... papayag kaya si Chrispher? I hope he would. Napaka-importante ng mga sasabihin ko sa kaniya. This is about his family. I can't let anything happen to him again this time.


Just thinking about it, I can't stop my heart from reacting. Mamaya... makikita ko na naman siya ulit. Mamaya. Jusko! Mamaya pa pero bakit sobra-sobra na itong kabang nararamdaman ko? Nabablangko na naman ang utak ko!


Nanatili ako sa bahay kasama si Beansey. Hinihintay ang oras para makapunta sa hotel na sinasabi niya sa saktong oras. Gumaan din ang pakiramdam ko nang maisip na mabuting sa hotel ko siya kitain. Walang tao na makakakita sa kaniya. Delikado sa kaniya lalo na ngayong hinahanap din si ni General Villegas. Panatag naman akong walang ibang pinagsabihan si Beansey sa kinaroroonan ni Chrispher maliban na lang sa sinasabi niyang kaibigan nito. Ayaw niya sabihin kaya papabayaan ko na muna.


Pagtungtong ng alas-kwatro imedya ng hapon ay umalis na kami ni Beansey sa condo. Gamit namin ang kulay asul niyang Porsche papunta doon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at ito pa talaga ang naisipang dalhin.


"Smile babe!" She giggled. "Kakabili ko lang nito at tinatry ko pa. This is my first time riding this so hold up! Be happy! Be proud!"


Napailing na lang ako habang pinapakalma ang pakiramdam kong kanina pang umaga kinakabahan.


Nang makarating kami sa hotel ay ramdam ko agad ang pangangatog ng tuhod ko.


"Come on, now." She hold my hand and guided me to the elavator. Hindi ko na nga rin napagtuonan ng pansin ang loob ng hotel dahil sa sobrang kaba. Parang gusto nang lumabas ng puso ko sa katawan! Jusko.


"Room 383, it's on the sixth floor." She said excitedly. How I wish to be energetic like her. Pagbukas ng elavator ay nakaramdam na agad ako ng pagdadalawang isip.


"B-Beansey... b-baka wala pa siya—"


"What?! Come on, babe. Mukha kang maiihi! Hindi nangangangain nang tao ang mahal mo... depende rin kung magpapakain ka—Ouch! Masakit!" She pouted her lips as she rubbed her arms pero nanatili pa rin sa mukha niya ang malisyosong tingin. Hindi ko na kasi siya napigilang kurutin.


"T-tayo na..." Nanginig ang boses ko.


"See?!" Hinatak na naman niya ako ulit sa harap ng kwartong may numerong 383. Panay na ang lunok ko nang simulan na niyang i-swipe ang card sa machine. Tumunog iyon at agaran nang bumukas. Bumungad sa akin ang kulay ginto na kwarto. Sa una'y maliit lamang ang espasyo ng daan pero kapag nasa loob ka na ay mamamangha ka sa laki at ganda ng kwarto. Gold theme. I wonder what kind of suite is this. Halatang panghigh-end. Well, ano ba namang maasahan ko kung si Beansey ang kasama ko?


Bumalik sa isip ko ang dahilan ng pagpunta ko dito. Bumalik ang kaba sa akin. Agad kong nilibot ang tingin sa paligid ngunit wala akong makitang bulto ng tao.


"B-beansey wala pa ba siya—" natigil ang pagsasalita ko sa hangin ng makitang wala na doon sa Beansey. Maski anino niya wala doon!


"Beansey?" Saan siya nagpunta?! Humakbang ako papunta sa pintuan. I hold the handle and tried re-opening it, pero ayaw mabuksan! Bakit naka-lock?!


Mariin kong naipikit ang mga mata bago napahinga ng malalim. Ano ba ang ginagawa niya?! Saan siya nagpunta?!


"Beansey! Hoy! Buksan mo 'to! Wala akong susi ano ba?!" Kinatok ko ang pinto at kinalampag. Kaimbyerna naman! Ano ba itong ginagawa niya?!



"Beansey lagot ka sa akin! Ano ba—"


Napatalon ako sa gulat ng may basang bagay ang agarang yumakap sa akin mula sa likuran. Tumigil maski ang paghinga ko ng maramdaman ko ang paglapat ng katawan ng kung sino mang tao nasa likuran ko ngayon. Kumabog ang dibdib ko sa kaba at pakiramdam ko'y malulusaw ako dahil sa sobrang init ng nararamdaman ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag-isip ng maayos! A-anong... anong nangyayari sa akin?!


"You came..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro