Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 34

(Please look at the photos at the end of this chapter. Thank you!💕)

34





---
"Omygod!" Parang tangang ngumangawa si Beansey habang nakatitig sa akin na sinusukatan ng isang sikat na designer ng gown na kinuha ni Mama para daw sa akin.



Umangat ang gilid ng aking labi at kunot noo siyang tinitigan. "Kanina ka pa, ah?!"




"Just wear tuxedo, okay?! And be my escort!"




Napangiwi ako. "Tumigil ka nga!"




"I hate you!" She pouted.



Napailing na lamang ako dahil sa immature niyang ugali. Kanina pa siya dad ng dada tungkol sa susuotin ko. Bagay daw talaga sa akin mag-tuxedo. Kaunting ayos lang daw sa buhok ay mas magiging gwapo pa daw ako sa tunay na lalaki. Kung wala nga lang kaming importanteng bisita dito sa harap ay baka kanina ko pa siya nasakal. Gagawin pa ata talaga akong totohanang tomboy. Kainis.



Nandito kami ngayon sa bahay at pang-dalawang araw ko na rin ito sa isang linggo kong leave. Masyadong excited si Mama at gusto na agad makita at matapos ang gagawing gown para sa akin. Three days na lang din naman kasi ay magsisimula na ang event. Pero kakayanin naman daw iyon ng designer at dalawang araw lang daw ang kailangan ay matatapos na.



"Baby Presty!" Sigaw ni Beansey ng makita ang kapatid kong kakababa lang ng hagdanan at tila kakagising pa lang.



Ang kaninang kakagising lang na mukha ng kapatid ay agad na napalitan ng gulat lalo na nang tumakbo si Beansey papalapit sa kaniya. Umalpas ang ngiti ko sa labi ng muntik nang madulas si Preston sa hagdanan dahil sa pagmamadaling umakyat ulit pabalik ng kwarto. Beansey shouted at him and chased my terrified brother. Parehas kaming natawa ng designer dahil sa paghahabulan ng dalawa.



"Ilang taon na ba kapatid mo, iha?" Ani ni Mrs. Mendez na nagsusukat sa akin.



"21 na po 'yan," nakangiting ani ko. Sinukat niya ang balikat ko pababa.



"Ang gaganda pala ng lahi niyo 'no? You and your brother are both good-looking. Halatang mana sa ina at ama," sinabayan niya ito ng mahinang tawa na siya ko namang tinugunan.




Hindi rin naman nagtagal ang sukatang iyon at gumiya na naman kami sa sidepool kung nasaan sina Mama at isang make-up artist.



"Ngayon pa lang nakikita ko na ang anak kong nakasuot ng gown," ani ni mama habang may papunas-punas pa nang mata, tila naiiyak. Mapakla akong napangiti at nag-iwas na lamang ng tingin sa kanila nang sabay na silang nagtawanan.




"No need for bolder make-up for her, Madam. She's even gorgeous without those." Ano ng make-up artist na bakla habang ngising-ngisi sa akin.



Ewan ko ba? Agad na bumalot ang halong hiya at pagkaasiwa sa akin. Nakakapanibago at talagang hindi ako sanay. Iniisip ko pa lang na magma-make-up ako at nakagown ay para na akong maiiyak sa irita. Pero alam kong wala akong magagawa. Um-oo na ako sa nanay kong parang mas excited pa sa taong maghahanda ng birthday!



Noong nag-aaral pa ako'y isang beses lang akong nakasuot ng gown. At 'yon ay noong prom namin. Tulad ngayo'y napilitan lang din ako. I'm not really that attentive when it comes to those things. I'm more on focused on aiming my outcomes than thinking about my appearance. I prefer slacks than pencil cut skirts and broad shorts than short-shorts pero minsan talaga ay napipilitan. But, I'm not lesbi katulad nang iniisip ni Beansey. Babae pa rin ako ngunit iba lamang ang pananaw lalo na sa mga susuoting damit at pormada. 



"I heard that the birthday man is a bachelor?" Humahagikhik na ani ni Mrs. Reyes.



"Yes! And I saw his photos. He's handsome and very loaded!" Ani no'ng bakla.



"Maybe he's having this grand birthday party to find a pair, right?" Si Mama at makahulugang napangisi sa akin.



Gulat akong napatitig sa kanila na nagkaniya-kaniyang tampal sa isa't isa at tila nakadali ng magandang balita. They laughed together like long time bestbuddies. Jusko naman. Mukhang isasali pa ako sa kalukohan nila. Tumikhim ako at nagdesisyong iakyat muna ang sarili sa kwarto.



"Ma, alis na muna ako. Mrs. Reyes at Lula..." Isa-isa ko silang nginitian at tinanguan.



"Sure, be back later, okay?" Si Mama. Tumango ako bago tumalikod sa kanilang tatlo. At habang naglalakad papalayo ay hindi nakawala sa akin ang malademonyong mga salita ni Mama.



"Make my daughter so pretty, okay?! Iyong unang pasok pa lang niya ay makikita na nang bachelor na iyon ay siya!"



Hanggang sa makapasok ako ng bahay ay dinig na dinig ko pa rin ang tawanan nilang nakakakilabot. Dumiretso ako sa bar counter at kumuha ng juice at habang umiinom ay sumulpot sa harap ko si Beansey na magulo ang buhok at busangot ang mukha.



"Nangyari sa'yo?" Puna ko sa kaniya.



Lumiwanag ang kaniyang mukha at malisyosang napangisi. "What do you think?" She winked.



I hissed and throw the table napkin on her face. She laughed crazily before stalking me from behind. We went together to my room and decided to let our time pass in there. Buong maghapon lang kaming nasa kwarto at nagku-kwentuhan, hanggang sa gumabi ay nandoon lamang kami.



"I really couldn't understand Berenice..." She said annoyingly while laying on my bed open arms. "For almost one year and a half ibubungad niya sa akin ay 'I'll be back in there. Please clean the mansion. I'll stay there with my husband' like ghurl! What did she think of me?! Her fucking maid?! What a thick faced bitch!"



"Sundin mo na lang kasi," natatawang asar ko sa kaniya. Mabilis siyang napaupo sa kama at gulat na napatitig sa akin. I shooked my head.



"Wow! Once in a blue ka na nga lang mag-suggest wala pang kwenta," she rolled her eyes and flipped her hair.



Natawa ako at hindi na napigilang batuhin siya ng unan. She screamed and protested. "Yah! I hate you!"



"Hayaan mo na lang 'yon. Pabayaan mo. Huwag mo susundin."



She sighed heavily and pouted. "Of course! Manigas sila ng asawa niya! Hmp!" Inis siyang bumalik sa pagkakahiga sa kama, samantalang ako ay agad na natigilan. Napalunok ako at napaiwas na lamang ng tingin.



Asawa. Husband.



A strike of pain immediately maneuvered my whole being. It hits so different. Nakakainis na ang galing kong magpanggap sa iba na limot ko na siya pero sa sarili ko hindi ko kayang pekein at gawin.



Pinagdadasal ko na sana hindi na siya bumalik at huwag na huwag na siyang babalik. I don't want to see him again. Ayaw kong matalo at ayaw kong maiwang kaawa-awa sa pagitan naming dalawa. Gaya nga ng sinabi ko sa kaniya noon, wala na siyang mababalikan pa sa akin. All I feel right now is part of the past and the pity for myself. That's all and nothing more. May sarili na siyang buhay at meron na rin akong akin. Kaya sisikapin kong hindi na siya bigyan ng pansin ni katiting. Sinayang niya ang panahon ko noon kaya hindi ko na ulit hahayaang masayang 'yon sa muling pagkakataon.



Wala sa gana akong sumama kay Berenice na bumaba ng sala. Tinawag na rin kasi kami ni Mama para sa hapunan. Maingay na nagtatawanan at nagkukwentuhan sina Mama at Beansey sa hapag at paminsan-minsan na rin akong nakikisabay. Wala si Papa dahil mayroon na naman daw itong meeting sa ibang lugar. Si Preston naman ay mamaya na lang daw bababa, halatang iniiwasan itong bisita kong walang ibang ginawa kundi mambwisit sa kaniya.



Pagkatapos ng kainan ay niyaya ko na si Beansey na bumalik sa kwarto. Kapag nandito ako sa Maynila ay madalas siyang sumasabay sa akin papunta rito. Parang parte na nga rin siya ng pamilya namin dahil sa mabilis lamang siyang makomportable. Madalas din kaming tabi matulog dahil ayaw daw niyang matulog sa guest room lalo na sa ibang bahay. Hindi daw siya komportable. Noon ay sobrang naninibago ako dahil wala naman akong kapatid na babae na pwedeng katabi pero ngayon ay nasasanay na.



Maaga siyang nakatulog habang ako ay sinilip muna sa computer ang mga naiwang trabaho sa department. Tinapos ko ang kaunting trabaho dahil ayaw kong tumambak iyon pagkabalik ko ng trabaho. Natulog na din naman ako pagkatungtong ng ala-una ng madaling araw. And the next day went the same. Pabalik-balik ang designer na si Mrs Reyes dito sa amin para ipakita kay Mama ang design at ang malapit na niyang natapos na gown para sa akin.



Nang akmang lalapit ako sa kanila para silipin ang gown ay agad silang umiwas dahilan ng pagkunot ng aking noo.



"It's a surprise sweetheart," sabay kindat ni Mrs. Reyes.



Kaya wala akong nagawa. Sinamahan ko na lang si Beansey na naliligo sa pool na sinasabuyan naman ng tubig ang kapatid kong busangot na naman ang mukha.



The time pass like a whirlwind at kinabukasan nga ay dumating ang gown na ginawa para sa akin. Namimilog ang mata akong napatunganga sa kulay itim na gown sa aking harapan na nakasuot sa manikin. Backless ito at open ang parte kung saan ang aking kaliwang paa. Sigurado din akong hapit na hapit ito sa aking katawan! Klarong-klaro rin ang taas ng dibdib!



Rinig na rinig ko ang masayang tili ni Mama at ni Beansey sa aking likuran habang pareho ring nakatitig sa aking gown.




"No! I don't want you to wear a tuxedo anymore! 'Cause I'm the one who'll wear it for you! I'm gonna be your escort, babe!" Tumatawang ani ni Beansey.



Buong maghapon ay wala sa sarili akong nakatitig lamang sa gown na nasa aking harapan. Licking the insides of my cheeks and crossing my arms over my chest I stared at it like it's an unsolvable puzzle. Fuck! I can't imagine myself wearing this?! Masiyado itong open! Kaluluwa ko ang nakasalalay kapag susuotin ko 'to!


"Baka masunog!" Bumungisngis si Beansey at tinampal ang aking balikat. Umupo siya sa aking tabi at katulad ko'y tinitigan na rin ang itim na gown.



"God! This is so pretty!" She said amazed. 



"K-kaya ko bang suotin 'yan? B-baka 'di bagay sa akin..." nauutal kong sabi sa kaniya at halatang nagdadalawang isip.



She chuckled and hug my arm. "That will be more perfect if you wear it."



Mahina akong napatawa dahil doon. We stayed there and chitchat a little longer until we get tired watching the dress and help my Mom preparing for dinner. ang nasa hapag kainan na ay napuno ng tawanan ang lamesa dahil kina Beansey at Preston. Beansey keeps on pestering my annoyed brother pero paminsan-minsan ay sumasabay din naman.



"It's so sad that you won't be my escort, Presty," malungkot na ani ni Beansey.



"Okay nga 'yon e. Psh." He rolled his eyes.



"Ang harsh!" Beansey huff like she's loosing an air. Ang arte talaga ng babaeng 'to. "...well it's okay. Kapatid mo lang naman ang partner mo kaya I'm not jealous." Sinabayan pa niya ito ng malademonyong tawa.



"Bakit? May partner ka na ba?" Tanong ko sa kaniya habang ngumunguya ng steak.



"Yup! The mayor's son offered to be my pair. Wala rin naman akong partner so, pumayag ako," she giggled. I saw how Preston mocked Beansey's voice the reason for Beansey to teased him again.



Natapos ang gabi kong iyon na hindi pa rin makapaniwala. Ang bilis ng panahon at parang kahapon lang ay kakarating ko lang dito sa bahay para sukatan ng damit. Tapos bukas ay ang siyang simula na nang event. Walang ibang namutawi sa akin kundi ang kaba, takot at excitement. Basta 'yon ang mga nararamdaman ko.



At kinabuksan nga ay halos magkanda-ugaga ang mga tao sa loob ng aking kwarto. Nagtitipon ang tatlong bakla at apat na babae sa aking kwarto at may kaniya-kaniyang trabaho sa aking katawan.



May nagkukulot ng buhok ko, may naglilinis ng aking kuko, may nagma-make-up at 'yong iba ay busy sa aking damit at sapatos. Wala akong ibang magawa kundi ang mapalunok at matuod sa aking kinauupuan. Pagkatapos ng mga iyon ay pinapasok na nila ako sa cr. One of the girls approach me inside to help me prepare my gown. Nang matapos na at humarap sa ako sa kaniya ay maluha-luha siyang napatabon ng bibig at tila nakita ang anak na nakapasa sa board exam!



"You're so... stunningly gorgeous, Miss," aniya na naging dahilan ng timba-timbang ilang na kumalat sa aking katawan. Parang ayaw ko nang lumabas!



"S-salamat..." Nahihiya kong ani sa kaniya. She jumped out on excitement and guided me outside the restroom.



Kaniya-kaniyang tili ang agad na sumalubong sa aking tenga. Parang gusto ko na lang tumakbo at lumayo sa kahihiyang ito! Kaniya-kaniya din silang puri sa akin na animo'y isa akong kaaya-ayang nilalang. Jusko. Ayaw ko na ulit itong mangyari sa akin!



"And the last sweetness!" Sigaw ng bakla at iminuwestra sa harap ko ang 5 inch na kulay ginto na boots. Napasinghap ako.



"M-may iba pa ba? M-matatapilok ako niyan!" Agad kong protesta.



"Relax! Hindi ka matatapilok diyan, Ineng. Malaki naman ang flats kaya okay na okay lang! Trust me," nagawa pa niya akong kindatan. Pwersahan nila akong pinaupo dahil talagang nagdadalawang-isip na ako.




"Paano kung matapilok ako?! Mabali buto ko?!" I panicked.



"Ano ka ba? Relax lang mamshii, okay?" Sabay halakhak niya.



Umiingos akong napatitig sa paa ng matapos niya itong suotan. Maganda nga pero baka ito pa ikamatay ko! Amp!



"Tumayo ka na, okay lang 'yan," ani ng isang bakla at tinulungan ako patayo. Nanginginig ang tuhod akong dahan dahang napatayo. I tightened my grip on his hand, closed eyes. At nang makatayo na ako'y nagsimula na naman silang magtatalon sa tuwa.



They guided me excitedly outside my room. Hawak-hawak ako ng isang bakla pababa ng hagdanan. I saw my brother talking to the three bodyguards and my mom talking with Mrs. Reyes. Unang nakapansin sa akin si Mrs. Reyes. Her hands flew to her mouth and giggled like a teenager. Tinuro niya ako dahilan ng pagbaling ni Mama sa akin. Bagsak ang panga si Mama na napatingin sa akin.




"Omygod! Phoebe!" Naiiyak na ani ni Mama habang gumigiya papalapit sa akin. "Is this you?" She cupped my faced.



"Mama naman," I hissed, the reason for them to laugh together. Ewan ko ba? Feeling ko ako ang may birthday.



Naging busy ulit ang lahat pagkatapos no'n. May sasama kasi sa aming dalawang staff ni Mrs. Reyes para daw kapag magkaproblema ay may tutulong sa akin, sa amin ni Preston. Kandaugaga sila nang malamang thirty minutes na lang ay magsisimula na ang party. Kaya dali-dali na ang lahat at pinasakay na kami sa aming SUV.



Together with my brother that became more handsome as always with his dark tuxedo who never get his eyes off me. Bahagya akong natawa at tinampal siya sa balikat. "Huwag mo nga akong titigan ng ganiyan." Saway ko sa kaniya.



"Woah... ganda mo ate. Hindi kita nakilala ah?"




"Bolero."



"Totoo!" He laughed. "You looked so stunning, Ate."



Mahina akong napatawa dahil sa sinabi ng kapatid. I mouthed 'thank you' in return. Hindi namin kasama si Beansey dahil umuwi ito ng maaga kanina para mag-ayos din ng kaniya. Magkikita na lang daw kami doon sa venue.



Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami agad sa Manila Royale Hotel. Isa sa pinaka-sikat na hotel dito sa buong Manila. Mula sa labas ay klarong-klaro na kung gaano kaganda ang buong lugar.



"Be my queen for tonight, Ate," nakangiting ani ng kapatid ko habang nag-aabot ng kamay sa akin. Naiiling akong natawa bago inabot ang kaniyang kamay.



Pagkalabas ko'y bumungad sa amin ang red carpet at maingay na mga reporters at click ng camera. I just smiled on it dahil iyon ay turo ni Mama sa akin. Just smile and smile and be polite. Pinagmukha pa talaga akong bata.



"The Valerino, heirs. Ms. Phoebe Narine Valerino and Mr. Preston Charles Valerino..." Ani ng MC at sabay na kaming naglakad ni Preston sa loob. Hindi pa nakawala sa pandinig ko ang tili ng mga babae nang banggitin ang pangalan ng aking kapatid.



Someone guided us to our assigned seats and it's near the stage. Malaki ang mesa at paniguradong may mga magsisidatingan pa para samahan kami dito. At hindi nga ako nagkamali. Beansey with her attractive pink gown shines perfectly with the venue. She gasped and hugged me immediately.




"Why so pretty?! Muntik na kitang hindi makilala!" Mangiyak-ngiyak niyang ani.




"Aish. Ikaw nga diyan e," I laughed. Pabiro niya akong pinalo sa balikat bago umupo sa aking tabi. She's with her partner and it seems that this man has a thing for her. Madalas itong mapatitig sa kaniya at may iba sa mga tingin nito... Iniling ko na lang ang ulo ng may maalala at ipinagsawalang bahala na lang.




The party started and I must say that the birthday man is pristine and mature. Gaya nga ng sinabi mama ay may itsura nga rin ito. Nang inilibot ko ang mga mata ay wala akong ibang masabi. All of here are businessman and elites. Nakita ko rin si General Villegas, Chief Manulo, Artienza at iba pang kakilala. At kung hindi rin ako nagkakamali ay nakita ko rin sina Arwen at ang asawa nito.



"Hey, restroom muna ako. You wanna come?" Si Beansey. Napabaling ako sa kapatid na kanina pa humihikab. I patted his arm at nagpaalam na sasama muna kay Beansey. He nodded and smiled.



Kinuha ko ang pursed ko at humawak sa kamay ni Beansey. She laughed when she noticed that I'm scared of my heels.




Habang naglalakad papunta sa restroom ay pahinto-hinto din kami dahil sa may mga nagpapakilala at bumabati pareho sa aming dalawa. At nang napagdesisyunan na naming pumunta ng restroom ay nangyari ang bagay na hindi ko inaasahan.




"W-wait, Sy!" Napabitaw ako sa kaniya ng may isang matanda ang biglaang bumangga sa aking balikat. I lost my balance and my knees wobbled. Agarang bumilis ang tibok ng puso ko nang alam ko na kung ano ang mangyayari sa akin.




"Phoebe!" She screamed and tried to reach my hand again.




I closed my eyes and waited for my epic embarrassment. I waited for my butt to land on the floor. I waited for my butt to feel the pain. I waited for myself to fell on the floor, but a warm arms didn't made it happen. I gasped as my eyes widened at the person holding my waist firmly.




Wearing a dark masquerade mask on the face, I saw how deep and dark his eyes was. And I can't help... but to mesmerized with those brilliant pair of eyes of him. Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko, nang magsalita siya.




"Are you, okay?"




----
Phoebe's Gown. (For imaginary purposes only. Got this on pinterest)💞 credits to the owner.

Beansey's Gown💕

#sinosiluckyguy!
#hulahulamgababe💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro