Kabanata 32
32
---
"Ano ba?! Ba't ayaw niyo pa rin akong papasukin?! Dalawang araw na akong bumabalik dito tapos sinasabi niyo sa akin na bumalik na lang ako mamaya o bukas! Eh, hindi niyo rin naman ako pinapapasok?!" Mabibilis ang hininga kong sumbat sa mga guard na nasa harap ng hall. Hindi ko na talaga natiis ang galit ko dahil sa mga kasinungalingan nila sa akin.
"Bawal pa po talaga, Inspector. Utos sa amin na kung hangga't maaari ay bawal munang magpapasok ng bisita lalo na kapag sa mga Magno..." Ani nito sa pagpapaumanhing tono.
Agaran akong napamewang at napahilot na lamang sa sentido. Tsk. Napabuga ako ng hangin. "Anong gagawin ko ngayon?" Bulong ko sa sarili.
Nangako akong babalikan ko siya. Pero paano ko 'yon gagawin kung ayaw naman akong papasukin?! Kainis! Si Chief Manulo naman ay ayaw na akong tulungan. Iginigiit niya na dapat na namin itong kalimutan at magtrabaho na lamang! Aba'y malaking bagay ito sa akin kaya kung maaari hindi ko muna tatantanan. I will have Chrispher back!
Matamlay akong bumalik sa parking lot at sumandal sa hood ng aking kotse. Napatingala na lamang ako sa langit at pinagmamasdan na lamang ang makulimlim na kalangitan. Tanghaling-tanghali mukhang uulan pa ata.
"Miss Phoebe?"
Agad akong napabaling sa taong tumawag sa akin. Namilog ang mga mata ko nang makita ang dalawang kaibigan ni Chrispher. Si Kerven at Corvette. Napaayos ako ng tayo.
"Oh? B-ba't kayo nandito?"
"We're here to visit Tita and Chrispher..." Matamlay na ani ni Kerven.
"You?" Si Corvette sa akin. Napalunok ako at hindi kinaya ang mapang-usisa niyang tingin.
"G-ganoon rin..."
"Pinapasok ka ba?" Ani ni Kerven. Napatungo ako bago napailing. Pagkatapos no'n ay narinig ko ang mabigat na hininga ni Corvette. Lumapit siya sa akin at tumabi ng sandal sa hood ng aking kotse.
"We have the same case then." Namilog ang mga mata ko at napabaling sa kanilang dalawa. They have the same expression. Guiltiness and a pile of sadness is written to their faces. Napakabigat nilang tingnan.
"I'm sure Ignacio's is part of this shit that's why we can't see the family right now. I just hope for Chrispher to think more wisely. Siya na lang ang natitirang lalaki para magprotekta sa kapatid at Ina niya," Si Corvette habang nasa kawalan ang tingin. I can clearly see through his eyes his loved for his friends family.
"H-his father... I-is he really..." Tanong kong hindi ko masiyadong madugtungan.
"He's gone..." Kagat labing ani ni Kerven. I saw how he clenched his fist and looked away.
Naninikip ang dibdib ko. Iniisip ko pa mang nasa kalagayan ako ni Chrispher ay parang hindi ko na kaya. I can't take the painfulness he have right now. Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit siya masama kung umasta sa akin. Isa iyon sa dahilan kung bakit... kung bakit biglang nagbago ang ugali niya sa akin.
"It's so funny to think..." Bulong ni Corvette dahilan para bumalik ang atensyon ko sa kaniya. "...the news just ended in just a blink. Mula nang mahuli sina Chrispher ay hindi na muling pinag-usapan ang kidnapping. Agad iyong natigil at hindi na pinag-usapan. Even in newspapers, bigla na lang itong nawala."
Nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. "And the Ignacio's, I heard their preparing for their migration." Si Kerven.
"Saan?" Tanong ko.
"I don't know. Nalaman ko lang 'yan sa kapatid ni Berenice, si Beansey. Lasing siya ng kinausap ko kaya 'yon lang ang nakuha kong impormasyon," he hissed like he don't want to think about it again.
Napakurap ako at sandaling natigilan. Naalala ko agad ang mga sinabi ni Berenice noong isang araw sa restroom. Her conditions and all to have Chrispher. Biglang kumulo ang dugo ko. Nagsimula na namang magngitngit ang paningin ko.
"S-sa tingin niyo? S-saan ko makikita si Beansey ngayon?"
Napaayos ng tayo si Corvette at nakapamulsang napatingin sa akin. He raised his brow. "I'm sure she's on her bar right now. Having fun in the middle of the afternoon."
"Beadean East, I'm sure you know that place. It's a bar actually," naiiling na dugtong ni Kerven.
Napalunok ako at dali-daling kinuha ang susi sa aking bulsa. I open my car but stop immediately. Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa na may parehong naguguluhang ekspresyon.
"S-si Chacey? K-kumusta siya?"
Natigilan silang dalawa ngunit kalaunan ay napangiti rin. "She's at my place. Don't worry, she's with my Mom right now."
Kagat labi akong napatango bago nagpaalam sa kanilang dalawa. I drove my way back to Manila. Malakas ang pakiramdam kong may malalaman ako kay Beansey. Sana nga lang ay hindi sila magkaugali ng kapatid niyang si Berenice, dahil kung magkataon man ay hindi rin kami magkakasundo.
Naabutan pa ako ng ilang oras sa byahe dahil sa traffic at paghahanap sa nasabing bar. Muntik pa akong mawala at maligaw. Hay! Parang na-ignorante pa ata ako. Hindi naman kasi ako masyadong naglalabas ng headquarters at kung lalabas man ay kapag may ini-inspect sa ibang department o gagawing raid.
Napahinga ako ng malalim nang makita ko ang malaking karatulang umiilaw na nagsusumigaw sa pangalang Beadean East. Alas-kwatro pa lang ng hapon pero parang gising na gising na ang Bar na ito. Nagparking ako sa parking lot nito at nagdesisyong pasukin ang bar. Ngunit nang makarating ako sa harap ng pintuan ay agad akong hinarangan ng mga guards.
"VIP po ba, Ma'am?" Ani nito. Napalunok ako at hindi agad nakapag-isip ng sasabihin.
"A-ahm... M-may kikitain lang akong kaibigan..."
"Ma'am dapat po muna may reservation kayo. Meron po ba?"
Nagtataka ko siyang tinitigan. Ano bang meron sa bar na 'to at parang masiyado naman atang mahigpit? I twisted my lips and sighed deeply. Nakakahiya naman.
"M-may tatawagan lang ako..." Ani ko sa guards at nang akmang tatalikod na ay muntikan pa akong mabangga sa taong nasa aking likuran.
"Ow! Hi!" Tili ni Beansey dahilan para mapaatras ako sa gulat. Napasapo ako sa dibdib at namimilog ang matang napatitig sa kaniya.
"B-Beansey?" I muttered.
"Yes! You know me?" Maarte siyang nagtabon ng bibig. "I'm so touch!" Sabay tili ulit nito. I awkwardly laughed with her. "What are you doing here? Having some fun?"
"Ah... I-ikaw sana ang sadya ko e."
"Sure! Let's get inside!" She said cheerfully. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa Bar, ngunit napatigil at hinila na naman ako pabalik sa pintuan kung saan ang mga guard nakapwesto.
"Boys, remember her face okay? She's my guest from now on and she can be here anytime she want." Utos niya dahilan ng pagtango nito isa-isa habang matiim akong tinititigan. Ang awkward. Hinatak na naman niya ako papasok sa medyo masikip na daanan. Ngunit kalaunan ay naging maluwag din ng sumalubong sa amin ang maingay at nakakahilong dancefloor.
"Enjoy babe! I love you! Don't forget to pay later! Dance your ass*s bitches!" Sigaw ni Beansey sa mga kakilala habang patuloy akong hinihila.
Ako naman ay nagsisimula nang mahilo dahil sa ilaw ng paligid. Ang aga naman aya masiyado para sa pagsasaya ng mga tao dito. Ang iba ay halatang lasing na. Maraming upuan sa paligid ngunit may parte rin sa gitna na bakante at tanging mga kabataan lamang na may hapit at sexy-ing katawan ang nagsasayaw. Jusko. Ano ba naman iyong ginagawa ng mga batang 'to?
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa isang medyo tahimik na espasyo. Para itong hallway at habang palayo kami ay humihina rin ng unti ang ingay mula sa dancefloor. Umakyat kami sa isang hagdanan at pumasok sa isang kwarto. Napanganga ako ng bumungad sa akin ang isang glass window na klarong-klaro ang ganda ng panghapong senaryo ng BGC.
"You love it?" She giggled. Maliit akong napangiti at pinalibot ang tingin sa paligid. Kulay white at brown ang theme ng kwarto. Para itong mini sala na may flat screen TV sa gilid pero kapag uupo ka sa sofa ay makakaharap mo ang glass window.
"Sit here," itinuro niya ang sofa at pansamantalang inayos ang mga pillows doon. Tumango ako bago umupo. Pinagmamasdan ko lamang siyang tumatakbo papalapit sa isang intercom. Narinig ko rin ang pagsu-suggest niya ng mga inumin, pagkain at dessert. Kalaunan ay bumalik ulit siya sa tabi ko na parang hinahabol ng aso. She's so hype!
"So? May I ask what can I do for you?" She winked.
Napakunok ako at kabadong napalaro sa mga kamay. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. "T-tungkol sa kapatid mo..."
She raised a brow. "Hmm? What about her? Did she do something again?!"
Nadila ako sa aking labi at hindi na masyadong makatingin sa kaniya. "M-may nagsabi sa akin na aalis siya ng b-bansa... t-totoo ba 'yon?"
She pouted her lips before taking a deep sighed. I saw how her hyped face faded in an instant. It's as if talking about her sister upsets her. "I really don't care about that spoiled girl but, yes. I heard her talking with her mom when I was visiting her father at the hospital."
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sa paraan ng pagkakasabi niya no'n sa akin ay kakaiba. Parang hindi niya mga magulang ang kinukwento sa akin. She smiled when she noticed my expression.
"I'm an orphan. I'm not their real daughter," she chuckled. Pansamantala akong natigilan. "I heard her talking with her mom, asking assistance for migration with Chrispher to the other country. The one who shot her father. Naalala ko pa nga kung gaano siya kasaya that time. Well, I really couldn't understand her but I know love is one of the main reason behind it. Ang corny niya 'di ba? That's why I always hate her. She's so spoiled." She flipped her hair in the air.
Nagsimulang manakit ang dibdib ko sa narinig. Nanginginig at namamawis naman ang kamay akong nakatitig lamang sa sahig. Palipat-lipat ang tingin ng mata ko. Basta ang alam ko lang masiyadong masakit ang mga narinig ko sa kaniya.
Kung ganoon pumayag si Chrispher? Pumayag si Chrispher sa mga kondisyon ni Berenice? Iniisip ko pa lang kung totoo man ay pakiramdam ko'y mababaliw na ako.
"K-kailan ang alis nila?"
She pursed her lips and stared at the ceiling. "I still don't know the time but I know it will be too soon. They're also planning on taking Daddy Macias with them at hintayin itong magising mula sa coma doon sa lilipatan nila. 'Yon lang alam ko dahil medyo hindi close. Hey, are you a fan of—" she paused as she stared so shocked at me. "...omygod! I-I'm so sorry..."
Una ay naguluhan ako dahil sa kinilos niya ngunit agad ding napa-ayos ng mapansing tumutulo na pala ang luha ko sa mata. Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko'y pakiramdam ko namamanhid na ang buong katawan ko.
"Hey... I'll help you. Omygosh! I forgot! I totally forgot!" She said almost hysterical. "...you're the one Chrispher talked to me about!"
"O-okay lang..." Nahihiya akong nagpunas ng luha at napabaling ulit sa kaniya. "A-anong ibig mong sabihin t-tungkol kay Chrispher?"
She sighed apologetically. "We're best buds too. He told me about a girl he's courting to. I almost forgot that it's you. I'm so sorry... I-I drunk a little..."
Tikom ang bibig na lamang akong napatango sa kaniya. When she was about to sit right next to me tumunog naman ang pintuan ng kaniyang kwarto. She excused herself and run through her door and not just long after he place a case of beer, tequila and other beverages in the table. Bumalik ulit siya sa pintuan at nakipag-usap sa naghatid ng mga iyon at ngayon naman ay may dala-dalang carton ng mga pagkain.
"Ahm... H-here." Mabilis at tila hinahabol ang kamay niyang binuksan ang mga carton na nagkakalaman ng fried chicken, french fries, burger, donut at pizza. Halata sa itsura niya ang pag-aalala at takot sa akin. "I... I-I'm really sorry—"
Bahagya akong natawa at napailing. "O-okay lang..." Napayuko ako ulit ng naging kabaliktaran ang nangyari sa akin. Kasabay ng pag-init ng puso ko sa sakit ang siya ring pag-apaw ng luha ko sa mata.
"Omygod..." She murmured and walked her way to me. Nakapikit ang mata at humihikbi ay naramdaman ko na lang ang yakap niya sa akin. "Babe... I'll help you, okay? Don't worry. We're not really that close but I want to help you. You want to see Chrispher right? Then I will make it happen. For now... let's calmed down first, okay?"
Patuloy lamang ang paghikbi ko habang dinadama ang haplos niya sa aking likuran. Sa isang iglap ay unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Bigla akong nakomportable. Nagpunas ako ng mata at napahinga ng malalim. Dumapo ang tingin ko sa case ng beer at tequila sa gilid. Inangat ko ang kamay ko at kumuha ng tequila at agaran iyong binuksan.
"Ahmm... unahin mo muna ang beer para hindi ka malasing agad— ah! No!" Napatili siya ng inisang tungga ko ang bote ng tequila. "Heyyy! It's not good! Malalasing ka nang maaga!" She said almost crying.
Napangiwi ako ng agad na dumaloy sa aking lalamunan ang tapang at pait ng alak. Kumalat ang init nito sa buong katawan ko ngunit imbes na tigilan ay hindi ko na tinantanan pa. I just want to take away this pain. Gusto kong kalimutang pumayag si Chrispher sa mga kondisyon ni Berenice. Gusto kong kalimutan ang mga ngiti at tawa niya sa isip ko. Gusto kong kalimutan na naging parte na siya sa akin. Gusto kong kalimutan ang mga kasinungalingan niya. Gusto kong makalimot kahit saglit. Kahit saglit lang... dahil hindi ko na kaya...
I cried again holding my third bottle of beer. Lupaypay ang kamay ko habang nakatitig sa taas ng ceiling. My eye sight is spinning whenever I moved my body, but my tears never stop on falling. Nahubad ko na ang leather jacket ko dahil sa init. Sigurado din akong magulo na ang buhok ko kakasabunot kanina pa. Napagod na rin akong magsalita at magtanong ng bakit mas pinili niya iyon kesa sa akin? Napagod na ako kakaisip kung ano kaya ang mga kondisyong iyon kung bakit siya pumayag na sumama kay Berenice. Ano-ano 'yon? Gustong-gusto ko 'yong malaman!
"S-stop na, okay?" Beansey tried to get the beer away from my hand but I didn't let her. She made a loud sighed. "...omygod. I never thought for you to end up this way. I'm the one who supposed to get drunked you know? My family choose to abandon me and leave me behind."
Umiingos at nanghihina ay nanatili lamang ako sa posisyon ko. Nakatingala sa ceiling at hinahayaan ang sariling sakupin ng alak. Nanginginig ang kamay kong inangat ang bote ng alak at tinungga sa panghuling beses. Nabitawan ko ang bote kasabay ng pagdilim ng mga mata ko. Ngunit bago pa man ako tuluyang makasulong sa dilim ng panaginip ay narinig ko pa siyang nagsalita...
"I'm... I'm so sorry..."
Nagising ako sa malakas at paulit-ulit na yugyog sa akin ng kung sinong tao. Napaungol ako dahil sa inis.
"Wake up! Wake up! Please!"
Unti-unti kong dinilat ang mga mata at agad na napadaing dahil sa sakit ng ulo. Para itong binibiyak gamit ng martilyo dahil sa sobrang sakit! Ano ba ang ginawa ko kagabi?
"Omygod! Move now will you?! Baka ma-late tayo!" Histerikal na saad ng babaeng kanina pa ata ako sinisigawan. Nang tuluyan kong maidilat ang mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Beansey. "Police!"
Naiiling akong napaupo sa kama. Oo, kama. Ano ba talaga ang nangyari sa akin kagabi? At asan ako?
"Let's go!" Sigaw ni Berenice sa akin at agad akong hinila patayo dahilan para mabuwal ako. Napasinghap ako dahil sa ginawa niya.
"Bakit ba?! A-anong meron?!"
"You want to see Chrispher, right?! Let's go before it's too late!"
"A-anong big mong sabihin?"
"They're leaving today!"
Agaran namilog ang mga mata ko at nabuhayan. Napalunok ako at agarang hinanap ang aking sapatos. Sinuot ko ito at kinuha na rin ang aking jacket. Beansey pulled my hand hard dahilan para muntikan na akong masubsob sa sahig. Nagpaubaya ako sa kaniya hanggang sa makalabas kami doon sa kwartong iyon. Nang inilibot ko ang tingin ay nasa bar pa rin pala kami ngunit ang oras ay pasado alas-tres na nang umaga! Napadapo kasi ang tingin ko sa isang wall clock.
Masyadong mabilis ang nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa kulay pink niyang Porsche.
"Seatbelt!" She muttered with a serious expression. Ibang-iba sa reaksyong nakita ko sa kaniya kahapon. Kinakabahan akong napatango at sinunod ang sinabi niya. Naguguluhan at iniinda pa rin ang sakit ng ulo'y nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya habang nagmamaneho.
"S-saan tayo pupunta?"
"To Chrispher! He's leaving with my biatch sister! God!"
Namilog ang mga mata ko. Pumintig ulit ang puso ko sa sakit at bumalik na naman ang mga alaalang ayaw kong paniwalaan. Bumilis ang hininga ko. Naninikip ang dibdib ko.
"Hold on! I will speed this up, okay?" She said to me. Tumango lamang ako at napatulala na lamang. Hindi na pinansin pa ang pagpapatakbo niyang paniguradong bawal sa rules and regulations ng kalsada. The speed is blowing my hair up! Pero ang utak ko naman ay ayaw gumana para suwayin siya!
"We're near. I just need to speed up more. Get my license later, okay?"
Wala sa sarili akong napatango habang hinahayaan siyang magpatakbo ng napakabilis. Kung nasa tamang pag-iisip lamang ako ngayon paniguradong matitikitan at kukunin ko lisensiya niya... but I'm too clouded to think about it. Lalo na't bumabalik na rin sa isip ko ang nangyari sa akin kagabi. I was drunk and hangover right now. And it's because... of Chrispher. Si Chrispher... nagsisimula na namang mag-init ang mga mata ko.
Agad din naman kaming nakarating sa... Airport.
"Let's go!" Bumaba siya sa kotse at tumatakbo na pumunta sa pwesto ko. She open the door for me at sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay hinila na naman niya ako. Now, we were both running on the hallway of the airport. Pakiramdam ko' wala ako sa katinuan.
"Fuck! There they are!" Itinuro niya ang kompolan ng mga tao sa departure area. Bumilis ang hininga ko at agad na kinabahan. I pulled my hand to hers. She gasped. "Maabutan natin sila! Let's go—"
"B-bawal na tayo diyan—"
"Walang bawal kung gusto mo, okay?! Just... just trust me..." Kumislap ang kaniyang maabong mata. May ngiti iyon at paninigurado. Nag-iinit na naman ang puso at mata ko. Gusto kong umatras... gusto ko ring magpatuloy. Nanginig ang labi ko bago napatango sa kaniya. She hold my hand again and drag me to the departure area.
"Out of my way!" Pinagtutulak niya ang mga taong nasa daanan at sa 'di kalayuan lang ay naririnig ko na ang mga guard na nagpipigil sa amin. "Chrispher!" She screamed.
Namilog ang mga mata ko nang makita ko nang tuluyan si Chrispher. Kahit nakatalikod siya'y alam kong siya iyon. Nanginig ang tuhod ko. Tumatambol ang puso ko sa kaba. Nag-iinit ang buong katawan ko.
"Chrispher! Wait!" Sigaw ni Beansey.
Beansey's voice made him stopped. Agaran siyang napabaling sa direksyon namin, and that's when our eyes met, too. His eyes widened. Nagsimula akong napahikbi at bumitaw sa kapit ni Beansey. I run to him and almost got slipped on the floor. Ngunit ng makalapit na ako ng tuluyan sa kaniya ay agad akong hinarangan ng mga taong paniguradong tauhan ng mga Ignacio.
"No..." Chrispher muttered. Natigil ako sa aking pag-iyak nang makita ko ang pagsusumamo sa kaniyang mukha habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"P-pumayag ka sa kaniya?" Agaran kong tanong. Nanginig ang aking boses. Tumulo ang luha sa kaniyang mata at agad na napaiwas ng tingin.
"S-sagutin m-mo 'ko. P-pakakasalan mo b-ba siya?"
"Yes..."
And that's when I broke down. Ang poot, lungkot at galit ay nagkumpulan na lahat sa aking luha.
"I-inisip mo ba a-ako no'ng nagdesisyon ka niyan?" I am being hopeless. This sucks!
He eyed me with his weary eyes. "N-no..."
Nanginginig ang tuhod akong napaatras. B-bakit pa ba ako napunta dito? B-bakit ko pa ba siya hinabol? B-bakit kailangan ko pang maramdaman ang ganitong sakit? A-anong kasalanan ko?
Napailing ako habang lumuluha. "K-kung ano man iyang... d-desisyon mo... s-sana maging masaya ka... W-wala namang tayo e, k-kaya okay lang."
"B-babalikan kita..." He muttered, crying.
Napahikbi ako habang pinipilit ang sariling bigyan siya ng ngiti.
"K-kapag dumating man ang panahong 'yan... s-sisiguraduhin kong wala ka nang mababalikan pa sa'kin."
His eyes widened and was about to come near but the bodyguards immediately stopped him. Nagpupumiglas siya habang tinatawag ang pangalan ko.
"I... I h-have something to tell you—"
I sobbed and nodded. "Hanggang dito na lang tayo... Chrispher." I smiled for him for the last time. Sisiguraduhin kong huling ngiti ko 'to kasama ng pagmamahal ko sa'yo Chrispher... at hinding-hindi ko na uulitin pa. Dahil ayaw ko nang maramdaman ulit ang sakit na ito lalo na sa'yo.
"M-Miss Police..." Tawag niya sa akin. Ang gaan at saya sa pakiramdam kapag naririnig ko 'yon sa kaniya ay napalitan na ngayon ng pait at sakit. Mariin akong napapikit.
Umiling ako at tumalikod. Nagsimula na akong humakbang papalayo sa kaniya. Hugging myself... i couldn't do anything to bear my own downfall. I'm broken and totally scattered.
I think this is the end for the two of us. Kung gaano ko siya kabilis nakilala, ganoon din kabilis kung paano namin nabitawan ang isa't isa. At halata namang kung sino pa ang umuna sa aming dalawa, siya rin ang na-unang bumitaw.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro