Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

30





---
Pagkarating ng mga pinatawag kong mga kasamahan ay hindi na ako nagdalawang isip na bumyahe pabalik ng headquarters. Tulala at maraming bumabagabag sa isip ay hindi ko na pinansin pa ang dugo na naiwan sa aking damit. Wala akong ibang maisip kundi si Chrispher.


Naiisip ko pa lang na ginawa niya iyon ay tila napaparalisado na ang utak ko. Chrispher will never do such thing! Isa lang ang bagay na gusto kong gawin ngayon. Iyon ay ang makita at makausap siya. Damn! I badly want to see him right now! He's fucking innocent!

Nang makarating sa headquarters ay ang mga nagkakagulong kasamahan ang aking nadatnan. Puros may kaniya-kaniyang trabaho at tila walang oras para man lang tumigil. Salin-salin sila at nagpupunta saan-saan, pero hindi na iyon ang mas pinagtuonan ko ng pansin. Tumakbo ako papunta sa opisina ni Chief Manulo. Balita ko'y nandoon daw silang lahat pati si Lupin. Hindi na ako kumatok at walang ano-ano'y binuksan ko na ang pintuan.


Natigilan ako ng bumungad sa akin ang kasalungat na ingay mula sa labas. Dito'y tila nakakabingi ang katahimikan at tipong lahat ng nandito'y may kaniya-kaniyang pinagdadaanan. Si Chief na nakatitig sa kawalan. Si Lupin na malungkot na sa sahig lamang ang tingin at ang tatlo pa naming kasamahan na siguro'y isa sa mga nag-iimbestiga.


"C-Chief..." Nanginginig ang boses kong tawag sa kaniya.


Dahan-dahan silang nag-angat ng tingin sa akin at tila ngayon lamang ako napansin. Ang kaninang kaba ko ay nagsimula ulit na mas grumabe. Ang tuhod kong nanginginig ay unti-unting nanghihina.

Ang mga mukha nila'y puno ng simpatya sa akin. Puno ng patawad, puno ng mga salitang hindi masabi-sabi. Halos sabay din silang nag-iwas dahilan para sumakit ang puso ko sa pagtataka. Nang akmang magsasalita na ako ay ang siya rin namang pagpasok ni General Villegas sa opisina. Mahina itong tumawa at tinapik ang aking balikat.

"This is a good job for all of us, Chief Manulo! You're team deserves to have a celebration! Kung hindi rin dahil sa inyo'y hindi natin matatapos ang kasong ito. I am so grateful to all of you!" Matagumpay siyang tumawa. "I am... The General Police will help you gain promotion in this field!"

I clenched my fist tightly as I gritted my teeth to hide my anger. Nagsimula ulit na manubig ang mga mata ko nang makita ko ang pilit na ngiti ng mga kasamahan. Tanging ako lamang ang wala sa panahong makipag-plastikan sa sitwasyong ito. Nanatili akong nakatuod sa aking pwesto.


"T-thank you... General," ani ni Chief Manulo at nagawa pang makipag-kamay sa mismong harap ko. I want to scoffed to express my emotions but I can't make any bad moves in this moment.


"We'll, I guess I interrupted a very confidential meeting," General Villegas laughed. "I will head out for now. Again, team... Congratulations to all of us!" At lumabas na siya.


Doon ko lamang hindi na napigilan ang matatalim na tingin kay Chief Manulo. Nanunubig man ang mga mata'y hindi ko na siya napigilan pang pagsalitaan.


"Akala ko ba ay atin lang 'to, Chief?!"

"I-Inspector..." He trembled.


Umiling ako at mas lumapit sa kaniyang lamesa. Ngayon ay mas klaro ko na ang kulubot sa kaniyang mukha na nagpapahiwatig ng problema o 'di kaya'y katandaan.


"Akala ko ba ay atin lang 'to! Chief?!"  Pag-uulit ko.


"Inspector Valerino!" Saway sa akin ni Lupin ngunit hindi na ako nagpa-awat pa.

"B-bakit..." I took a deep breath. "... Bakit nasali si General nang naganap ang kidnapping?! Kaninong kaso ba talaga 'to, Chief?! Dapat alam namin 'yon!"


"I am not the one who assigned this case to my team, Inspector! Hindi ako! Ang nasa taas ang nagbigay ng kasong ito sa akin sa pag-aakalang maliit lamang ito! I was also told to keep this case confidential! But I never thought for this to end up this way! General Villegas isn't the kind of man to meddle in every case we have but I don't know why he seems so attached to this—"


"Dahil dawit siya sa kasong ito! Chief! Iyong naabutan kong lalaki sa Antipolo..." I sobbed. "... iyong namatay sa bisig ko! S-sinabi niya sa aking plinano lang ito! This is not freaking true, Chief! Sinabi niya iyon sa akin!"


"That's still not enough evidence to have right now, Inspector! We need to be careful with our words. Tandaan mong pare-pareho tayong nakatapak sa lupa na may bomba, kung may isa man sa atin ang magkamali ng galaw, pare-pareho tayong matatapos..."


Humihikbi akong nagpunas ng mata at pilit na kinalma ang sarili. "May alam si Chrispher... Alam niya ang lahat. Saan siya dinala? Kailangan ko siyang makita—"

"There's no one allowed to see him right now, Inspector. Ipinagbabawal pa nila na makita ang mga Magno, lalo na ang isa sa kasama nilang si Jhanos Fuertavilla. Pareho silang nakakulong ngayon," si Lupin.


"Saan nga, Lupin..." Pagod kong ani.


Napahinga siya ng malalim at nag-aalalang napatitig sa akin. "Gumagabi na, Inspector. Magpahinga ka na muna."


Agad akong umiling. "I need to see him, Lupin..."


"Kaano-ano mo ba siya, ha? Inspector?" Si Chief na naging dahilan ng pagkatigil ko. Napatingin ako sa kaniya at pansamantalang hindi nakapag-isip. Nakataas ang kaniyang kilay at striktong nakatitig sa akin.


Napalunok ako bago nagsalita."M-manliligaw ko siya..."


Bayolenteng singhap mula sa tatlong kasamahan ang agad kong narinig. Samatalang, nanatili ang titig sa akin ni Chief Manulo at si Lupin na naiiling na nag-iwas.


Napahinga ng malalim si Chief bago sumandal sa kaniyang upuan. "Talaga?" Aniya na animo'y hindi naniniwala sa akin.


"O-opo... Chief," napayuko ako dahil sa naramdamang kahihiyan. B-bakit ko ba iyon nasabi?!


Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya tuluyang nagsalita. Kitang-kita ko ang paraan niya ng paglunok bago napahinga ng malalim.


"Tutulungan kitang makita sila bukas sa isang kondisyon..." Unti-unting nabuhayan ang dugo ko sa katawan dahil sa narinig sa kaniya. Kinakabahan akong napalunok.  "You need to go home and rest for now. We will also do the same after we finish some important matters so there's no need to worry about. Ngayon, ikaw muna ang uunahin namin. You're so pale, Inspector."



Kagat labi akong napaatras nang maalala na namang masama ang pakiramdam ay agad na namang umusbong ulit ito sa akin. Parang kidlat na sumakit ang ulo ko. What's wrong with me? Ngayon pa talagang may importante akong gagawin!


"P-pero Chief—"


"Please no buts, Phoebe," si Chief. Pansamantala akong nagulat sa itinawag niya sa akin ngunit kalaunan ay bigong napatango na lamang.


Wala akong ibang nagawa kundi ang sundin ang utos niya na umuwi na muna ng bahay at magpahinga. Tutulungan naman niya akong makita si Chrispher bukas kaya napapanatag na ako.

Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ng kapatid at ni Mama pagkauwi ng bahay. Sabay silang tumakbo para tanungin ako sa nangyayari ngunit nang mapansin ang kalagayan ko'y pareho silang natahimik.


"A-are you... okay? Phob?" Si Mama.


"Namumutla ka, Ate..." Ani ni Preston at hinipo ang aking noo. Napasinghap siya at marahas na nagbuga ng hangin. "May lagnat ka, Ate!"


Nagpilit ako ng ngiti at ginulo ang buhok ng kapatid. "Okay lang ako. Gamot at pahinga lang 'to, Preston, Ma. Magiging maayos din ako bukas..."


Maliit na ngiti ang ginawad ni Mama sa akin. "N-nandito na ang... Papa mo."

Ilang segundo akong natigilan bago napangiti at tumango. Nami-miss ko na si Papa. Ilang araw na rin ang nagdaan at mula noong nalaman niyang nabaril ako sa braso ay hindi ko pa siya nakikita o nakakausap man.

"A-asan siya, Ma?" Tanong ko.

"He's in his office," aniya.


"Ate... Bukas mo na kausapin si Papa. Magpahinga ka na muna ngayon." Si Preston.

Napangiti ako dahil sa sinabi ng kapatid. Tumango ako at dahan-dahang umakyat ng hagdanan. I went inside my room and decided to take a bath first before going to bed, hoping for this fever to slow down. Pagkatapos kong maligo ay nanghihina akong napabagsak sa kama. Parang kidlat na bumalik sa isip ko ang mga nangyari ngayon araw.


"He shot Mr. Macias Ignacio... Inspector."

Mariin kong naipikit ang mga mata bago hinayaang kumawala ang kaninang pinipigilan ko lang na luha. I wish this is just a dream. I hope for tomorrow to get better. I want to see him smiling, joking, laughing... lahat ng ginagawa niyang emosyon kapag kasama ako, gusto ko iyong makita.


"M-mahal na ata kita..." Tanging naibulong ko bago hinayaan ang sariling makatulog.


I woke up feeling so nauseous. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papuntang banyo. I vomit only saliva because I haven't eaten yet. Walang laman ang tiyan ko. Pagkatapos kong sumuka ay mas lalo ko lamang nararamdaman ang panghihina ng aking katawan.

Pumunta ako ng kama at tinitigan ang oras sa cellphone. Napahinga ako ng malalim ng mapag-alamang alas-tres pa ng madaling araw. Bumaba ako ng sala at pumunta ng kusina. Kumuha ako ng gamot sa kabinet at naghanap ng carton ng gatas sa ref. Kinuha ko rin ang platong may lamang pagkain na may pangalan ko. Si Mama siguro ang gumawa nito para sa akin.

Ininit ko ang pagkain sa oven bago kumain. As I was so busy eating I heard some footsteps coming my way. Hindi na ako lumingon pa sa pag-aakalang si Preston lamang ito ngunit ng pumunta ito sa aking harapan ay tsaka ako natigilan. Si Papa. Nabitawan ko ang aking kutsara.


"P-pa..." Nagsimulang dumagundong ang puso ko sa kaba.


"I heard you're sick? How are you now?" Aniya at binuksan ang ref. Kinuha niya ang cake na siguro'y binake ni Mama kahapon at nilagay sa platito. He slice it into two. Isa sa akin at isa sa kaniya, inilagay niya ito sa tabi ko. It made my heart warm in an instant.


"O-okay na naman po, Pa."


Tumango siya at hindi na ulit nagsalita. Tanging ingay na lang ng mga kutsara sa pagitan namin ang nagsisilbing ingay.


"I've heard about what happened to your guy friend. You should not be with him again... He's a killer," ani ni Papa na tila wala lamang ang kaniyang sinabi.


Ang kaninang munting tuwa na namutawi sa akin ay biglang nagbago. Napalitan ito ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam ng pagkadisgusto sa kaniyang sinabi. Nagsimulang bumigat ang aking hininga. I gritted my teeth and spoke.


"Pa... Please don't say that," mahinang ani ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Striktong nakataas ang kaniyang kilay at may pagtatanong sa akin. Napalunok ako.


"Hmm? I am just saying the truth. Tell him to stop chasing over you. He's not good enough to deserve you, anak. You deserved someone who's clean and don't have any dark past," napahinga siya ng malalim bago natatawang napailing. "I thought that guy is good but I ended up having the wrong expectation—"

"Pa!" Mabilis ang hininga'y naisigaw ko. Agaran din naman akong nakaramdam ng pagsisisi ng makita ko ang galit at gulat sa kaniyang itsura. Napalunok ako at napayuko. Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan. Kinuha ko ang gamot sa lamesa. "M-matutulog na ako ulit, Pa—"


"Are you already attached to him? Ren?" Seryosong tanong ni Papa.


Pansamantala akong natigilan bago napahinga ng malalim. "I don't know, Pa. M-matutulog na ako ulit. Maaga pa ako mamaya."


Hindi na ako nag-hintay pa sa kaniyang sasabihin. I went up to my room holding my tears back. Pagkasarado ko sa aking kwarto ay padausdos akong napaupo sa likod ng pintuan. Umiiyak at humihikbi sa hindi ko malamang sakit at dahilan.


Bakit ba ganito? Bakit ang sakit sakit marinig nang mga salitang 'yon? Bakit nararamdaman ko ang ganito sa'yo Chrispher? Kung pwede ko lang sanang takpan ang tenga mo Chrispher para lang hindi mo ito marinig sa iba ay gagawin ko. 'Di bale nang ako ang masaktan... hindi lang ikaw.


"G-gusto kitang protektahan... p-pero hindi ko alam sa kung anong paraan..." I sobbed.


Hindi na ako nakatulog pa dahil sa maraming bumabagabag sa isip. I drink four kinds of medicine to ease the throbbing of my head. Having this illness in the middle of this problem isn't helping. Nagbihis na ako nang aking damit at nagpasyang pumunta na nang departamento nang alas-kwatro ng umaga. Wala akong makukuha kung nandito lang ako sa kwarto at magsasayang ng oras. Pagkababa ko ng hagdanan ay nadatnan ko naman ang kapatid na kausap si Papa.


"Pa... You can't do that to Ate. Give her some time to think about it. Kuya Chrispher needs her—"


"That killer will never lay a hand on your sister again, Preston! I'll make sure of that," pinal na ani ni Papa dahilan para umusbong ulit ang irita sa akin.


Diretso akong bumaba ng hagdanan at walang lingon-lingong lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang boses ng kapatid na sumusunod sa akin. I open my doors car before facing him. I give a slight smile when I saw the guilt and sadness through his eyes.


"A-ate..." Nanginig ang boses niya.


"Ang aga mo namang nagising," bahagya akong tumawa. Nilapitan ko siya at ginulo ang kaniyang buhok. "Sige na, pasok ka na doon. Aalis na ako."


"S-si Papa... plano niyang—"

I smiled. "Ako na ang bahala sa kaniya... okay?"


Natigilan siya at halata ang pag-aalinlangan sa itsura ngunit kalaunan ay marahan ding napatango. I patted his shoulders before going inside my car. I waved for goodbye before leaving the house.


Parang baha na bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Papa. The way he called Chrispher a killer is making my heart ached so bad. Damn! Bakit kailangan pa itong mangyari kay Chrispher?!


Tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng leather jacket. I stopped on the side road before taking the call. It's Chief Manulo. Sinabi niya sa akin kung saan ko makikita sina Chrispher.

"If ever may haharang sa'yo at hindi ka papasukin, call me immediately."


"Yes, Chief... maraming salamat," ani ko.


"Pamangkin kita, hindi mo man sabihin sa akin nararamdaman kong may pinagdadaanan ka. I just want you to be careful, okay?" Halata ang pag-aalala sa kaniyang boses. Dahil sa sinabi niya ay pansamantalang gumaan ang aking pakiramdam.


"O-opo, Tito," tanging ani ko bago binaba ang tawag.


I drove my way to Muntinlupa. Nandoon daw kasi ang mga Magno. Mas itinuon ko ang pansin sa pagmamaneho. Kahit na halos segundo ay naalala ko ang lahat ng nangyari kahapon at ang mga narinig ko kay Papa.


I trust Chrispher. All I want to do is to ask him about the planned thing na sinabi ng kanilang Family Lawyer na si Atty. Timothy Armaños. Gusto ko iyong malaman. Sigurado akong alam niya ang lahat. Sinabi iyon ng lawyer nila sa akin bago ito namatay. After that, I will do my own investigation. I'll help them clean their name. I'll help them gain justice.


Sa halos isang oras kong byahe ay nakarating agad ako doon. Pagkapasok ko pa lang sa hall ay hinarangan na ako agad ng mga tauhan ni General Villegas, nakilala ko ang mga itsura nila kahapon. Kasama sila ng General doon sa meeting. Ano naman kaya ang ginagawa no'n dito?


"Pinapunta ako dito ni Chief Manulo, kakausapin ko ang isa sa mga Magno," seryosong ani ko.


"Bawal pa ang bisita, Inspector. Kinakausap pa ng General ang mga Magno. Kung maari ay maghintay ka muna ng ilang minuto bago ka namin papapasukin."


I twisted my lips before taking a deep sighed. Nandito nga si General. Tumango ako at dumiretso muna sa waiting area. Pagod kong sinuklay ang buhok at napayuko na lamang. Habang tumatakbo ang oras at iniisip na makikita ko ngayon si Chrispher ay para namang hinahabol ang puso ko sa magkahalong kaba, takot at saya. Pakiramdam ko'y ilang taon ko siyang hindi nakita.


I waited for almost thirty minutes bago ako tinawag para sabihing pwede na akong pumasok sa sagradong kwarto. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang handle at tila nagdadalawang isip pa kung papasok ba o hindi. Chrispher is here...


I sighed and opened the door. Bumungad sa akin ang tahimik na kwarto na may nag-iisang ilaw sa gitna. Kasunod niyon ay ang presensiya ng isang lalaking nakasuot ng itim na damit habang nakaposas sa harap ang mga kamay.


Nagsimulang mag-init ang mga mata ko dahil sa luha ng makita ko ang itsura ni Chrispher na may sugat at pasa sa mukha. Nakayuko siya at parang malalim ang iniisip. Ang buhok niya ay magulo at kapansin-pansin ang tila maliliit na kulay puting alikabok doon.


"C-Chrispher..." Nanginginig ang boses kong tawag sa kaniya.


Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Sa mga mata pa lang niya ay nanlalamig na ang buong katawan ko. His stare is so cold. Wala akong ibang makitang reaksyon doon. It's blank and empty.


"Chris... pher..." Kahit na nanghihina at walang lakas para humakbang ay nilapitan ko pa rin siya. "G-gagamutin ko 'yang sugat mo—"


"Sino ba nagpapunta sa'yo dito?" Malamig niyang tugon dahilan para matigilan ako sa paglapit. My heart throbbed thrice the pain inside my chest. Napalunok ako bago nagsalita.


"G-gusto lang kitang... makita."


"Wala kang makukuha sa akin. Wala akong sasabihin at aaminin..." He said immediately, like he's hiding something so confidential.


My body started to convulsed. "H-hayaan mo 'kong tulungan kayo—"


"We don't need your help," he eyed me furiously. "I don't need any help from a policewoman like you! To the person who only approach me for a fucking investigation! You used me!"


Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata sa galit. Nagsimulang mamanhid ang katawan ko. A-anong ibig niyang sabihin?



He clenched his jaw before looking away, feeling so disgusted. "Nakakasawa nang makakita ng pulis, dumagdag ka pa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro