Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29

29






---

"Chief... Chief..." Ani ko habang kinokonekta ng maayos sa tenga ang Interruptible Foldback na ibinigay niya sa akin kanina.


"Inspector... Inspector copy..." sagot sa kabilang linya. Napahinga ako ng malalim nang agad din naman itong naging maayos.


"Chief?" Ani ko habang pinapaliko ang sasakyan sa isang crossing.


"No, Inspector. This is Sergeant Esparagozza in line. We're locating you Inspector, please open your GPS." Ani ni Lupin.


Ini-open ko ang GPS nang aking cellphone at sinabihan siya. "Someone message me a street name somewhere in Mandaluyong. Papunta na ako doon—" hindi niya ako pinatapos.


"Ano?!" Gulat niyang singhap.


"Inspector! Huwag kang gagalaw ng diretso habang wala pang sinasabi si Chief! Don't decide on your own!" Galit na ani ni Lupin dahilan para mapalunok ako ng wala sa oras. "What if it's a bait?! And you're fucking alone! What do you think you're doing?! Come. Back. In. The. Headquarters. Now. Inspector!"


Napahigpit ang hawak ko sa manubela at marahan munang nagpatakbo ng kotse. I gritted my teeth in frustration.


"Send me the number and the message," hinihingal pang aniya. Inihinto ko muna ang kotse ko sa gilid at tiim bagang na kinuha ang cellphone sa bulsa. I immediately send him the message and the number at tudo pigil sa sarili na suwayin siya.


"Magdadala kami ng sasama sa'yo diyan. Please don't go on your own! That's totally dangerous!" Angil pa niya. Napahinga na lamang ako ng malalim at pansamantalang kinalma muna ang sarili.  Ipinikit ko ang mga mata at nag-isip pansamantala.


"Umalis siya kahapon pa kasama si Jhanos. I think nagpapasundo daw sa kanila sina Tito at Tita," sabi ko.


"I heard sa pinapagawa nilang building sa Antipolo."


Agad akong napadilat at napaayos ng upo ng pumasok sa isip ko ang sinabi ni Kerven. Palipat-lipat ang tingin ng mata'y nagsimulang manlamig ang pakiramdam ko.


"Antipolo... bagong patayong building?" Bulong ko sa sarili. Agad din namang pumasok sa isip ko ang larawan ni General Villegas na may puting pintura sa damit.


Napailing ako at naiirita muling napapikit. "Shit! Saan ako pupunta?"


Ilang minuto pa bago may pumasok ulit sa isip ko. I called Lupin again. "Lupin... Please trace kung saan galing ang message."


"Wait."


I nervously tapped the dashboard repeatedly with my fingers while waiting for his answer.


"Sa Antipolo. Sa *** Street." He said. Tumango ako at agad nang niliko ang kotse.


"Wait! Why are you turning back? Where are you going?!" He asked confused.



"Magpadala ka nang mga tauhan papuntang Mandaluyong. Huwag mong ipapaalam sa mga opisyal ni General Villegas. Magpasunod ka rin ng mga tauhan papuntang Antipolo." Mabilis ang hininga kong ani at mas pinabilis pa ang takbo ng kotse.



"Damn! Inspector hintayin natin si Chief!"



"Asan ba kasi si Chief ha?! Lupin?!" Inis kong ani sa kaniya. Hihintayin ko pa bang mas lumala ang lahat?! May kutob akong may makikita ako doon sa Antipolo!



"May kinakausap pa siyang opisyal. Nagpalabas na nang press conference ang anak ng mga Ignacio! Si Berenice."


"Ano?!" I scoffed. "Anong sinabi?!" My inner self is acting so damn strange!


"It's still on. Open your radio or anything to see the news, now."


I open the cars radio while nervously bitting my lower lip. Una kong narinig ay ang hagulhol ni Berenice.


"I never thought that they'll do this to my parents. Their family always wanted the spotlight. My Mom and Dad just wanted to help them but now it ended like this. Nasama pa ang fiancee ko. But, I know my fiancee isn't like his parents. He's good and kind. Chrispher will never do such thing like his parents did. I'm sure he has been tricked! I'm really sorry to say this but his parents is really absurd! I know they're my in laws but I can't forgive them on doing such thing to my family!" Umiiyak na ani nito dahilan para mapabuga ako ng hangin.



"P*tangina. Anong pinagsasabi nito?!" Inis kong tugon.


"Clearly, she said that her family and Chrispher's family are now in chaos. Chrispher's Mom and Dad was angry for knowing that Ignacio's choose other Security Agency's over there's. Iyan ang una niyang sinabi sa Presscon. Even me... I'm speechless," sinabayan niya iyon ng mahinang tawa.


I tsked while shooking my head. This is totally crazy. Ang babaw kaya no'n?! Tapos sabayan pa ng mga pinagsasabi niyang walang kabuluhan?! Pinagsasalitaan niya ng masama ang parents ng fiancee niya tapos pini-praise naman niya si Chrispher. Kung ako diyan okay lang ako ang mabastos huwag lang mga magulang ko. Ano ba utak meron ang babaeng 'to? Parang scripted ang p*ta?!


"Is she fucking saying the truth?! Lupin?!" I scoffed.


"We need to find that out, too. The issue is now all over the country. Many people are on her side. The Magno's name are totally ruined!" Aniya.


Marahas akong napahinga ng malalim at napahigpit ang hawak sa manubela. Matagal pa bago ako makakarating ng Antipolo. Malayo pa iyon! And I need to fucking rushed in there! Sigurado akong may makikita ako doon! I need to see Chrispher! I need to see him safe!


"Wait! Are you still driving, Inspector?!" Bumalik na naman ang galit sa boses ni Lupin.


Napahinga ako ng malalim. "Lupin please... Magpadala ka na lang ng mga tauhan dito. May kutob akong may nandoon sa Antipolo."


"But... Inspector..." Sa boses pa lang niya'y halata na ang kaniyang pagpipigil. I'm sorry but he can't stop me this time.


Hindi na rin naman niya ako pinigilan pa pagdating ng ilang minuto. Dumating na rin si Chief at ito na ang kumausap sa akin. Katulad ni Lupin ay medyo nagalit din ito sa ginawa ko.


He sighed heavily. "May mga ipinadala na kami papuntang Mandaluyong, malapit na sila doon. Sa Antipolo naman ay kaka-byahe pa lang ng mga pinadala ko. General Villegas has his own team, too. Ours is in confidential state so we need to be alert. We'll contact you and you will contact us if we found out something okay? Let's keep in line and be careful, Inspector." Aniya.

I nodded and focused on driving. I should be fast. I really have a bad feeling about this case. Si General ay may mga tauhan din pa lang inatasan para sa paghahanap sa mga nakidnap na Ignacio.  Sana nga lang ay maunahan ko sila papuntang Antipolo. Sigurado akong may malalaman at makikita ako doon.


Maya-maya lang habang kabado sa pagmamaneho ay may nagreport tungkol sa Mandaluyong.


"Wala na silang naabutang mga tao doon, Inspector." Si Lupin. "Pero may nakita silang isang damit. It's black v-neck shirt. Tsaka... siguradong bago pa iyon."


Nangunot ang noo ko bago naalala ang damit ni Chrispher na suot kahapon. No, it's not black... pero si Jhanos... Napasinghap ako at nagsimulang kabahan.


"Anong tatak?! Baka may logo o ano?"


"Wait... It's Summer! Yeah. Summer."


Bagsak ang panga ay nagsimulang manubig ang aking mga mata. I maneuvered the car on the side road. Shaking and trembling, napahigpit ang kapit ko sa manubela. Nagsimula na ring manakit ang puso ko sa isiping si Chrispher at Jhanos ay talagang nandoon!


"Inspector—"


"Lupin! S-sigurado akong nandiyan sila o diyan sila galing!" Hindi ko na napigilan ang hikbi ko. "K-kay Jhanos 'yan! Sigurado ako! Nakita kong suot ni Jhanos 'yan kahapon! Shit!" Inis kong nasuntok ang dashboard at napayuko na lamang habang nakakapit sa manubela. Damn! I can't help but to feel emotional!


"I-Inspector... Wala talaga sila doon—"


"Maghanap pa kayo sabi e! Libutin niyo!" Inis kong sigaw. Umugong ang kabilang linya at malalim na boses ni Chief ang aking narinig.


"Valerino!" Sigaw niya. Patuloy lamang ako sa paghahagulhol at pag-iisip ng kung ano-ano. "Set aside your personal feelings in here! This is a difficult job! Mamaya ka na umasta ng ganiyan! Bilisan mo nang pumunta ng Antipolo! Mauunahan tayo ni General Villegas!"


Mas lalo lamang sumama ang pakiramdam ko dahil sa narinig mula sa Chief. I took a deep breath for a couple of seconds and started to drive again. I still need to go to Antipolo.


May ibang pakiramdam ang namumutawi sa akin. Kailangan may malaman ako tungkol kay General Villegas. Hindi ko alam kung saan o paano pero malakas ang kutob ko na kasali siya dito!


"C-Chrispher... Asan ka ba?" I sobbed. Damn. I never cried for someone not even part of my family! But why am I doing this right now?


Mabilis akong nakarating ng Antipolo at ang lugar kung saan nakasulat ang address. Ngayon ay nasa harap ako ng isang building. Luma ito at ang likuran ay paniguradong papunta sa gubat. Marami na ring mga ligaw na halaman ang pumapalibot sa bawat haligi nito. Halatang hindi na binalikan at pinabayaan na lang. Lubak-lubak pa ang daan papunta dito.


Bumaba ako ng sasakyan at pansamantalang nagmasid sa paligid. Kinuha ko ang baril ko sa ilalim ng dashboard at isang magazine para kung sakaling may mangyari ay may panlaban ako.



"Insp... tor... Inspec..." Ani sa kabilang linya. Nagunot ang noo ko.


"Chief? Chief?" Tawag ko, ngunit ang mga sagot ay parehas lamang sa una.


"Tangina walang signal dito..." Tanging naibulong ko. Napahinga ako ng malalim at nagpasyang pasukin ang loob.


Naglakad ako ng marahan papunta sa likuran ng building. Hawak hawak ang nakaready ko ng baril ay agad akong na-alerto sa boses ng isang tila nahulog na malaking bagay sa taas lamang ng building. Sa tingin ko'y sa third floor iyon.


Hindi ako pwedeng dumaan sa harap.  I need to find another way in. Dahan-dahan akong naglakad at palinga-linga sa paligid. Nang makakita ako ng isang pintuan ay dahan-dahan ko iyong binuksan. Pagkapasok ay agad na sumalubong sa akin ang napakabahong amoy ng pintura. Napaangat ang tingin ko sa itaas. Napakatahimik ng lugar at halatang kakaiba. This is not the new build building of Magno's, I'm sure of that. Masyado itong luma at marami na ngang lumot 'tsaka malayo pa sa siyudad. Pero ito talaga ang sinasabing lugar ng address at hindi ako pwedeng magkamali.



Umakyat ako sa nakitang hagdanan sa gilid. Paulit-ulit rin akong palinga-linga sa paligid at nagbabakasakali sa mga taong meron dito. May mga napapansin pa akong preskong upos ng sigarilyo. Umakyat ulit ako sa hagdanan papuntang third floor kung saan ako nakarinig ng ingay kanina lang. At nang hindi pa man ako nakakatapak ng tuluyan sa palapag ay nakarinig na naman ako ng isang malakas na ingay. Iyong tipong sinadyang ibagsak na bagay.


Napalunok ako at humakbang ng dalawang beses ngunit agad na napatigil ng may nakitang duguang tao malapit sa isang pintuan na makikita mo kapag papaakyat ka pa lang ng hagdanan. Namilog ang mga mata ko at dali-daling itinutok ang baril sa kaniya.


Nakasuot siya ng pormal na damit iyong tipong galing pa sa opisina ngunit ang ibabang parte ay halos mabalutan na ng dugo. Namumutla din ito. Napalunok ako at ibinaba ang baril bago agarang lumapit. Inilapat ko ang kamay ko sa kaniyang leeg at napag-alamang buhay pa ito. Nakahawak ang kaniyang kamay sa parte ng kaniyang tiyan na paniguradong doon may tama. I hissed and started to wake him up.


"Sir... Sir, gising. Magpapadala na ako ng ambulance—" ngunit hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay napasinghap na ako sa gulat ng agad niyang hinawakan ang kamay ko. Dumagundong ang puso ko sa kaba. Unti-unti niyang dinilat ang mga mata at nanginginig ang labing nagsalita.


"P-patay na si... si S-Sir... C-chevin... k-kinuha n-nila si... M-madam..." Umubo siya ng dugo dahilan para mas lalo akong kabahan. I held his neck and put it on my lap. Nagpatuloy siya. "S-suspek... h-hindi si... Madam a-at S-sir..." Umubo ulit siya ng dugo.


I gritted my teeth to stop my body from trembling. "Sir... Papunta na dito ang mga kasamahan ko. Maliligtas ka namin—"


"T-this... is... p-planned." Umubo siya ulit. "A-anak... n-nila ang m-may alam... ng l-lahat..." Natigilan ako ng makita ko ang pag-tirik ng kaniyang mga mata. 


I started to panicked. "Sir! Sir!"


Mariin kong naipikit ang mga mata at pagod na lamang na napasandal sa dingding. He's dead. Damn. What should I do? Hindi ko pa naman masyadong naintindihan ang iba niyang sinabi. Pero sigurado akong ang tinutukoy niyang Madam at Sir ay ang mga magulang ni Chrispher! At ang anak nito... it's definitely Chrispher! At anong sinabi niya? Plinano? Nino?


P-patay na ang Daddy ni Chrispher? Bakit?! Saan?! Putangina anong gagawin ko?! Naguguluhan na ako! Ang dami-dami kong tanong! Inayos ko ang earpods ko at wala sa isip na tinawagan ulit sina Lupin.


"Inspector! Anong nangyari?! Bigla ka na lang nawala sa linya! Akala namin kung ano na nangyari sa'yo!" Nag-aalalang ani ni Lupin. Napalunok ako at nanginginig na napatitig sa taong nasa bisig ko.

"H-hindi ko rin alam... Choppy kayo kanina. Magpadala ka nang ambulansiya dito sa Antipolo, dito sa address na sinabi mo. M-may duguan akong nakita. M-may mga sinabi siya sa akin—"


"T-tapos na... Inspector..." Si Lupin na may lungkot sa boses.


Natigilan ako. Pansamantala akong napaisip dahil sa kaniyang sinabi. "A-anong... ibig mong sabihin?"


"I-inspektor... Nahuli na nang team ni General Villegas at ng NBI ang mga Magno."


Nagsimulang manginig ang kamay ko dahil sa narinig. Mabibigat ang hininga'y nagtanong ako ulit. "S-sinong... Magno?" Wala na akong pakealam kung sabihan niya akong tanga para magtanong pa, pero gusto ko iyong klaruhin!


"Si Chrispher Magno at Mommy niya, Inspector."


Para akong nabingi dahil sa narinig. My body begun to felt numb and weakened. I shifted my body on the wall. Letting my weight on it. Mabilis ang hininga'y nagtanong ako ulit.


"B-bakit... Bakit si Chrispher... n-nasali? H-hindi ba parents lang naman iyon?" My voice shakened.


Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Lupin bago ito nag-aalinlangang nagsalita. "Napag-alaman nina General Villegas na kasabwat siya ng mga magulang niya at..."


Parang ayaw ko nang pakinggan ang mga sasabihin niya. Pakiramdam ko'y magiging dahilan ito ng mas lalong pagkadurog ko. Nagsimulang tumulo ang luha ko sa mata nang tuluyan na niya itong sabihin at hindi ko na napigilan pa.


"He shot Mr. Macias Ignacio... Inspector."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro