Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

26





---
I gave her a glare before turning back to face Chacey who's now wiping her own tears using her cute hands. I kneeled in front of her and smiled. Pinunasan ko rin ang nagkalat na luha ng bata at inayos na rin ang medyo nagulo nitong buhok. Her cute pinkish cheeks looks so fluffy. Habang inaayos ko ang buhok niya ay nanatili lamang ang inosente niyang tingin sa akin.

"I-I want to go to my Kuya..." She sniffed and was about to cry again. Hinaplos ko ang kaniyang likuran at hinaplos rin ang kaniyang pisngi upang patahanin siya.

"Shush... Nasa bahay ko si Kuya, gusto mo puntahan muna natin?"

I heard Berenice gasped in surprised. I moved sideways to look at her and saw her having heavy breaths with mouth wide open. Iniwas ko rin naman agad ang tingin ko sa kaniya at binalik sa batang mabilis na ngayong tumatango.

"Okay!" I said cheerfully bago ko siya kinarga sa aking mga bisig. Mabilis din naman siyang kumapit sa aking leeg. "Puntahan natin si Kuya."

I was about to took a step when I heard Berenice again.

"I can sue you for kidnapping!" She spatted. Imbes na makaramdam ng kaba ay mas nangibabaw ang aking awa. I scoffed and face her again with my teasing look.

"Sige ba. Hihintayin ko 'yan," I grinnes before walking away from her with Chacey.

Umiingos pa rin si Chacey habang nasa bisig ko, nanatili lamang akong tahimik habang mas binibilisan ang lakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Nang makarating ay agad kong nilapag si Chacey sa passenger's seat, nilagyan ng seatbelt at hinalikan sa noo.

Hindi ko alam, pero sobrang lapit ng loob ko sa batang 'to. Hindi ko mapigilang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin kapag siya na, kahit pa ay pangalawang beses ko pa lang siyang nakikita. Malapit din naman kasi ang loob niya sa akin kaya siguro sobrang dali lang. She's so sweet and charming.

Nakangiti kong sinarado ang pintuan sa tabi niya bago nagmamadaling pumunta sa driver's seat at pinaandar ang kotse. Nang makaalis na kami ng tuluyan sa parking lot ng Mall ay nagsalita siya, dahilan para manlamig ang aking kamay at magsimulang bumilis ang tibok ng puso nang banggitin pa niya ang pangalan ng kaniyang Kuya.

"Why is my Kuya at your house, Ate?" Inosente niyang saad habang nilalaro rin ang kaniyang pink teddy bear. Mabuti naman at medyo hindi na siya masyadong umiiyak. Napangiti ako.

"Doon natulog si Kuya mo e."

She nodded. "Do you know who's Miss Police?"

It made me caught off guard. Bumuka ang bibig ko at agad na nagdalawang isip sa sasabihin. Nagsimula na ring mamawis ang aking kamay. Ano ba itong nangyayari sa akin? Simpleng tanong lang naman iyon mula sa bata?

"H-ha? Bakit?" Nautal-utal pa ako. Hindi ko na siya tiningnan pa dahil sa kailangan kong ituon ang pansin sa daan.

"I always saw my Kuya in his room or on his balcony. He's singing Miss Police or calling Miss Police in the air like a crazy old man," and then she giggled.

Hindi ko na napigilan pa ang ngiti at mahinang tawa na siyang lumabas sa aking bibig dahil sa narinig. Parang naiimagine ko ang baliw na si Chrispher.

"Oh, talaga? Ginagawa 'yan ng Kuya mo?" I chuckled.

"Yep!" She nodded her head abruptly.

Bahagya akong natawa. "Kapag nakita mo ulit ang kuya mo na ginagawa 'yon, sabihin mo matatagalan ng dating si Ate, okay?" Sabay kindat ko na siya naman niyang tinawanan.

"Okay!"

It's better to see her this way. Hindi ko pa rin maatim na kayang gawin iyon ni Berenice sa batang kagaya ni Chacey. Parang nakalaklak ata ng marijuana ang babaeng 'yon e. Tss.

Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong naman kami ni Mama na nakasuot ng simpleng puting T-shirt at shorts. Una akong bumaba ng kotse at hinalikan muna si Mama sa pisngi. Nangunot ang kaniyang noo at naningkit ang mata habang nakatitig sa loob ng aking kotse. Napangiti ako at umikot papunta sa passenger's seat at binuksan iyon. I unbuckled Chacey's seatbelt.

"Baby? Huwag muna nating mas lapitan si Kuya, ah? May sakit kasi siya, baka mahawaan ka," ani ko at kinarga siya ulit.

"Why is my Kuya sick?" She asked while hugging my neck.

Napakurap ako. Ahmm... paano ko ba 'to sasabihin? Napalunok ako bago nagsalita.

"Naglaro sa ulan si Kuya e," ani ko at sinarado na ang aking kotse at lumapit kay Mama. Agad kong nakita ang pamimilog ng kaniyang mata na puno ng pagtatanong. Napanguso ako.

"Ma, kapatid po ni Chrispher, si Chacey," sagot ko sa mga katanungan niyang hindi masabi.

"What?!" She gasped and laughed. "I thought it's your child. Ghad! Pinakaba mo 'ko, Phob."

Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Mama. "Kakanood mo 'yan ng drama, Ma."

"Yeah, maybe it is," napahinga siya ng malalim bago muling umamo ang kaniyang mukha. Nakangiti niyang tinitigan si Chacey. "How old are you, Honey?"

"I'm six," agad namang sagot ng bata.

"You're so cute," lambing ni Mama. "Are you here for your, Kuya?"

Tumango naman si Chacey dahilan ng mahina kong tawa. "Ma, kamusta na siya?" Nagsimula na rin akong maglakad, sumunod din naman si Mama.

"He's doing well, kakaalis nga lang ng family Doctor natin, thank God his fever is slowing down. Kakatapos na nga rin niyang kumain ng sopas na hinanda ko e," after that she giggled. "Phob! Para lang akong nag-aalaga ng mamanugangin ko."

Agarang namilog ang aking mga mata at nag-init ang aking pisngi. "Mama naman!" I hissed at her in a slow voice. May bata pa rin akong kasama, baka kung anong isipin ng bata. Ano ba itong nangyayari sa Nanay ko? Bakit parang masyado ata siyang masaya ngayon?

Pagkapasok namin sa loob ay natigilan ako ng makitang wala na si Chrispher sa sala.

"Nilipat na namin siya sa kwarto ni Preston. Mas gagaan ang pakiramdam niya kapag nasa magandang kama. Kanina ay hindi siya nailipat dahil tulog pa e," ani ni Mama at dumiretso sa hagdanan. Napanguso ako bago tumango.

"Ate?" Mahinang tawag ni Chacey. I hummed and waited for her to talk again. "Is this your home? It's so pretty."

Agarang sumilay ang aking ngiti dahil sa kaniyang sinabi. "Talaga? Si Mama ko ang nagdesign nito e."

She pouted her lips and roamed her eyes around again. "Is she an architect? My Dad is an architect before, he's the one who made our house, too." Nakangiting pagmamalaki niya.

"Oo, archi si Mama pero tumigil din dahil sa nagfocused siya sa pagbu-business. Ikaw? Gusto mo bang mag-architect?" Tanong ko habang karga-karga siya papaakyat ng hagdanan.

"Yes! I want to design my dream house and I want my kuya to build it for me," she giggled.

Nakakatuwang isipin na malaki na ang pananaw ng batang ito sa murang edad pa lang. Some children at her age only love to play Barbie dolls and wishing to have a princess castle or anything that their little imagination desire, but she's totally different and I love it. Well, magkaiba naman talaga ang nga bata.

Nang makarating kami sa harap ng pintuan ni Chrispher ay nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ito o hindi.

Flashbacks instantly came like a flood inside me, pero ng mapabaling ako sa inosenteng mukha ni Chacey na nakatitig sa pintuan ay napahinga na lamang ako ng malalim. Binuksan ko ito at agad na nakita ang kapatid na nakahiga sa sahig hawak-hawak ang PSP. Nagsimula namang mamalat ang aking lalamunan ng mapadapo ang tingin kay Chrispher na nakaupo na ngayon sa kama at nakangiting nakikipag-usap kay Mama.

His face is still pale but not as pale as before. At ngayong nakatagilid siya ay nakikita ko na naman ang porma at perpektong kurba ng kaniyang pilikmata at taas ng ilong. His hair is a little messy but he's still... attractive.

"Kuya!" Chacey's voice literally made me stop from deep dreaming. Nagsimula na namang bumilis ang aking puso ng agad na dumapo ang tingin niya sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin at ibinaba si Chacey na agad namang tumakbo papalapit sa kama niya. Sinunod rin naman ng bata ang sinabi kong huwag masyadong malapit sa kuya dahil may sakit pa ito, pero nagsimula na naman itong umiyak.

"Ate Berry is mad at me!" Unang sumbong nito.

Nangunot ang noo ni Chrispher at napaayos ng upo. "Bakit? Anong ginawa niya sa'yo?"

"She s-said she's sick because of me..." Hikbi ng bata.

Namilog ang mga mata ni Chrispher. He gritted his teeth at mariing napapikit ng mata, kalaunan ay napahinga ng malalim at inabot ang pisngi ng kapatid.

"Shh... Kakausapin 'yon ni Kuya. Tahan na, okay? Si Kuya na ang bahala."

Tumango ang bata at nagpunas ng pisngi. Agad namang lumapit si Mama dala ang isang panyo at nakangiting pinunasan ang pisngi nito. May kaunting sakit na tumusok sa aking kalooban nang dahil sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko ay talagang may koneksyon siya kay Berenice? Hindi ko lang kasi talaga mapigilang mapabasa sa gitna ng bawat salita niya.

"Kuya..." Tawag niya ulit sa kaniyang kuya habang nanginginig ang labi. "Ate Berenice was about to shout at me again but Ate came, she talked to Ate Berenice..."

Mas lalo ko lamang nakagat ang labi dahil sa sinabi ni Chacey. Sabayan pa ng pag-angat ng tingin ni Chrispher sa akin. Kung hindi lamang ako nakasandal sa pintuan ay baka kanina pa ako napahiga. Shit! Naku naman! He pursed his lips sexily and I could clearly see that he's hiding a smile underneath it. Kainis naman! Bakit ganiyan siya makatingin?!

"Did you thank Ate Phoebe?" Ani ni Chrispher, hindi pa rin natatanggal ang tingin sa akin. Kumalat ang nerbyos sa aking katawan dahil sa titig niyang nakakatunaw.

Umiling ang bata at napayuko. "You should thank Ate Phoebe, she's your superhero." Si Chrispher sabay ngiti sa akin.

Jusko, sana kainin na ako ng sahig ngayon din!

Tumango si Chacey at tumakbo papunta sa akin. She hugged my waist tight and smiled. "Thank you Ate Phoebe."

Napasinghap ako at hindi agad nakagalaw. Ngunit kalaunan ay napangiti at hinaplos ko ang buhok ni Chacey. "Basta ikaw." Sinabayan ko iyon ng kindat.

Ngumisi ang bata at bumitaw na sa akin. She run again to her Kuya and giggled. And after that, I saw Chrispher smiling wide and mouthing the word "thank you" the reason for me to came back from stiff state!

"Tita Ma, I like grapes more than apple because Mommy said that the Doctor will keep it away from me, she said that it isn't healthy for me," ani ni Chacey habang nakatitig ka Mama na nagpe-prepare ng grapes sa isang plato. Nasa kusina kami ngayon at naghahanda ng snack para sa kaniya at kay Chrispher.

Mommy giggled and made a cute dressing in the fruit bago niya ito ibinigay kay Chacey. "Your mommy is right, eating apples too much is bad for your health. It's no good for a cute baby like you."

She giggled and nodded more than four times. Saan kaya pinaglihi ang batang 'to? Ang bilis niya kasing mapalapit sa mga tao sa paligid niya e. Nang sinabi ni Mama na tawagin siyang Tita Ma ay agad din naman siyang naging komportable. She's so easy to interact with. Pero nakakapagtaka pa rin kung bakit si Berenice ay masama kung makitungo sa kaniya. May sayad din ata ang babaeng 'yon, hay naku.

"Phob, dalhin mo na ito kay Chrispher," ani ni Mama sabay lapag ng isang platong magkaibang prutas sa aking harapan. Ngumiti siya. "At sabihin mo kay Preston na bumaba na siya dito, may ipapagawa lang ako."

Napanguso ako nagdalawang isip pa kung susundin ba ang sinabi ni Mama. Makikita ko na naman si Chrispher? Eh, ano naman kung makita ko siya? Tss. Kalaunan ay nakita ko na lang ang sariling nasa harap na pala ng kwarto ni Preston.

Trembling, I lift up my hand and knocked on the door three times. Hindi naman ako kumakatok sa kwarto ng kapatid pero may kasama kasi siya sa loob kaya dapat talaga. Hay naku! Bakit ba parang kabado ako?! Tangina naman.

"Ate..."

Napaigtad ako sa gulat dahil sa biglaang pagbukas ni Preston sa pintuan.

"A-ah... M-may pagkain p-para—"

Nag-ngising ako aso si Preston. "Pasok na Ate! Simpleng papakainin ko lang ang nobyo ko mahirap ba 'yon?"

Namilog ang mga mata ko at agad na gumalaw ang kamay para batukan siya. Napasigaw siya at napaatras dahil sa ginawa ko. Nanlilisik ang mata ko siyang tinitigan at dire-diretso nang pumasok sa kaniyang kwarto. Kainis!

"Pinapababa ka ni Mama!" I glared and grimaced at him. "Puro ka kalokohan."

"Pumaparaan lang din si Mama!" Ngumisi siya habang hinahaplos ang kaniyang batok. "Sabihin mo gusto mo lang maiwanan para masolo—"

Kinuha ko ang tsinelas na nasa sahig at agad na tinapon sa kaniya. Ang tumawa-tawa ko namang kapatid na hindi ko na natamaan ay agad nang naisarado ang pintuan. Ano bang meron sa isang 'yon at puro malisya ang nasa utak?! Magdadala lang naman ako ng pagkain tapos aalis na agad! Aba.

"Nakakatuwa kayong tingnan."

Bumalik ulit sa pagkakatuod ang aking katawan. Tumikhim ako at patagilid na nilapag ang pagkain sa kaniyang kama.

"K-kumain ka na," mahinang ani ko ng hindi siya tinitingnan.

"M-miss Police..."

My heart started to pound fast. Napalunok ako bago tumango. "Hmm?"

I heared him taking a deep sighed. "I'm sorry..."

Ang kaninang malakas na tibok ng puso ay nadagdagan naman ng sakit. Now it's beating painfully, dahil sa maraming dahilan. Parang baha na bumuhos ang lahat ng masasakit na alaala sa akin, mga alaalang naging dahilan kung bakit may nag-iba sa pananaw ko tungkol sa kaniya.

"Saan?" I asked emotionless.

Kahit na nakatagilid ako at nasa bedside table lamang ang tingin ay nararamdaman kong nakatitig siya sa akin. Kahit naman siguro may takip ang aking mga mata ay mapapansin ko pa rin. Ganoon kalakas ang impact niya sa akin na napapaisip ako sa nararamdaman ko rin sa kaniya. Pero alam kong delikado iyon kaya dapat ay hindi ko na pang-himasukan pa. Chrispher Magno is my crime.

"For lying about Berenice, for letting her hurt you, for not protecting you and making you... uncomfortable."

Kagat labi akong napayuko at napatitig na lamang sa sahig. Ewan ko pero may mga bumabagabag sa akin, marami at sa sobrand dami hindi ko alam kung alin ang sisimulan ko.

Bakit ba ganito? Bakit naguguluhan ako sa maraming bagay kapag kaharap ko ang lalaking 'to? Bakit ang dami-dami kong hindi maintindihan? Gusto ko na ba siya? Pero ang bilis naman ata... p-pero bakit?

"I felt like..." He paused. His voice trembled a little. "I felt like... I'm not worthy for you..."

Namilog ang mga mata ko at hindi na napigilan pang balingan siya. My mouthed drop open when I saw him bitting his lower lip while trying his best not to sob and let a tears fall from his eyes. The strong and soft side of him.

"But you know what?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. Para namang may humaplos sa puso ko ng makita ko ang ngiti niyang may halong lungkot at sakit. "I may not be the perfect type of guy and I may be sometimes a failure but I'll stay on my words. Call me an idiot but I always see my future... only with you. Sayo lang, Miss Police, sa'yo lang." And for the third time, I saw his tears again.

I never been in a relationship with someone before. Having dates, saying I love you's, sending gifts to each other and celebrating every weeks, months and year. Those feeling of butterflies inside your stomach, the slow moves of the surrounding and those flowering words, iyong mga napapanood at nababasa kong pakiramdam kapag nagmamahal ay walang wala sa akin.

Trabaho... trabaho... at trabaho lamang ang nasa isip ko at wala nang iba. Iyon lang ang tanging bukas na nakikita ko sa sarili ko. At ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang magkaroon ng makakasama sa panghabang buhay. Maranasang mahalin ng tulad ng pagmamahal ng isang lalaking papangakuan ako ng habang buhay... maranasang i-date sa kahit saan, maranasang ligawan... hindi, dahil sarado ang puso at isipan ko doon. Pero bakit ng makilala ko ang Chrispher na 'to ay nagbago ang lahat? Pakiramdam ko'y sa madaling panahon ay naramdam ko ang lahat ng 'yon.

Iyong excitement, iyong irita na may halong tawa, iyong pag-iinit ng pisngi, iyong kaba at pag-aalala, bakit nararamdaman ko sa kaniya? Do I have a feelings for this guy, too? Kung meron... ano ang gagawin ko? Sasabihin ko rin ba tulad ng ginawa niya?

Syempre hindi! Utak muna tayo Phoebe, please. Damn. Don't open your heart too much. Kung totoong may gusto siya sa'yo  subukan mo muna. Kahit sa madaling panahon lang dahil mahirap masaktan.

"As I said I'll make you fall for me. I'll wait. Hihintayin kita, Miss Police. Hindi kita susukuan," isang matamis na ngiti ang lumabas sa kaniyang labi.

I was there, silent and couldn't form any words to say. I'm so speechless. Pakirandam ko kapag may sasabihin ako ay magkakamali ako. Naramdaman ko na lamang ang kamay niyang umaangat papunta sa aking kanang pisngi at nilagay ang takas ng buhok sa gilid ng aking tenga. Naging dahilan na naman iyon para manigas ako ng tuluyan.

"Salamat pala sa pag-aalaga sa akin, mas lalo ko lamang nai-imagine ang sarili ko sa iisang bahay na kasama ka," at ang nakakaloko niyang ngiti na palaging nagbibigay irita at tuwa sa akin ay nasa harapan ko na naman ngayon.

"Tss." I pursed my lips and looked away. I could clearly feel my cheeks burning. Nandito na naman ang kiliti sa loob ng katawan ko.

"Pero salamat talaga, Miss Police. Lalo na sa pagkuha kay Chacey mula kay Berenice," humina at dumiin ang boses niya sa panghulo pero nagpatuloy pa rin siya. "I really wanted to stay more but I'm sure nag-aalala na ang mga magulang ko.  Aalis na rin kami ni Chacey."

Napalunok ako at tumango. "I-ihahatid ko na lang kayo."

"Huwag na, magco-commute—"

"Ihahatid ko na kayo, okay?" Pinal kong ani kahit na nakabalandra na naman ang makahulugan niyang ngiti sa labi.

"Okay," he smiled dreamily at me.

Napatikhim ako at nag-iwas na lamang ng tingin. Pumunta na ako sa pintuan at bago tuluyang lumabas ay binalingan pa siya.

"H-hihintayin na lang kita sa sala..."

He nodded and I immediately closed the door. Pagkalabas ay tsaka ko lang napag-alamang hindi na pala ako humihinga kanina dahil sa sobrang kaba. Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib at napapikit na lamang ng mariin habang inaalala ang nangyari ilang segundo lamang ang nakalipas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro