Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

20






---

I stared at the monitor in front of me. Tulala at hindi alam kung ano ang susunod at dapat na gawin. Kalaunan ay napahinga ng malalim at pabagsak na napasandal sa swiveling chair.

"Ahh!" Napaungol ako sa inis at napaayos ulit ng upo. "Nababaliw na ako." Kamot ulo akong humilig sa lamesa habang lumilipad sa kung saan ang isip.

"Gusto kita... Miss Police."

I gasped as I remember his words again. That night... that stary night with him. It's been two days when all that happened at hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako at hindi pinapatulog. Hindi pa ako pinapansin ng kapatid at Papa ko. It's been two days too na hindi ako natutulog sa bahay. Natatakot ako. Tapos sabayan pa ni Chrispher.

"C-Chrispher... a-ano ba 'yang pinagsasabi mo?" I chuckled nervously. Agaran na lamang nanginig ang aking kamay sabayan pa ng puso kong sobrang lakas kung humataw! This is not totally normal!

His deep dark eyes stayed with me. Hindi niya ito tinatanggal kahit na noong napatayo na ako dahil sa gulat sa sinabi niya. Paminsan-minsan ding bumubuka ang labi niya pero wala namang lumalabas na salita. He stayed silent and behave, but I can really feel his tension.

"U-umuwi ka na..." As I was about to take a step he spoke.

"I like you..."

His deep voice literally made me stop. Ewan ko ba at napaka-sexy noon sa pandinig ko. Damn!

Namamawis ang mukha ko siyang binalingan at kinompronta. He gulped and blinked like an innocent child.

"Itigil mo yan..." Habol ang hininga kong ani. I want him to stop this bullshit! This is not totally funny at all!

"That won't happen."

"Narinig mo naman siguro ako 'di ba?! Itigil mo 'yan! I'm sure naguguluhan ka lang—"

"You also heard me, right? I said I won't. At hindi ako naguguluhan. I'm saying the truth. Sinasabi ko ang nararamdaman ko... I can't hide it."

Napasinghap ako at bahagyang napaatras. Ang tarantado kong puso ay halos lumuwa na sa katawan ko. "Chrisper... be serious!"

"I'm..." Mariin niyang naipikit ang mga mata bago napabuga ng hangin, tila kinakalma ang sarili. "I'm fucking serious here, Ren. I do like you!"

At sa pang-ilang pagkakataon ay napasinghap na naman ako. My mouthed dropped open because of it. Ang pagtulo ng pawis ko galing noo ay nararamdaman ko na rin. I ended up being speechless. Hindi ko nga rin alam kung bakit nakaya ko pang makatayo kahit na talagang gumegewang na ang tuhod ko.

"U-umuwi ka na..." Tanging lumabas sa bibig ko at nanghihinang tumalikod na sa kaniya. Naglakad na ako papalayo kahit na naririnig ko ang mga yapak niya na nakasunod sa akin.

"M-Miss Police..." He trembled. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.

Inilabas ko ang susi sa Ducati ko at agad ng kinuha ang helmet at isinuot sa ulo.

"Miss Police..."

Sumakay na ako sa Ducati at pinaandar.

"Miss Police!"

Nabitawan ko ang manubela at namimilog ang matang napatingin sa kaniya. I saw him panting heavily. His slight messy hair made him look so cooler. Bakit... bakit puros magaganda ang nakikita ko sa kaniya?

"Listen..." He closed his eyes and took a deep breath. "A-alam kong mabilis at nabigla ka—"

"Of course I am!" I stated the obvious.

"Yes, but I am saying the truth. That's how I feel from the very... first time I laid my eyes on you..." Humina ang kaniyang boses sa bawat panghuling linya. Madalas din ang pagbabasa niya sa kaniyang pang-ibabang labi.

"I'm sorry kung nabigla kita, but I am not sorry dahil ginusto kita. If you want time... bibigyan kita. But I assure you na kapag natapos ang oras na 'yon..." He paused and take a step nearer. Napalunok ako ng dumaplis ang siko ko sa kaniyang mainit na dibdib dahil sa kaniyang paglapit. Kahit naka-helmet ay amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango.

"C-Chrispher..." I gasped. His eyes turned soft but darker. I find it dangerous pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ine-equal ko ang titig niyang iyon.

"Liligawan kita... Miss Police." He assured with finality.

He moved away and walked passed. He went to his car and went inside it like there's no confession happened awhile ago! Pero, ano ba itong ine-expect kong sunod na mangyari? Ghad! He glanced back at me.

"Please, be careful. Nag-aalala sina Tita sa'yo... pati na ako," a small smile came out from his mouth. "Gusto mo bang matulog muna sa condo ko—"

"No, I won't..." Diretsahan kong putol sa sinabi niya. He chuckled and started the engine of his car.

"Mag-iingat ka. Pagkatapos ng time na ibinigay ko sa'yo, asahan mo nang magpapakita ako palagi." He smirked and drove away from me.

Tsaka ko pa nahugot ang aking hininga ng mawala na siya ng tuluyan sa aking harapan. Pabagsak akong napaupo sa aking Ducati habang nakatanaw sa kawalan.

Iyon ang nangyari sa gabing iyon na talagang hindi ko makalimutan. Kapag naaalala ko ay bigla bigla na lamang akong kakabahan.

"Inspector!" Biglaang pasok ni Lupin sa opisina ko. Taas kilay ko siyang binalingan. Ang kaniyang abot langit na ngiti ay agad na nagpainis sa akin. Muntik ko nang makalimutan na ang chismosong ito ang nagpakalat na may manliligaw na ako.

"Kamusta? Blooming tayo ngayon, ah?! Balita ko nagkita kayo ni Arwen noong isang araw," he paused while grinning from ear to ear. "Wala naman sigurong sinabi na ikagagalit mo 'di ba—"

Agad kong nahampas ang lamesa dahilan para umalingawngaw ang boses nito hanggang labasan. Angat ang gilid ng labi ko habang pinanlilisikan siya ng mata.

"Inspector naman!" Sapo sapo ang dibdib niyang aniya at bakas ang gulat at takot sa mukha. Aba'y dapat lang.

"Alam mo ikaw mangchi-chismis ka na nga lang puros pa kalokohan!"

"Asuss! Para namang hindi magkakatotoo iyon," tumawa pa siya at dahan-dahang lumapit sa lamesa ko.

Tinuro ko siya. "Tumigil ka, ah."

"Chill! Iba pinunta ko dito, hindi ang lovelife mo." He laughed and sit on my visitor's chair. "Tungkol sa kasong ibinigay ni Chief Manulo sa'yo." He winked.

Napaayos ako ng upo habang hindi pa rin nawawala ang sama ng tingin sa kaniya. "Ano?"

"Ipapatawag daw niya tayo mamaya para mapag-usapan ng tudo, tsaka..." Humilig siya sa lamesa ko para mapalapit sa akin.  "Nag-aalala sa'yo kasi may sugat ka pa daw sa braso," he tsked.

"Oh eh, bakit ka nandito kung ipapatawag tayo mamaya?"

"Excited ako sabihin e, tsaka alam mo namang hindi ako matatahimik kapag walang napagsasabihan," he grinned.

I rolled my eyes and boredly shifted on my swiveling chair. "Ang daldal mo talaga."

"At least gwapo naman." Mayabang niyang saad. "So? Gusto mo na malaman?"

"Ikaw na nga lang hinihintay ko magsabi diyan!" Sabay irap ko.

Humalakhak pa siya bago nagsalita. "So ayun nga, tayong dalawa ang hahawak sa kasong ibinigay niya sa'yo. Tsaka chamba rin kasi kilala ko ang pamilyang Ignacio. I'm a really big help."

Napalunok ako at agad na naging attentive. Kilala niya si Berenice? "Kilala mo rin ba ang mga Magno?"

"Sa mga Ignacio lang. Narinig ko na ang apelyidong iyan pero balita ko napaka-private nila. Wala akong masyadong impormasyon lalo na at parang may something nga rin sa pamilya nila."

"Wait..." Kinuha ko ang folder na may mga lamang litrato ng pamilya nina Berenice at Chrispher. Hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin dahil nga sa nagulat ako ng makita ko ang dalawa doon. Nang makuha ko ay agad kong inisa-isa at inilapag sa lamesa.

My eyes immediately widened when I saw the familiar couple. Iyong Tito at Tita ni Andrew!

"Loisanna and Macias Ignacio?" I murmured.

"Yes! I met them at my lola's 70th grand party sa Cavite noon," then he chuckled like something funny came into his mind. "I even remember that they want me to marry their daughter!"

Kunot noo akong natigilan at napabaling sa kaniya. Nang mapansin niya ang pagtatanong sa aking itsura ay nagpatuloy siya.

"Arranged marriage is their tradition. Likas iyan sa mga Ignacio."

"Bakit hindi natuloy?" My brows furrowed.

"Because I refused," he shrugged. "Tsaka 'yung babaeng pakakasalan ko ay Lesbi, she won't agree, too. We teamed up para hindi iyon matuloy."

Napasinghap ako. "Si Berenice? Lesbi?"

He chuckled. "Hindi, may isa pa siyang kapatid e. Beansey ang pangalan."

Agad kong inilipat ang tingin sa mga litrato at hinanap ang litrato ng nabanggit niyang Beansey. Nang makita ay napakurap ako at maang labi na inangat iyon.

"Kilala ko rin 'to!" I scoffed. It's the girl I saw on the gym! Iyong nagsabi na gusto niya ako! What a coincidence.

"Based on your expression parang alam ko na kung paano kayo nagkakilala," he laughed.

I grimaced and take a look at her photo again. Ang larawan nina Berenice, Beansey at Chrispher ay parehong stolen. Habang ang sa mga magulang nila at iba pa ay puros pormal. Naalala ko agad si Chacey, mabuti na lang at wala siya sa mga larawan na nandito. Of course, she is a child!

"Siguro kailangan nating bilisan ang trabahong ito para matapos agad," I sighed.

"Tama. May ibang trabaho din kasi akong nakatalaga e. Pero alam mo namang malakas ka sa akin, kung hindi ito ikaw ay baka tinanggihan ko na," he laughed and winked at me.

I grimaced. "Puro ka kalokohan. Ang dami niyong loko-loko..." Ibinaba ko ang tingin sa mga litrato ulit at naiwan ang titig ko kay Chrispher, Berenice at Beansey. "I'm sure hindi kasali ang tatlong ito sa maaaring suspek natin."

"Yeah. I think so, too." He nodded.

Hindi rin naman nagtagal ang masinsinang usapan namin ni Lupin, pagkatapos niyon ay umalis na rin siya para sa sariling trabaho. It's been quarter to twelve pero wala naman akong planong lumabas para mananghalian at busog pa ako. So I decided to stay in my office and finished my paperworks. Balik trabaho na kasi ako at tapos na ang isang linggong pahinga.

While arranging the files on my table a knocked from the outside made me stop for a sec.

"Come in..."

Pumasok agad ang nakangising si Lupin. "May tanghalian ka na!" Dumiretso siya sa lamesa ko at agad na inilapag ang kulay pink na paperbag.

Nangunot ano noo ko at hindi na nagdalawang isip na buksan iyon. Bumungad sa akin ang mabangong amoy ng adobo at salad! Nang makita ang letter na nakapaloob doon ay agad ko itong hinaklit papalayo kay Lupin. Tumawa siya dahil sa ginawa ko.

"Nabasa ko na iyan," he turned his back while laughing so hard. Bago pa man ako maka-angal ay mabilis na niyang naisarado ang pintuan.

Hindi ba niya alam ang word na privacy?! Naka-uniporme pa man ding pam-pulis pero parang wala sa lugar. Ang chismoso talaga ng baliw na iyon.

I pursed my lips to hide the traitor smile while reading the card. But still, I can't hide it.

To Insp. Valerino:

Still working on my Finals. I'll do my best. Please take this food I made. It'll make me stronger if you finished this up. The space I've given to you is still on. But I swear after that, I'll court you until you fall in love with me.

-Chrispher

I bit my lower lip and started to take out the Tupperwares outside the paperbag. Agaran akong nakaramdam ng gutom pagkabukas ko ng mga pagkain. The sweet scent of the orange juice made me smile more wider. Damn. Chrispher, what's wrong with you? Hindi ko alam na ganito ka pala sa cheesy.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko agad ang mga tupperware at ibinalik ulit sa loob ng paperbag. I checked my phone para makita kung may mensahe ba mula sa pamilya ko pero maski isa ay wala doon. I sighed heavily and lie my head on the table, using my folded hand as my pillow. Staring at my phone with no message, a new one suddenly came up.

Chrispher:
Does it taste nice?

Napanguso ako at agad na nagtipa ng mensahe.

Me:
Ayos lang.

Pigil ang ngiti kong nilapag sa lamesa ang cellphone. Nang magbeep ito para sa panibagong mensahe ay parang kidlat ko ulit itong kinuha at tinitigan.

Chrispher:
Ahhh... I can really feel the cold. I understand. Don't worry I will still keep going. I won't give up that easily.

Me:
Tignan natin.

Chrispher:
I'll take that as a challenge then.

I pursed my lips and put my phone back on the table. I started doing my job again. The time went fast like a whirlwind. Pagdating ng alas-syiete ng gabi ay pinatawag nga kami ni Lupin sa opisina ni Chief. Manulo. Nag-usap tungkol sa imbestigasyon at kung kailan dapat na matapos. Binigyan niya lamang kami ng isang linggo at agad din naman kaming sumang-ayon.

"Saan ka ngayon?" Si Lupin nang sabay kaming lumabas ng opisina ni Chief Manulo.

"Ewan... overtime na lang siguro dito. May mga hindi pa ako natatapos na trabaho e."

"Okay, then see you tomorrow!" He grinned. I smiled wide without my teeth and waved at him.

"Sige..."

Umalis na rin siya agad ng headquarters at ako naman ay dumiretso na nang office. Nang mapatingin ako sa wallclock malapit sa pintuan ay naalala ko agad si Chrispher.

Isasauli ko pa ba sa kaniya ang Tupperware? Parang gabi na e. May klase pa kaya 'yon ngayon? Hinugot ko sa loob ng bulsa ng slacks ko ang cellphone at agad na nagtipa ng mensahe.

Me:
Asan ka ngayon?

Pagkatapos ay nilapag ko iyon sa lamesa. I decided to take off my uniform and leave only my white T-shirt inside. Umupo ako sa swiveling chair at ginawa muna ang trabaho habang paminsan-minsan ang sulyap sa cellphone.

Hanggang sa lumipas ang dalawang oras ay wala akong natanggap na mensahe galing kay Chrispher. Hindi na rin ako nakapag-pokus sa harap ng monitor dahil sa kakasulyap sa cellphone, nagbabakasakaling tumunog ito at makita ang pangalan niya kasama ang kaniyang mensahe. I decided to message again.

Me:
Isasauli ko ang tupperware. Asan ka?

But it went the same as the first one. Naghintay ulit ako ng ilang oras pa hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa paghihintay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro