Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

19






---
Maang ang labi kong pinagmasdan ang kapatid hanggang sa nawala ito sa paningin ko. I even heard Mama gasped at my brother's reaction.

"What did he say?!" She was about to go out to call Preston pero hindi ko na siya hinayaan.

"Ma... Pabayaan mo na lang po muna," matamlay kong saad habang hinahaplos ang kaniyang balikat.

"Did you two fight?! Ano bang nangyayari, Phob? Kaya ka ba wala kagabi?!"

Napakagat-labi ako bago tumango ng marahan. Her brows furrowed. Hindi ba sinabi ni Preston sa kanila ang dahilan? Wala bang sinabi si Preston? Nang may pumasok sa isip ko ay para akong natauhan.

Mariin kong naipikit ang mga mata at problemadong napasuklay ng buhok. How could I think bad things about my brother?!

"Phob... Bakit kayo nag-away?" Si Mama halatang hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. Hindi naman kasi kami madalas nag-aaway ng kapatid ko.

I bit my lower lip and sighed. "A-asan si Papa, Ma?" Pag-iiba ko sa topic, ayaw ko munang i-open up sa kaniya iyon.

She blinked twice before pursing her lips. "Nasa Batangas, may meeting na dinaluhan. Bakit?"

"Uuwi ba siya mamayang gabi?" I gulped and looked away. Hindi ko alam kung makakaya ko ba itong desisyon ko o ano.

"Oo, uuwi siya. May ipapabili ka ba? I can call his secretary-"

"Huwag na, Ma. Gusto ko kasi... k-kompleto tayo mamaya s-sa dinner," napayuko ako at napahawak sa parehong kamay.

I know Preston wants me to reveal it all by myself. I can't help but to feel happy with it. Binigyan ako ni Preston ng chance na gawin iyon na ako lang. Hindi niya sinabi kina Mama dahil gusto niyang ako mismo ang gumawa no'n.

"Hmm... Okay, I call him para makauwi siya ng maaga mamaya," she paused and sighed heavily. "You should rest, Phob. Umakyat ka na muna sa kwarto mo. Mamaya na tayo mag-usap." She smiled at me and turned her back to arranged the flowers on the vase again.

Alam kong maraming tanong na bumabagabag sa isipan niya pero masaya akong hindi na niya ako pinilit pang sagutin iyon.

Mabibigat ang paa akong umakyat ng kwarto at nagkulong na lamang doon. Yakap-yakap ang unan ay nakatitig lamang ako sa ceiling. Maraming bumabagabag sa isip ko, ang tungkol sa pamilya ko at kay... Chrispher.

Naitikom ko ang bibig ko at mariing napalunok. Umikot ako at dumapa sa kama, umupo ako at inis na napakamot ulit ng ulo. Wala akong ibang makita kundi ang mukha ni Chrispher at ni Berenice... Ano bang meron sa dalawang 'yon at sumusulpot na lang bigla sa utak ko?

"Normal ba pa itong nangyayari sa akin?" Walang buhay kong tanong sa sarili.

Napasulyap ako sa cellphone kong hindi ko na binuksan pa mula nang makita ko si Chrispher kaninang umaga. Malakas ang pakiramdam ko na tatawag siya sa akin at magbabaha ng mensahe. Napahinga ako ng malalim.

"Alien ka atang Chrispher ka e." I tsked and went out from my bed. I get my phone from the sidetable and opened it.

The first notif came up with his name and the cut message. Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko ba iyon o hindi. Kalaunan ay napahinga ako ng malalim at pinatay ulit ang cellphone. Napahilamos ako ng mukha at umupo ng maayos sa kama. I check my wound and change the bandage before cleaning my guns.

The whole afternoon, nasa loob lamang ako ng kwarto. Hindi ako lumabas maski sa tanghalian. Umakyat si Mama para sabihing kumain na kami pero sinabi kong busog pa ako, hindi rin naman niya ako pinilit kaya bumaba na lang din siya ulit. And then now, it's quarter to eight in the evening. I'm sure tatawagin na rin ako para sa hapunan. Ngayon pa lang ay nanlalamig at tila gripong nagpapawis na ang mga kamay ko.

"Phob? Bumaba ka na, nasa baba na ang kapatid at Papa mo," si Mama, kakakatok lang sa pintuan ko.

Napalunok ako at kinakabahang huminga ng malalim. "O-opo Ma, bababa na po ako."

I wore my leather jacket to cover my racerback shirt. I also get my Ducati keys incase na magkaproblema ay pansamantala muna akong aalis. I'm sure... walang matutuwa sa gagawin ko ngayon. I am not just doing this for my brother, I am doing this para sa aming lahat. They need to know and I promised to myself that from now on, I will never lie or hide anything from them again. I need to be true not just to myself but for my family too.

Bumaba na ako at dumiretso na ng kusina. Natatanaw ko pa man ang likod ni Papa ay humahataw na ang puso ko sa kaba. Nang tuluyan na akong makarating sa dining area namin ay unang nakatagpo ng mata ko ang mga mata ng kapatid ko. And again, it change. From being joyful it change into an annoyed expression.

Mahina akong tumikhim at umupo malapit sa tabi niya. Kaharap ko si Mama habang si Preston naman ay kaharap si Papa.

"Saan ka kagabi, Ren?" Si Papa habang nakataas ang kilay na umiinom ng wine.

Napayuko ako. "I slept at the nearest hotel, Pa."

"Why?" Taas kilay niyang tanong. I gulped and glanced at my brother who's arrogantly shooking his head.

I heard Preston tsked. Napatingin ako kay Mama at napansin ko ang maamong mukha niyang naghihintay sa sasabihin ko. Natagalan pa ako bago napahinga ng malalim bago nakapagdesisyon, ngunit ng akmang magsasalita na ako ay nagsalita naman si Preston.

"I've lost my appetite, I'll go upstairs -"

I immediately interrupt him. "Preston!" I eyed him and he equaled mine ruthlessly. "Walang aalis."

He scoffed before shooking his head. I swallowed hard again before standing up. "M-may ipapakita lang a-ako, Pa... Ma..."

Nangunot ang noo ni Papa at Mama habang nakatanaw sa akin, ganoon din ang kapatid ko kahit na may galit na ekspresyon sa mukha. Napayuko ako at dahan-dahang hinubad ang leather jacket na suot. Nang makita ang kanang braso kong may benda ay napasinghap si Mama at napatakip ng bibig. Si Papa naman ay mas lalong lumalim ang gitla sa kaniyang noo, habang si Preston ay maang ang labing napatitig sa sugat ko.

"W-what is that, Ren?!" Si Mama.

Marahan kong kinuha ang benda at agad na bumungad ang nakatahi ko pang sugat. Malaki ito at makikitang hindi lang ito basta bastang sugat lang.

Umalingawngaw ang bumagsak na mga kutsara sa lamesa dahil kay Papa. With his wide eyes he remained shocked as he stared at me. With that, my heart hammered rapidly inside my chest.

"Ren!" Sigaw ni Mama na halos magpatalon sa akin. "Ano 'yan?! Where did you get that?!"

Nanginginig ang labi ko siyang sinagot. "I... I got shot by a bullet... Ma, Pa."

My heart bleed while staring at their shocked reaction. Napayuko ako ng hindi ko na napigilan ang pag-iinit ng mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Naipikit ko na lamang ang mga mata at handa nang tanggapin ang galit mula sa kanila, ngunit isang mainit na yakap ang sumalubong sa akin.

"H-how... How could you do this to us Phob!" Humahagulhol na ani ni Mama habang mahigpit ang yakap sa akin.

Teary eyed I look at my father and my brother's expression. Mariing nakapikit ang mga mata ni Papa habang si Preston ay tahimik na nakayuko lamang sa kaniyang upuan.

"Why are you doing this to us?! Phoebe!" Her shoulder's shakened. Tumulo ang maiinit na luha ko sa mata.

"I... I'm so sorry..." Hikbi ko. Wala akong ibang maisip kundi iyon lang.

"Get out..." Kalmado ngunit mariing ani ni Papa. Parang tinutusok ang puso ko ng marinig iyon mula sa kaniya.

"P-pa..." My voice trembled together with my knees and hands. I know what's next to this.

"Get out! Now!" Sigaw niya ulit na halos lumamon sa bawat espasyo ng mansiyon namin. Bahagya akong napaigtad dahilan para makawala ako sa yakap ni Mama.

"No Carlton! Phoebe will stay here!" Pagtatanggol ni Mama sa akin.

Nanlilisik ang mga mata akong tinitigan ni Papa dahilan para mapaatras ako sa takot.

"Don't wait for me to drag you out!" He shouted angrily.

"Carlton!" Mama panicked. I immediately hold her hand to calmed her down. Nang napabaling siya sa akin gamit ang nanunubig at namumulang mata ay marahan ko siyang nginitian.

"I'll go, Ma," I smiled and tapped her hands. Bumaling ulit ako sa kapatid ko at kay Papa na parehong hindi makatingin sa akin. "I'm..." I closed my eyes and sniffed. "I'm so sorry."

Agad ko ng kinuha ang leathet jacket ko at nagmartsa paalis ng bahay. I even heard my name from Mama calling me back but I never dare to look again.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko at walang tigil sa pag-agos ang luha ko habang nagmamaneho sa kalagitnaan ng kalsada. Sobrang sakit. Sobrang sakit at para akong nadudurog. Natatakot akong baka malunod ako sa sarili kong luha habang nakasuot ng helmet.

I keep on driving for a half of an hour. I don't know where to go. But later on... I found myself walking at the wide open space in the park. At si Chrispher agad ang naisip ko kung bakit ako napunta dito.

"Tss. D-dito pala ako dinala ng lalaking 'yon," I sniffed and wiped the tears on my cheeks.

Tangina. Problemado na nga ako sa pamilya ko tapos sumusulpot pa siya sa utak ko. Kainis.

Umupo ako sa bench sa may puno ng acacia at saktong pagtingala ko ay napagtanto kong ito rin ang pwestong naupuan namin dati. Mariin kong ipinikit ang mga mata at pinakiramdam ang halik ng hangin na nagpapatuyo at nagpapalamig sa luha sa aking pisngi.

I shifted my body and tried to relax myself. I stayed silent habang pinakikinggan ang panggabing boses ng paligid. Nang maalala na naman ang nangyari kani-kanila lang ay nagsimula na namang mag-init ang mga mata ko. The stinging feeling inside my chest is growing again, pero imbes na pigilan ay hinayaan ko na lang. Wala na namang masyadong namamasyal dito sa parke kaya walang makakakita sa akin at kung may makakita man ay wala naman akong pakialam.

Habang mariing nakapikit ay naririnig ko naman sa hindi kalayuan lang ang isang papalapit na mga yabag. Hindi ko na lang iyon pinansin at nakiramdam na lamang. Pero habang papalapit ang may-ari no'n ay mas lalo lamang nadadagdagan ang presensiyang dala nito. The smell of a familiar manly scent covered my nose. It's a combination of strong mint and an aftershave. Akala ko ay lalagpas siya sa akin pero nangunot ang noo ko ng tumigil ito... sa mismong harapan ko.

I gulped and slowly opened my weary eyes. Namilog ang mga mata ko nang makatagpo ang may-ari ng pamilyar na bangong iyon.

There, standing infront me, ang lalaking kakakilala ko pa lang pero kung magparamdam ay parang ilang taon ko nang kasama. Ang lalaking palaging nagpapagulo ang isip ko. At ang lalaking dahilan ng paghaharumentado ng nagtatagong bagay sa dibdib ko.

"Hindi ko in-expect na mapupunta ka dito, pero nagbakasakali pa rin ako." He eyed me with his serious expression. Ngunit kalaunan ay napalitan din iyon ng matamis na ngiti. "I'm happy that you find this place memorable."

Nang akmang lalapit na siya sa akin at uupo sa tabi ko ay para akong naalarma.

"Stop!" Umupo ako ng maayos, hindi pa rin winawala ang pagkakatitig sa kaniya. "Diyan ka lang."

He pursed his lips and took a one step backwards. "Para mo naman akong aarestuhin niyan," he chuckled.

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. "A-ano bang ginagawa mo dito?" Pasimple kong pinunasan ang luha ko sa mata at pisngi bago siya binalingan ulit.

"May hinahabol akong magnanakaw," he roamed his eyes around. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Magnanakaw?

"Bakit?" Tanong ko. "Anong ninakaw sa'yo?"

He glanced back at me. He smiled teasingly. "Malaki 'yon at sobrang mahal..."

Napakurap ako at napalunok. "Kailan lang nanakaw sa'yo?"

He shrugged like it's not that important to him. "Matagal na..."

I scoffed pero kalaunan ay nabuhusan rin ng pag-aalala. "Bakit hindi mo sinabi sa mga awtoridad?! Naaalala mo pa ba ang mukha?"

"Sobra..." He said like it's just really nothing! Ngayon lang ako nakakita ng nawalan pero parang chill lang! Ako nga nagasgasan lang ang motor para na akong mababaliw!

"Umayos ka nga?!" Inis na ani ko ng makitang may iba sa pagkakatitig niya sa akin.

"Maayos naman ako, ah?" He said innocently while pursing lips. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagpipigil nang ngiti.

"Wala akong oras sa mga laro mo," I shooked my head and was about to stood up.

"Huhulihin ko na nga sana 'yong magnanakaw pero galit e." He pouted.

I grimaced at him. I saw him scratching his hair like a poor little boy.

"Edi pwersahin mo!? Lalaki ka naman, kaya mo naman sigurong kalabanin kung sino 'yan," napasimangot ako. "Kung ayaw mong magpatulong sa mga awtoridad edi huwag, hindi naman ako ang nawalan." I rolled my eyes and stood up, hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay natigilan na ako ng nagsalita siya.

"See? 'Yong magnanakaw pa ang may ganang magalit." He tsked.

Namilog ang mga mata ko at parang kidlat na napaharap ulit sa kaniya. Tumawa siya at umupo sa bench na kinauupuan ko.

"Mamaya ka na muna umalis, Miss Police," he tapped the space beside him. "Upo ka muna."

I scoffed and licked the insides of my cheeks. I crossed my arms over my chest. "Pinagbibintangan mo ba akong magnanakaw?"

Inosente siyang napatingin sa akin. "H-Ha?" Napatawa siya. "Hindi, ah."

"Alam mo?" Pinamewangan ko siya. "Puro ka kalokohan."

He chuckled. "Hindi mo naman alam kung ano ang ninakaw sa akin," he winked. "Upo ka nga muna, ang tamlay mo e. Ngayon lang ako nakakita ng matamlay na dragon."

Sinipa ko ang paa niya dahilan ng malakas niyang pagdaing. Mangiyak pa siya habang dinudungaw ang paa na nasipa ko. Umiingos pa na parang bata.

"Ang OA mo," umikot lamang ang mata ko sa ere. Umupo ako sa tabi niya pero hindi naman masyadong malapit.

"Ano ba 'yan?! Parang dumbbell naman 'yang paa mo?!" Reklamo niya habang nakayuko at hinahaplos ang kaniyang paa na nasipa ko.

Hindi ko na siya sinagot pa. Kasabay ng pagtahimik ko ay ang pag-ingay naman ng kuliglig sa paligid. Sa pangalawang pagkakataon... nakalimutan ko na naman ang problema ko sa pamilya ko. Paano kaya naging temporary eraser ang lalaking 'to?

"Don't wait for me to drag you out!"

"Get out! Now!"

Napayuko ako kasabay ng pagnginig ng labi. Damn. Naalala ko na naman. Kapag si Papa na talaga ang galit bigla bigla na lang akong nanghihina. I bit my lower lip to stopped my emotions. Kasama ko pa naman si Chrispher, ayaw kong makita niya ang ibang side ko. I don't know, but I have a bad feeling. I turned sideways to wipe away my tears.

"There are times that you need to show your weakness to others who's close to you. It's a best medicine to cure away the pain..." He whispered, enough for me to hear.

Dahan dahan akong napabaling sa kaniya. Nakita ko siyang nakahilig at nakatingala sa kalangitan. His adams apple moved sexily. Ang kulay maroon na v-neck shirt niya at khaki shorts ay sobrang nagpatingkad sa kaniyang pangangatawan. His masculine body built fit perfectly with his shirt.

"Para sa akin mas magandang umiyak ng may kasama, kesa sa umiyak na mag-isa." He moved his head sideways to met mine. He smiled. "I can be your living handsome handkerchief if you want to."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga salita niyang 'yon. Sabayan pa ng titig niyang maraming gustong sabihin at napakasarap titigan. Napalunok ako dahil sa naiisip.

Okay lang ba na hayaan ko muna ang sarili ko? Dahil pakiramdam ko nga ay hindi ko kakayanin kung mag-isa lang ako ngayon.

"W-why are you doing this?" My voice shuffled.

Bahala na kung sabihin niyang assuming ako pero hindi ako manhid. I'm not naive for this thing! Sa mga galawan niya ay alam kong may pahiwatig. Hindi ko man maamin sa sarili minsan ay hindi ko lang talaga mapigilang mapatanong. Kung ano man ang sabihin niya ay wala na akong pakealam. Mapahiya na o ano basta ay may mapatunayan lang ako. I need to stopped this feeling within me, bago pa ako malunod at masaktan. Dahil hindi ito pwede, dahil alam kong may tinatago siya sa akin na hindi niya masabi-sabi.

He gulped nervously. "Because..." He stopped and moved slowly beside me. Halos mapaigtad pa ako ng maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan kahit na hindi pa man talaga siya ganoon kalapit sa akin. Gaspin' for air I remained looking at his sparkling eyes.

"I never see you as my friend, Ren."

Hindi ako agad nakahinga. Namimilog ang mga mata ko habang nanatiling nakatitig sa kaniya. Umalon ang kaniyang adams apple bago niya binitawan ang mga salitang halos magpayanig ng buong mundo ko.

"Gusto kita... Miss Police."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro